Ang Aprika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa

pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang
mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga
naninirahan sa kontinente ng Aprika.

Ang Mesoamerika (Kastila: Mesoamérica, nangangahulugang "gitnang Amerika", sapagkat ang meso ay may ibig
sabihing "gitna" o "panggitna") ay isang rehiyong pangheograpiya na nagsisimula sa paligid ng Tropiko ng Kanser
sa gitnang Mehiko at nagwawakas malapit sa Costa Rica. Ang kataga ay natatanging ginagamit na pantawag sa mga
katutubong mga tao at mga kultura na dating naroon bago sinakop ng mga Kastila ang rehiyong iyon.

Ang Republikang Arabo ng Ehipto[4], (Arabo: ‫مصرالعربيّة جمهوريّة‬, Ǧumhuriyat Misr al-ˁArabiyah; internasyunal: Arab
Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: ‫مصر‬, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo;
internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang
Asya.May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga,
Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.

Ang piramide[1], piramid[1], tagilo[1], o tagil[2](sa Ingles ay Pyramid) ay isang solido o may buo at tiyak na hugis
na may mga gilid na tatsulok na nagtatagpo sa isang punto o tangos.[1]

Ang paraon (Ingles: Pharaoh)[1] ay isang tagapaghari sa sinaunang Ehipto.[2] Isa itong pamagat-pantao na
iniuukol lamang para sa lahat ng mga naging hari ng Ehipto.[3] Subalit, ang salitang ito ay dating katawagan para
sa tanggapan o luklukan ng pagkahari sa Bagong Kaharian ng Matandang Ehipto. "Magiting na Kabahayan" ang
tunay na kahulugan nito, bilang pagtukoy sa palasyo ng hari, subalit lumuwag at lumabo ang kahulugang ito nang
lumaon, hanggang sa naging kapalitan ng salitang "hari". Bagaman karaniwang mga lalaki ang mga namuno sa
kaharian ng Ehipto, ang pamagat na faraon ay ginagamit din, ngunit hindi madalas, sa babaeng naging pinuno.
Ayon sa kasaysayan ng Ehipto, pinaniniwalaan na ang mga babaeng naging faraon o hari ay ang pagbabalik at
muling-pagkabuhay ng diyos na si Horus. Ang katawang tao ng babaeng-hari ang pinaka-reinkarnasyon ng diyus-
diyosang ito.

You might also like