Budget para Sa Edukasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Budget para sa edukasyon,

nasasayang dahil sa underspending


ng DepEd – Sen. Aquino
Posted By: Star FM Zamboangaon: September 22, 2017 | 3:29 AMNo Comments

ZAMBOANGA CITY – Mistulang maraming pera ang nasasayang sa budget para sa


edukasyon dahil sa underspending ng Department of Education (DepEd).

Ayon ka Sen. Bam Aquino, hindi na mahalaga kung kulang ang pondo o mayroong
overspending dahil ang epekto nito’y kawalan ng libro at iba pang kagamitan para sa
mga estudyante.

Sa pagbusisi ng senador sa P613.1 billion budget ng DepEd, napag-alamang


napakalaki ng underspending o hindi nagagastos na budget ng ahensiya para sa
kasalukuyang taon.

Aniya nasa P14 bilyong pondo ng ahensiya ang napupunta sa learning resources tulad
ng librong Science at Math equipment, computerization at library, nasa 3.65 percent
pa lang nito ang nagagamit ng ahensiya.

Samantala, pagdating naman sa P109 bilyong budget ng DepEd para sa classrooms,


P33 bilyon lang ang nagamit ng ahensiya.

Kung kukuwentahin umano nasa P76 billion pa ang hindi nagagamit na puwede
sanang itustos sa 15,000 classrooms ngayong taon.

Dagdag pa ni Sen. Aquino, hindi ito katanggap-tanggap dahil resulta nito ay mabagal
na pagtugon sa pangangailangan ng milyon-milyong estudyante.

Para sa kanya hindi magiging kumpleto ang pag-aaral ng mga estudyante sa


pampublikong elementary at high school kung kulang ang kanilang kagamitan.

Nanghihinayang si Sen. Bam sa nakalaang budget ng ahensiya kung hindi naman ito
nagagamit sa pagpili ng kailangan ng mga estudyante upang suportahan ang kanilang
pag-aaral.
Samantala bilang tugon sa senador ay nangako si DepEd Sec. Leonor Briones na
hahabulin ang underspending upang magamit nang husto ang budget ng ahensiya.

Importansiya ng teknolohiya sa pag-aaral:


Kailangan pa nga ba ang mga pisikal na libro?
Ni: Associated Press
SA nakalipas na ilang dekada, mga libro ang naging pundasyon ng pagtuturo sa mga
paaralan. Ang mga librong ito ang isa sa mga pangunahing kailangan sa pag-aaral,
ibinibigay sa mga mag-aaral na nakagawian namang ilagay sa kani-kanilang bag araw-
araw, pagpasok sa paaralan at pauwi sa kani-kanilang tahanan.
Ang karanasan ng mga mag-aaral ay labis na iba sa kasalukuyang panahon.

Nakita ng publiko kung gaano naging kabilis ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo at
kung paano naging digital ang curriculum ng mga paaralan, na malayo sa nakagawiang
paggamit ng pisikal na libro.
Ito na nga kaya ang katapusan ng tradisyunal na paggamit ng libro? Makabubuti ba ito sa
mga mag-aaral at mga guro?
Sa pagtaas ng antas ng paggamit ng internet at paglaganap ng online content, natagpuan
ng mga guro ang mga bagong mapagkukunan ng impormasyon upang suportahan ang pag-
aaral ng mag-aaral.
Sinasabi sa mga huling pag-aaral na ang ratio ng mag-aaral sa computer sa karamihan sa
mga paaralan sa Amerika ay umabot na 5:1 (limang mag-aaral bawat computer), na halos
lahat ng guro ay may access sa kahit isang computer sa kanilang silid-aralan. Ang mga one-
to-one na programa sa laptop computer, na nagbibigay sa bawat mag-aaral ng isang
aparato ng computing, ay ipinatutupad sa maraming estado.
Natukoy sa pag-aaral kamakailan na may tinatayang 5:1 (limang mag-aaral sa bawat isang
computer) ang student-computer ratio sa halos lahat ng paaralan sa Amerika, na mayroong
katapat na isang guro sa bawat computer.
Upang suportahan ang mga hakbanging ito, ang mga paaralan ay binigyan ng access sa
sagana at libreng content sa Internet na idinisenyo para sa curriculum ng K-12. Karamihan
sa mga kumpanyang naglalathala ng mga aklat ay naglunsad na rin ng mga digital platform.
Sa katunayan, ang ilan ay nagbago ng kanilang mga pangunahing pagkakakilanlan mula sa
tradisyunal na mga publisher ng aklat tungo sa mga learning science company o mga digital
education company.
Tunay ngang unti-unti nang lumalabo ang kahulugan ng libro. Ang mga leksiyon ngayon sa
paaralan ay maaari nang ituro sa mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang paraan. Malayo sa
nakagisnang pagbuklat sa libro at paglipat sa mga pahina nito.
Ngunit hindi ito puro mabuting balita lamang. Nahaharap din ang mga paaralan sa mga
pagsubok dahil sa mga impormasyong nakukuha sa Internet.
Kailangan pa ba ang mga tradisyunal na libro? Ang sagot, oo. Ngunit may pagbabago na rin
sa komposisyon ng mga ito. Naging mas digitized, mas bukas, mas naging abot-kaya, mas
dynamic at interactive, at mas madalas na ma-update.
Samantala, binago ng teknolohiya at ng Internet ang paraan ng pagkatuto ng mga
estudyante. Mula sa mga pisikal na libro hanggang sa digital na pagkatuto, nabigyan ang
mga mag-aaral (at mga guro) ng access na mas malawak sa naibibigay na impormasyon ng
tradisyunal na libro. Sa pamamagitan ng mga ito, nagiging mas nakaeengganyo at kapana-
panabik ang pag-aaral.

