Anyong Lupa at Anyong Tubig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANYONG LUPA

Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang
heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon
sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng
topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa
karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng
bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na
tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.

 Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa
rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
 Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.
 Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas
dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik
na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa
lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog
anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng
kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
 Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na
Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo
sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
 Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto
tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
 Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang
lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
 Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
 Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
 Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
 Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
 Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
 Tangos — mas maliit sa tangway.
 Disyerto — mainit na anyong lupa

ANYONG TUBIG

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang
Daigdig.

 Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang


tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang
Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)
 Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa
Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao
at Dagat llapitan.)
 Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa
maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.
 Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang
Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay
halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
 Golpo - bahagi ito ng dagat.
 Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
 Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
 Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat
o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.
 Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
 Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
 Sapa - anyong tubig na dumadaloy.

MGA HALIMBAWA NG:

YAMANG LUPA

Halimbawa ng likas na yamang lupa ay mga palay, punongkahoy prutas, gulay at lahat ng halaman na
pwedeng itanim at maaring pakinabangan at magamit ng tao sa ikakaunlad ng kanilang kabuhayan. Ito ay
mga yamang makikita sa mga kapuluan na tumutulong sa pagunlad ng ekonomiya at nagbibigay
kontribusyon sa mga tao sa kabuhayan. Maraming mga yamang lupa diato sa Pilipinas. Ito ang
pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ibang tao.

YAMANG TUBIG

Ang yamang tubig ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng iba't ibang klase ng mga isda. At nakakatulong ito
sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng pangingisda. Dito din tayo
nabubuhay dahil ang pagkain ng yamang dagat ay parte na ating hapag-kainan. Nakakapag-export din ang
Pilipinas ng mga isda sa iba't ibang sulok ng mundo. Dinarayo din ng mga turista ang ganda ng ating mga
dagat o beaches dahil sa mga kakaibang kagandahan ng mga coral reefs sa ilalim ng ating baybayin.

YAMANG MINERAL

1. Metal
Halimbawa: ginto, tanso, bakal, pilak, kromito, tingga, zinc at karbon
2. Di Metal
Halimbawa: aspalto, marmol, asbestos, luad
3. Mineral na panggatong
Halimbawa: petrolyo

YAMANG GUBAT

Ang mga gubat sa Pilipinas ay may 3,800 iba't ibang uri ng punong kahoy kung saan kinukuha ang timber
o kahoy para sa konstraksyon. Maliban dito, may mga halaman sa gubat na ginagawang gamot (medicinal
plants). Mayaman din ang kagubatan ng Pilipinas sa dyewoods, guttapercha, resins, nipa, cutch, kawayan
at rattan. Subalit dahil sa patuloy na pagputol ng kahoy, malapit nang maubos ang ating mga yamang
gubat.

You might also like