Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1.

Alin sa sumusunod na ideolohiya ang itinuturing ni Marx at sinang-ayunan ni Asenjo na isang


A. kamalayang praktika
B. komunikasyon
C. pampublikong pagbigkas
D. wika
E. retorika

2. Ano ang kahulugan ng kamalayang praktika?


A. kaisipang naisakongkreto matapos ang mga pag-aaral.
B. kaalamang nailathala sa mga primarya at sekondaryang sanggunian.
C. kamalayang panlipunan gaya ng politika, ekonomiya, at siyensiya.
D. puwersa at elementong nagtutulak sa tao upang lumikha at makipag-ugnayan.

3. Alin sa sumusunod na ideyang nakalahad sa ibaba ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa teorya?
A. Ang teorya ay tumatalakay sa puro na katotohanan tungkol sa isang tiyak na paksa.
B. Ang anumang teorya ay hindi maaaring baguhin at isailalim sa bagong mga pag-aaral.
C. Ang mga teorya ay batay sa haka-haka ng mga indibidwal na nagtangkang magpaliwanag sa
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
D. Ang mga teorya ay naglalantad ng purong pananaliksik at hindi nahahaluan ng personal na haka-
haka ng sinomang indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag sa anomang bagay na naitala sa
kasaysayan.

4. Sang-ayon sa pagpapaliwanag ni Gleason, paano nagkakaroon ng relasyon/ugnayan ang kaisipan ng


tao at ang wika?
A. Pangkaraniwang nagsisimula sa wika ang anumang kaisipan ng tao.
B. Ito ay isang prosesong nagsisimula sa pagbuo ng kaisipan na tinutumbasan ng makabuluhang
mga tunog o wika.
C. Ito ay isang proseso na ang anumang ideya ng tao ay tinutumbasan ng anumang uri ng tunog,
makabuluhan man ito o hindi.
D. Magkasabay na nalilikha ang anumang kaisipan ng tao at anumang uri ng tunog.

5. Batay sa pagpapaliwanag ng Teoryang Ding-dong na kilala rin na Teoryang Natibistiko, paano


nagkaroon ng wika ang tao sa mundo?
A. Ipinaliliwanag ng teoryang ito na nagsimulang magkaroon ng wika ang tao sa pagbigay ngalan sa
mga bagay batay sa tunog na maririnig mula rito.
B. Ipinaliliwanag ng teroyang ito na nagkaroon ng wika ang mga tao dahil sa panggagaya sa mga
tunog sa kalikasan.
C. Ipinaliliwanag sa teoryang ito na nagsimulang magkaroon ng wika ang tao mula sa nalilikha
niyang mga tunog dahil sa matinding puwersa.
D. Ipinaliliwanag sa teoryang ito na nagmula ang wika ng tao mula sa mga tunog na nalilikha niya
mula sa matinding emosyon.
6. Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang tunog
na nalilikha ng isang babae o ginang kapag siya ay nagsisilang ng sanggol?
A. La-la
B. Yo-he-ho
C. Ta-ra-ram-boom-de-ay
D. Pooh-pooh

7. Ibigay ang angkop na pagkakatulad sang-ayon sa unang nakasaad na analohiya:


Boom ganda! (Tagalog Rizal): Teoryang Pooh-Pooh
Bangui, ritwal ng mga Mangyan. (Mangyan Iplaongan) : _
A. La-la
B. Ta-ra-ram-boom-de-ay
C. Ta-ta
D. Pooh-pooh

8. Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika nabibilang ang tunog
na nalilikha ng reaksiyon sa buhos ng ulan, kulog, at hangin?
A. Pooh-pooh
B. Ta-ra-ram-boom-de-ay
C. Yo-he-ho
D. Ding-dong
9. Alin sa sumusunod ang hindi konkretong halimbawa ng Teoryang Bow-wow?
A. tunog ng pagpatak ng ulan
B. tunog ng kulog
C. ingay na nalilikha ng lagasgas ng tubig sa ilog
D. tunog ng relo/orasan

10. Batay sa binabanggit sa Bibliya, bakit hindi nagustuhan ng Diyos ang pagtatatag ng tore na
nagbunsod ng pag-iiba-iba ng wika ng tao sa daigdig noon?
A. sa kadahilanang maaari itong magbunsod ng hindi pagkakaunawaan sa hinaharap at susunod na
salinlahi
B. sa kadahilanang iilan lamang ang higit na makikinabang kung sakali mang matapos ang
pagtatatag ng nasbaing tore
C. sapagkat nagpapakita ito ng labis na kapangahasan ng tao
D. sapagkat ipinagpapalagay na nainggit ang Diyos sa ginawa na pagtatatag ng tore

