Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGSURI NG PAGTIBAYING KAKAYAHAN NG MGA TAONG MAY

KAPANSANAN SA LUNGSOD NG DBB-B, DASMARIÑAS CITY, CAVITE

Isang THESIS

na iniharap

sa Departamento ng Senior High School

ng Maranatha Christian Academy

Malagasang II-D, City of Imus, Cavite


ABSTRAK NG PANANALIKSIK

PANGALAN NG INSTITUSYON : Maranatha Christian Academy

ADDRESS : Malagasang II-D, City of Imus, Cavite

PAMAGAT : Pagsuri ng pagtibaying kakayahan ng mga

taong may kapansanan sa lungsod ng DBB-B, Dasmariñas

City, Cavite.

AWTORS : CAPUNGGAN, Kobe Bryant E.

FERNANDEZ, Josephine Mae D.

LOPEZ, Dyan Loreine V.

PASCUAL, Angel P.

ROCAS, Ron Iverson C.

PINAGMULAN NG PUHUNAN : Personal

GASTOS : Php _____

PETSA NG PAGSISIMULA : N/A

PETSA NG PAGTATAPOS : N/A


KABANATA I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

1. Panimula

The researchers conducted this study to identify the experiences and coping

capabilities of People with Disability also known as PWD located particularly in DBB-B

Dasmariñas, Cavite. This study pursues to connect with people who are experiencing

different lifestyle among others. This study unveils the point of view of persons with

disabilities.

1.1 Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na masagutan ang pangunahing suliranin, “Ano ang

kakayahan ng mga taong may kapansanan sa DBB-B Dasmarinas, Cavite?”

Hangarin nitong sagutin ang mga sumusunod na tiyak na mga suliranin:

1. Ano-ano ang mga karaniwang kapansanan ng Persons with Disabilities sa DBB-B

Dasmariñas, Cavite?

2. Ano ang porsyento ng Persons with Disabilities sa DBB-B Dasmariñas, Cavite?


1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral

Nais malaman ng mga mananaliksik ang paraan ng pamumuhay ng mga PWDs sa

lipunan. Hangarin nitong mapalawak at maipaalam sa karamihan ang karanasan at uri ng

pamumuhay ng mga PWDs, kung ano ang kaibahan ng kanilang pamumuhay sa mga

karaniwang mamamayan. Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na ipahayag sa lipunan ang

sitwasyon ng mga taong may kapansanan o mas kilala bilang PWDs, nais rin nitong alisin

ang mga paunang maling pananaw sa mga PWDs upang mas mapalakas ang kanilang

karapatan. Naglalayon itong magbukas ng isip at pangunawa sa mga taong may kapansanan

na maaaring magdulot ng maganda sa lipunan.

Sa panig ng mga PWD makakatulong ang pag-aaral na ito upang mapalawak ang

kaalaman patungkol sa kanila. Matutulungan sila nito para mas maunawaan ng mga

mamamayan ang kanilang panig at mas mabigyan sila ng pansin ukol sa kanilang mga

karapatan at pangangailangan.

Sa mga magulang ng PWDs mas mauunawaan nila ang sitwasyon na kinalalagyan

o suliraning hinaharap ng mga PWDs, kung ano ang pananaw at iniisip ng kanilang mga

anak na PWDs. Mas maiintindihan ng mga magulang kung anu-ano ang dapat gawin upang

mas matulungan ang kanilang mga anak.

Sa mga mag-aaral ng Araling Panlipunan matutuhan nila kung anu-ano ang mga

suliraning kinahaharap ng mga PWDs at kung ano ang kanilang kalagayan sa lipunan. Mas

mauunawaan ng mga estudyante kung paano nila dapat pakitunguhan ang mga PWDs nasa

loob man o sa labas ng paaralan. Mapapalawak ng pananaliksik na ito ang pagunawa at


kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa mga may kapansanan at mas mapabubuti nito ang

pananaw nila sa mga PWDs.

