Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Dating”: Panimulang Muni Sa Estetika ng Pnitikang Filipino ni Bienvenido Lumbera1.

Estetika
(Aesthetics) : critical reflection on art, culture and nature. Sense of perception. Process of becoming
aware of the world one lives in. Mental perception.2. Panitikan : Lieteratura, pasulat man o pasalita ang
kaanyuhan (form) ay nagpapakita mg mgadamdamin ( feelings) layunin (purpose), adhikain (hopes and
goals), pangarap (dreams) at landas (road totake) ma nais puntahan ng isang tao o bansa. Nagpapahayag
ng damdamin ng tao tungkol sa buhay, pamumuhay (way of life) lipunan (society), pamahalaan at
mundo na ginagalawan. Mga Pilosopiya ngLiteratura na nagpapakita ng mga karanasan (experiences)
na malunkgot o masaya, pag-asa o pangamba(hopes and doubts).3. Sining at Politika : Malaki ang
kaugnayan ng tao sa kaniyang lipunan, kapuwa naiimpluwensiyahanang bawat isa, naiimpluwensiyahan
ng lipunan (society) ang paghubog ( to form) sa kultura atnaiimpluwensiyahan ng kultura ang pag-iral
(existence) ng tao sa lipunan. Iba’t ibang indibiduwal ang bumubuo sa lipunan, bawat isa ay may
partikular na espasyo ( space) sa lipunan.4. Ilang ulit na ngang napag-uusapan ang damdamin ng mga
Filipino tungkol sa pamahalaan at sa pamamalakad ng pamahalaan sa ating bansa. Ang mga aktibista ay
lantadan pinapakita ang hinanakit(hatred) laban sa diktadurang Marcos.5. Layunin ni Lumbrera na suriin
ang ilang kaisipan (ideas) na maaring gamitin na batayan (basis) sa pagkakaroon ng kritisismong akma sa
mga akda (literary criticism) na isinulat ng mga Filipino kumparasa mga talaga o aktuwal (actual) na
nangyayari sa bansa. Amga naisulat ba ay mayroong batayan na tunayna pangyayari o wala? Ayon kay
Lumbrera dapat pag-isipan ang estetika upang malaman kung ano angdapat at huhubog (to mold)
at likhang-pampanitikan na tatanggapin ng mga Filipino bilang akdangkarapat-dapat na bigyan ng
importansiya ng bawat tao na maaring makatulong sa paghubog sa maayos nadaan para sa ating bansa.
Ang mga napagdaanan ng ating bansa sa panahon pa ng ating mga ninuno atkatutubong Filipino at
kasaysayan ng bansa noon pa man ay dapat nating balikan at pag-aralan upangmakita landas at daan
na pinanggalingan upang marating natin ang ngayon ( past unfolds the future).6. Sa panahon ni Ramos,
tinulak ng pamahalaan ang Globalisasyon. Ika 21- siglo (21st century towardsGlobalisasyon) Dito nag
pokus ang ating pamahalaan, sa mga patakarangng pampolitika at pang-ekonomiya na naka-pokus
sa Globalisasyon upang umunlad ayon sa kanila ang ating bansa. Ayon kayLumbrera kung susuriin (
examine) ang mga patakarang ito, parang natabunan na ang kahalagahan ng“Nasyonalismo”
(nationalism) na noong panahon ng ating mga ninuno ay pinahalagahan at nagdulot saatin ng bansang
kalayaan. Ngayon ginigiit ng pamahalaan na ang ikabubuti ng ating bansa ay angGlobalisasyon at
nakalimutan na nga ng mga Filipino ang Nasyonalismo. Ang pagiging maka-Filipino,ang pagtatangkilik ng
sariling atin. Pagsasamantala ng mga Kapitalistang taga ibang bansa sa mgaFilipino. Upang hindi tayo
mapagsamantalahan (take advantage of) dapat suriin ang mg panukala, angmga akdang naisusulat.
Hindi dapat tanggapin ang hindi nakabubuti sa ating bayan o mabuti lamang saiilang mga Filipino ngunit
kawalan ng pangkalahatan. Ang mga akdamg Filipino at ang usaping estetikaang Panitikang Filipino ay
usapin ng kamalayang tunay na Filipino. Ito ang huhubog at magbubukas sakaisipan ng bawat Filipino.7.
Ayon kay Raymond Williams :(From Greek word aesthesis) Aesthetics : sense of perception.Tinutukoy ng
salitang Griyego ay material things perceptible by the senses, as distinct from things whichwould only be
thought.8. Ayon kay Lumbrera sa paglilinaw ng estetika : ang salita nati na

“Dating”, na maaring gamitin omaging susi sa pagbubukas ng talakayan (discussions) tungkol sa mga
sangkap ng estetikang ito.

