Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Andres Bonifacio (1863-1897)

Nagtatag ng katipunan Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong


Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at
Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng
sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena sa Meisik, subalit
naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya napilitan siyang huminto
sa pag-aaral. Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Nagsikap na lang siyang mag- aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat.
Natuto siyang gumawa at magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston.
Naging mensahero siya ng Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito.
Ilan sa mga librong nabasa niya ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng
mga pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga makasaysayang aklat. Hinubog ng
mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio
kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila
upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan". Subalit
noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak
buwagin. Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan
noong Agosto 23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung
saan pinunit nila ang kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan
sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si
Bonifacio sa salang pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay
ng mga sundalo sa bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.

Antonio N. Luna (1869-1899)


Dakilang Heneral Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis
Tondo, Maynila, Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga
magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa Barcelona at
doon siya nag-tapos ng Parmasya. Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon
sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang
ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan nila sa Pilipinas. Nang siya ay
umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal Laboratory ng
Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La
Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay ipinatapon sa
Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga
manghihimagsik. Nagbalik siya sa Pilipinas. Nang sumiklab ang digmaan ng mga
Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga manghihimagsik ni Heneral Emilio
Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan ginawa siyang Kalihim-Digma sa
Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military Academy para ihanda niya ang
Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng
sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban
ngunit hindi siya sumuko. Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang
tinubuan. Ipinaglaban niya ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga.
Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na
30. Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang
kanyang ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay
ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago ilibing.

Apolinario Mabini (1864-1903)


Dakilang Lumpo Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon
ng Talaga, Tanauan, Batangas. Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at
Dionisia Maranan. Pangalawa siya sa magkakapatid. Nagmula siya sa mahirap na
pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng kanyang magulang na pagtatanim
ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos nagsikap ang pamilya niya upang
maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila. Nagtatrabaho siya habang nag-
aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nag-aaral ay
sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging aktibo siyang miyembr.
Nagtapos siya ng abogasya noong 1894. Taong 1896 ng magkasakit siya ng
'paralysis' na naging dahilan ng kanyang pagkalumpo. Lihim siyang ipinatawag ni
Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang
Pamahalaang Republika inatasan siya nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay
na Dekalogo". Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga
Amerikano sa Nueva Ecija. Sa kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at
Pagbagsak ng Himagsikang Filipino." Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam
kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa bansa noong Pebrero 1903 kapalit ng
panunumpa ng katapatan sa pamahalaang Estados Unidos. Nakumbinsi siyang
kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano sapagkat naisip niya na malulutas
lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan. Namatay
siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan, Manila.

Diego Silang (1730-1763)


Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union
noong Disyembre 10, 1730. Ang mga magulang niya ay sina Mguel Sialng at
Nicolasa de los Santos. Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa
parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang
nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na
nawasak ang kanilang sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng
bagyo. Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng
mga Ita at napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego.
Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na
iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging
matapat siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa
kanyang madalas na pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga
tao laban sa mga kastila. Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong
Amerikano. Natalo sa labanan ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila.
Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga
kababayan na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni
Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno
sa kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni
Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa mga puti. Nang makita ng mga kastila na
mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni Diego ay umupa ang mga ito ng
isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong
maipapatay. Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng
huwad na kaibigan sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari
ito noong Mayo 28, 1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego.
Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa
mga kastila.
Gregorio del Pilar (1875-1899)
Bayani ng Pasong Tirad Si Gregorio del Pilar ay ipinanganak noong Nobyembre 14,
1875 sa Bulakan. Ang mga magulang niya ay sina Fernando del Pilar at Felipa
Sempio. Pamangkin siya ni Marcelo del Pilar. Bata pa lamang siya ay nauunawaan
na niya ang kalagayan ng kanyang bayan. Malimit siyang tumanggap ng maliliit na
aklat na naglalaman ng mga sinulat nina Rizal, Lopez Jaena, del Pilar at iba pa mula
kay Marcelo. Nagpakita din siya ng katapangan ng pakialaman niya ang mga aklat
na ipinamumudmod ng isang pare na tumutuligsa at nagpaparatang sa mga
Pilipinong nagpapakasakit alang-alang sa bayan. Pinalitan niya ng mga pahina na
pinilas niya mula sa mga aklat na pinadadala sa kanya ng tiyuhing si Marcel del Pilar
na nagpapakita naman ng pagmamahal sa bayan. Layunin niya ay ituwid ang mga
maling paratang ng mga kastila sa mga Pilipinong repormista. Nag-aral din siya sa
Ateneo taong 1880 at nakitira siya sa bahay ng kanyang tiyuhin, kung saan itinatag
ang Katipunan. Nahikayat siyang maging mensahero ng mga propagandista, at
dahil doon natanim sa kanyang murang isipan ang gawain ng Katipunan. Nagtapos
siya ng pag-aaral sa Ateneo noong Marso, 1896. Hindi nagkaroon ng katuparan ang
pangarap niyang makapagturo sapagkat sumiklab ang Himagsikan. Sumapi siya sa
grupo ni Col. Vicente Enriquez at kasama siyang napalaban sa Kakaron de Sili, at sa
Paombong. Humanga sa kanya si Aguinaldo kaya nataas ang kanyang ranggo bilang
tinyente-koronel. Siya ang nanguna sa labanan sa Bulakan kung saan pinalaya niya
ito mula sa pagkakasakop. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna siya ang humalili
dito, Tinugis sila ng kalabang Amerikano sa Pasong Tirad. Dahil sa magiting na
pagtatanggol sa Pasong Tirad ay namatay siya, kasama ang ilan niyang mga tauhan.
Ito ay noong Disyembre 2, 1899. Subalit bago siya namatay ay sinulat niya sa
kanyang diary na "Isang napakahirap na gawain ang sa kanya'y nakaatang, subalit
masaya siyang mamamatay para sa kanyang minamahal na bayan.

Emilio Aguinaldo (1869-1964)


Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas Si Aguinaldo ay isinilang sa Kawit, Cavite
noong Marso 30, 1896. Ang mga magulang niya ay sina Crispulo Aguinaldo at
Trinidad Famy. Nag-umpisa siyang mag-aral sa isang pribadong paaralan sa
kanyang bayan at nagpatuloy sa San Juan de Letran. Noong Enero 1895 nahalal siya
bilang Kapitan-Municipal sa Kawit, Cavite. Naging miyembro siya ng Katipunan sa
ilalim ng pamumuno ni Heneral Baldomero Aguinaldo bilang isang tenyente.
Pagkaraan ng ilang buwan ay tumaas ang kanayng ranggo at siya ay naging
General. Pinamunuan niya ang paghihimagsik laban sa mga kastila. Nakipag-ugnaya
ang pamahalaang kastila kay Aguinaldo at dahil doon ay naganap o nalagdaan ang
"Pact of Biak na Bato" noong Disyembre 14, 1987, Maraming naging probisyon ang
kasunduan, isa na doon ay: aalis ng Pilipinas sina Aguinaldo kasama ang ibang
matataas na opisyales at sila ay babayaran ng Pamahalaang Kastila. Umalis nga si
Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at nagtungo sa Hongkong,
subalit hindi natupad lahat ang mga ipinangako ng pamahalaang kastila. Nang mag-
umpisa ang giyera ng Pamahalaang kastila at Amerika noong Abril 1898 ay bumalik
si Aguinaldo sa Cavite at ipinagpatuloy ang pakikibaka sa tulong ng mga Amerikano.
Nagkaroon ng malaking pag-aalsa at natalo ang pamahalaang kastila. Sumuko ang
Maynila sa mga Amerikano. Noong Hunyo 12, 1898 ay itinatag naman ni Aguinaldo
ang unang Republika ng Pilipinas sa Kawit, Cavite kung saan siya ang naging kauna-
unahang pangulo ng Pilipinas.

