Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Maikling kuwento ng Malaysia:

Tahanan ng Isang Sugarol (Boud)

Tungkol ito sa isang ama (Li Hua) na ang ginagawa ay pagsusugal


lang. Ang kanyang asawa na si Lian Chiao at meron silang dalawang
anak si (Ah Yueh) at (shao Lan).

Ang pangalan naman nang sugalan ay Hsiang Chi Coffee


Shop,maganda ang storyang ito. Kahit na buntis si Lian Chiao ay siya
parin ang gumagawa ng mga gawain ng bahay sa umaga hanggat sa
gabi, Ang asawa nyang si Li Hua ay umuuwi lang kumain at sya pa
ang nagpapaligo nito. Pag nagkamali sya sa kilos Bugbog sarado
agad.Namaga pa nga ang pisngi nya sa pag suntok sa kanya ng
asawa nya na si Li Hua.

Nag handa sya ng Ta Feng Ho para sa pag panganak nya. At nong


gabi na sumakit ang tiyan ni Lian Chiao.hindi nya na matiis ang sakit
ng kanyang tiyan para na syang manganganak, gigisingin nya sana si
Ah Yueh pero naisip nya na pagod ito sa pag ta trabaho, kaya dapat
wag nalang nyang gisingin, inisip nya na puntahan ang kanyang
asawa sa sugalon, lumabas sya at pinuntahan ang kanyang asawa sa
sugalan kahit madilim at tahimik ang daan, kinabahan sya dahil sa
sobrang dilim. pag lapit nya nang maabot sa sugalan.

At nang sya ay marating kumatok sya sa pinto at may nagbukas yong


may ari ng pasugalan at pag bukas bigla syang nahimatay at tinawag
nya ang kanyang asawa na manganganak na sya pero sabi ng asawa
nya "Teka lang tataposin ko muna to panalo na ako dito" Pero nong
tinawag pa rin ni Lian Chiao ang kanyang asawa bigla itong nagalit
tinitigan sya nito na parang nagagalit. Yong may ari nalang ang
tumulong sa kanya para makarating sa hospital.
Dula ng Singapore:
Pag-ibig

Si Frankie Liew ay umiibig- totoo, tunay na umiibig. Paano nalalaman ng isang lalaki na iyon nga ang tunay?
Lumalakad siya sa hangin, damdam niya’y nasa kanyang paanan ang mundo. Ganito mismo ang nararamdaman ni
Frankie Liew. Pagpasok niya tuwing umaga sa trabaho na sakay ng kanyang Volvo, nadarama niyang lumalaki ang
kanyang puso sa init ng magiliw na pagmamahal kaya’t mapagkaibigan siyang ngumingiti sa mundo, ngumingiti kahit
na sa mga buhol na bus stops ng mga pang- umagang commuter na mukhang matatamlay. At kumakanta siya.
Kumakanta siyang bigay- hilig, sa kabuuan ng walong milya patungo sa opisina, palusot sa mga traffic jam at
nagmamadaling pedestrians, di pansin ang ingay ng alikabok, dahil siya’y umiibig.

Mas gusto niya ngayon ang mahina at sentimental na mga kanta ni Pat Boone at Nat King Cole at Dean
Martin, at tuwing umaga, pinapatugtog niya ang tapes ng mga to sa kanyang kotse pagpasok sa trabaho. Di
magawang di sumuko si Frankie Liew sa madamdaming himig nina Nat King Cole at Dean Martin kaya’t pikit- matang
nakasandal sa upuan na ibinibigay niyang buong- buo ang sarili sa kapangyarihan ng pag- ibig. Gustong- gusto niya
kapag tungkol sa April love ang kinakanta ni Pat Boone, at sa April showers na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ng
gagawing bouquet para sa pinakamamahal; di nga ba’t nakilala niya ito- ang maganda, ang munti niyang Pearl noong
Abril? Tandang- tanda niya na noo’y ika- 21 ng Abril, Linggo. Ngayon, ang Abril ay ang buwan din ng kanilang
kapanganakan; tuwang- tuwa siya nang ito’y malaman kinabukasan. Diba iyon ang patunay na sila’y nilalang para sa
isa’t isa? At ‘yong isa pang nakasisiyang kanta ni Pat Boone, I’ll Remember Tonight. Siya, si Frankie Liew, ay di
makakalimot kailanman sa gabing una niyang nakasayaw ang kanyang si Pearl. Lagi niyang maaalala ang malambot
na liwanag ng buwan na dumampi sa kanilang mukha (tulad na tulad ng sa kanta)