Ito ay ang salitang

DATING. Bakit? Sapagkat ang salitang ugat na Dating ay nagsasaad ngnakalipas na kasaysayan,
paglalakbay natin noon hanggang marating ang mgayon atkinaroroonan.
(from past to the future.) Lahat ng pagpuna ( reakction) sa mga baga-bagay sa ating paligid ay may
pinanggagalingan. A reaction to waht a person saw, heard and sensed from. That isaesthetics.9. Sa
Likhang Sining : May mga sining na nilikha, paintings (pintura), awitin o pagtatanghal, may mgamensahe
itong pinararating sa mga audience (tumatangkilik), mga kaisipan o damdamin ang nilikhangsining na ito
na gumigising sa ating kaisipan at kamalayan (message that awakens our feelings) Ang mgaaudience ay
maaring matuwa, malukngkot at humangaito ang nagpapatunay na may relasyon angaudience sa
nilikhang sining, ito ang nagpapalinaw sa estetika nito.10. Nilinaw ni Lumbrera na ang konsepto ng
estetika para sa kanya ay nakasento sa audience. Ang bawatnilikhang sining ay para sa audience upang
pukawin ang kanyang kaisipan at damdamin at makapag bigay ng kasiyahan sa mambabasa, tagapakinig
o manonood.11. Ang mga larawan at gunitang laman ng ating kamalayan (pictures and memories in
our minds) aymayroong ugnayan sa ating tugon (answer) o reaksyon natin sa likhang sining.3 Kategorya
ng laman ng Kamalayan (awareness):1) bunga ng personal na karanasan ng indibidwal sa mundo (
personal experiences)2) ang pagpapahalaga at kapakanang pinangangahalagahan ng indibidwal sa
lipunang ginagalawanniya (what is important or priorities of each individual)3) ang mga mithiin (hopes)
at adhikain (strive to attain) tinanggap niya mula sa tradisyon atkasaysayan lipunang kanyang
kinabilangan.10. Ang proyektong pagsusuri patungkol sa mga akdang nililikha o sa pagsusuri sa kultura
ng sining ngPilipinas ay dapat isagawa ng mga intelektwal na Filipino ng Akademya bilang ambag (
contribution)nila upang tanggalin ang mentalinad na hinubog (formed) ng ating kolonyal na sistema ng
edukasyon.Upang buhayin ang kamalayan ng mga kabataang Filipino, sa mga kaisipan at pagpapahalaga
na patibayin at pagyamanin ang kulturang Filipino.Esttetika sa Tatlong Akdang Pampanitikan na nilikha
upang linawin ang konsepto:1.Isang awiting-bayan - noong panahon ng Espanyol - Pinili upang
mapalitaw ang pang-akit ng akdang bahaging kulturang oral para alamin ang katangiang kinagigiliwan ng
mga tao noon.2. Tulang ibinunga ng Rebolusyong 1896 - Akda ng isang Bayani noon. Mga gunita ng
atingkasaysayan (memories) sa ating pagtanggap sa akda ay hihimayin (carefully study) upang malaman
kungmay epekto ito sa kasiyahang naibigay ng akda.3. Tulang Kontemporanyo nilalamang panlipunan ay
binigyang anyo ng berso - libre. Naiiba ito sa mgatulang nakasanayan na ng marami. Iba sa
nakasanayang tradisyon o walang kamalayan sa pagtulangkinaugalian ng matatandang
makata.12. Unang Tula : May isang Bulaklak walang awtor. Lumang awiting bayan. Tungkol sa pag-ibig
natinanggihan ng kanyang minamahal. Hinalintulad sa isang bulaklak na nalanta dahil walng nag-
alaga.Bagamat pamilyar ang paksa binigyan ng kakaibang anyo sa pamamagitan ng mga talinghagang
mgasalita.Pangalawang Tula: “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ni Andres Bonifacio Nananawagan sa kapwa
Filipno na dapat mahalin ang sariling bayan. Si Bonifacio ay angSupremo ng Katipunan, nagsakripisyo
para sa bayan para sa ating kalayaan. Nagbukas ng ating kaalamnsa Rebolusyon 1896.. Unang Sigwa
(Storm) - Pagpunit ng sedula ng mga Filipino sa Cavite. pagpatay kayBonofacio ng kapwa Filipino. Nilikha
sa isang sining ang mga pangyayaring ito ng isang eskultor na si

