SHS LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay Aralin

sa Filipino 11

I. Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa loob ng isang buong talakayan, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikritika ang mga isinulat na tekstong nagpapakita ng mga kalagayang
pangwika sa kultura at paggamit ng wikang Filipino;
b. napagninilay-nilayan nang malalim ang kahalagahan ng wastong paggamit ng
wikang Filipino; at
c. nakakatamo ng pito pataas na marka sa maikling pagsusulit.

II. Paksang Aralin

Mga Sitwasyong Pangwika sa Filipinas


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Vasil A. Victoria
pp. 127-142

Kagamitang Panturo:
Course Pack
LCD Projector
Laptop para sa PowerPoint Presentation

Kagandahang-asal at Pagpapahalaga:
Pagsunod sa tuntunin ng guro
Pakikilahok sa talakayan
Pagninilay sa kahalagahan ng pag-aaral sa wastong gamit ng wikang Filipino

Mga Integratibong kakayahan para sa Ika-21 Siglo:

-Masusing pag-iisip upang matukoy ang mga mali sa tekstong binasa


-Malalim na kaalaman tungkol sa wastong gamit ng mga salita sa Filipino
-Kritikal na pag-iisip upang masagot ng tama ang mga tanong sa maikling
pagsusulit

III. Mga Karanasan sa Pagkatuto (Pamaraang IPP)


A. Konteksto
Babatiin ng guro ang mga mag-aaral. Mananalangin ang buong klase sunod
na gagawin ang pagtatanong ng mga liban sa klase. Matapos ng mga
preliminariyong gawain, magbabalik-aral ang mag-aaral na nakatalagang
magbalik-aral para sa araw na iyon.
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng limang minuto para basahin ang
dalawang teksto mula sa course pack.
-Ano ang tinutukoy na mali mula sa tekstong inyong binasa?
-Kung kayo ang tatanungin, alin sa mga pinagtatalunang salita ang tama at
angkop gamitin?
Matapos itong maitanong at masagot sisimulan na ng guro ang pagtalakay
sa etimolohiya at mga tuntuning sinusunod sa wikang Filipino.
B. Karanasan
Sunod ay magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga karanasan na
nagpapakita ng maling paggamit ng mga salita sa wikang Filipino at kung paano hindi
nabibigyan ng pansin ang mga pagkakamaling ito. Tatawag ng ilang mag-aaral ang guro
upang magbahagi sa klase. Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong ng guro:
-Ano-anong karanasan o nakikita niyo sa lipunan sa kasalukuyan ang kadalasang
kasasalaminan ng maling paggamit ng mga salita sa Filipino?

C. Repleksiyon
Base sa mga karanasang naibigay nila, magninilay ang mga mag-aaral tungkol sa
mga ito at sasagutin ang katanungan:
-Ano sa tingin niyo ang dahilan ng pagkakamaling ito?
-Bakit kadalasang binabalewala ng mga tao o Filipino ang mga tuntuning dapat
sundin sa paggamit ng sarili nilang wika?
-Sa inyong palagay, bakit mahalaga na malaman ng bawat Filipino ang wastong
gamit ng mga salita sa wikang Filipino?

D. Aksiyon
Kasabay ng pagninilay ng mga mag-aaral sa mga bagay na ito, iisip sila ng mga
aksiyon o maaaring gawin upang maiwasan o tuluyang tapusin ang sumpang namamayani
sa mga Filipino pagdating sa paggamit ng sariling wika.
-Paano kayo makakatulong o aaksiyon sa pagsugpo sa maling kabatiran ng
nakakarami tungkol sa mga tuntuning kailangang sundin sa wikang Filipino?
-Ano-ano ang maaari niyong gawin para dito?

E. Ebalwasyon
Tukuyin kung ano ang wastong gamiting salita.
1. Si Olga ay _____________ (may/mayroong) mahabang buhok.
2. __________________ (Bumubulusok/Pumapaimbulog) na tinahak ni Jose ang
hagdan palabas ng kanilang bahay.
3. Kinakailangang dumaan sa tamang proseso ang mga bagay-bagay _________
(ng/nang) sa gayon maayos itong matapos.
4. Magsikap tayo _______(ng/nang) umunlad ang ating buhay.
5. Nangaral ________ (ng/nang) mahinahon si G. Ordona.
6. Ang mga sinalanta ng bagyo ay nagdasal (ng/nang) nagdasal.
7. Bumili siya ________ (ng/nang) pasalubong para sa kaniyang anak.
8. Inuutusan ako ni Nanay, kinakailangan kong magtungo (ng/sa) palengke.
9. Ang mga bata sa ampunan ay maaari (daw/raw) pumunta sa parke sa mga araw
ng Sabado.
10. Hindi segurado ang testigo kung siya (din/rin) ang nagnakaw ng pitaka.

IV. Mga Takdang-aralin


A. Itinataguyod o sinisira ba ng social media ang wikang Filipino? Pangatwiranan
ang sagot.
B. Para saan ang pag-aaral ng gramatikang Filipino?

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Vasil A. Victoria
pp. 144-149

You might also like