Professional Documents
Culture Documents
Ricky Lee Speech Honoris Causa
Ricky Lee Speech Honoris Causa
Ricky Lee Speech Honoris Causa
Perhaps the most accomplished and most admired screenwriter in the country,
Ricardo “Ricky” Lee, at 72, finally got to wear a graduation toga in a commencement
exercise at the Philippine International Convention Center, Wednesday. The
Polytechnic University of the Philippines awarded Lee with a Doctorate in Humanities
Honoris Causa. “Akala ko di na ako gagraduate. Ilang dekada ko rin itong
hinintay,” the writer said in the beginning of his speech in front of a crowd of around
3,000. “Masasabi ko na ngayong graduate na ako. Nakatoga pa.”
While it was at the University of the Philippines Diliman that he began his college
studies—he never completed it because Martial Law was declared and he went
underground full-time— Lee considers PUP his second alma mater. For many years,
he wasn’t able to fulfill his childhood dream of being a teacher because he didn’t
have a degree. This frustration, however, would urge him to hold his free
scriptwriting workshops which have trained many screenwriters since 1982.
Lee swearing in. He was awarded Doctorate of Humanities Honoris Causa by the PUP.
At the ceremonies, he was joined by people closest to him, among them his son
Kiko; his best friends Chanda Romero and director Rahyan Carlos; and his
assistants Jerry and Ram. He acknowledged them in a moving speech that detailed
his many challenges when he was still a working student in Manila, a poor bagong
salta from Bicol. Before joining the movies (one of the early screenplays he wrote
was Jaguar, a collab with Jose “Pete” Lacaba”), Lee was a waiter in a pizza parlor, a
salesman, an accounting clerk, “at kung ano-ano pa.”There was a time, he says,
when he was so poor, he would black out from hunger. From these hardships, he
was able to handle the complications of success.
“Maraming mga okasyong gaya noon na bumabagsak ako. Iyon bang parang
madilim at wala nang pag-asa ang lahat,” he said in his speech. “Iniisip ko lang ang
kulang na silya sa apartment at lumalakas na uli ang loob ko, nakakabangon uli
ako.”
Lee gladly shared the transcript of his full speech to us and we couldn’t be happier to
share it with you.
Mahalaga sa akin ang edukasyon. Noong grumaduate ako ng high school sa Daet
sa Bicol, lumayas ako sa mga nag-ampon sa akin dahil hindi nila ako kayang pag-
aralin sa college dito sa Maynila.
Bata pa pangarap ko nang makapagturo. Pero hindi puwede dahil wala akong
degree. Kaya nagpa-workshop ako sa bahay ko nang libre mula noong 1982. Tapos
sinubukan kong mag-apply sa UP sa Filipino Department dahil naisip ko, total
ginagamit naman nila ang short stories ko sa kanilang mga subject…
Noong 1986, kinuha ako ng Ateneo maski wala akong degree. Di nagtagal ay
sumunod ang UP Mascom Department. Noong huli ay kinuha na rin ako ng Filipino
Department sa UP.
Kung noon ako grumaduate sa halip na ngayon, ano ang maipapayo ko sa sarili ko
bilang isang bagong graduate na haharap na sa mundo? Tatlong bagay.
Nang lumayas ako sa Daet noon at sumakay ng bus papuntang Maynila, may
kasama akong apat na kaklaseng puro mahihirap din. Hindi namin alam kung saan
kami titira, kung ano ang magiging trabaho namin, kung ano ang naghihintay na
kapalaran sa amin. Ang alam lang namin, punung-puno kami ng mga pangarap.
Di nagtagal nagtrabaho sa pabrika ng payong ang tatlo sa amin. Kami naman ng isa
ko pang kasama ay naging waiter sa isang pizza parlor sa Pasay. Umarkila kami ng
maliit na apartment. Aapat lang ang silya namin kaya kapag kumakain kami ay
laging may isang nakatayo.
Working student ako all throughout college. Nag-salesman ako, accounting clerk,
tutor, student assistant, proofreader at kung anu-ano pa. Tinanggap ko na, na sa
buhay na ito ay laging hindi kompleto ang silya. Hindi nakaabang ang mundo para
ibigay sa'yo ang lahat ng kailangan mo. Hindi ka entitled. You have to be
resourceful. You have to work hard. Kailangan mong pagtrabahuhan ang kulang na
silya.
May panahon noon na buong araw akong nagtatrabaho sa isang factory sa Del
Monte, tapos mag-aaral ako sa gabi sa Lyceum. Para makapagtipid ay hindi ako
kumakain ng hapunan, at bandang mga alas nuwebe ng gabi ay nilalakad ko lang
pauwi mulang Lyceum hanggang Aranque kung saan nakikitira ako doon sa mag-
asawang Bikolano. Minsan ay hinimatay ako sa gutom sa Avenida. Mga five minutes
siguro akong nag-black out bago ako nagkamalay.
Maraming mga okasyong gaya noon na bumabagsak ako. Iyon bang parang madilim
at wala nang pag-asa ang lahat. Iniisip ko lang ang kulang na silya sa apartment at
lumalakas na uli ang loob ko, nakakabangon uli ako.
ka, pupunahin, ikukumpara lagi sa iba pa. Mag-eexpect sila ng kung ano-ano mula
sa'yo, na karamihan naman ay hindi na reasonable. Kung anu-ano ang gagawin
sa'yo ng mundo upang ipakita lagi sa'yo na you don't measure up, kulang ka.