Guillermo Tolentino, ginawang isang monumento (Monument) na makikita ngayon sa


kalookan. Nagpapaalala sa pakikibaka ni Bonifacio.Ikatlong Tula: “ Bakit Kami Nagdarasal” Maria Luisa
Torres-Reyes (1954) Nagpapakilala saisang uri sa Nakararami sa lipunan. Maraming nagdarasal upang
panwagan at paniniwala na maykapangyarihang maaring tumulong. Ritwal sa pagsamba. Si Marcelo
H. Del Pilar ay sumulat din ng mga parodya ng mga popular na dasal.Sa tula ni Torres-Reyes sumasanib
sa teksto ang poot na taglay na mgatula ni Plaridel mula sa kilusang Propaganda.Obserbasyon tungkol sa
Estika ng Panitikang Filipino1. Ang mga akda ay inayon o hinubog (shaped) ng mga salik (factors) na
panlipunan ang batayan(basis). Kaya ang katangian (characteristics) ng mga estetika ng Panitikan ay
espesipiko sa atinglipunan. Kahit may katangian na maaring pareho sa estetika ng mga dayuhan hindi
ibig sabihin iisaang lahat ng estetika. May tinatawag ang mga kritiko na “estetikang unibersal” ngunit
dapat isipin naang sandigan o basis pa rin ng panitikan ng bawat bansa ay ang lipunang kanyang
ginagalawan. Iba-iba ang audience kaya maaring iba rin ang pananaw dito.2.Ang kultura ng
Pilipinas bilang kabuuan ng mga pagpapahalaga, kaugalian (traits), at pananaw(outlook) sa buhay na
tanggap noon at tanggap pa rin ngayon. Ang dating ng akdang Filipino ayhango sa ating lipunan.3.Bahagi
ng ating kultura ang kasaysayan ng bayan. Kasama sa mga institusyon at tradisyon ang mganinuno at
kasaysayan ng ating bayan. Ang mga paksa (topics) ay galing sa kasaysayan noon aylumilikha para sa
mambabasa upang maiugnay sila (connect) sa nakaraan. Upang maitatag angugnayan sa kapwa Filipino
ngayon at noon.4.May bisa ang kasaysayan sa atin ngayon, mga pinanggalingan ng paniniwala at ugaling
Filipino.5.Bilang obserbasyon sa isipang estetika ng panitikang Filipino, mahalagang idiin na
ang dating aywalang permanenteng anyo at tindi.6.Ang Tatsulok (Triangle) ay binubuo ng Akda,
ng awtor (author) at ng mga mambabasa o nagapakinig(listeners) ay nagbabago kasama ng lipunang
kanyang ginagalawan at mga pagbabagong iyan aynagbabago rin ng relasyon ng tatlong sulog. Kaya
nagbabago ang dating akdang Filipino ayon sa pagbabago ng lipunang ginagalawan.

Sa ating paglilinaw sa estetika ng panitikang Filipino, may salita tayo na maaaring gawing susisa
pagbubukas ng talakayan tungkol sa mga sangkap ng estetikang nasabi. Iyon ay angsalitang datíng. Noon
ay ugat ito na ang ibig sabihin ay ang kaganapan ng paglalakbay mula sapinanggalingan tungo sa
pupuntahan. Hindi pa kalaunan nagsimulang gamitin ang salita sa di-pormal na kumbersasyon upang
tukuyin ang impresyong naiiwan sa isang tao ngpagmumukha, bihis, pananalita, at kilos ng isang
indibidwal. Halimbawa, ‘Suplada ang datíngng kaibigan mo.’ Pansinin na ang batayan ng pahayag ay mga
larawan at tunog ng mgakongkretong bagay na pumasok sa kamalayan ng nagsasalita sa pamamagitan
ng paningin atpandinig.

Kapag nahaharap tayo sa isang likhang-sining, sa ganyan ding paraan pumapasok sa atingkamalayan ang
mga katangiang umaakit na magustuhan o ayawan natin ang trabaho ngmanlilikha. Ang isang painting,
tugtugin, o pagtatanghal ay dumarating sa audience nanakaabang, parang destinasyon sa isang
paglalakbay, sa magaganap sa kamalayan nito. Angkaganapan ng pagsapit ng likha, ang dating ng likha,
ay tinutugon ng nagmamasid sa painting,nakikinig sa tugtugin, at nanonood ng pagtatanghal. Sa
pagtugon sa dating ng likha, nagbibitiwang audience ng pahayag ng pagkatuwa, pagkasiya o paghanga.
Kapag sinuri natin angrelasyon ng audience at ng likhang dumating, simula iyon ng paglilinaw sa estetika
ng nasabinglikha.”

Palasak na salita ang datíng . Hinango ito sa kolokyal na kumbersasyon at binigyan ngnatatanging
kahulugan upang makatulong sa pagpapaliwanag sa bisa ng likhang-sining sakamalayan ng indibidwal.
Kailangang makahanap sa katutubong wika ng mga terminongmaglilinaw sa estetika ng likhang-sining
ng mga Filipino. Hangga’t hindi iyan nagagawa ng mgakritiko at teorista natin, mangyayaring ang mga
pamantayang ipinansusukat sa likhang Filipinoay pamantayang nakalangkap sa mga hiram na dayuhang
termino, at angkop lamang sa mgalikhang dayuhan.

You might also like