Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – CALABARZON
Division of Cavite
Bagbag National High School
Bagbag II, Rosario, Cavite

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7: Araling Asyano

I. EASY
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa espasyo bago ang bilang.

1. Ang kontinenteng ito ay pinakamalaking kontinente sa buong daigdig sapagkat ito ay umaabot mula sa Arctic Hanggang
lampas ng equator at ang tiyak na lokasyon nito ay 10°-175° East longitude. Ito ay ang kontinenteng ____________.
A. Asya C. Hilagang America
B. Europa D. Timog America

2. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal.Paano isinasagawa ang paghahating ito?
A. Isinasaalang ang sukat at lawak
B. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa
C. Gamit ang batayang pisikal,kultural,historikal at politikal
D. Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa

3. Maaaring malaman sa pamamagitan ng longitude mapa ang oras ng isang bansa.Sa pamamagitan naman ng latitude
matutukoy ang __________.
A. temperatura ng isang bansa
B. pangkat etniko na naninirahan sa bansa
C. klima at vegetation cover ng isang bansa
D. kontinenteng kinabibilangan ng isang bansa

4. Ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay nagtataglay ng iba’t ibang likas na yaman. Ang mga sumusunod ay mga uri ng
likas na yaman, maliban sa ___________.
A. Yamang Gubat C. Yamang Mineral
B. Yamang Lupa D. Yamang Pisikal

5. Sagana sa mga produktong agrikultural ang mga bansa sa Timog Silangang Asya, maging sa mga yamang gubat. Alin sa mga
sumusunod na puno ang pangunahing tumutubo sa mga kagubatan sa rehiyong ito?
A. Rubber Tree C. Pine Tree
B. Teak wood D. Cedar Tree

6. Anong uri ng suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy ng pahayag: pagdami ng mga banlik o putik sa mga ilog na nagiging
sanhi ng hindi pag-agos ng tubig?
A. Alkalinization C. Salinization
B. Desertification D. Siltation

7. Ang mga Indo-Aryan, Arabo, Turk, Eskimo, Malay, at Ainu ng iba’t ibang mga bansa sa Asya ay matatawag na mga pangkat
etnolinggwistiko. Ang batayan ng pagkakabuo ng mga pangkat etnolinggwistiko ay ang ________ at _________.
A. Wika at kultura C. Wika at paniniwala
B. Etnisidad at tradisyon D. Etnisidad at wika

8. Nahahati sa dalawang uri ang wika na nagsisilbi bilang pinakamatibay na pagkakakilanlan ng mga pangkat ng
etnolinggwistiko ito ay ang tonal at non-tonal. Alin sa mga sumusunod na wika ang nagpapakita ng non-tonal?
A. Chinese C. Niponggo
B. Manchu D. Khmer

9. Ang One-child Policy ay naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Saang bansa sa Silangang
Asya ipinatupad ang polisiyang ito noong 1979?
A. China C. Mongolia
B. Japan D. Taiwan

10. Isa sa sukatan ng pag-unlad ng mga bansa ang dami ng taong maykakayahang bumasa, sumulat at umunawa. Anong
konsepto ang tumutukoy sa bahagdan ng marunong bumasa at sumulat sa isang bansa?
A. Literacy Rate C. Employment Rate
B. Life Expectancy D. Unemployment Rate

Page 1 of 6
II. AVERAGE
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa espasyo bago ang bilang.

