Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

EPEKTO NG PAGLALARO NG DEFENSE OF THE

ANCIENTS SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL


SA IKAANIM NA BAITANG NG STO.NINO
PAROCHIAL SCHOOL,TAONG ARALAN 2011-2012:
ISANG PAG-AARAL
KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa kasalukuyan, ang mga mamamayan ay gumagamit na ng makabagong teknolohiya


para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay upang mapadali ang kani-kanilang gawaing
teknikal. Tayo ay nasa modernong panahon na kung saan ang dating imposible ay
nagagawa ng posible. Tulad na lamang kapag nangangailangan ng impormasyon,
kompyuter ang pangunahing hinahanap upang makapaghanap sa internet para makakuha
kaagad ng impormasyon at panibagong kaalaman; halimbawa sa mga mag-aaral para sa
kanilang takdang-aralin at pananaliksik. Kung mayroong magagandang naidudulot ang
kompyuter sa buhay ng tao partikular na sa kabataan, mayroon din namang nakakaapekto
sa pag- aaral dahil sa kompyuter. Lalo na ngayon may mga panibagong imbensyon na
laro sa kompyuter na kinawiwilihan at kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayong
henerasyon.

Ayon sa Wikipedia, ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,


makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
[wikipedia.org, 2011]
Ang mga mamamayan ay nasa modernong panahon na kaya maraming naiimbentong
bagong teknolohiya. Ilang halimbawa ng bagong teknolohiya ay ang cellphone, mp3,
ipod, psp,digital camera at ang nabanggit na kompyuter. Malaki man ang naitutulong ng
teknolohiya sa mga tao, marami rin ang hindi sumasang-ayon sapagkat marami ang
nawawalan ng trabaho dahil sa pag-unlad ng teknolohiya. Gaya na lamang sa mensahero
na napalitan ng email sa internet at ng text sa cellphone.

Ayon pa rin sa Wikipedia, ang “kompyuter”, “kumpyuter”, “komputadora” o


“computer” sa Ingles ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o
mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o
lohikal. May apat na uri ng kompyuter. Ang micro-computer, mini-computer, mainframe
computer, at ang super computer. Ang micro-computer ay isang maliit na kompyuter na
kung saan ang gitnang processing unit ay nakapaloob sa isa o higit pang mga chips sa
silikon. Ang mini-computer ay isang kompyuter ng isang sukat at isang intermedya sa
isang microcomputer mainframe. Karamihan, minicomputers naging stand alone
kompyuter. Ang mainframe computer naman ay malaking digital na kompyuter na kung
saan pinagsislbihan ang isang daan hanggang apat na raang mga gumagamit at
inookupahan ng espesyal na airconed na kuwarto. [wikipedia.org, 2011]

Ayon sa Wikipedia, ang local area network (LAN) ay isang klaseng network ng
kompyuter na sumasakop ng di-kalakihang lugar tulad ng isang bahay, opisina, o isang
grupo ng mga gusali tulad ng isang kolehiyo.[wikipedia.org, 2011]

Ayon sa Jepoy Info, ang LAN Game ay mga laro sa kumpyuter na nilalaro sa
isang LAN, karaniwang nagaganap kapag higit sa isa ang naglalaro ng isang laro sa isang
particular na lugar at oras.[ jepoy.info, 2008]

Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito, sapagkat naniniwala ang mga
mananaliksik na mahalagang maipabatid sa lipunan ang mga mabubuti at masasamang
Epekto ng Paglalaro ng DoTA sa mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Sto. Niño
Parochial School, Taong Aralan 2011-2012, na kung saan dapat binabawasan ng mga
mag-aaral ang paglalaro ng DoTA at nakatuon lamang sa pag-aaral.
Sanligang Pangkasaysayan