11. Ano ang isang dalubwika?


A. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa medisina
B. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika
C. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa sining
D. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa literatura
12. Ano ang isa sa mga gawain ng dalubwika?
A. nag-aaral ng paggamit ng hayop ng komunikasyon
B. nag-aaral ng ugnayan ng tao sa lipunan
C. nag-aaral ng ugnayan ng wika sa lipunan
D. nag-aaral ng ugnayan ng lipunan at kultura

13. Ang namayapang si Bro. Andrew Gonzalez, FSC ay dating _.


A. Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura
B. Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
C. Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas
D. Dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino

14. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng limang kalikasan ng wika?


A. Ang wika ay arbitraryo.
B. Ang wika ay bahagi ng kultura.
C. Ang wika ay masistemang balangkas.
D. Ang wika ay ginagamit din ng hayop.

15. Alin sa sumusunod ang kahawig na pagpapakahulugan sa depinisyon ni Henry A. Gleason Jr. sa wika?
A. Ang wika ay mahalagang komponent ng komunikasyon na ginagamit ng lahat ng tao.
B. Ang wika ay balangkas ng grammar na arbitraryo ang pagkakaayos upang gamitin ng isang taong
may kultura para sa komunikasyon.
C. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
D. Ang wika ay ginagamit ng tao para sa komunikasyon.

16. Bakit nagbabago-bago ang kahulugan ng salita sa isang wika?


A. naiiba sa paggamit depende sa panahon, konteksto, at nagsasalita
B. naiiba sa paggamit depende sa kagustuhan, kawilihan, at inaasal
C. naiiba sa paggamit depende sa kasarian, paboritong wika, at kinawiwilihang kausap
D. naiiba sa paggamit depende sa espasyo, kausap, at pinasukang paaralan

17. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasabi na ang wika ay repleksiyon ng kulturang Pilipino?
A. Marami tayong tawag sa snow sa wikang Filipino.
B. Marami tayong tawag sa iba’t ibang butil ng bigas na iba iba rin ang pangalan.
C. Maraming pangalan ang iba’t ibang endemikong uri ng tigre sa Palawan.
D. Marami tayong iba’t ibang uri ng patatas na iba’t iba ang pangalan.

18. Alin ang mali sa pagpapakahulugan sa wika sa kahulugan sa ibaba?


Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na maayos, na ginagamit ng tao, na bahagi ng
isang kultura sa komunikasyon.
A. ang wika ay masistemang balangkas
B. ng sinasalitang tunog na maayos
C. para magamit ng tao
D. na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon

19. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagkakabuo ng wika batay sa gramatika.


A. titik --> tunog --> pantig --> salita --> pangungusap --> parirala
B. salita --> titik --> tunog --> pantig --> pangungusap
C. tunog --> titik --> pantig --> salita --> parirala --> pangungusap
D. pangungusap --> parirala --> salita --> pantig --> titik --> tunog

20. Ano ang magpapaliwanag sa pagkakaroon ng magkaibang kahulugan ng salitang "pagpag?" Tingnan
ang salita sa ibaba:
Pagpag:
1. pagtanggal ng dumi
2. pagkaing tira-tira mula sa mga restawran
A. pagbabago ng kahulugan batay sa panahon
B. pagbabago batay sa gumagamit/tao
C. pagbabago batay sa espasyo
D. pagbabago batay sa paraan ng pagsasalita

21. Kung ang pagbabago-bago ng isang wika ay batay sa heograpikal na kondisyon ng isang lugar, ito ay
tinatawag na _.
A. dayalek
B. sosyolek
C. idyolek
D. ekolek

22. Kung ang pagbabago sa wika ay dahil sa katangiang panlipunan, ito ay tinatawag na _.
A. dayalek
B. sosyolek
C. idyolek
D. ekolek

23. Sinasabing mayroong pagkakaiba sa paggamit ng wika ang bawat tao at ito ay tinatawag na _.
A. dayalek
B. sosyolek
C. idyolek
D. etnolek

24. Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa sitwasyon:


Magkasama sa dormitoryo sina Bertha at Rein. Taga-Mulanay, Quezon si Bertha at taga-Las Piñas naman
si Rein. Minsan, nagkasundo silang magluto ng masarap na hapunan. Inayos na ni Bertha ang lahat ng
sangkap at handa na para isalang. Ang sabi niya kay Rein “Rein, ayos na lahat ng sahog niyan,
pakisaplang nalang yung kaserola.” Hindi naintindihan ni Rein ang salitang saplang na ginamit ni Bertha.
A. dayalek
B. sosyolek
C. idyolek
D. ekolek

25. Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa sitwasyon:


Minsan, narinig ni aling Puring na kumakanta ang kaniyang baklang bunsong anak. Nagtaka siya kung
anong kanta ang inaawit ng anak sapagkat hindi niya ito maintindihan ngunit pamilyar naman ang tono.
Tinanong niya ang kaniyang anak kung anong kanta ito. Ang sabi ng anak ay Bahay Kubo raw ang
kaniyang kinakanta sabay paghimok sa kaniyang nanay na mag-duet daw sila.
“Balur kyubey kyohit jutay, ang julamster donchi at kyori, kyori, vongkamas at shulong….”
Hindi nagawang makipag-duet ng nanay sapagkat hindi niya alam ang mga salitang binibigkas ng
kaniyang anak.
A. dayalekto
B. sosyolek
C. idyolek
D. ekolek

26. Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa sitwasyon:


Magkapatid sina Emman at Lemuel, ngunit mayroong pagkakaiba sa paraan ng kanilang pagbigkas sa
ilang salita gaya halimbawa ng salitang namihasa. Ang bigkas dito ni Emman ay mabagal samantalang
may diin naman sa dulo ng salita ang pagbigkas dito ni Lemuel.

A. dayalekto
B. sosyolek
C. idyolek
D. etnolek

27. Tukuyin kung anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa sitwasyon:


Mabait si Kardo, responsableng asawa at magulang. Ngunit, sa tuwing siya ay nagkukuwento ay
bukambibig niya ang “anak ng pating.” Binibigkas niya ito nang malakas na tila mayroong kaaway gaya
ng pagbigkas ng mga kasamahan niyang drayber ng dyipni.
dayalekto
sosyolek
idyolek
ekolek

28. Ang sumusunod ay sosyolek ng isang pangkat maliban lamang sa isa. Alin ito?
A. Kosa, may yosi ka ba diyan?
B. Ang developmental linguistics ay tumutukoy sa yugto ng pagkatutong magsalita.
C. Entrabella, ang chabelitang chiquitong churchill, jolakpakan!
D. Kaogmahan kong mamidbidan ka.

29. Ang sumusunod ay dayalek ng isang lugar maliban lamang sa isa. Alin ito?
A. Dios marhay na aldaw.
B. Performance artist ang peg.
C. Nakasabot ko.
D. Nahigugma ako sa imo.
30. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng idyolek?
A. Sa tuwing nagsasalita si Ayman ay hindi siya maintindihan sapagkat parang kinakain niya ang
bawat salitang binibigkas.
B. Nagkakaunawaan sina Diva at Vida sa kanilang mga pinag-uusapan sapagkat pareho silang mga
bakla.
C. Sinaway ni aling Marta na isang Quezonian ang kaniyang anak na huwag maglandi ng tubig.
D. Ipinapaliwanag ni Dr. Marquez ang mga komplikasyong hatid ng diabetes.

31. Ano ang wikang panturo?


A. Ang wikang panturo ang (mga) wikang pambansa natin.
B. Ang wikang panturo ang (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa
edukasyon.
C. Ang wikang panturo ang (mga) wikang opisyal natin.
D. Ang wikang panturo ang (mga) wikang pamana.

32. Ano ang batas na nagsasaad na Filipino at Ingles ang wikang panturo?
A. DepED Order 79, series of 2009
B. Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
C. DepED Order 31, series of 2012
D. Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Konstitusyon ng 1987

33. Kailan unang nabuo ang konsepto ng pagkakaroon ng wikang panturo?


A. Panahon ng Amerikano
B. Ikatlong Republika
C. Panahon ng Komonwelt
D. Panahon ng Hapones

34. Ano ang pagkakaiba ng Artikulo XIV Seksiyon 6 at DepED Order 31, series of 2012 sa usapin ng
wikang panturo?
A. pagtukoy sa mother tongue bilang wikang panturo
B. pagtukoy sa Ingles bilang wikang panturo
C. pagtukoy sa Filipino bilang wikang panturo
D. pagtukoy sa Espanyol bilang wikang panturo
35. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng wikang panturo?
A. Ang wikang panturo ay esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili.
B. Ang wikang panturo ay paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang ibang bansa.
C. Ang wikang panturo ay daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa
pagkatuto.
D. Ang wikang panturo ay tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral at guro.