Talagang umiibig si Frankie Liew, dahil nagsimulang magkaroon siya ng interes sa tula. Sa eskwela ay wala
siyang kahilig- hilig sa tula (ang totoo, lagi siyang bagsak sa kanyang test sa Literature) pero ngayo’y gusto niya ang
tula- mga tula tungkol sa pag- ibig at ang nakakapangilabot nitong mga pasyon at alitan.

“May love, she is the bejeweled star of Ind,” nasambit ni Frankie, at isa pang okasyon ay sumulat siya mismo
ng sarili niyang tula kay Pearl.

“P is for the Preciousness of our love.


“E is for the Everlasting, Eternal Passion.
“A is for – “
Nahirapan siyang humanap ng tamang salitang mag- uumpisa sa A at R, at sa wakas ay nakasya sa Angelic
at Ravishing, bago madaling nakapagtapos sa Love para sa huling letra ng pangalan nito.
Naroon ang sakit ng pagtatapat ng tungkol dito kay Mee Choo, pero ang mga ganoong bagay ay dapat gawin
sa matibay ang loob, at nagpaka- lalaki si Frankie sa pagpanhik ng apartment ng babae at sa pagsabi dito, sa boses
na nanginginig sa damdamin, na hindi na niya ito iniibig, na ang puso niya ay naibigay na niya ngayon sa iba, at maaari
bang mapatawad siya nito at hindi pagtamnan ng galit? Napaiyak ito sa kanyang balikat (tulad ng kanyang
inaasahan), at sa isang saglit, habang yakap niya ito na humihikbi sa kanyang balikat (tulad na tulad ng minsa’y nakita
niyang pag- iyak ng kahanga- hangang si Ling Hsia, ang Asian movie queen, sa balikat ng matangkad, tahimik at
guwapong Wan Fung), ang magiliw at purong pagkaawa na kanyang naramdaman ay ganun na lamang, at naisip niya
na sila’y dapat talagang mag- break. Hindi tumagal ang kanyang pagdududa. Sa sandaling nasa piling siya muli ni
Pearl, alam niyang wala siyang minahal nang tulad ngayon, na ang buhay ay walang kahulugan bago niya ito
natagpuan, na ito ang maningning na bituin ng kanyang buhay.
Si Pearl ay umiibig. Damdam niya na ngayon ito’y tunay. Noong mga nakaraang pagkakataon, siya’y
pinahirapan ng pagdududa, pero ngayo’y natitiyak niya na ang lahat ay magiging maayos. Sa wakas ay nakatagpo
siya ng isang lalaking payag niyang pakasalan na wala ang alinman sa mga pagdududa at pag- aalala ng gumulo sa
kanya tungkol sa ibang mga lalaki sa kanyang buhay. Halimbawa, ang isang malaking pag- aalala ay kung kaya ang
sweldo nito, ayon sa paggasta nito, na masustentuhan siya sa level na pamumuhay na kinagisnan niya. Sapat ang
sweldo ni Peter Tan, pero kung gumasta ang taong iyon! Kung hindi ito magbabago ngayon, anong pag-asa mayroon
na magbabago ito pagkatapos na kanilang kasal? Sa pagka- gastador nito sa kanyang bowling, sa kanyang mga
kabayo, sa kanyang mga kaibigan, kailangang umasa siya nang malaki sa sarili niyang sweldo upang mapamahalaan
ang kanilang household at pamilaya—sa ganoong circumstances, paano siya, at ang dalawang anak na binabalak
niyang magkaroon, mabubuhay ng mabuti? Hindi siya magpapakagaga na katulad ni Yuen. Si Yuen ay nag- asawa ng
isang pobre, isang lalaki na mas mababa kaysa kanya ang mga kwalipikasyon at kayliit ng sweldo. Ngayo’y nakatira
si Yuen sa isang upahang munting aksesorya, at laging naiigayang tumingin sa mga singing ng diamante at palawit