Sa kasalukuyan isa ang DoTA sa larong LAN game at nilalaro ng mga kabataan sa
ating henerasyon. Ayon sa Wikipedia, ang Defense of the Ancients (mas kilala sa tawag
na DoTA) ay isang larong nagmula sa video game na Warcraft: Reign of Chaos na nang
maglaon ay nagiging Warcraft:Frozen Throne. Simula ng malikha ang larong DoTA,
marami nang pagbabago ang naganap dito (pinakasikat ang DoTA Allstars) at nang
tumagal ay tinawag nang DoTA (bersyon 6.68). [wikipedia.org, 2011]

Nabuo ang larong DoTA taong 2003 nang gawin ng isa sa mga top game company
sa mundo, ang Blizzard Entertainment. Ang larong ito ay isang Real-Time na tinatawag
na Warcraft III: Reign of Chaos na karugtong ng larong Warcraft III: Frozen Throne. Ang
layunin ng larong ito ay wasakin ang larong “Ancient” na nakatayo sa mga sulok ng
mapa. Ang mga manlalaro ay gumagamit ng mga “Hero” na ginagabayan ng Allied
Heroes at Artificial Intelligence upang manalo sa labanan. [wikipedia.org.2011]

Ang unang bersyon ng DoTA ay inilabas noong 2003 sa pamamagitan ng gumawa


ng mapa sa ilalim ng Alias Eul na ibinatay sa mapa ng nakaraang senaro ng Starcraft na
kilala bilang "Aeon of Strife“. Pagkatapos mailabas ang pagpapalawak ng Warcraft The
Frozen Throne ay dinagdag ang bagong mga tampok sa World Editor, ang Eul ay hindi
isinaayos ang senaryo. Iba pang gumawa ng mga mapa ay ginawa ang mga spinoffs na
nagdagdag ng mga bagong tagapagligtas, at bagay. [wikipedia.org.2011]

Ayon naman sa Games Magazine Online, hindi ganoon kabilis ang paglago ng
larong DoTA upang makilala sa mundo. Sa tulong ng Ice Frog Co., napaganda pa ng
husto ang larong DoTA. Taong 2006, kinilala na Number 1 role playing game of the year
ang iba’t ibang bansa. Tinalo nito ang unang namayagpag na “Counter Strike”. Hanggang
sa kasalukuyan ang larong DoTA at kilala na sa mga kabataan, bawat taon ay
nagkakaroon ng paligsahan at pagalingan ang mga manlalaro ang bawat bansa kapalit ang
karangalan at kasikatang kanilang mauuwi sa bansa. [games.com, 2009]

Ang larong DoTA ay hindi nakakagulat na kinakaadikan ng mga kabataan sa panahong


ito dahil sa mga nakapang-aakit nitong dating sa paningin at kaaliwan ng diwa ng mga
bawat manlalaro.

Ang DoTA ay isa sa pinaka-sikat na laro na kahit mapabata man o matanda ang
naglalaro nahuhumaling sa larong ito. Kahit saang computer shop hindi nawawala ang
larong DoTA at hindi din nawawala ang madalas na hiyawan at sagutan na epekto ng
paglalaro ng DoTa.[MAGA, 2010]

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral sa paksang ang “Epekto ng Paglalaro ng DoTA sa Pag-


aaral ng mga mag-aaral sa Ikaanim na baitang ng Sto. Niño Parochial School, Taong
Aralan 2011-2012:Isang Pag-aaral” ay upang makatulong sa mga uri ng tao sa lipunan
kagaya ng mga sumusunod:

Sa mga mananaliksik, napakahalagang malaman ng isang mananaliksik ang mga


napapanahong isyu hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng isang mag-aaral,
isa na sa mga salik na ito ay ang paglalaro ng DoTA na mas kinahihiligan ng mga
kalalakihan. Mas napapalawak nila ang kanilang kaisipan at nakakahanap sila ng mga
kasagutan kung bakit ang larong ito ay nakakaadik para sa mga lalaki. Sa pangkalahatan,
bilang isang mananaliksik ito ang kanilang paraan para magkaroon ng karagdagang
kaalaman hinggil sa mga napapanahong isyu na kinakaharap ng mgakabataan ngayon
partikular na ang mga kalalakihan

Sa mga mag-aaral, nais maipabatid ng mga mananaliksik ang mga mabuti at


masamang epekto ng paglalaro ng dota sa kanilang pag-aaral. Nais ding mabigyan ng
ideya ang mga mag-aaral kung ano ang maaring maging dulot ng pagkahumaling sa
paglalaro ng DoTA sa pag-aaral. Hindi man matigil ang paglalaro kahit papaano’y
makatulong ang pananaliksik na maibsan ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa
paglalaro.

