Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lyrics

Chorus

Sali sali, kahit bulol pa pagkasabe sabe

Maglalaro ng ganito kahit wala pang kain

Kasi dati nga'y uso Kahit tulo pa ang uhog

Kahit tayo'y matanda na alam mong

Naki uso ka rin

- Ibinabalik ng awiting ito ang munting alaala nang ako'y bata pa lamang. Simula sa pagsali ko sa laro ng
iba pang bata hanggang sa pagbuo namin ng mga alaala bilang magkakaibigan.

Naalala mo ba dati nung una kang nadapa

Yung unang beses mong gumala at bigla kang nawala

Sa larong taguan tingin ma-huli kaya?

Lagit-lupa, mahuli taya!

Kapag nahuli kita 'tol ikaw naman next

Iba ibig sabihin pag sinabe kong 'text!'

Kapag sinabe kong 'cha!' Kapag sinabe kong 'chob!'

Madami nakong ipong tanzan, palitan ng pogz!

- Ang bahaging ito ay nagpapabalik ng mga alaala ko patungkol sa paglalaro at kasiyahan kasama ang
aking mga kaibigan. Dito rin ako nag-umpisang maging negosyante, sa pamamagitan ng pagbebenta ng
mga napalago kong laruan

Ang mga tropang trumpo ilabas nyo na yung chati

Isang ice water, lima ang maghahati

Tanghaling tapat nakakabad sa arawan,

Suot ang bagong damit kapag iyong kaarawan

Kay sarap balikan , ng ating pinagmulan


Habang naghahabulan sa tampisaw ng ulaw

At pagkatapos mong maligo alis na naman

Yare kay inay kasi pawis na naman

- Kailanma'y di ko nasubukang magpa-ikot ng trumpo dahil natatakot akong maka-tama sa paa pero ako
ang madalas manlibre sa mga kaibigan ko, kaarawan ko man o hindi. Kay sarap talagang balikan ng mga
sandali lalo na't tumatanda na kami kasi ngayon hindi na paglalaro ang dahilan kung bakit kami
pinagpapawisan, bagkus ay pag-aaral at pagtatrabaho.

Ang mga kapilyuhan ng mga medyo bad boy

Talo ka na nga tatawagin pang achoy !!

Karoling, sa hatian dapat ay patas

Ginagawang tambol tol ang lata ng gatas

Takbo pang-harabas, hinabol ng aso

Mga feeling macho nagbu-bunong-braso

Maraming turnilyo pero di karpintero

Agawan sa patotot pag patintero

- Sa lansangan din ako nakakilala ng iba't ibang uri ng tao, may mababait at maaangas. Noon, masaya ang
aking kapaskuhan dahil kasama ko silang nangangaroling sa gabi at naglalaro sa umaga pero ngayon
ipinagdiriwang ko ito kasama ang aking cellphone sa bahay.

Bahay-bahayan dapat merong kiss

Kocheng kuba, Pendong peace

Sabay katok ka sa baba at baka mabobo

Kala ko totoo 'tol nakaka-loko

Bagong sapatos, tapakan na yan

Ahhh hawakan mo sa tenga, sapakan na yan

Pag nahuli ni nanay, sa bahay uwi


Tapos tropa uli, yan ang 'away-bati'

- Sa probinsya ko naranasang maglaro ng bahay-bahayan at makakita ng kotseng kuba at akala ko din dati
na mabobobo ako kapag hindi ako nakapagkatok ng baba matapos mabatukan. Uso pa rin hanggang
ngayon na kapag may mag-aaway ay hahawakan sa tainga para mag-init pero pagkatapos magbangayan,
magbabati rin naman.

Nanay tatay sili-sili maanghang

Tubig-tubig malamig lagot ka sakin

'Kaw ay bang! sak!

Save! Agaw ko ang base mo

Sabihin mo sa akin kung step no

Bahay na ba? Sunog bahay ka na

Di ka na namen bati at nandadaya ka na

- Ito naman ang mga tulang-sangan na masaya naming kinakanta para matukoy kung sino ang taya. Hindi
rin natin maiiwasan ang mandaya noon pero sana'y hindi natin ito madala sa ating pagtanda.

Shoot na pati pato sige na 'to na ang balato 'lika dun tayo sa poso

kuha ka na ng sabon balde at tabo

chiki chiki bam is the bubble gum masarap ito at malinamnam bumili kayo sa tindahan chikichiki bam is
the bubble gum

- Nami-miss ko ang buhay ko sa probinsya kung saan magkikita-kita kaming magpipinsan para maligo sa
poso at sabay-sabay bibili sa tindahan ng candies at chichirya.

You might also like