Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Patnubay Sa Pagbigkas ng Tula at Talumpati

Mga Patnubay Sa Pagbigkas ng Tula at Talumpati


1. Layunin. Ano ang layunin ng tula o talumpati ?
Narito ang ilang karaniwang layunin ng tula o talumpati:
a. Magpakilos tungo sa isang pagsasagawa
b. Manghikayat
c. Magbigay ng impormasyon
d. Magbigay-aliw, at iba pa.
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula at talumpati. Hindi kalianman
mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa bibigkas ang layunin nito.

2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla. Paano masasabing epektibo ang isang


bumibigkas?
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang nanonood. May malakas siyang
hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang
isinasaad ng tula.

3. Tikas o Tindig. Paano ba ang tamang tindig sa tanghalan?


Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang
paq. Ngunit kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

4. Tinig. Paano ba ang tamang tinig sa tanghalan ?


Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang
tinig ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin naming
pabulong o paanas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kalian niya hihinaan o
lalakasan ang tinig ayon sa diwang ipinaaabot ng tula.

5. Panuunan ng Paningin. Mailalarawan mob a ang tamang panuunan ng paningin?


Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong
maiwasan. Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang
paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa gitna sag awing likuran. Maaari itong
igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.

6. Himig. Anong uri ng himig ang kailangan sa pagbigkas?


Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang himig na parang ibong umaawit o parang
pusang naglalampong. Kung minsan naman, ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong
lumakas-humina; humina-lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito kahali-halina sa
nakikinig. Ang mahalaga ay ang pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.
7. Pagbigkas. Paano ba ang wastong pagbigkas?
Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong diin at
pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga salitang
may impit na tunog.

8. Pagkumpas. Paano ba ang mahusay na pagkumpas?


Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod natin ang ating mata. Para bang
hinahagod natin ng tingin ang direksyong itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulput-
sulpot na kumpas. Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin kung ano ang
nais ipahayag ng tula o talumpati.

You might also like