Sa mga guro, bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral nais ng mananaliksik


na mabigyan nang ideya ang mga guro kung ano ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng
marka ng mga mag-aaral. Nais din ng mga mananaliksik na magabayan ng mga guro ang
mga mag-aaral na nagsisimulang bumaba ang marka.

Sa mga magulang, nais maipabatid ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng


problema na karamihan sa mga mag-aaral ang nakakaranas. Nais din ng mananaliksik na
patnubayan at patuloy na gabayan ang kanilang mga anak upang mabawasan ang
pagkakahumaling ng mga mag-aaral sa paglalaro ng DoTA.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na pinamagatang “Epekto ng Paglalaro ng DoTA sa Pag-aaral ng


mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ng Sto. Niño Parochial School, Taong Aralan
2011-2012: Isang Pag-aaral” ay naglalayong masagot ang tanong na:

 Ano-ano ang mabubuti at masasamang epekto ng paglalaro ng DoTA sa pag-


aaral ng mga mag-aaral?

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay layuning pag-aralan ang Epekto ng Paglalaro ng Dota
sa mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ng Sto. Niño Parochial School, Taong Aralan
2011-2012 sa ilalim ng Teoryang Behaviorism.

Lilimitahan lamang ang kalahok sa (46) apatnapu’t-anim na mag-aaral sa cream


section. Ang nasabing bilang nito ay sapat na upang mabuo ang nasabing pag-aaral na ito.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na pinamagatang “Epekto ng Paglalaro ng DoTA sa Pag-aaral ng


mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ng Sto. Niño Parochial School, Taong Aralan
2011-2012: Isang Pag-aaral” ay gagamit ng teoryang:

Teoryang Behaviorism o Sikolohiyang Pang-ugali (Ingles: behaviorism,


behaviourism, learning perspective), kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o
pananaw sa pagkatuto, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali, ay isang
pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay-bagay na
ginagawa ng mga organismo – kasama na ang pag-arte, pag-iisip, at pagdama – ay
maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag-uugali. Ayon sa Sikolohiyang Pang-
ugali, ang ugali ay maaaring pag-aralan nang makaagham, na hindi kailangang malaman
ang pisyolohiya ng kaganapan, at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa
isipan. Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat
ng mga pag-uugali.

Kasama sa mga taong higit na nakaimpluwensiya sa Sikolohiyang Pang-ugali ay


sina Ivan Pavlov, Edward Lee Thorndike, John B. Watson at B. F. Skinner.
[wikipedia.org, 2012]
Inimbestigahan ni Pavlov ang pagkukundisyong klasikal, subalit hindi sumang-
ayon sa sikolohiyang pang-ugali at mga sikologong makapang-ugali. Tinanggihan nina
Thorndike at Watson ang mga paraang introspektibo at nagnasi na ihangga ang sikolohiya
sa mga paraang eksperimental o sumusubok. Nakatuon ang pananaliksik ni Skinner sa
pagkukundisyong operante o pagkukundisyong nagdurulot ng paggalaw.

