Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

batay sa katangian ng panitikan at ang panganib ng pagsasalin

maisasakauparan bang lubos ang Republic act 1425? bakito


bakit hindi
hindi?

Maraming mga tao ang nkarinig na ng Republic Act 1425 o mas


kinikilalang Batas Rizal, ngunit, alam nga ba talaga natin kung
ano nilalaman nito? Ano ang mga pinagdaan ng mga tao para
lang maipatupad ang batas na ito? Sa pagbabasa ng blog na ito,
masmaiintindihan natin ang tungkol sa bats na ito at paano ito
nipatupad. Dito rin masasagot ang mga taonong kung ano nga
ba ang kahalagahan ng batas na ito sa atin at kung anu ano ang
mga argyumento sa batas na ito.

Ang unang unang tanong na dapat natin maisagot ay kung ano


nga ba talaga ang mga nilalaman ng batas na ito. Sa sobrang
haba ng nilalaman ng batas na ito, maari natin itong
isummaraze ng isang maikling talata. Ang Republic Act No.
1425, mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal, ay inaprubahan
noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong ito ay tinatawag pang
House Bill No. 5561 at Senate Bill No. 438. Ito ay nagsasalaysay
ng pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pampubliko,
pribado, kolehiyo at mga unibersidad ang kurso tungkol sa
buhay, mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang
mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, na
pinapahanitulutan ang pagpapalimbag at pamamahagi ng mga
nabanggit sa itaas at para sa iba pang layunin. Ang mga may
“exception” sa batas na ito ay ang pagbasa lamang ng
“abridged version” ng mga nobelang ito ng mga dayuhan na
nag aaral sa bansa. Kung ikaw ay isang Pilipino, kinakailangan
mong pagaralan ang buong bersyon ng mga nobelang ito.

Upang masmaintindihan ang kahalagahan ng batan na ito,


kailangan rin nating malaman kung anu ano ang mga layunin ng
batas na ito kaya ito naipatupad. Ito lamang ang iba sa mga
layunin ng batas na ito:

– Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong


bayan, lalo na ng mga kabataang Pilipino ang naging buhay, at
karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila.
– Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng
kanilang sariling simulain ng kalayaan at pagiging nasyonalismo
na binigyang halaga ng ating mga bayani.

– Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan


ng bawat mamamayang Pilipino upang maipamana at
maisaalaala ng mga kabataan ng susunod na henereasyon.

– Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang


bayani, na si Dr. Jose Rizal at ipaalala sa bawat Pilipino ang
kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang
kanyang buhay, mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo”, ay magsisilbing inspirasyon sa
kaisipan ng bawat pilipino upang magkakaroon ng pagmamahal
sa bayan.

Noong hindi pa batas ng RA 1425, maraming mga kontrobersya


na lumibot sa isyung ito. Naglaban dito ang iba’t ibang mga
kilalalang mga tauhan sa panahong ito kung kaya’t naging
mainit ang pagdedbatehan ng batas na ito. Ilan lang ang mga
sumunod sa mmga sumuporta at tumanggi sa RA 1425.
PRO:

– Claro M. Recto: Pinaglaban niya upang maipatupad ang bill.

– Jose P. Laurel: Kasama ni Recto na ipinaglaban ang batas


upang maipatubad ito.

– Emilio Aguinaldo: Kasama ni Recto at Laurel na ipinaglaban


ang batas upang maipatubad ito.

– The Spirit of 1896, Alagad Ni Rizal, Freemasons, Booklovers


Society, Philippine Public Scool Teachers Association: mga
organisasyong sumuporta kanina Recto at Laurel upang
maipatupad ang batas.

– Fidel V. Ramos: Memorandum niya – mas pinapatibay ang


pagpapatupad sa RA1425.
CON:

– Archbishop Santos, Sen Tanada, Quitin Paredes, Sen. Rodrigo,


Sen. Rosales: Ayaw ng simbahan na gawin required na reading
materials ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal dahil
anti-churh ang mga nilalaman nito. Hindi rin nitatanggap ng
simbahan na pwedeng gawing inspiration ng mga kabataan ang
mga libro. Kapag binasa ng Catholic ang isang uncensored
version, siya ay papatawan ng heresy.

Ngayon ay alam natin ang tungkol sa batas Rizal, sa pagaaral


nito, may mga nakuha akong mga input na puwede nating
idagdag o ibago sa batas na ito. Ang “exemption” sa R.A. 1425
ay maaring tanggalin sa kadahilanang, wala namang masamang
epekto ang mga sulatin ni Rizal sa pananampalataya ng tao. O
kung hindi man tanggalin, huwag nang ipakuha sa mga
Pilipinong estudyanteng “foreigners” ang mismong kurso at sa
halip ay papiliin sila ng alternatibong klase. Ito ay dahil hindi
natin dapat pilitin sa kanila kung ang mga paniniwala nila ay iba
dahil lang nag-aral sila sa Pilipinas. Isa rin sa mga dahilan ay
dahil pwede silang pumili ng klase, kung gugustuhin nila,
puwede pa rin nila kunin ang klaseng ito kung ginugusto nila.
Kapag pinagisipan natin ng mabuti ang batas na ito,
masmaraming mga masmagagandang epekto sa bansa natin
kapag patuloy natin ipatupad ang batas na ito. Pagisipan mo,
kung mawala ang batas na ito, iilan lang ito sa mga maaaring
mangyari sa bansa natin. Ang maaring unang resulta ay ang
pagkawala ng trabaho ng mga guro sa mga Pilipinong kurso.
Ikalawa, maaring tuluyan ng makalimutan ng mga Pilipino ang
kabayanihan at mga aral ni Rizal. Ikatlo, maaring lubusang
bumaba ang nasyonalismo ng mga Pilipino. Base lang dito,
nakikita na natin na masmaganda kung patuloy na ipatupad
natin ang batas na ito.