Sa mga negosyante mas mauunawaan nila kung ano ang dapat gawin para

matulungan ang mga PWDs at kung paano sila pakikitunguhan, maaari nilang matulungan

ang mga PWDs sa paraan ng pagbibigay o pag-aalok ng mga trabaho sa kanila upang mas

mabigyang kahalagahan at layunin ang mga PWDs.

Sa mga susunod na mananaliksik ng mga PWD makakatulong ang pag-aaral na

ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga datos o impormasyon ukol sa mga PWDs. Ang

pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga research ng mga susunod na mananaliksik na

tumatalakay sa mga taong may kapansanan.

1.3 DALOY AT ESTRUKTURA

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng limang kabanata na tumatalakay sa mga

Persons with Disabilities at sa kaugnayan ng kanilang pag-adapt sa kasalukuyang lipunan.

Ang unang kabanata ay naglalahad ng introduksyon patungkol sa mga PWDs na

naninirahan sa DBB-B Dasmariñas, Cavite, kabilang na dito ang paglalahad ng

pangunahing suliranin na nahati sa mga tiyak na suliranin na kung saan ay tumatalakay sa

mga kadalasang problema na hinaharap ng mga taong may kapansanan. Kabilang sa bahagi

na ito ang kahalagahan ng pag-aaral na naglalatag ng mga pakinabang na makukuha sa

pag-aaral ng mga Persons with Disabilities kasama na rito ang kanilang mga pananaw at

uri ng pamumuhay sa kasalukuyang panahon. Sumunod na bahagi nito ang daloy at

estruktura na naglalatag ng daloy ng pag-aaral sa maingat na paraan upang mas madaling


maunawaan ng mga magbabasa ng pag-aaral na ito pati na rin ang magiging daloy ng

pananaliksik.

Ang ikalawang kabanata ay kinapapalooban ng mga kaugnay na pag-aaral at

literatura na ginamit upang mas masiyasat ang pag-aaral. Kabilang sa bahagi na ito ang

iba’t ibang pag-aaral na ginawa ukol sa mga taong may mga kapansanan o mas kilala bilang

PWDs. Sumunod ang ibang mga kaugnayan na literature na tumatalakay ng mga pag-aaral

sa iba’t ibang lugar sa bansa. Pagbibigay-linaw at pagpapaliwanag ang layunin kung kaya’t

siniyasat at sinaliksik ng maigi ang mga binasang aklat maging ang mga nagawa nang pag-

aaral ukol sa paksa. Layunin nitong alamin at tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho

ng mga paksang tatalakayin kaya isinagawa ang pag-uugnay na ito.

Sa ikatlong kabanata makikita

1.4 Depenisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod na mga terminolohiya ay mga salitang gagamitin sa kabuuan

ng pag-aaral kasama na ang operasyonal na mga kahulugang nabuo sa kahabaan ng

pananaliksik.

Persons with disabilities o PWD – taong may kapansanan

Disability Sport – tumutukoy sa mga particular na gawain ng mga may kapansanan

Adapted Physical Activity (APA) – karapatan sa pagtuturo ng isport, pagtuturo, gamot,

libangan, kumpetisyon at pagganap ng mga taong may kapansanan.

Prosthesis – isang kontrapsyon na ipinapangpalit sa nawalang bahagi ng katawan


Orthotics – sangay ng gamot na may kaugnayan sa pagkakaloob at paggamit ng mga

artipisyal na aparato tulad ng splints at braces

Prosthetics – isa itong proceso ng paglalagay ng prosthesis

OR – lugar kung saan ginaganap ang isang operasyon

Surgery – operasyon kung saan ang doctor ay nagtatanggal o nag aayos ng parte ng katawan

Anesthesia – pampawala ng pakiramdam sa pamamagitan ng gamot

X-ray – ang pagkuha ng litrato sa loob ng katawan

Radiology – Ang paggamit ng naturang radiation para sa diyagnosis at paggamot ng sakit

Wheelchair – upuang may gulong na ginagamit ng may kapansanan

Deaf – taong hindi makarinig ng maayos

Epilepsy – isang karamdaman na nakakapagparanas sa isang tao na hindi mapigilan ang

panginginig at paggalaw ng katawan

You might also like