Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Aling bahagi ng pangungusap ang may mali: “Hihintayin kita kahapon sa liwasan ngunit hindi ka naman
dumating.”
a) Ka naman c) Hihintayin kita
b) Sa liwasan d) Walang Mali
2. Siya ay pambansang bayani ng bansang Pilipinas.
a) Jose Rizal c) Francisco Baltazar
b) Andres Bonifacio d) Emilio Aguinaldo
3. Ito ang anyo ng panitikan na naglalayong mabigyang-kasagutan ang pinagmulang mga bagay, pook, pangyayari,
o katawagan bagama’t mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang nilalaman ay kasasalaminan ng kultura ng
rehiyong pinagmulan.
a) Pabula c) Salawikain
b) Alamat d) Epiko
4. Ang salitang yamang-dagat ay________.
a) Tambalan c) Maylapi
b) Inuulit d) Payak
5. Siya ay tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”.
a) Gregoria de Jesus c) Maria Josefa Gabriela Silang
b) Leona Florentino d) Teresa Magbanua
6. “Ang Lobo at ang Uwak” ang isa sa mga pinaka-kinagigiliwan ng sinaunang pabula. Sino ang manunulat at
tinaguriang ama ng sinaunang pabula?
a) Marie de France c) Socrates
b) Jean la Fontaine d) Aesop
7. Kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
a) Manuel Quezon c) Emilio Aguinaldo
b) Manuel Roxas d) Sergio Osmena
8. Ano ang kahulugan ng salitang pinagpupulok sa pangungusap na? “Pinagpupulok niya ang bayawak sa mukha
hanggang sa matakot at magtatakbo si Landong Bayawak.”
a) Pinagpapalo c) Pinagkakalmot
b) Pinagtutuka d) Pinagsasampal
9. Ang “Biag ni Lang-am” ay epiko ng mga:
a) Ilokano c) Ilonggo
b) Bikolano d) Bisaya
10. Isang uri ng panitikan na ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop na mula sa imahinasyon ng manunulat na
siyang kinagigiliwan at kinapupulutan ng aral ng mga kabataan.
a) Pabula c) Salawikain
b) Alamat d) Epiko
11. Ano sa wikang Tagalog ang salitang “Bureau”?
a) Tanggapan c) Kagawaran
b) Opisina d) Kawanihan
12. Ito ang uri ng tauhan na nagbabago ng karakter at nagkakaroon ng pagkatuto sa kanyang hinaharap na
tunggalian o suliranin.
a) Bilog c) Kontra-bida
b) Lapad d) Bida
13. Siya ang sumulat at nag-akda ng ating Pambansang Awit na kung tawagin ay “Lupang Hinirang”.
a) Joey Ayala c) Julian Felipe
b) Jose Palma d) Juan Luna
14. Kailan tinawag na “Filipino” ang pambansang wika?
a) Agosto 13, 1959 c) Hulyo 4, 1962
b) Nobyembre 21, 1965 d) Hunyu 13, 1959
15. Saan ipinanganak ang ating “Ama ng Wikang Pambansa”?
a) Kawit, Cavite c) Metro Manila
b) Lucban, Quezon d) Puerto Prinsesa, Palawan
16. Ilan ang baybay ng salitang “nakakapagpabagabag”?
a) Anim (6) c) Walo (8)
b) Pito (7) d) Syam (9)

You might also like