Araling Panlipunan 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

OLD SAN AGUSTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Old San Agustin, Basey, Samar

Unang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8

Pangalan:_________________________Petsa:________________ Marka:__________
Baitang:__________________________ Iskor:_________________

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang tamang titik lamang.
1. Paano napapakinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong
panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
b. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain
c. Limitado ang karne dahil marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop
d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyanismo
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kaunlaran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi hannel, at silangan ng West Philippine Sea
3. Paano mananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang
mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong may ibang relihiyon
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
4. Saan nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante?
a. Antartica b. Europe c. Asya d. Africa
5. Ang pinakamalaking kontenente sa mundo ay ang__________.
a. Europe b. Asya c. North America d. South America
6. Ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon ay______________.
a. heograpiya b. klima c. topograpiya d. kontinente
7. Ito ay itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
a. wika b. heograpiyang pantao c. relihiyon d. lahi
8. Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga_______tungkol sa isang pangkat ng
mga ______tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.
a. hayop b. Etniko c. tao d. wala sa nabanggit
9. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
d. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
10. Ang_______ay tinatawag na kaloob-loobang bahagi ng daigdig.
a. mantle b. core c. crust d. hemisphere
11. Ano ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao?
a. Homo Sapien b. Cro-magnon c. Homo erectus d. homo habilis
12. Ang huling bahagi ng panahong bato ay tinatawag na__________.
a. panahong metal b. panahong paleolitiko c. panahong neolitiko d. panahon ng metal
13. Ang_____ay sinasabing pinagmulan ng tao?
a. lucy b. homo habilis c. Austalopithecine d. Ape
14. Ang lumikha ng sining ng pagpipinta sa kweba ay ang_________.
a. homo sapien b. homo erectus c. homo habilis d. cro-magnon
15. Sa loob ng maraming libong taon, anong uri ng pamumuhay ang mayroon ang mga prehistorikong tao.
a. kalakal b. pangangaso c. pangangaso at pangangalap ng pagkain d. pagtatanim
16. Ano ang inihahalo sa tanso upang makagawa ng mas matigas na bagay?
a. diyamante b. lata(tin) c. bakal d. ginto
17. Ito ay isang bansa na kinikilala ring kontinenting pinakamaliit sa daigdig?
a. Africa b. North America c. Australia d. Europe
18. Saan umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa daigdig na tinatawag na Mesopotamia?
a. Indus river b. Ilog Huang Ho c. sa pagitan ng Ilog Euprates d. lambak ng Nile River
19. Ang fertile crescent ay isang paarkong______.
a. matabang lupain b. makapal na yelo c. rutang pangkalakalan d. iregasyon
20. Ito ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa buong daigdig?
a. Haappa b. Uruk c. Mojenjo-Daro d. Lower Egypt
21. Bakit sinasabing mahirap ipagtanggol ang lupain ng kabihasnang Mesopotamia?
a. walang likas ng hangganan c. inihihiwalay ng kabundukan
b. umaapaw ang ilog d. lagging may baha
22. Saan nagsimula ang kabihasnan sa India?
a. Himalayas b. paligid ng Indus river c. Mejenjo-Daro d. Yellow river o Huang Ho
23. Bakit madalas na tawagin na sub-kontinente ng mga heograpo ang kabihasnang Timog Asya?
a. dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan c. dahil umaapaw ang ilog
b. dahil walang likas na hangganan d. dahil napalibutan ito ng karagatan