36. Alin sa sumusunod na wika ang hindi matatagpuan sa Luzon?


A. Bikol
B. Ivatan
C. Akeanon
D. Ibanag

37. Kung magtatanong ka tungkol sa unang wika ng isang batang Aeta, ano ang aasahan mong sagot?
A. Sambal
B. Kiniray-a
C. Tausug
D. Maguindanaoan

38. Ang Sambal ang wikang sinasalita ng mga katutubong Aeta sa Zambales.
Basahin ang sitwasyon sa ibaba:
Si Mattie ay nakatira sa Camarines Sur at nasa ikalawang baitang na siya. Mag-aaral siya ng agham.
Anong wika ang gagamitin niya?
A. Bikol
B. English
C. Filipino
D. Waray

39. Basahin ang sitwasyon sa ibaba:


Si Reginald ay nakatira sa Bohol at nasa ikaanim na baitang na. Mag-aaral siya ng matematika. Anong
wika ang gagamitin niya?
A. Cebuano
B. Filipino
C. Kiniray-a
D. English

40. Kung hindi naisabatas ang Department Order 31, series of 2012, ano ang wikang panturo sa
kasalukuyan?
A. magkakaroon pa rin ng paggamit ng unang wika bilang wikang panturo
B. mananatili ang Filipino at English bilang wikang panturo
C. magiging English lang ang wikang panturo
D. magiging Filipino lang ang wikang panturo
41. Ayon kay Lev Vygotsky, ano ang may mahalagang papel sa pag-unlad ng katalinuhan o kakayahan ng
tao na makinabang sa pagtuturo?
A. kultura
B. paaralan
C. relihiyon
D. wika

42. Ano ang tawag sa malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan?
A. monolingguwalismo
B. bilingguwalismo
C. trilingguwalismo
D. multilingguwalismo
43. Ayon sa pahayag ng UNESCO noong 2003, ano pa ang dapat pangalagaan at bigyang proteksyon
bukod sa mutilingguwalismo at lingguwistikong pagkakaiba-iba?
A. mga katutubong wika
B. mga internasyonal na wika
C. mga wikang pambansa
D. mga wikang nanganganib nang mawala

44. Ano ang tawag sa wikang natutuhan ng isang tao simula pagkabata na ginagamit niya higit sa iba
pang wika at kung saan siya naging bihasa?
A. mother tongue
B. wikang global
C. pangalawang wika
D. pangatlong wika

45. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bilingguwalismo?


A. paggamit ng Filipino at Ingles sa pagtuturo ng mga konsepto sa agham at matematika
B. paggamit ng Ingles sa pagtuturo ng kasaysayan at panitikan
C. paggamit ng Hiligaynon sa pagtuturo ng Ingles
D. paggamit ng Cebuano, Filipino, at Ingles sa pagtuturo ng Edukasyon sa pagpapahalaga

46. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng multilingguwalismo?


A. Itinuturo ni Hannah ang kasaysayan sa wikang Waray-waray, Filipino, at Ingles kung
kinakailangan.
B. Itinuturo ni Martha ang panitikan sa wikang Ingles.
C. Itinuturo ni Jona ang matematika sa wikang Ilokano.
D. Itinuturo ni Gemma ang agham sa mga wikang Filipino at Ingles.
47. Kung ipinanganak at lumaki sa Albay si Katrina, sa anong wika dapat ituro ang mga asignatura niya sa
unang baitang sa eskuwelahan, ayon sa patakarang multilingguwal?
A. Filipino
B. Bikol
C. Ingles
D. Ilokano
48. Alin sa sumusunod ang tama kaugnay sa ipinatupad na bilingguwal na patakaran sa edukasyon sa
UP?
A. Maaaring ituro ang pisika sa Filipino.
B. Sa Ingles lamang dapat ituro ang matematika.
C. Maaaring gamitin pareho ang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan.
D. Maaaring ituro sa Filipino ang kimika o chemistry.

49. Nagharap si Rizza ng papel tungkol sa Marine Science na nakasulat sa Filipino sa isang pambansang
kumperensiya. Sa aling layunin ng bilingguwal na patakaran ng edukasyon ito maiuugnay?
A. mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa
B. mapayabong ang Filipino bilang wika sa mga diskursong pang-iskolar tungo sa
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa
C. maisulong ang Filipino bilang internasyonal na wika
D. mapahina ang Ingles bilang wikang panturo sa Pilipinas

50. Alin sa sumusunod ang makapagpapatunay na nagtagumpay ang multilingguwal na edukasyon sa


layunin nito?
A. Higit na nakilala ng mga tao ang kanilang sariling identidad.
B. Naihanda ang mga tao sa pakikilahok sa pambansa at internasyonal na mga gawain.
C. Nalinang ang wikang pambansa at mga rehiyonal na wika.
D. Itinakwil ang paggamit ng Ingles sa kabuuan.

You might also like