Emilio Jacinto (1875-1899)


Utak ng Katipunan Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo,
Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang
midwife or hilot. Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang
siya sa San Juan de Letran sa tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa
Unibersidad ng Santo tomas kung saan kumuha siya ng abogasya. Doon ay naging
kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at Sumulong. Taong 1894 ay sumapi siya sa
Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at siya ang pinakabatang
kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong
Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang heneral sa
hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang manunulat. Marami
ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang Dekalogo ni
Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya', nakapaloob
dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang "Utak ng Katipunan at
Himagsikan". Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon
pagkaraang mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at
nadakip siya ng mga kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at
nagtungo siya sa Maynila. Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon
ipinagpatuloy ang kanayng pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899
namatay siya sa sakit na malaria. Ang kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa
"Cementerio del Norte sa Maynila.

Jose P. Rizal (1861-1896)


Pambansang Bayani ng Pilipinas Jose Protacio Rizal ay isinilang noong Hunyo 19,
1861 sa Calamba Laguna. Ikapito siya sa labing- isang magkakapatid. Ang mga
magulang niya sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda. Ang
kanyang ina ang una niyang naging guro. Maagang nalantad si Rizal sa mga pang-
aabusong ginawa ng mga kastila sa mga Pilipino. Sa i-dad na labing isang taon labis
na nabuo sa kanyang isip ang panggagarote sa tatlong paring sina Padre Gomez,
Burgos at Zamora. Pumasok siya sa Ateneo at nagtapos dito ng Bachelor in Arts na
may mataas na karangalan. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas
kumuha siya ng pilosopiya at medisina. Noong 1882 siya ay nagtungo sa Europa.
Nag-aral siya ng medisina sa Universidad de Central Sa Madrid, Espa�a at
nagtapos noong 1885. Samantalang siya ay nasa Europa nakibahagi siya sa
pagtuligsa sa mga pang-aapi at kalabisan ng mga Kastila sa Pilipinas. Kasama ang
ilang dakilang Repormista tulad nina Graciano Lopez Jaena humingi sila g
pagbabago. Isinulat niya ang 'Noli Me Tangere' sa Berlin noong 1887 at 'El
Filibusterismo' sa Belgium noong 1891. Noong 1892 nagbalik si Jose Rizal sa Pilinas
kahit na alam niya ang panganib na naghihintay sa kanya bunga ng kanyang mga
isinulat. Ipinagpatuloy niya ang kanayng makabayang gawain at noong Hulyo 3,
1892 itinatag niya ang 'La Liga Filipina'. Pagkatapos ng ilang linggo dinakip siya at
ipinatapon sa Dapita. Nagprisinta siyang maipadala sa Cuba bilang manggagamot,
subalit habang nasa biyahe patungo roon ay dinakip siya at ibinalik sa Pilipinas.
Ipiniit siya sa Fort Santiago kung saan isinulat niya ang Mi Ultimo Adios at pinatay
siya bilang martir noong Disyembre 30, 1986. Dito nagtapos ang buhay ni Rizal at
pagsisimula ng bagong pag asa ng henerasyon.
Juan N. Luna (1857-1899)
Dakilang Pintor Si juan Luna ay ipinanganak sa Badoc, Ilocos Norte noong Oktubre
23, 1857, kapatid niya si Antonio Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin
Luna at Laureana Novicio. Taong 1874 ng magtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de
Manila ng kursong "Bachiler de artes'. Likas ang hilig niya sa pagpipinta kaya nag-
aral din siya sa Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila na pinamamahalaan ng
mga bantog at kilalang kastilang pintor. Nagtungo siya sa Espanya taong 1877
upang magpakadalubhasa. Pumasok siya sa tanyag na Escuela de Bellas Artes sa
Madrid. Dahil sa husay niyang magpinta ay umani si Juan Luna ng paghanga at
papuri. Nahirang din siyang pensiyanado sa Europa ng pamahalaang Pilipino. Siya
ay pinagkalooban ng taunang pensyon sa loob ng apat na taon, sa kasunduang
taun-taon ay gagawa siya ng isang larawang magagamit na palamuti sa iba't ibang
gusali ng pamahalaang Pilipinas. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa sa Europa.
Narating niya ang Roma, Italia at Paris kasama niya ang kanyang guro na si Alejo
Vera. Nagkamit ng medalyang ginto ang kanyang iginuhit na "Ang Kamatayan ni
Cleopatra" at naipagbili niya sa pinakamataas na halagang maibabayad sa isang
pintura. Taong 1884 ng kanyang iginuhit ang bantog na "Spolarium" na nakilala at
hinangaan sa lahat ng kanyang mga ginawa. Marami pang ibang likha si Juan Luna
na hinahangaan ng marami habang siya ay nasa Europa. Nagbalik siya sa Pilipinas
noong 1894. Taong 1896 ng siya ay hulihin ng mga kastila at ibinilanggo sa Fort
Santiago sa bintang na siya ay may kinalaman sa gawain ng mga katipunero,
kasama niyang nakulong ang kanyang kapatid na si Heneral Antonio Luna. Pinalaya
siya noong 1897. Muli siyang umalis ng Pilipinas at naglakbay sa iba't ibang bansa
sa silangan. Subalit inabot siya doon ng karamdaman. Disyembre 7, 1899 ng siya ay
bawian ng buhay.

