Magtiwala Sa Nagliligtas Na Kapangyarihan Ni Jehova

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

MAGTIWALA SA NAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN NI JEHOVA

Paalaala sa tagapagsalita:
Tulungan ang iyong tagapakinig na makitang ang pagkakaroon ng isang personal na kaugnayan kay Jehova ay tumutu-
long sa atin na mapagtagumpayan ang mga suliranin. Pasiglahin ang tagapakinig na magpakita nang higit na pagtitiwala
kay Jehova

ANG LAHAT NG TAO AY NANGANGAILANGAN NG NAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN NI JEHOVA (5 min.)


Tayo ay nabubuhay sa isang maligalig na sanlibutan (Ro 8:22)
Ang pang-internasyonal na mga suliranin ay nagsasapanganib sa mismong pag-iral ng sangkatauhan
Ang digmaan, polusyon ng kapaligiran, krimen, at karahasan ay nagpapatuloy
Ang personal na mga suliranin at mga panggigipit ay sumasalot sa isip at emosyon ng mga tao
Pinagdurusahan ng ilan ang kanilang nakaraang mga karanasan
Marami ang nakikipagpunyagi sa mga suliranin sa kalusugan, kahinaan, katandaan, mga kahirapan sa pinansiyal, kawa-
lan ng trabaho, at mabuway na ekonomiya
Kawalan ng kagalakan at kapayapaan ng isip, maging ang kabalisahan at panlulumo, ang nagiging bunga
Ang ganitong mga pagdurusa ay karaniwan nang nararanasan ng “buong samahan ng inyong mga kapatid sa sanlibutan”
(1Pe 5:9)
Nasa harapan ang isang panahon ng napakalaking kaligaligan na hindi pa nakikita kailanman
Ang mabilis na dumarating na “malaking kapighatian” ay susubok sa ating pagtitiwala sa nagliligtas na kapangyarihan ni
Jehova (Mat 24:21)

ANG NAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN NI JEHOVA AY IPINAMALAS NOONG NAKARAANG PANAHON (15 min.)
Noong kapanahunan ni Noe ang lupa ay napuno ng karahasan (Gen 6:5, 11, 12)
Ang pamumuhay sa marahas na sanlibutang iyon ay tiyak na nagdulot ng malaking kabagabagan sa matuwid na si Noe at
sa kaniyang pamilya
Pagsapit ng panahon, pinasapit ng Diyos ang kahatulan laban sa balakyot na sanlibutang iyon, nilipol iyon (Gen 6:13, 17; 7:
11, 12)
Gayunman, iningatan si Noe at ang kaniyang pamilya (Gen 7:23)
Sa pamamagitan ng matuwid na si Noe, ang tunay na pagsamba ay nakaligtas sa Baha (Gen 8:20; it-2-E 507, 660)
Makaraan ang ilang siglo, isang bayan na kilala bilang mga Gibeonita ang nakaranas din ng nagliligtas na kapangyarihan ni Je-
hova (it-1-E 930-1)
Ang mga Israelita ay tinagubilinan na lipulin ang tribo ng mga Canaanita (Deu 7:1)
Gayunman, ang mga Gibeonita ay may mabuting pagkatakot kay Jehova anupat nagsugo ng isang delegasyon kay Josue
Sa pamamagitan ng isang panlalansi, sila’y nakipagpayapaan sa Israel (Jos 9:3-15)
Ang pananampalataya ng mga Gibeonita sa nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova ay nahayag nang sila ay pagbantaan ng
limang haring Canaanita; sila’y humingi ng tulong kay Josue
Sa paggamit ng malalaking graniso at makahimalang pagpapalawig sa liwanag ng araw, si Jehova ay nakipaglaban alang-
alang sa mga Gibeonita at iniligtas sila (Jos 10:1-14; it-2-E 662)
Noong kapanahunan nina Hezekias at Isaias, iniligtas ni Jehova ang kaniyang bayan mula kay Senakerib at mula sa mga pang-
uuyam at panlilibak ni Rabsases (2Ha 18:17–19:37; Isa, kab. 36, 37; it-2-E 725-6, 893-5)
Si Hezekias ay nagtiwala kay Jehova at sa kapangyarihan ng panalangin
Si Jehova ay nakinig kay Hezekias at tiniyak sa kaniya sa pamamagitan ni propeta Isaias na ang Jerusalem ay ililigtas
Sa isang gabi ang anghel ni Jehova ay pumatay ng 185,000 Asiryano
Sa dakong huli si Senakerib ay pataksil na pinatay ng kaniyang sariling mga anak
Ang pang-uuyam na may pamumusong ni Rabsases laban kay Jehova ay nauwi sa wala
Si apostol Pedro ay ipinakulong ni Herodes Agripa, na nagbalak na ipapatay siya (Gaw 12:1-11; it-1-E 1097)
Pinalaya ng anghel ni Jehova si Pedro upang maipagpatuloy niya ang kaniyang ministeryo (w90-TG 6/1 20)
Tinitiyak sa atin ni Jehova na yaong mga tumatawag sa kaniya nang may lubos na pananampalataya at pagtitiwala ay malilig-
tas (Gaw 2:21; Ro 10:13)
Siya ay gumawa na ng paglalaan ukol sa ating kaligtasan

SI JESU-KRISTO ANG INSTRUMENTO NI JEHOVA UKOL SA KALIGTASAN (10 min.)