Pangangalaga at malasakit sa kalikasan at


kapaligiran

Ni Clemen Bautista
SA mga environmentalist at mga nagmamalasakit sa kalikasan at kapaligiran, ang ika-22 ng
mainit at maalinsangang buwan ng Abril ay natatangi at mahalaga sapagkat pagdiriwang ito
ng EARTH DAY. Ngayong 2018, ang naging paksa o tema ng pagdiriwang ay nakasentro sa:
“Green the Cities,green the Ocenas” o Gawin Luntian ang mga Lungsod, Gawin Luntian ang
mga Karagatan”.

Ayon sa kasaysayan, ang pagdiriwang ng Earth Day ay sinimulan sa America noong Abril
22, 1970. Pinangunahan ang pagdiriwang ni dating Wisconsin Senator Gaylor Nelson upang
matawag ang pansin ng pagkawasak ng kapaligiran.
Sa iniibig nating Pilipinas, si dating Senador at DENR (Department of Environment and
Narural Resources) at Chairman of the Office of the Presidential Adviser on Climate Change
Heherson Alvarez ang awtor ng Senate Resolution na nagtakdang ang ika-22 ng Abril ng
bawat taon ay pagdiriwang ng Earth Day sa ating bansa. Ang Pilipinas ay kabilang sa may
150 bansa sa daigdig na nagpapahalaga sa pagdiriwang ng Earth Day.
Sa pagdiriwang ng nasabing kaganapan, may inilunsad na mga aktibidad ang iba’t ibang
samahan na nagmamalasakit sa ating kapaligiran at kalikasan. May mga celebrity o artista
sa pelikula ang naglunsad ng “Earth Day Run”. Sa Pangasinan, ang mga kandidata sa
Limgas Beauty Contest ay hindi nangiming lumusong sa tubig at nagtanim ng mga Bakawan
sa provincial mangrove nursery na nasa bayan ng Bolinao ng nasabing probinsya.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni DENR
Scretary Roy Cimatu ang nanguna sa pagdiriwang ng Earth Day. Nakasentro ang
pagdiriwang sa ginagawang paglilinis at rehabilitasyon ng Isla ng Boracay na nakatakdang
isara ng anim na buwan mula ika-26 ng Abril. Sa pagdiriwang ng Earth Day, ang Pilipinas ay
kasama rin ng ibang bansa na binigyang-diin ang paglutas sa problema ng plastic pollution.
Ang pagdiriwang ng DENR sa Earth Day ay ginanap sa Harbour Park sa Pasay City na ang
likuran ay ang Manila Bay, na bukod sa problema sa pollution ay may malaki ring problema
sa plastic pollution.
Sa bahagi ng mensahe ni DENR Secretary Cimatu, sinabi niya na:” The time when Filipinos
could simply turn a blind eye to crimes against Mother Nature is now over”. Ayon pa sa
DENR Secretary, nangingibabaw ang pag-abuso sa kapaligiran sapagkat may mga
nagpapahintulot nito, walang pananagutan at hindi pinarurusahan. Kailangan itigil na ang
environmental abuse o pagmamalabis sa kapaligiran. Magkaroon ng aktibong bahagi sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalikasan, sa mga tuntunin, patakaran at mga ordinansa.
Matindi at napapanahon ang panawagan ni DENR Secretary Roy Cimatu sa pagpapatupad
ng mga batas sa kalikasan at mga patakaran ng DENR. Maaaring mangyari ang panawagan
ng DENR Secretary kung magiging matapat at magkakaroon talaga ng gulugod ang mga
tauhan ng DENR sa implementasyon ng mga batas. Hindi makikipagsabuwatan sa mga
berdugo ng mga bundok at gubat. At mabubulag ang mga mata sa limpak na CASHunduan.
Sa tuwing ipinagdiriwang ang Earth Day, hindi maiwasan na magbalik lagi sa aking alaala
