Simuno at Panaguri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Simuno at Panaguri

BY BALOYDI LLOYDI , AT 11/11/2013 06:39:00 AM , HAS 13 COMMENTS


Ang bahagi ng pangungusap na may salungguhit ay tinatawag na panaguri.
Ang panaguri ang nagsasabi tungkol sa simuno.

Dahil sa Masamang Barkada

Dating mabait at masunuring bata si Obet. Ngunit napasama siya sa masamang barkada. Unti-
unting nagbago ang ugali niya. Naging barumbado at magalitin siya.
Natutuhan ni Obet ang masasamang bisyo. Natutu siyang magsigarilyo, maglasing at magsugal.
Natutunan rin niyang humitit ng marijuana at gumamit ng shabu.
Nakiusap ang ina ni Obet. “Anak, kung mahal mo ako at ang bayan hindi ka lalabag sa batas.”
Ngunit parang walang narinig si Obet.
Isang araw, nabigla ang kaniyang ina sa isang masamang balita. Nakakulong si Obet dahil sa
pagnanakaw. Ninakawan niya ang isang tindahan upang masunod ang masasamang bisyo. Ngunit
nahuli siya ng pulis habang nagnanakaw. Iyon ang napala niya sa pagsama sa masamang barkada.

1. Bakit unti-unting nagbago ang ugali ni Obet?


2. Anu-ano ang natutuhan ni Obet?
3. Ano ang ibig sabihin kapag ang tao ay lumabag sa batas?
4. Bakit natutong magnakaw si Obet?
5. Ano ang naging parusa ni Obet sa paglabag niya sa batas?
6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento?
7. Sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagiging masunurin sa iyong magulang? Magbigay
ng limang halimbawa.

Muling Basahin ang kuwento.

Sino ang dating mabait at masunuring bata?


Sino ang nakiusap kay Obet?
Sino ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw?

Ganito ba ang sagot mo?


Ang dating mabait na bata ay si Obet.
Nakiusap ang kaniyang ina upang huwag siyang lumabag sa batas.
Pulis ang humuli kay Obet

Si Obet, ang kaniyang ina at pulis ang pinag-uusapan sa pangungusap.


Simuno ang tawag dito.
Pag-aralan mo ang mga sumusunod na pangungusap.
Bigyang-pansin ang may salungguhit.
Si Obet ay dating mabait at masunuring bata.
Ang kaniyang ina ay nakiusap kay Obet.
Ang mga pulis ang dumakip kay Obet habang nagnanakaw.

Gumawa ng dalawang hanay at isulat sa tamang hanay ang bahagi ng pangungusap. Isulat sa
ilalaim ng bawat hanay ang simuno at panaguri.

1. Unti-unting nagbago ang ugali niya


2. Natuto siyang magsigarilyo
3. Nakiusap ang ina ni Obet
4. Nadakip ng dalawang pulis si Obet

Ganito ba ang sagot mo?

Pag-aralan mo ang mga salita sa talahanayan ng bawat pangkat. Nakatala sa unang hanay ang
buong simuno ng pangungusap. Nakatala sa ikalawang hanay ang buong panaguri ng
pangungusap.

Basahin mo naman ang mga pangungusap sa ibaba.


Piliin mo ang payak na simuno at payak na panaguri sa bawat bilang
1. Dumalo sa pulong ang mga tao.
2. Sila ay nakinig sa manggagamot.
3. Naghihintay ng matagal ang mga bata.
4. Nag-ambag din kayo.
5. Ipamamahagi na ang bigas sa sako.

Suriin mo ang mga payak na simuno.


Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?
Pag-aralan mo naman ang mga payak na panaguri.
Anong bahagi nang pananalita ito?
Ang payak na simuno ay maaaring pangngalan tulad ng bata, bigas, bulaklak o panghalip
tulad ng kayo, sila at iba pa.
Pansinin mo naman ang panaguri.
Ang payak na panaguri ay maaaring pandiwa.

Narito pa ang ibang halimbawa ng pangungusap.


Suriin mo ang mga ito.
Piliin ang payak na simuno at payak na panaguri.

1. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.