Base na rin sa napagkunan ko ng impormasyon, hindi na ito


dapat pag-aralan, dahil hindi na ito gaanong tinatangkilik ng
mga mag-aaral ngayon lalo na iyong mga mag-aaral sa kolehiyo.
Lagi nilang inuusisa kung ano nga ba ang halaga ng pag-aaral ng
buhay ni Rizal at ng kanyang mga nagawa sa kani-kanilang
napiling larangan. Sinasabi nila na ito ay pag-aaksaya lamang ng
oras at pera. Ngunit sa kabilang banda, nararapat nga lang
naman na ating gunitain at pag-aralan ang kagitingan ng ating
pambansang bayani. Hindi natin dapat kaligtaan ang nagawa
nyang kabutihan sa bayan – napalaya niya tayo sa mga
manunupil. Kailangan pa rin talagang pag-aralan dahil bahagi na
ito ng ating kasaysayan. Nagpapatunay na kailangan pa rin natin
itong pag-aralan dahil ito ay kabilang sa mga batas na
ipinatupad; layunin ng batas na ito na dapat lahat ng mga
eskuwelahan sa buong pilipinas ay mayroong mga libro at mga
nagawa ni Rizal. Dapat natin siyang gawing simbolo ng ating
kalayaan. Ang pag-aaral sa kanya ay para na ring
pagpapasalamat sa nagawa niyang kabutihan.
Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal
ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan
ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay
noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga
umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag
itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong.
Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa
Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi
makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas
na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may
marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si
Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga
kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na
ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.

RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON


Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na
ito ay muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga
susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o
pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat
ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila na si Rizal
ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga
kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan
si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang
mga ginawa para sa bayan.

BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL


Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na
ito dahil sa malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko.
Naniniwala ang simbahan at ang mga mambabatas na pumanig
sa kanila na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga
pahayag na laban sa simbahan. Ayon sa kanila, ang sinumang
makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay maaaring
mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo
ng simbahan.Iba’t ibang taktika ang ginamit nila upang takutin
ang mga nagtataguyod sa batas na ito. Nariyang magsasara daw
ang lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa oras na
maipatupad ito at hindi daw makakaasa ng suporta mula sa
mga katoliko ang mga nagtaguyod nito sa mga susunod na
halalan. Ngunit kaparis ng RH Bill, naipatupad ang Batas Rizal sa
kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan

BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON


Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas
Rizal. Ngunit nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga
ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga
adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na
pagtingin, masasabi nating naging matagumpay ito, dahil sa
halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may bantayog si Rizal.
Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating pambansang
bayani. Madalas din nating gamitin ang mga salitang iniwan
niya, katulad ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-asa
ng bayan.”

Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging


matagumpay lamang ang batas na ito na gawing pambansang
simbolo si Rizal, na halos walang pinagkaiba sa kalabaw at
sampaguita. Ngunit sa puso ng maraming Pilipino, diwang
busabos pa rin ang naghahari. Sa katunayan wikang banyaga pa
nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng kursong ito dahil
ito ang nakasaad sa batas. Hindi ko nauunawaan ang lohika sa
likod nito (para kaya hindi ito lubusang maunawaan ng
karaniwan tao?). Nasaan ang nasyonalismo doon?
Aanhin naman natin kung alam natin ang mga detalye ukol sa
buhay ni Rizal, kung patuloy ang korapsyon ng ilan sa ating mga
lider at ang mga tao sa social media imbes na bigyang
inspirasyon ang isa’t isa sa diwang Pilipino ay minumura naman
ang isa’t isa? Tayo pa ba ang Pilipinas na pinangarap ni Rizal?

RA 1425, mas kilala bilang Rizal law, batas na nagtatakda sa


asignaturang magtuturo ng buhay at mga akda ni Jose Rizal, ang
pambansang bayani ng Pilipinas, sa mga matataas na paaralan o
kolehiyo na nasasakupan ng bansang Pilipinas. Sa
pagpapatupad ng naturang batas, may mga isyu at problemang
makikita tulad na lang ng panganib ng pagkakaiba ng
interprestasyon sa mga akda ng bayani sa kadahilanang ito ay
sinalin mula sa Espanyol tungo sa Ingles at Filipino.
Tunay ngang may dalang kapanganiban sa pakahulugan ng mga
isunulat ni Rizal kung ito ay isasalin muna sa Espanyo tungong
Ingles o Filipino, marahil ay may mga konsepto at ideyang
magkulang o magbigay ng ibang kahulugan para sa mga
mambabasa dulot ng pagsasaling wika nito, subalit kung ito ay
hindi isasalin sa wikang Filipino o Ingles ay sa paanong paraan
maiintindihan ng mga Pilipino ay pinapahayag ng mga akda ni
Rizal na nakasulat sa wikang Espanyol? Mas mahihirapan tayo
kung ibabalik pa ang pagtuturo ng wikang Espanyol sa bawat
mag-aaral upang maintindihan ang mga akda ni Rizal kung ito
ay hindi isasalin sa ating alam na mga wika.

You might also like