ang “pagkamatay” ng ilog sa Angono, Rizal. Ang dahilan, pinayagan at pinahintulutan ng
isang dating mayor na magkaroon ng crushing plant sa isang bahagi ng bundok sa Angono.
Dahil sa itinayong crushing plant, dinurog ang mga bato sa bundok. Hinarangan ang tubig
sa ilog na mula sa Antipolo at ginawang hugasan ng mga dinurog na bato. Resulta, lumabo
ang tubig sa ilog ng Angono dahil sa malapot na tubig na pinaghugasan ng mga batong
dinurog. Nawala ang mga isda sa ilog. Bumabaw. At kung tag-araw, may panahon na ang
ilog ay naging parang sapa na lamang. Hindi na rin napaglalabahan ng mga taga-Angono at
taga-Taytay ang malakas na agos ng tubig sa ilog na mula sa bundok.
Naglaho na rin ang tinatawag na “Sapang Dulangan” na bahagi ng ilog sa Angono. Sa
“Sapang Dulangan” na malinaw ang tubig at malakas ang agos ay doon naliligo nang hubo’t
hubad ang mga binatilyo at binatang taga-Angono. Sa mataas na bahagi ng “Sapang
Dulangan tumatalon ang mga naliligo. Ang bagsak nila ay sa malinaw na tubig. Isang alaala
na lamang ngayon ang “Sapang Dulangan” at ang “Banyo ng Pari” na babagi ng ilog ng
Angono.
Ang pagdiriwang ng Earth Day tuwing sasapit ang ika-22 ng Abril ay lalong magiging
makahulugan kung ang bibigyang diin lagi ang tunay na kahulugan ng pangangalaga at
malasakit sa kapaligiran at sa ating Inang Kalikasan. Matapat at maaasahan lagi ang mga
taga-DENR. Nakalulungkot lamang na ang mga makabagong berdugo ngayon ng ating
kapaligiran at kalikasan ay ang pagkakaroon ng mga mining operation na wala ring habas at
pakundangan sa paglapastangan sa ating kapaligiran.

Huling linya sa Lupang Hinirang, nais


papalitan ni Sotto
Setyembre 19, 2018 8:38pm GMT+08:00

5Dahil may pagkanegatibo ang dating, nais ni Senate President Vicente Sotto III na
palitan ang huling linya sa pambansang awit na "Lupang Hinirang."

Sa deliberasyon ng Senado kaugnay sa panukalang gawing siyam ang sinag ng araw sa


watawat ng bansa, nais ni Sotto na palitan ang linya sa pambansang awit na, "ang
mamatay ng dahil sa 'yo" at gawing "ang ipaglaban kalayaan mo."

“A number of years already, some people and mostly composers and writers I have been
rubbing elbows with have told me that the last two lines of the Philippine national anthem
sounds like a defeatist attitude,” sabi ni Sotto.
Patuloy niya, “Patay na agad e. I have thought of a line that could replace this: ‘Aming
ligaya na pag may nang-aapi, ang ipaglaban kalayaan mo.’”

Sotto wants to amend ‘defeatist’ Lupang Hinirang

Umaasa si Sotto na makakasama na pag-aaralan ang kaniyang mungkahi.

“Is there a possibility of taking a second look at the national anthem. It’s in the same law.
I’m not suggesting it right now, I’m just saying that you might as well look into the entire
law and that includes the Philippine national anthem,” saad niya.

Wala naman tutol sa mungkahi ni Sotto si Sen. Richard Gordon, may-akda ng


panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa watawat.

Ayon kay Gordon, maghahain siya ng hiwalay na panukalang batas para sa mungkahi ni
Sotto. — FRJ, GMA News

You might also like