Lapu-Lapu
Bayani ng Mactan Si Lapu-lapu ang hari at pinuno ng maliit na isla ng Mactan. Kilala
siya sa kanyang katapangan sa pakikipaglaban ngunit mabait na lider sa
nasasakupan. Tumanggi siyang kilalanin ang soberanya ng Espanya, lalung-lalo na
ang tumanggap ng mga dayuhan sa kanyang isla. Nang dumating sa Cebu si
Ferdinand Magellan ginawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang tiwala ng
mga taong bayan, subalit hindi ito nagustuhan ni Lapu- lapu. Hindi sumunod si
Lapu-lapu sa patakaran ng mga kastila Tumanggi siyang magbayad ng buwis.
Nagalit si Magellan, mula sa Cebu ay naglayag ang pangkat nito at nilusob ang Isla
ng Mactan. Subalit dahil sa pag-ibig sa kalayaan buong tapang na hinarap ni Lapu-
lapu ang mga sundalong Kastila kahit na iilan lamang ang kanyang mga tauhan at
kahit na makaluam ang kanilang sandata. Dahil sa pinaghandaan ng husto nina
Lapu-lapu ang labanan ay nasugatan si Magellan na naging dahilan para umatras
ang grupo ng mga sundalong kastila patungo sa kanilang sasakyang pandagat. Nang
makita ng mga sundalong kastila na tuluyan nang nagapi ang kanilang pinuno
aymabilis na nagsialis at tumakas ang mga ito. Ang labanan ay naganap sa baybayin
ng Mactan noong Abril 27, 1521 kung saan napatay niya si Magellan.

Melchora Aquino (1812-1919)


Ina ng Himagsikan Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang
katandaan. Ipinanganak siya sa Gulod Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang
mga magulang niya ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino. Sa kagubatan ng
Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa kahirapan, subalit
taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa. Napangasawa niya si
Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga. Nang sumiklab ang
himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng magpakita ng
labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit nang
maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio. Maraming kalalakihan ang hinuli at
pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim na samahan ng Katipunan at kapag
hindi umamin ay kanilang pinapatay sa pamamagitan ng pagbaaril o di kaya ay
pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa Balintawak sa lugar ni Tandang Sora.
Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain
niya ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit
hindi niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang
mga ito ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na
maaaring pagtaguan ng mga ito. Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang
ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya
ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila. Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas.
Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa
kamay ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang
natitirang ari-arian. Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.

Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763)


Si Gabriela Silang ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik
noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si
Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa. Siya ay ipinanganak
bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan,
Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang
siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay
pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela
nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay
at siya ay maagang nabiyuda. Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni
Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya
ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang
sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda. Ang naudlot na pakikipaglaban ni
Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang
kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan
interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong
Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20
Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing
Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan. Ang
kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na
GABRIELA.

Padre Mariano Gomez Si Mariano Gómez y Guard (Latin:


Marianus Gomez),
isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila, ay isang Pilipinongpari,
bahagi ng Gomburza na maling pinaratangan ng pag- aalsa laban sa pamahalaang
Kastila sa Pilipinas noong ika-19 dantaon. Siya ay nilitis at hinatulan ng bitay sa
Maynila kasama ang dalawang iba pang mga pari. Si Mariano Gomez ay nagtapos
ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging pari sa
Parokya ng Bacoor,Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa
pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang
naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal
at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang
pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga
prayleng Kastila. Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan.
Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na
kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez
ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

Padre Jose Burgos


Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng
Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang
kanyang ina ay si Florencia Garcia. Siya ay naulila sa magulang noong siya ay
walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag- aaral, siya ay may angking
katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran.
Naging pari noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa
kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at
"Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871). Si Padre
Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro
Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay
nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni
Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Sa
paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si
Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua
na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito
ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng
testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang
naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya
ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang
pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon. Ang tatlong pari ay
kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung
saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero 15, 1872,
sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta. Si
Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay
nagsilbing mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang
GOMBURZA at naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela,
El Filibusterismo sa siyang gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan
laban sa mga banyaga.

Padre Jacinto Zamora


Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila.
Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nag-
aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang
kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller
en Leyes Canon. Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre
Gomez subalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha
niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng
mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan
ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio". Lumipat ng
Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa mga
Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong
pari. Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at
ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa
laban sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez.
Siya ay kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya
ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.
Francisco “Balagtas” Baltazar Francisco Balagtas (Abril 2,
1788—Pebrero 20, 1862)
who is more famously called Francisco Baltazar. He is considered as one of the
greatest Filipino poet. Florante at Laura is his masterpiece that inspired and
touched the heart and soul of the reader. He was born in Panginay, a small town in
Bigaa, Bulacan (now called Balagtas) on Abril 2, 1788. He was the youngest among
the four children of Juan Baltazar and Juana dela Cruz. He was just eleven years
years when he was brought to Tondo, Manila. Because of his nature of being
hardworking, Balagtas became a helper of Donya Trining, a rich relative of his.
Because of his dedication and dedication to his job, Donya Trining was very fond of
him. Donya Trining sent him to Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San
Jose to finish his study. In 1812 he finished his law degree, Canones, Gramatica
Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at
Pilosopia at the age 24. Francisco Baltazar was called as "Prinsipe ng mga
Manunulang Pilipino" and considered as "Filipino William Shakespeare." He
learned to write poems from Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) who was the famous
poet in Tondo, Manila. Jose dela Cruz was a great inspiration for Balagtas to write
good poems and masterpices. And Balagtas later became well-known and
celebrated poet in the field of literature. In 1835, he moved to Pandakan, and here
he met Maria Asuncion Rivera. She was beautiful lady that became an inspiration
for Balagtas. She was nicknamed "Selya" and MAR of Balagtas in his masterpice
Florante at Laura. Mariano Kapule is his rival of the love for Maria Asuncion Rivera.
Nanong Capule used his influence and money to defeat Balagtas. Caoule brought
Balagtas to prison and there he wrote Florante at Laura. He imprisoned again
because of the accusation of the lady, that Balagtas cut her hair. He was released
in 1860. He continued to write comedy, songs at choirs. Francisco Balagtas lived
and died with his wife, Juana Tiambing and eleven children on February 20, 1862 at
the age of 74.

You might also like