kay rami na ng mapagpipilian? Kailan lubusang mauunawaan ang mabuting dulot nito sa ating pangangatawan? Sa bawat salo-salo na hindi pinapalampas maging kaarawan man o simpleng pananghalian, masisilayan ang presensya ng gulay na handa ni nanay. Ganun pa man, minsan ay matanda. Ayoko! Pilit itinatanggi, pilit iniluluwa. Ganun kadali kung pandirian ang lasa pati na rin ang itsura. Maging ang kulay berde na kay inam madalas pa nga ay kinaiinisan. Tila nayayamot lalo na kung ipinagpipilitan. Nagdadabog, nagmamaktol, umiiyak at kung minsan pa nga parang drama sa pelikula ang pagpapakain ng mga tila dahon kung titignan ngunit di mabilang na sustansya ang taglay. Madalas, mas nabibigyang pansin pa ang mga tila nakikipagngitian at kumakaway na tukso. Samo’t saring panggulo sa hapag na kung tutuusin ni isa ay walang mabuting ambag sa kalusugan ng bawat isa.
Sa kahit anong anggulo, ilang beses mang umikot ang mundo,
magpalit man ng ilang henerasyon, anu man ang maging uso, hindi maitatanggi at hindi magbabago. Ang wastong pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay ay isang katotohanang manantiling uso. Sabayan pa ng wastong mga kagawian na sa katawan ay magpapainam. Sapat na kaalaman sa mga pagkaing nagbibigay lakas at talino, disiplina sa sarili patungkol sa mga bagay na magtuturo ng pagngangalaga sa sarili, pagkatuto sa pagtanggi sa mga kinamulatang pagkaing hindi tama o hindi makaaambag o magdudulot ng lakas o proteksyon sa pangangatawan ay ilan lamang sa mga kasagutan o pamamaraan na magtutulak sa bawat isa maging sa mga magulang upang sa tahanan pa lamang makasanayan na ang pagkain ng wasto tulad na nga ng gulay na hindi magtatagal ay ating magiging paborito. Kung kaya’t huwag ng palagpasin pa ang pagkakataon. Halina’t tumikim ng gulay na handa sa bahay!