Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hannah Francesca S. Estrella Grade 12- St.

Mark (Humss)

Pagsusuot ng Uniporme

Matagal ng pinagtatalunan ng mga mamamayan ng Pilipinas ang pagsusuot ng uniporme, o

simpleng pagsuot na lamang ng sibilyan ma kasuotan, at sa paglipas ng panahon mas lalong tumindi at

uminit ang mga pagtatalo ukol dito ng inilabas ng dating pangulo Gloria Macapagal arroyo ang kautusan

na tuluyang pagtanggal ng mandatoryang pangangailangan ng pagsuot ng uniporme sa mga pampublikong

paaralan. Sinundan naman ito ng isang suhestyon na tuluyan na daw itong ipapatanggal bilang pagsunod sa

DO No.45 na ipinatupad noon Hulyo 10, 2008. Pinabulaan naman ito ng samu't-saring opinyon mula sa

mga taong bayan, meroong mga sumasangayon at may ilang hindi na tuwa sa balitang ito

Ngunit kung ako ang tatanungin ang pagusuot ng uniporme ay higit na mahalaga sapagkat

prayoridad nito ang kaligtasan ng bawat magaaral, dahil dito madaling matutukoy ang pagkakakilanlan ng

isang indibidwal. Ang halimbawa na lamang nito ay pagsusuot ng "ID" na nagsasaad ng eskwelahan na

siyang pinagmulan ng isang estudyante, kanilang pangalan, mga pangalan ng magulang, tinitirahan, at

numero na maaring tawagan kung sakali mang na sangkot sila sa isang insidente o krimen. Ako ay

naniniwala na makakatulong ito upang mapadali ang mga imbestigasyon na siyang isasagawa upang

malutas ang isang kaso.

Isang karumaldumal na pangyayari noong buwan ng Enero, apat na taon ng naka lilipas ng

maranasan ng mga estudyante ng Unibersidad ng San Beda, matapos mapasok ng hindi pa rin nakikilalang

tao ang kanilang paaralan habang nasa kalagitnaan sila ng pagsasaya't pagdiriwang ng taonang "Frolics" o

pista ng Sto. Niño. Ayon sa balita madali daw naka pasok ang babaeng ito at naka pagnakaaw ng libo-libing

halaga ng mga ari-arian matapos nitong samatalahin ang pagkakataon na maluwag ang sekuridad ng

paaralan at ang lahat ng mga estudyane ay naka sibilyan na kasuotan tulad niya, isang dahilan kung bakit

madali siyang naka paglabas-pumasok ng walang ano mangpagdududa.


Hannah Francesca S. Estrella Grade 12- St. Mark (Humss)

Ito ay patunay ang pagsusuot ng kaswal na damit sa eskwelahan ay maaaring makapaglagay sa

panganib ng buhay ng mga estudyante. Isa namang pangyayari noong taong 2016 ang naka paggambala sa

mga mamamayan ng Batagas, matapos daw manaksak ang isang estudyante sa loob ng isang "convinience

store." Ayon sa paglalahad ng buong pangyayari, ang estudyante daw na ito ay nagmula pa sa isang

computer shop sakanilang lugar, mainit ang ulo sapagkat na talo sa kanilang pustahang laro na tila kaniyang

na ibutong sa kahera ng tindahan. Sumugod daw ito at marahas na pinatay ang biktima na nagtamo ng hindi

mabilang na saksak, ngunit mabuti na lamang at madaling na aksyonan ang kaso dahil ng isagawa niya ang

krimen siya ay naka uniporme pa kaya agad nilang na tukoy ang paaralan nito at kanilang na pag alaman

na matagak na daw itong hindi pumapasok.

Hindi man na datnan ng mga pulisya ang suspek sa paaralan na ituro naman nito ang kaniyang

bahay na tinitirhan, pinuntahan nila ito at hinuli. Laking pasasalamat naman ng pamilya ng biktima dahil

sa wakas ay matatahimik na rin ang kanilang mga damdamin sapagkat nakamit na nila ang hustisya na

inaasam, na bigyan na din ito ng karampatang parusa. Bilang konklusyon pinapatunayan lamang ng

pangyayari na ito na malaking tulong ang pagsusuot ng uniporme uoang maiwasan ng mga estudyante na

masangkot sa kahit anong krimen dahil bukod sa kaparusahan na kanilang maaring matamo ay bitbit din

nila ang pangalan at reputasyon ng kanilang paaralan, isa lamang ito sa mga susi sa pagdidisiplina sa mga

magaaral. Ayon nga sa Department of Education, ang suot na uniporme ay maaaring bawasan ang panganib

ng karahasan at pagnanakaw, makapagturo ng disiplina at makatulong sa mga opisyal ng paaralan na

kilalanin ang mga manloloko na pumupunta sa paaralan. Natuklasan din sa pagaaral nito ang epekto ng

mga uniporme sa paaralan sa pag-uugali ng mag-aaral, disiplina, koneksyon sa paaralan, pagdalo at pang-

akademikong gawain na siyang nagtuturo ng responsibilidad.

You might also like