11. Ang hilera ng mga buhay na bundok na tinaguriang “Pacific Ring of Fire” ay nagmumula sa hilagang bahagi ng Siberia at
bumabagtas patungong Korea, Tsina, Hapon at Taiwan. Ang mga bansang nabanggit ay kabilang sa:
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Silangang Asya
12. Nagsisilbing hangganan ng Asya sa silangang bahagi nito ang Karagatang Pasipiko, habang hinihiwalay naman ng isang
kabundukan ang kontinente sa Europe. Ano ang kabundukang nagsisilbing hangganan ng Asya at Europe?
A. Caucasus Mountain C. Ural Mountain
B. Himalayas D. K9 Mountain
13. May kaniya-kaniyang katangiang pisikal ang mga rehiyon sa Asya.Matatagpuan ang matataas na hanay ng kabundukan sa
Timog Asya, dumaranas naman ng monsoon ang Timog Silangang Asya. Sa anong katangiang pisikal kilala ang Kanlurang
Asya? Matatagpuan rito ang:
A. Steppes,Prairie at Savanna C. Tropical Rainforest
B. Malalawak na disyerto D. Taiga at Tundra
14. Mayroong iba’t ibang uri ng grassland o damuhan sa Asya, ang damuhang mayroon matataas na damo at may roong
malalim na ugat ay tinatawag na prairie. Anong uri naman ng damuhan ang nagtataglay ng mga mabababang damo at
mababaw ang ugat?
A. Steppe C. Taiga
B. Savanna D. Tundra
15. Sa hilagang bahagi hangganan ng Asya ang Arctic Ocean, sa silangan ang Pacific Ocean, sa timog naman ang Indian Ocean.
Ito ay patunay na ang Asya ay _______________.
A. napalilibutan ng anyong lupa C. napaliligiran ng apoy
B. napalilibutan ng hangin D. napaliligiran ng anyong tubig
16. Ang pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal sa mga rehiyon sa Asya ay magiging dahilan upang:
A. maiwasan ang maaaring pagkaubos ng mga yamang likas
B. magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa rehiyon
C. madagdagan ang gastusin ng pamahalaan
D. lumiit ang populasyon
17. Marami at mabigat ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ang mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod
ang hindi itinuturing na pinakamalaking suliranin?
A. Ang mga kanluraning multinational company ang may hawak o kontrol sa yamang likas
B. hindi napapangalagaan ng tama ang mga yamang likas
C. pananalanta ng mga pwersa ng kalikasan
D. Hindi lubos na paglinang sa likas na yaman
18. Pinaniniwalaan ng ilan sa mga pangkat etnolinggwistiko sa Timog Silangang Asya na ang kalikasan ay pinananahanan ng
mabubuti at masasamang espiritu, ang paniniwalang ito ay tiantawag na _____________.
A. Animism C. Cult
B. Christianity D. Hinduism
19. Noong taong 2008 tinatayang mayroong 91 Milyong tao na naninirahan sa Pilipinas. Ang konseptong tumutukoy sa
kabuuang bilang ng tao sa takdang lugar at panahon ay _________________.
A. Life Expectancy C. Populasyon
B. Migrasyon D. Unemployment Rate
20. Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon nito ng mga mamamayang marunong bumasa at sumulat. Ano ang konseptong
tinutukoy ng pahayag: “bahagdan ng taong marunong bumasa at sumlat”?
A. Unemployment Rate C. Death Rate
B. Popullation D. Literacy Rate
21. Bilang isang Asyano, sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang bansang Pilipinas bilang bahagi ng kontinente ng Asya
sa ibang lahi?
A. Makikilahok sa mga palighasan ng tagisang ng talino.
B. Bubuo ng grupo ng mga kabataang nag-aalsa para sa kalayaan ng mga bansa.
C. Ibabahagi at magpapakita ng larawan ng mga magagandang lugar na matatagpuan sa Asya sa ibang lahi.
D. Gagawa ng fan page sa mga social networking sites tungkol sa mga artista, mang-aawit at mananayaw ng Asya.
22. Tropical rainforest ang uri ng behetasyon bumabalot sa malaking bahagi ng Pilipinas. Kung ikaw ay isang mambabatas,
anong batas ang iyong imumungkahi upang mapangalagaan ang mga tropical rainforest sa bansa?
A. Community-based forest management(pangangasiwa ng pamayanan sa kagubatan
B. Pangangalaga sa kalusugan ng tao
C. Pangangalaga sa ilog at iba pang anyong tubig
D. Lahat ng nabanggit
23. Ikaw ay ambassador of goodwill na naatasang hikayatin aat impluwensyahan ang kabataang Asyano na magpalaganap ng
mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng
isang multi-media advocacy. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?
A. organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
B. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
C. nilalaman, pagkamalikhain, impak, organisasyon, kapakinabangan
D. kawastuhan ng mga datos, madaling munawaan