na jade ng ibang tao dahil hindi niya makakaya ang mga iyon kailanman.
Maganda sanang huli si Hong. Talagang nakakapanghinayang na ganoong pamilya ang dinadala niya—isang
buong pugad ng matatakaw at mapagsamantalang mga magulang at kapatid. Hinding- hindi niya mapapakasalan si
Hong sa kabila ng kaguwapuhan nito, ang maganda nitong sweldo, at pangako ng promosyon sa pinapasukang
kumpanya, dahil hinding- hindi niya matotolera ang pamilya nito. Nasabi sa kanya ni Hong, sa kanyang
panghihilakbot, na kahit na pagpapakasal, siya’y inaasahang magbigay ng kalahati ng kanyang sweldo sa kanyang
pamilya bilang suporta—ang isang batang kapatid na lalaki ay nangangailangan ng sustento para maitawid sa
unibersidad, ang dalawang batang babae ay nasa elementary pa, at ang isang hikahos na tiya ay sa kanila nakatira.
Sa lahat naman ng—Sa tindi naman ng sama ng loob ay ayaw na ni Pearl na makita pa uli si Hong; mahal niya ito,
pero kaylungkot isipin ang nakakasuka at parasitiko nitong pamilya! Sa huli’y binitiwan niya ito. Nagdamdam ng
husto si Hong. Iniwasan niya ang tingin nito ng nasaktang pagtataka, pero binitiwan niya ito, gaano man niya ito
kamahal.
Mabuti naman, sapagkat di nagtagal, nakilala niya si Frankie Liew. Umiibig siya rito halos mula sa umpisa at
ngayon, alam niya ay di magkakaroon ng pagkabigo o sakit na puso. Si Frankie ay di lamang tapos sa kanilang
unibersidad kundi nakapagpost- graduate study pa sa isang unibersidad sa Amerika. Tumatanggap ito ng mahusay
na sweldo sa isang bangkong Amerikano at ang prospects ng pagtaas niya sa pwesto ay maganda. Walang limitasyon
ang oportunidad sa pagbiyahe- biyahe nito sa iba’t ibang parte ng mundo na kaugnay ng trabaho (ang gastos ng
asawa at mga anak ay sagot ng kumpanya). At si Frankie ay hindi isang gastador na spoiled brat. Isa siyang
simpatikong lalaki, napakalambot ng puso, at tiyak na ito’y magiging mapagmahal na asawa at ama. At marahil, ang
pinaka- importante’y wala si Frankie ng mga nakakapang- hilakbot na kompromisong pampamilya na mayroon si
Hong. Nag- iisa itong anak, kaya walang mga batang kapatid na susuportahan sa pag- aaral. Matanda na ang mga
magulang nito at may sariling pera, kaya di kailangang umasa sa anak. Isa sa dalawang beses na siyang napunta sa
bahay ni Frankie; hindi niya nakita ang ama nito, na ayon kay Frankie ay may sakit at lagi sa kanyang kwarto, at ang
ina ay sumandali lang niyang nakita minsan. Abalang- abala ito sa pagtingin sa matandang maysakit kaya wala nang
panahon sa ibang bagay.
Tamang- tama ito. Walang mas makakabuwisit kaysa isang makulit na biyenan na laging nanghihimasok sa
lahat ng bagay. Pag namatay ang dalawang matanda, ang bahay ( na may kalakihan) at ang bahagi ng isang malaki
at lumang bahay- pamilya ay mapapasa- kanila. Bukod dito, ang matandang babae ay may koleksiyon ng alahas na
jade na lubhang mahalaga.
Walang pag- aalala sa mundo si Pearl. Dinala siya ng isang masaya at walang pagkukulang na pag- ibig, at
siya’y lumabas upang gawin ang isang bagay na alam niyang magbibigay ng malaking kasiyahan sa kanyang
