Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa

Filipino 2- Ikatlong Markahan

Layunin:
Nagagamit ng wasto ang mga salita sa paghahambing ng tao, bagay at lugar.

Paksang Aralin:
Paghahambing ng Tao, Bagay o Lugar
Batayang Aklat pahina 354-357

Kagamitan: Mga larawan

Pamaraan
A. Paghahanda
1. Balik-aral
Tukuyin ang salitang naglalarawan na ginagamit sa pangungusap.
1. Ang aso ay may apat na paa.
2. Bilog ang mundo.
3. Mabango ang sampaguita.
4. Ang aso ay maamo.
5. Ang bag niya ay bago.

2. Pagganyak
Magpakita ng sampaguita at rosas. Ipalarawan ang bawat isa at ipatukoy ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na ipinakita. Hayaang gumawa ang mga bata ng mga
pangungusap sa paghahambing ng rosas at sampaguita.

B. Paglalahad
Ipabasa ang diyalogo sa “basahin Natin” sa LM, pahina 354.
 Ano-ano ang pinaghahambing sa diyalogo?
 Paano sila pinaghahambing?
Ipakita ang larawan ng aso at pusa.
Paano natin paghambingin ang mga ito?
 Ano ang dapat gawin sa mga alituntuning nakikita sa mga pook pasyalan?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 355.

C. Pasalitang Pagsasanay
Paghambingin ang mga bagay sa bawat pares
1. plato at platito
2. unan at bulak

Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM, pahin 356.

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at ipagawa ang sumusunod:
Unang Pangkat- Tukuyin ang salitang naghahambing sa bawat pangungusap.
1. Mas matanda ang tatay ko kaysa sa nanay ko.
2. Ang bahay nila ay mas matibay kaysa sa amin.
3. Magkasintapang ang leon at tigre.
4. Higit na magara ang kotse ni G. Ibunan kaysa kay G. Paraiso.
5. Mas sagana ang ani ng palay noong nakaraang taon kaysa ngayon.

Ikalawang Pangkat- Isulat ang A kung ang pang-uri ay naghahambing ng magkatulad at B


kung hindi magkatulad.
1. Magkasintamis ang atis at lansones.
2. Mas mayaman sina Rona kaysa kina Rey.
3. Higit na malayo ang Baguio sa Pampanga.
4. Mas makintab ang sahig sa sala kaysa sa kusina.
5. Mas malakas ang hangin noong nakaraang bagyo kaysa sa ngayon.

Ikatlong Pangkat- Iguhit ang inilalarawan ng bawat pangungusap.


1. Ang lobong pula mas maliit sa lobong puti.
2. Magkasinggand ang rosas at kamya.
3. Si Kuya at si Ate ay magkasinlusog.
4. Ang bulkan ay kasintaas ng bundok.
5. Magkasinhaba ang lapis at krayola.

Karagdagang Pagsasanay
Hayaang pumili ng dalawang larawan ang mga bata sa “Magic” kahon. Paghambingin ang
mga nakuhang larawan gamit ang mga natutunang salita.

Pagtataya: Ibigay ang angkop na antas ng pang-uring nasa loob ng panaklong upang makompleto ang
pangungusap.
1. (mahalaga)
Ang aklat at diksiyunaryo ay _______________.
2. (masustansiya)
Ang gatas ay _______________ kaysa sa kape.
3. (maamo)
Ang maya ay _______________ kaysa sa lawin.
4. (pula)
Ang rosas at gumamela ay ___________.
5. (matamis)
_______________ ang atis kaysa pinya.

Takdang Aralin:
Iguhit ang inilalarawan ng bawat pangungusap.
1. Ang bulkan ay kasintaas ng bundok.
2. Ang pakwan ay higit na malaki kaysa melon.
3. Ang ampalaya ay magkasinsutansiya sa kalabasa.

You might also like