Page 2 of 6
24. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran sa mga tumutubong halamanan.
C. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at
kabundukan.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano.
25. Kung ikaw ay tagalungsod, ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa pagpapatupad ng tamang paraan ng
pagtatapon ng basura?
A. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan
B. Paglalagay ng mga babala sa paligid ng lungsod
C. Paghihiwalay ng mga nabubulok sa di nabubulok na basura
D. Pagbabahay-bahay upang kolektahin ang basura.
26. Mayaman ang Asya sa iba’t-ibanganyong lupa at anyong tubig. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider
ng bansa dapat mo ba itong pangalagaan?
A. OO, dahil kilalaang bansa sa turismo
B. OO, dahil ito nagmumula ang pinangtutustos sa mga pangangailangan ng mga mamamayan
C. Hindi, dahil mas higit na dapat pagtuunan ngpansin ang kapayapaan sa bansa
D. Hindi,sapagkat makadaragdag ito sa mga suliraning kinakaharap ng bansa
27. Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang anyong lupa tulad ng kapatagan at kabundukan. Ano ang maaari mong gawin
upang maging kapakipakinabang ang bakanteng lupa sa iyong bakuran?
A. Pagtatanim ng halaman sa bakuran C. Pag-iimbak ng mga basura
B. Gawing kulungan ng hayop D. Gamitin bilang palaruan
28. May iba’t-ibang grupong etnolinggwistiko sa Asya na siyang naging daan sa pagbuo ng sinaunang kultura katulad din sa
Pilipinas na may iba’t-ibang grupng etnolinggwistiko. Kung ikaw ay isang Cebuano paano mo pahahalagahan ang mga
orihinal na kulturang nabuo ng inyong pangkat?
A. Huwag pabayaang maglaho ang orihinal na kultura ng grupo
B. Bigyang pansin ang mg natitirang grupong etnolinggwistiko
C. Bigyang halaga ang naging pamana ng grupong etnolinggwistiko
D. Bigyang parangal ang mga kontribusyon ng mga grupong etnolinggwistiko
29. Ang mga Ainu sa Japan ay unti-unti nang nawawala dahil sa pag-unlad. Ito rin ay nangyayari ngayon sa mga katutubong
mangyan sa Mindoro. Kung ikaw ay isang Mangyan paano mo mapapanatili ang iyong kultura kasabay ng pag-unlad?
A. Isa-isip at isa-puso ang kinagisnang kultura at wika
B. Pagsunod sa kanilang ritwal na gawain
C. Pagsuot ng katutubong kasuotan
D. Paggamit ng etnikong wika
30. Isa sa solusyong naiisip ng pamahalaan para makontrol ang paglaki ng populasyon sa bansa ay ang RH Bill. Bilang isang
Kristiyanong Katoliko, paano nakakaapekto ang ideolohiya ng relihiyong Kristiyanismo ukol sa usapin ng Reproductive
Health Bill?
A. Kaunting Pilipino lamang ang di – Katoliko at sila lamang ang susunod sa RH Bill
B. Marami sa mga Kristiyanong Katoliko ang mahigpit na tututulan ang RH Bill
C. Marami ang gagamit ng contraceptive
D. Marami ang hindi magbubuntis
31. Paano nakatutulong ang mga linya sa globo sa paghahanap ng lokasyon sa mundo?
A. Sa pamamagitan ng mga linyang ito mas madali at eksakto nating nalalaman ang lokasyon ng isang lugar
B. Natutukoy sa pamamagitan ng mga linyang ito ang eksaktong katangian ng isang lugar o bansa
C. Nagbibigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang lugar o bansa
D. Lahat ng nabanggit
32. Ang Arabian peninsula ay isang malawak na tangway na pinalilibutan ng iba’t-ibang anyong tubig ngunit malawak ang
disyerto dito. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga disyerto sa pamumuhay ng mga naninirahan sa Arabian
Peninsula?
A. Ito ay nagtataglay ng malaking suplay ng langis C. Ito ay sagana sa suplay ng tubig
B. Ito ay nagsisilbing rutang transportasyon D. Ito ay nagtataglay ng matabang lupa
33. Bakit pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Timog, Silangan, at Timog Silangang Asya ang pagsasaka?
A. Ang kalakhang lupa ng Asya ay lupaing Agrikultural.
B. Ang kalakhang lupa ng Asya ay lupaing luwad.
C. Ang kalakhang bahagi ng Asya ay matubig.
D. Ang kalakhang bahagi ng Asya ay bulubundukin.
34. Ang Iran at Saudi Arabia ay mga bansa na pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig.sa iyong pananaw
sa paanong paraan nakaimpluwensya ang mga bansang ito sa pandaigdigang ekonomiya?
A. Sila ay nagdidikta sa presyo ng langis C. Sila ang nangangailangan ng langis
B. Sila ang nagbibigay ng langis D. Sila ay naghuhukay ng langis
35. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang
lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang
taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao
B. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-ulan, tag-init, taglagas, at taglamig
C. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
D. Nakararanas ng magkaparehong haba ng tag-init at tag-ulan ang mga bansang bahagi ng rehiyon