minamahal na si Frankie. Ibinili niya ito ng isang pewter mug, kung saan niya ipinaguhit sa pinong gold lettering ang
mga sumusunod na salita: “To someone nearest and dearest, whom I first met on 21 April…
Nag- engage sila upang pakasal at pakutyang winalang bahala ni Frankie Liew ang malamig na pormalidad
ng “Engage: Frankie, son of Mr. and Mrs. Liew hak Thai, to Pearl, second daughter of Mr. and Mrs. Oon Cheong Mun.”
ng announcements column ng Straits Times, para sa isang maluhong indibidwalidad ng isang munting tula na may
anim na linya na sinulat nila mismo sa isa’t isa.
“Sinimulan namin ang isang trend para sa mga taong umiibig,” sabi ni Frankie.
Ang lahat ng kanilang lakas at interes ay ibinuhos nila sa paghahanda sa kasal. Naghanap sila, at nakatagpo,
ng materyal na parehong babagay sa bridegroom’s suit at bridal gown; ito’y isang klase ng mukhang sharkskin na
tela, makintab ng tulad ng perlas ng kaputian. Magiging iba rin ang kanilang wedding cake; ang isa sa baytang ay
maliligiran ng kandila na kapag sinindihan ay magbibigay ng pinaka- pantastikong epekto sa malamlam na liwanag
ng Orchid Room ng Hotel Imperial. Sa labis niyang kasiyahan, nagpasya silang puntahan at pormal na hingan ng
bendisyon sa kanilang darating na kasal ang matatandang magulang ni Frankie. Ang ama ni Frankie, ayon sa anak, ay
medyo maysakit at ganoon lang palagi mula ng maaksidente tatlong taon na ang nakakaraan, pero matutuwa ito ng
husto sa paghingi dito ng bendisyon ng maganda nitong manugang.
Maaga ng isang oras na mag- isang dumating sa bahay si Pearl. Galing siya sa pagsa- shopping, at masaya
sa kanyang mga nabili, gusto niyang makapagpahinga at marepresko ang sarili bago umuwi mula sa trabaho si
Frankie. Lubha siyang nasindak at naguluhan sa kanyang nakita kung kaya’t damdam niya’y di na babalik sa dati
kailanman ang relasyon nila ni Frankie.
Ang inaasahan niyang makita ay isang mahina, magiliw at payat na matandang lalaki na ala- alalay ng
kanyang asawa, pero ang ama ni Frankie ay lubhang kasuklam- suklam. Nakaupo ito sa sahig sa padyamang maluwag
na naksampay sa yayat na katawan, basa, tulad ng nagwawalang bata pausal- usal ng mga di maintindihang salita
habang sinusubuan ng asawa ng sa tingi’y malambot na kung ano mula sa isang tason. Ang lubos na pagkasira ng isip
at kaluluwa nito ay makikita sa malalaki, usli, at di makakitang mata sa malalim na bungangang kinukutsarahan ng
pagkain na pinipigilang tumulo sa gilid, sa mali- mali at walang koordinasyong galaw ng ulo ng mga kamay. Di
makpagsalita sa pangingilabot si Pearl. Ang kanyang magiging biyenang lalaki!
Saglit na humingi ng paumanhin kay Pearl ang asawa nito sa pagiging abala upang siya’y estimahin, at kimi
siya nitong inimbitang maupo at ipalagay na nasa sariling bahay; tapos ay nakalimot na ito sa lahat ng bagay habang
mahinahong pinipilit na kumain ang asawa. Nanghihimok ito at nagpapatawa; nantatapik at nanghahaplos pa ito ng
mukha at kamay. Nasa bawat bahagi ng katawan nito ang walang- katapusang hirap at pagtitiis, pero magaan ang
mga kamay nito, ang boses nito ay malamig at mahinahon.
Binuhos nito ang lakas at inubos ang pag- ibig sa walang silbi at warat na lalaki, na nakondenang mabuhay