Hayaan mo sila. Just keep working hard. Ipaglaban mo ang mga pangarap mo.
Hindi baleng mabigo ka na ipinaglalaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka
nang hindi man lamang dahil sa mga ito.
At kahit mabigo ka, huwag kang mag-alala. Hindi iyan ang sukatan ng worth mo
bilang tao. Hindi mo kailangang maging perpekto. Hindi mo kailangang labanan ang
sarili mo, o pantayan ang iba. You are never worthless. Just be yourself. Langoy
lang nang langoy, lipad lang. Bawat graduation ay pag-iwan kaya lumayas ka,
putulin mo ang tali, iwanan mo ang nakagawian, pumalaot ka. Huwag kang matakot
magkamali. Di baleng malunod. Di baleng mahulog. Kapag bumagsak ka, doon mo
mas mahahanap ang sarili mo. Sa paulit-ulit na pagkabigo ay mas matututo ka. Para
kang sinusulat na nobela na kailangang paulit-ulit na i-revise. Hanggang sa
kuminang.
ata pa ay may inferiority complex na ako. Maaga akong naulila, sakitin, clumsy at
makakalimutin, walang sense of direction. Kanina nga nang papunta kami dito nina
Chanda (Romero), tapos ang dami-dami kong nakitang graduates—ngayon lang ako
nakakita ng ganito kadaming graduates, ang gulu-gulo ng sitwasyon—sabi ko sa
assistant kong si Jerry, siguraduhin n'yo 'yung papasukan nating hall, baka mamaya
mag-speech ako sa maling graduation. At ang sagot ni Chanda do'n, ‘Oo nga, Ricky,
I won't be surprised kung gawin mo 'yun!’ Kasi up to now I make that mistake. I enter
the wrong car.
So may inferiority complex ako bata pa. Weird ang tingin nila sa akin. Lagi kong
ikinukumpara ang sarili sa iba. Ba't ang dami nilang nagagawa na hindi ko magawa?
Ano ang kulang sa akin?
Lumaki akong laging gano'n. Kaya ang ginawa ko nagsikap ako. Nag-aral akong
mabuti para maging First honor ako mula Grade 1 hanggang Fourth Year. Sa UP rin
university scholar ako maski di ako nakatapos. Nag-aral talaga akong mabuti para
labanan ang inferiority complex ko.
Later on ko na lang natutunan, na kung saan ka mahina, kung anuman ang mga
depekto mo, balang araw iyon din ang magiging strength mo. Kasi ang strength,
kapag nanggaling sa depekto, mas matibay. Dahil nakita mo ang ibaba, mas
naiintindihan mo ang itaas. Dahil nanggaling ka sa dilim, mas natatanggap mo na
ang buhay ay hindi puro liwanag.
Kung nasaan man ako ngayon, kung anumang tagumpay ang meron ako ngayon,
matatag ang kinatatayuan ko kasi nakatuntong ako sa isang bundok ng mga
pagkakamali at mga pagkabigo.
Ikatlo at huling maipapayo ko, makisangkot ka. Ang buhay na hindi inilaan sa
kapakanan ng iba ay parang lantang gulay o bilasang isda na walang nakinabang.
'Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi 'yan para sa'yo.
But in the end I realized it was all worth it. Dahil wala nang sasarap pa kaysa sa
pakiramdam na hindi lahat ng ginawa mo ay para sa sarili mo lang.
Lagi nila akong tinatanong. Ba't ka nagbibigay ng libreng workshops mula pa noong
1982? Napakahirap at madalas ay napapabayaan ko ang mga personal kong
projects tuwing nagpapa-workshop ako. Pero hindi lang ang mga workshopper ko
ang natututo, natututo rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila at sa paunti-unti
nilang pag-unlad ay umuunlad din ako.
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n'yo sa akin. Di ko alam kung anong nagawa
kong kabutihan sa PUP para ibigay ninyo sa akin ito. Di ko alam kung paano kayo
pasasalamatan.
Di ko rin alam kung paano pasasalamatan lahat ang napakaraming taong tumulong
sa akin, mula doon sa matandang librarian sa Daet na lagi akong pinapahiram ng
libro maski nag-iimbentaryo sila o bumabagyo, hanggang sa mga teacher ko sa high
school na inihatid pa kami ng mga kaklase ko nang lumayas kami sa Bikol
papuntang Maynila, hanggang sa mga kaibigan ko at katrabaho at workshoppers at
pamilya na laging tumutulong sa akin. Maraming salamat sa kanila. At sa inyo ring
mga graduates, maraming maraming salamat.
Kaya ngayon sa pagtatapos n'yo, go out, celebrate, work hard para makompleto ang
silya, make mistakes, makisangkot ka, vote wisely. Hindi lang 'yun para sa
kinabukasan natin kundi kinabukasan din ng mga magiging anak n'yo. Ipaglaban mo
ang mga karapatan mo, write a story, hug your parents. Nagpagod silang lahat para
mapa-graduate kayo. Ako na working student, nakikita ko kung paano sinikap ng
mga parents n'yo na huwag kayong maging working student at makapag-focus kayo
sa pag-aaral. At kanina habang papasok ako dito, ang nakikita ko na grumaduate ay
hindi kayo kundi ang mga magulang n'yo. Gusto kong maiyak para sa kanila. So hug
your parents, listen to somebody else's heartbeat, join a rally, donate to a cause,
support your friend's dream, listen to the silence in the midst of chaos, persevere.
Congratulations!