Sa kasalukuyan, ang mga ideya mula sa sikolohiya ng pag-uugali o sikolohiya ng


ugali ay ginagamit sa mga terapiyang katulad ng terapiyang kognitibo at pang-ugali.
Nakakatulong ang terapiyang kognitibo at pang-ugali sa mga tao upang makaraos o
makaraan sa mga pagkabahala at mga pobya, pati na sa mga partikular na mga uri ng
adiksyon. [wikipedia.org, 2011]

Ayon kay B.F. Skinner, sinasabi ng Teoryang Behaviorism o Sikolohikal Pang-


ugali na mayroong 3 Basic Assumption. Una, ang pagkatuto ay nakabatay rin sa kanyang
pag-uugali. Pangalawa, sa kanyang kapaligiran kaya nagbabago ang kanyang pag-uugali.
Pangatlo, ang reinforcement at pagkahilig sa isang bagay ay nagtutulak sa kanya para
magbago ang kanyang pag-uugali. [SKINNER, 1987]

Ang Teoryang Behaviorism ay teorya ng pagkatuto batay sa mga ideya na ang


lahat ng pag-uugali ay nakukuha sa pamamagitan ng pagpapalagay.

Dahil dito ang pagbabago ng pag-uugali nang isang mag-aaral ayon sa teoryang
ito ay nakabatay sa kapaligiran at iba pang ginagawa sa pang-araw-araw.

Balangkas Konseptuwal

Mga Epekto

Mag-aaral
Teoryang (ikaanim na
Behaviorism
baitang)
Defense of the
Sto. Niño Ancient
Parochial
Pag-aaral
(DoTA)
School
Pag-aaralan ng mga mananaliksik kung ano ang mga posibleng maging epekto ng
paglalaro ng DoTA sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Para maipabatid sa mga mag-aaral na
maaring mabawasan ang pagkahumaling sa paglalaro ng DoTA. Ang pag-aaral na ito ay
napapaloob sa ilalim ng Teoryang Behaviorism, na nagbigay diin kung paano
nakaaapekto ang pagkahumaling sa paglalaro ng DoTA sa pag-aaral ng mga mag-aaral at
pagbabago sa ugali.

Katuturan ng mga Talakay

Upang maging mas maayos, madali at mabisa ang pagkalap ng impormasyon


ng mga mambabasa sa pag-aaral na ito, minabuti ng mga mananaliksik na magbigay
ng mga depinisyon ng mga teknikal na terminolohiya na ginamit sa pagtalakay at
pagbibigay kaalaman sa impormasyon sa pamanahong papel na ito. Ang mga
terminolohiya na ginamit sa pamanahong papel na ito ay ang mga sumusunod:
 Defense of the Ancients - (mas kilala sa tawag na DotA) ay isang larong nagmula sa
video game na Warcraft: Reign of Chaos na nang maglaon ay naging Warcraft:Frozen
Throne. [wikipedia.org, 2011]

 Teoryang Behaviorism o Sikolohiyang Pang-ugali-(Ingles: Behaviorism,


Behaviourism, Learning Perspective), kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o
pananaw sa pagkatuto, [wikipedia.org, 2012]

 Edukasyon -ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka


ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng
edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.[wikipedia.org,
2012]
 Teknolohiya-ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan
at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. [wikipedia.org,
2011]

 Kompyuter-ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga


operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o
lohikal. [wikipedia.org, 2012]

 Computer Shop-ay isang lugar kung saan ang kompyuter ay inuupahan ng idibidwal
na kung saan kumukuha ng impormasyon sa internet. [ jepoy.info, 2008]
 LAN – local area network (LAN) ay isang klaseng network ng kompyuter na
sumasakop ng di-kalakihang lugar tulad ng isang bahay, opisina, o isang grupo ng
mga gusali tulad ng isang kolehiyo.[wikipedia.org, 2011]

 LAN Game–ay mga laro sa kumpyuter na nilalaro sa isang LAN, karaniwang


nagaganap kapag higit sa isa ang naglalaro ng isang laro sa isang partikular na lugar
at oras.[ jepoy.info, 2008]

 Blizzard Entertainment–ay kompanyang bumuo ng Warcraft III na kung saan ito ay


ginagamit na aplikasyon sa kompyuter para makalaro ng Defense of the Ancients. [
jepoy.info, 2008]
 Warcraft III–ay software na ginagamit upang makalaro ng Defense of the Ancients. [
jepoy.info, 2008]

You might also like