Geed 10033 - Reaksyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RIEGO, SHIN ANDREI. R.

BSCE 1-3
REAKSYON SA ECOKNOWME
Ang unang mga salita na pumapasok sa isipan ng isang Filipino kapag naririnig ang pangalang
‘Marcos’ ay ‘diktador’, ‘magnanakaw’ at ‘kurakot’. Alam natin na si Marcos ang nag-iisang
presidente ng Pilipinas na nanatili sa pwesto ng humigit-kumulang dalawampu’t-isang taon. Alam
din ng karamihan kung hindi lahat na siya ay nagdeklara ng ‘Martial Law’ sa Pilipinas na siyang
naging ugat ng ‘People Power’ kung saan siya ay pinatalsik bilang presidente ng Pilipinas. Kung
pag-uusapan ang ekonomiya, ano nga ba ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas noon? Ang
EcoKNOWme ay naglalayong ipaalam ang katotohan ng mga pangyayari paukol sa ekonomiya
noong panahon ng pamamahala ni Marcos. Bilang isang estudyante, dapat ay alam natin ang ating
sariling kasaysayan. Nakakahiya man aminin pero ang katotohanan ay wala akong gaanong
kaalaman paukol sa panahon ni Marcos. Hindi ito naituro sa amin noong ako’y nasa hayskul
(marahil ay nadaanan lamang ngunit ito’y hindi ko na matandaan) at ang natatanging kaalaman ko
ukol dito ay galing sa iilang artikulo na aking nabasa at mula sa aking mga kapwa estudyante at
kaibigan. May nakapagsabi sa akin na noong panahon daw ni Marcos, ang Pilipinas daw ang isa
sa nangungunang bansa sa Asya. At ang halaga daw ng peso noon ay mas mataas kumpara ngayon.
Marahil ito ay totoo ngunit aking nalaman sa EcoKNOWme na bagama’t masasabing maunlad ang
ekonomiya noong panahon ni Marcos, ang utang ng Pilipinas ay napakalaki. Sa sobrang laki, ito
ay mababayaran lamang ng buo sa taong 2025. Ang mga magsasaka at mga manggagawa rin noon
ay naghirap dahil sa pagpapalaganap ng free trade. Marami pang masasamang bagay ang nangyari
noon at ito ay sapat na dahilan upang kainisan o kamuhian si Marcos kaya hindi na rin nakakagulat
ang dami ng taong galit sa kanya. Halong inis at saya dahil ang aking kaalaman ay mas lumawak,
ang aking naramdaman matapos ang seminar na ito.

You might also like