24. Ano ang dahilan ng pagsisimula ng mga lipunan at estadosa sinaunang India?
a. pagkakaroon ng matabang lupa c. napapalibutan ng mga karagatan
b. maayos na daanan d. pagkakaroon ng malawak na lupain
25. Ano ang pinakamatandang kabihasnan na nanatili sa buong daigdig?
a. kabihasnang Indus c. kabihasnang Mesoamerica
b. kabihasnang Mesopotamia d. kabihasnang tsino
26. Ano ang halinhinang naranasan ng China sa aspektong political na humuhubog sa kultura at mamamayan ng bansa?
a. pagkakaroon ng wika c. awayan sa likas ng yaman
b. pagkakaisa at pagkakawatak-watak d. pagkakaroon ng maayos na pinuno
27. Saan umusbong ang kabihasnang Tsino?
a. sa pagitan ng ilog Euprates at Tigris c. sa lambak ng Nile River sa Egypt
b. Indus River d. tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho
28. Ano ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China?
a. Xia o Hsia b. Huang Ho c. North China Plain d. Middle kingdom
29. Saan umusbong ang kabihasnang Africa?
a. lambak ng Nile River sa Egypt c. Sinaloa River
b. ilog Huang Ho o Yellow River d. Indus River
30. Ano ang ibig sabihin ng potamos?
a. ilog b. karagatan c. lupain d. kabundukan
31. Ano ang dahilan ng pagkatatag ng kalat-kalat na pamayanan sa kontinente ng North America at South America?
a. pagtatanim b. pangingisda c. pangangalakal d. pangangaso
32. Saan umusbong ang Mesoamerica?
a. ilog Huang Ho o Yellow River c. sa pagitan ng Sinaloa River Valley
b. sa pagitan ng ilog Euprates at Tigris d. Indus River
33. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Aswan High Dam?
a. patubig b. paliguan c. elektrisidad d. elektrisadad at patubig
34. Sa lahat ng mga umusbong na kabihasnan sa daigdig, anu ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pamumuhay?
a. pagpapastol b. kalakal c. pangingisda d. pagsasaka o agrikultura
35. Tinatawag na__________ang ilog ng Nile River dahil kung wala ito magiging isang disyerto ang Egypt.
a. Forbidden land b. The Gift of the Nile c. Hanging Garden d. The son of the Nile
36. Sino ang kauna-unahang naghari sa dinastiyang Xia o Hsia?
a. Pangulong Rodrigo Duterte b. Sargon c. Mohenjo d. Yu
37. Ano ang ibig sabihin ng Meso?
a. Una b. lunduyan c. pagitan d. tangway
38. Ang_______ay mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia?
a. Akkad b. Babylon c. Sumer d. Chaldea
39. Anong bansa ang may pinakamalaking populasyon sa buong daigdig?
a. Pilipinas b. China c. India d. Vietnam
40. Ano ang tawag sa dinastiyang angular na nasa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator?
a. latitude b. longitude c. North Pole d. tropic of cancer
41. Ito ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa isang matagal na panahon.
a. Lamig b. suplay c. klima d. natatanggap na sikat ng araw
42. Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnang noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahang-hangang bagay sa
daigdig
43. Ao ang tawag sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kaunlaran ng prime meridian?
a. equator b. longitude c. latitude d. tropic of cancer
44. Sa pag-aaral ng kasaysayan, Malaki ang naitutulong ng________.
a. arkeolohiya b. agham c. pilosopiya d. relihiyon
45. Pinakamalaki sa mga kontinente ng daigdig ang_______.
a. Africa b. America c. Asia d. Europe
46. Alin sa mga teorya sa simula ng daigdig ang hindi siyentipiko?
a. nebular b. kondensasyon c. Genesis d. Big Bang
47. Ang sumusunod ay kailangan sa paghanap ng lokasyon sa mapa o globo maliban sa_______.
a. latitude b. longitude c. meridian d. pulo
48. Sa mga planeta ng mundo, ito lamang ang maaaring panahanan ng tao dahil sa pagkakaroon ng________.
a. atmospera b. araw c. buwan d. tala
49. Alin sa mga bansa ang tinatawag ng ‘Handog ng Nile’?
a. Assyria b. Babylonia c. Egypt d. Persia
50. Sa Rebolusyon Neolitiko, natutuhan ng tao ang_________.
a. paggamit ng apoy b. busog at pana c. paggamit ng hasaan d. pagtatanim

You might also like