Buhat pa noong tumalikod si Adan, nagdusa na ang lahi ng sangkatauhan sa mga epekto ng kasalanan at kamatayan at nangai-
langan ng nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova (Ro 5:12)
Ang unang hula sa Bibliya ay nagpapakita kung ano ang paraan ni Jehova ukol sa kaligtasan, isang ipinangakong “binhi” (Gen
3:15)
Kung sino itong “binhi” at kung paano siya magliligtas ay nanatiling isang lihim sa loob ng 4,000 taon (Ro 16:25, 26; it-2-E
836-7)
Napatunayang si Jesus ang binhi (Gen 22:18; Gal 3:15, 16)
Si Jehova ay naglagay ng matatag na saligan para sa pananampalataya sa kaniyang Anak (Mat 11:2-6)
Ang “sagradong lihim” ng Diyos ngayon ay bibigyan ng pinakapuspusang paghahayag at paglalathala (Col 1:25-28)
Ang pangalang Jesus ay nangangahulugang “si Jehova ay Kaligtasan” (Mat 1:21, talababa sa Ingles)
Ang itinigis na dugo ni Jesu-Kristo ay naglalaan ng isang pantubos para sa mga kasalanan ng sangkatauhan (Mat 20:28; w91-
TG 2/15 10-14; it-2-E 733-6)
Blg. 147-TG 11/00
Ang pag-ibig ni Jehova ay nahayag sa paglalaan niya ng pantubos na binayaran niya ng napakalaking halaga (Ju 3:16; Ro
5:6-8)
Upang makinabang, dapat tayong magtiwala sa kapahayagang ito ng nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova (Ju 3:36)
Bilang Tagatubos, Manunubos, at Hari ng Kaharian ng Diyos, itatanghal ni Jesus ang nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova
sa panahon ng malaking kapighatian (Mat 24:29-31)
Ang pamamahala ni Jesus sa Kaharian ay mag-aalis sa mga suliraning idinulot sa tao ng kasalanan ni Adan (Isa 9:6, 7; Apo
21:4)

ANG PAGKILALA SA NAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN NI JEHOVA SA ATING BUHAY SA NGAYON (10 min.)
Maaari tayong magtaglay ng ganap na pagtitiwala kapag nananalangin sa “Isa na sagana sa kapangyarihang magligtas” (Isa
63:1)
Ang kaalaman sa kalooban ng Diyos ay dapat na umugit sa nilalaman ng ating mga panalangin
Ang mga salita sa teksto hinggil sa paghiling ng “anumang bagay” ay dapat na unawain salig sa konteksto ng mga ito (Ju
16:23; 1Ju 5:14; it-2-E 669)
Ang espirituwal na mga bagay ay dapat na maging pangunahing pinagtutuunan ng mga panalangin (Mat 9:36-38; Col 1:9;
San 5:13)
Makapananalig din tayo na naririnig ni Jehova ang ating mga hinihinging tulong kapag tayo ay may pagkabagabag sa
isip at emosyon (Aw 34:18, 19; Fil 4:7; w94-TG 12/15 32)
Ang paghiling ng kapatawaran ay angkop at dapat na gawin salig sa pantubos ni Jesus (Efe 1:7)
Makapananalangin tayo ukol sa lakas upang patuloy na makapagpatotoo (Isa 40:29-31; Gaw 1:8; 2Co 4:7)
Hindi na kailangang sumagot pa si Jehova sa makahimalang paraan; nagbibigay sa kaniyang mga lingkod ng lakas, kali-
wanagan, at patnubay (it-2-E 670)
Kapag tayo ay nagdurusa, hindi natin ito dapat na malasin bilang parusa mula sa Diyos, na para bang inaalis na niya ang ka-
niyang nagliligtas na kapangyarihan
Hindi kailanman pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan (Aw 94:14)
Siya’y maglalaan sa atin ng karunungan na makatutulong upang ipagsanggalang at ingatan tayo (Ec 7:12; San 1:2-5)
“Ang ating kakulangan lamang ng pananampalataya at pagtitiwala [kay Jehova] ang naglalagay ng hangganan sa kaniyang
gagawin para sa atin,” ang sabi ng isang makabagong lingkod ng Diyos (w94-TG 3/1 24)

IPAKIKITA NI JEHOVA ANG KANIYANG NAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN SA MALAPIT NA HINAHARAP


(5 min.)
Maaasahan natin na napakalapit na ng malaking kapighatian (Mat 24:21, 22)
Iingatan ni Jehova ang “isang malaking pulutong” upang makatawid dito (Apo 7:9, 14)
Mahalaga na kilalanin natin ang pagkaapurahan ng ating panahon (2Pe 3:11, 12)
Huwag pahintulutan ang makasanlibutang mga gawain na makahadlang sa iyo sa ganap na pakikibahagi sa pag-aaral,
mga pagpupulong, at paglilingkod (Apo 7:15)
Ang pagbubulay-bulay sa nakaraang mga ulat ng nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova ay dapat na magpatibay sa ating pa-
nanampalataya sa kaniyang kakayahang gawin ang gayundin para sa atin
Nawa’y mabuhay tayong lahat upang makita ang nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova, samantalang inihahayag niya ang
kaniyang pangalan sa buong lupa (Exo 9:16; w91-TG 9/15 17-18)
(Huwag lumayo sa binalangkas na materyal, at sundin ang ipinakitang oras sa bawat bahagi. Hindi na kailangang basahin o ko-
mentuhan ang lahat ng binanggit na teksto)
Blg. 147-TG—pahina 2 SASAKLAWIN SA 45 MINUTO
5 2000 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Reserbado ang Lahat ng Karapatan

You might also like