Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ibong Adarna

Ipinasa ni : Ece Q. Capili


Ipinasa kay : Josefina Dagasuan
II. Talambuhay ng may Akda

Jose dela Cruz


(21 Disyembre 1746-12 Marso 1829)

Si Jose dela Cruz (Ho·sé de·lá Kruz) o Huseng Sisiw ay isang bantog na makata at
mandudulang Tagalog noong ika-19 na siglo. Dahil sa kaniyang kabantugan, may
kuwentong nagpaturo sa kaniyang tumula si Francisco Balagtas bago ito naging popular.

Isinilang siyá noong 21 Disyembre 1746s a Tondo, Maynila kina Simeon dela Cruz, isang
cabeza de barangay, at kay Maria Naval. Sa edad na 8, bihasa na siyá sa pagsasalitâ sa
Espanyol. Kalaunan ay sumulat siyá sa wikang Latin. Naging kritiko at sensor siyá ng
komedyang Tagalog na ipinapalabas sa Teatro de Tondo. Naging kaibigan niya ang mga
tagasimbahan dahil sa kaniya ipinasusulat at ipinawawasto ang kanilang sermon at dahil
gagap niya ang Bibliya.

Kilalá siyá bilang “Huseng Sisiw.” Ayon kay Hermenegildo Cruz, palayaw niya iyon dahil
susulat lámang siyá ng tula kapalit ng sisiw. Ayon naman kay Jose Ma. Rivera, ang
palayaw niya ay gáling sa kaniyang hilig kumain ng sisiw. Sinasabing kayâ niyang tumula
at bumuo ng dula nang impromptu. Kumalat sa karatig lalawigan ang kaniyang
katanyagan. Ang mga nagnanais na maging makata at manunulat noon ay lumalapit sa
kaniya upang humingi ng payo at matuto ng sining ng pagtula. Isa na nga dito ay ang
naging bantog na si Francisco Balagtas.

Ilan sa mga isinulat niyang tulang liriko ay “Awa sa Pag-ibig,” “Singsing ng Pag-ibig,”
“Sayang na Sayang,” at “Oh…! Kaawa-awang Buhay Ko.” Ang ilan naman sa mga isinulat
niyang tulang pasalaysay ay ang mga awit at korido na Clarita, Adela at Florante, Flora
at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso
de Bernardo Carpio. Sumulat din siya ng komedya tulad ng La guerra civil de Granada,
Hernandez at Galisandra, Reina encantada o casamiento de fuerza, Los dos virreyes o
la copa de oro, Principe Baldovino, Conde Rodrigo de Villas, El amor y la envidia, Don
Gonzalo de Cordova, Jason at Medea, at Los traidores de la patria. May ulat na namatay
siyá noong 12 Marso 1829. (KLL)

Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at
Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang
tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing
tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon
kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano
sumulat ng tula.
III. Tauhan
IV. Balngkas
Mula sa kahariang Berbanya ay may isang pamilya na ubod ng bait.Sila’y sina Haring
Fernando Donya Valeriana at ang kanilang mga anak ay sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Ang tatlong prinsipeng ito ay bihasa sa paghawak ng sandata.
Minsan isang gabi, ang hari ay nanaginip na si Don Juan ay sinaktan ng dalawang
tampalasan at kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging dahilan kung bakit siya’y nagkasakit.
Napag-alaman na ang maaari lamang makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna na
matatagpuan sa bundok ng Taborsa puno ng Piedras Platas.Inatasang hanapin niDon Pedro ang
ibon ngunit siya’y naging bato lamang. Sumunod na ipinadala ay si Don Diego ngunit pareho
lamang ang naging kapalaran nila ni Don Pedro. Kung kaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay
napilitang bigyan ng pahintulot si Don Juan na hulihin ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang
dalawang kapatid. Dahil na rin sa kabutihang taglay ni Don Juan ay natulungan siya ng ermitanyo
sa kanyang pakay. Ngunit inalihan ng inggit si Don Pedro kung kaya pinagbalakan nila ito ni Don
Diego ng masama upang di sila lumabas na kahiya-hiya sa kanilang amang hari. Nang sila’y
makabalik sa kaharian, ang sakit ng hari ay lalo pang lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.
Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang matanda kung kaya siya ay gumaling at
madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng hari ang katotohanan sapagkat pagkakita pa
lang ng Ibong Adarna kay Don Juan ay nagsimula na itong umawit na ang nilalaman ay isang
pagtatapat ng mga naganap. Kundi kay Don Juan, malamang na naparusahan na ang kanyang
dalawang kapatid.
Pinabantayang mabuti ang Ibong Adarna sa tatlong magkakapatid upang di ito makawala
dahilan sa ito ang nakapagpagaling sa hari. Ngunit dahil sa pangalawang kabuktutan ni Don Pedro
ay lumipad ang ibon at si Don Juan ang napahamak. Naglayas na lamang si Don Juan sapagkat
takot siya sa kaparusahang igagawad sa kanya ang hari sa pagkawala ng ibon.
Ipinahanap ng hari si Don Juan kina Don Pedro at Don Diego. Nagkita ang tatlong
magkakapatid sa Armenya at napagpasyahang doon na lamang manirahan. Nakakita sila ng balon
at tanging si Don Juan lamang ang nagkaroon ng pagkakataong makababa sa loob nito. Dito ay
natagpuan niya sina Donya Juana at Donya Leonora at binantayan ng higante at ng serpiyente.
Ngunit dahil sa galing niya ang bawat isa ay nailigtas ang dalawang prinsesa. Dito na sumunod
ang ikatlong kabuktutang ginawa ni Don Pedro at Don Juan. Pinutol niya ang lubid na
pinaglalambitinan ni Don Juan nang ito’y bumalik sa loob ng balon upang kunin ang naiwang
singsing ni Donya Leonora. Madaling napaibig ni Don Diego si Donya Juana kung kaya pagbalik sa
kaharian ay agad silang nagpakasal samantalang si Donya Leonora sa kabila ng panunuyo ni Don
Pedro ay di naman niya naibigan.
Samantala, si Don Juan ay tinulungan ng enkantadong lobo kung kaya madaling nagbalik
ang kanyang lakas. Dumating ang Ibong Adarna at sinabing may isang prinsesa sa Reyno delos
Cristales na siya niyang talagang kapalaran. Di nagdalawang –salita ang ibon at ito’y kanyang
hinanap. Ngunit ubod pala ng bagsik at lupit ang ama ng prinsesang ito. Ngunit sa kabila ng
napakaraming pagsubok sa kanya ng haring Salermo ay napagtagumpayan niya ito sa tulong ni
Maria Blanca na anak ng hari. Ngunit dahil sa kahigpitan ng hari ay tumakas ang dalawa na taglay
ang sumpa ng ama na gagapang si Maria Blanca na parang kuhol at malilimutan siya ni Don Juan.
Nang sumapit ang dalawa sa kaharian ng Berbanya ay saglit muna iniwan si Maria sa isang
nayon upang mabigyan ng magandang pagsalubong ang prinsesa sa kaharian. Pagsapit ni Don
Juan sa palasyo ay agad sumalubong ang inang reyna at si Leonora kung kaya nakalimutan niya si
Maria.
Itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Dumalo si Maria na suot ang
emperatris. Pinilit niyang makaalala si Don Juan sa nakaraan sa pamamagitan ng dala niyang
handog. Ipinilit naman ni Leonora ang kanyang karapatan. Nagpasya ang Arsobispo na dapat na
maikasal si Leonora kay Don Juan. Dito na nagalit si Maria at pinabaha ang buong kaharian. Dito
na natauhan si Don Juan at ipinasya niyang pakasal na kay Maria samantalang si Leonora ay kay
Don Pedro.
Pumalit na hari ng Berbanya si Don Pedro samantalang si Don Juan ay ginawang hari sa
reyno delos Cristales.

V. Sariling Puna
Maganada ang daloy ng ibong adarana ngunit may isang tanong lng ako , ano na ang nangyari
sa Ibong Adarna?

VI.Aral nakapaloob sa Korido


Pag-ibig sa kapwa ay lubhang makapangyarihan
VII. Mungkahi
Sana ay sinabi kung saan nag tungo ang Ibong Adarna dahil sa kanya nakapangalan ang pamagat
ng awit at korido na ito.

You might also like