2. Sila ay tahimik na nagbubukas ng aklat.
3. Gumuguhit ng mga tagpo sa pabula si Lita.
4. Natatawa naman kami sa mga kuwentong komedi.
5. Nalilibang sa kasaysayan sina Ana at Fe.

Ganito ba ang sagot mo?

Basahin ang mga payak na simuno


Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pangngalan o panghalip, hindi ba?

Basahin ang mga payak na panaguri.


Anong bahagi ng pananalita ito?
Ito ay pandiwa, hindi ba?
Ito naman ang iyong pag-aralan.
Basahin ang mga pangungusap.

1. Si Nena ay maganda.
2. Ang aso ay mabagsik.
3. Mabango ang bulaklak.
4. Ang anak niya ay matangkad.
5. Matinik ang rosas.

Suriin mo ito.

Ano ang simuno? panaguri?

Anong bahagi ng pananalita ang panaguri, pang-uri, hindi ba?


Ang mga pang-uri ay maaari ring panaguri.
Narito ang iba pang halimbawa na ginagamit ang pang-uri bilang panaguri.
1. Ang daan ay mabato.
2. Ang bata ay masipag.
3. Magalas ang sahig
Pag-aralan mo ang mga sumusunod.
1. Ang mga bata ay nasa labas ng bahay.
2. Nasa labas ng bahay ang mga bata.
3. Ang mga Pilipino ay bantog sa pakikipagsapalaran.
4. Bantog sa pakikipagsapalaran ang mga Pilipino.
 Ang una at ikatlong bilang ay mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
 Ang ikalawa at ikaapat na bilang ay mga pangungusap na nasa karaniwang ayos.
 Pansinin na ang mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos ay may salitang ay .
 Pansinin na ang mga pangungusap na nsa karaniwang ayos ay walang mga
salitang ay
Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng karaniwan o Di-karaniwan ang patlang sa tabi
ng bawat bilang ng pangungusap. Gawin sa sagutang papel.

__________ 1. Pumasok nang maaga si Leny.


__________ 2. Iniwasan niya ang mga kaklase.
__________ 3. Sila ay namasyal sa dalampasigan.
__________ 4. Ang aklat ay pag-aari ng titser.
__________ 5. Ayaw ng guro sa magugulong mga mag-aaral
__________ 6. Ang mga balita ay sinipi nila sa pahayagan.
__________ 7. Nagsipagsayaw sila sa kalsada noong pestibal.
__________ 8. Si Marie ay nakapasa sa iksamen ng pagiging nars.
__________ 9. Nawili sila sa panonood ng programa.
__________10. Ang palamuti ng bulwagan ay inaayos ng mga mag-aaral.

Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung ano o sino ang pinag-
uusapan.
Ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa simuno.

Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong simuno o paksa ay payak na


simuno. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip.

Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong panaguri ay ang payak na panaguri.


Ito ay maaaring pandiwa,pang-uri o pang-abay.

May tiyak na posisyon ang simuno at panaguri sa karaniwan at di karaniwang ayos ng


pangungusap.
Ang Simuno at Panaguri

Ang simuno ang panaguri ay ang mga bahagi ng isang pangungusap.

Simuno

Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang
paksa ng pangungusap.

Halimbawa:

1.Ang mga lobo ay makukulay.

Ano ang makukulay? Ang mga lobo

2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha

3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.


Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay? Sina Lukas at Tonyo

Panaguri

Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri.

1.Ang mga lobo ay makukulay.


V
Ano ang sinasabi tungkol sa mga lobo? makukulay

2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

Ano ang sinasabi tungkol kay Martha? naghuhugas ng pinggan.


3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
Ano ang ginagawa nina Lukas at Tonyo? Sina Lukas at Tonyo

A. Panuto: Tukuyin kung nasalungguhitan ay simuno o panaguri.

1. Ang chef ay nagluluto ng adobo.


2. Maliligo kami sa ilog.
3. Ang mga itlong ng pugo ay maliliit.
4. Malamig ang panahon.
5. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla.
6. Mahina ang huni ng maya.
7. Si Ana ay isang mananahi.
8. Nagbibigay ng regalo ang mga ninong at ninang tuwing Pasko.
9. Siya ay isang mang-aawit.
10. Napahanga ang mga tao sa proyekto ni Christian.

You might also like