na parang gulay habang panahon. Napatitig si Pearl. Tahimik din siyang napaluha. Hindi, hinding- hindi niya
matatanggap na matuloy ang kasal. Hindi niya matatanggap na maksama sa ilalim ng isang bubong ang isang biyenan
na ang kapansanan ay gayon na lamang upang kanyang panghilakbutan kahit saglit lamang siyang mapatingin dito
(at ayon kay Frankie ay labas sa anumang usapan ang pag- iwan niya sa dalawang matanda).
At ngayo’y hibang na nagsimulang tumakbo agad ang kanyang isip—ano kung namamana ang ganoong
kondisyon? Ang sabi sa kanya ni Frankie’y nagkasakit ang ama nito pagkaraan ng isang aksidente. (Nagkasakit! Paano
nito nagawang linlangin siya!) pero halimbawa’y di ito ang buong katotohanan at ang aksidente ay nagsilbi lamang
na daan upang lumabas ang isang kondisyong hereditaryo? Di kaya ito makuha ng mga anak ni Frankie? At si Frankie
mismo, sa kanyang pagtanda, di kaya siya mauwi sa ganoon ding pagkasalanta at paghihirap? At siya bilang asawa,
uubusin ba niya ang natitira niyang buhay sa pag- aalaga dito, tulad ng ginawa ngayon ng ina nito—ang babaeng
itong patpatin, kulubot, at tinakasan ng espiritu?
Umiyak si Pearl. Nilisan niya ang bahay. Nang gabing iyon ay sumulat siya kay Frankie ng isang liham na may
bahid ng luha. Humingi siya ng patawad. Sinabi niya na hindi niya maatim na matuloy ang kasal, sadyang di niya
maatim. Hindi niya binanggit ng direkta ang dahilan, at sa huli, ang kanyang sulat, na may limang buong pilas ng may-
pabangong asul na papel, ay lumabas na pawang paninisi sa sarili at maamong paghingi ng pag- unawa at
kapatawaran.
Ang mga luha ni Frankie ay nadagdag sa mga bumahid na sa sulat. Di kayang magalit o mag- isip nang
matiwasay, bumagsak ito sa kama, nagtakip sa mukha ng unan at isinuko ang sarili sa kahibangan ng pagkasawi sa
pag- ibig, isang damdaming pinatindi ng malungkot na himig ng I Can Never Love Again na nagmula sa kanyang
transistor radio.
“Kailanma’y hindi darating muli sa akin ang pag- ibig, ako’y biktima ng pag- ibig,” malungkot na sabi ni
Frankie, at pinuntahan nito si Mee Choo para makonsuwelo. Umiyak siya sa balikat nito. At higit pa noong okasyong
umiyak ang babae sa kanyang balikat, nadama niya ang agos ng magiliw na pagnanasang tumangay sa kanya, kaya
napatingala siya dito, ang mga luha’y nangingintab sa kanyang mga pilikmata at nagtanong, “Iibig kaya ako uli
kailanman?”
Tinatanong din iyon ni Pearl, pero sa ibang mga kataga, habang nakaupo sa tabi ni Hong, sa tingi’y naulila
at puno ng pagsisisi, kaya nalimutan ng lalaki ang nakaraan niyang sama ng loob. At nang yakapin niya ito, at sabihing
iniibig pa niya ito, nanginginig na inulit ng babae ang kanya ring pag- ibig, pero lakas- loob na sinunod niya iyon, at
ang pinakamasamang mangyayari ay nakalipas na. Naalala niya ang pamilya ni Hong, ‘yong ganid na
mapagsamantala—at sa isang saglit, ang kanyang kaligayahan ay muling nalagay sa alanganin, pero inilayo niya ito
sa isip, winalang- bahala niya ito bilang isang problema na mahusay na malulutas pagdating ng panahon.
Sanaysay ng Singapore:

You might also like