Page 3 of 6
36. Ang ilog ay may malaking ginampanan sa pag-usbong ng mga sinaunang sibilisasyon lalo na sa pag-unlad ng agrikultura.
Ano ang maaaring mahinuha hinggil sa pahayag na ito?
A. Ang ilog ang siyang nagtutustos ng tubig sa mga sakahan sa pamamagitan ng sistemang irigasyon
B. Ang ilog ay ang nagsisilbing daanan ng transportasyon noong sinaunang panahon
C. Ang ilog ang pinagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao
D. Sa ilog makukuha ang mga mineral gaya ng ginto
37. Basahing mabuti ang mga pangungusap.
I. Mahalaga ang Caspian Sea para sa mga mamamayang malapit dito dahil ito ay nagsisilbing daanan ng mga
sasakyang pantubig sa rehiyon.
II. Ang Caspian Sea ang pinakamalaking dagat sa Hilagang Asya.
A. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalwa
B. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawa.
C. Parehong tama ang una at ikalawang pangungusap.
D. Parehong mali ang una at ikalawang pangungusap
38. Basahing mabuti ang mga pangungusap.
I. Ang Fertile Crescent ang tawag sa rehiyon ng matabang lupa na hugis kalahating buwan sa bahagi ng Timog
Silangang Asya.
II. Ang Fertile Crescent ay pinalilibutan ng kambal na ilog ng Huang Ho at Yangtze
A. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalwa
B. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawa.
C. Parehong tama ang una at ikalawang pangungusap.
D. Parehong mali ang una at ikalawang pangungusap
39. Ang Asya ay kakikitaan ng iba’t ibang uri ng mga behetasyon, mayroong nagtataglay ng tropical rainforest,
disyerto, iba’t ibang klase ng damuhan, taiga at pati ang tundra. Bakit iba-iba ang vegetation cover sa Asya?
A. Sapagkat iba iba ang klima na nakakaapekto sa mga lugar dito
B. Sapagkat iba iba ang mga taong lumilinang sa mga lugar dito
C. Sapagkat iba iba ang mga halamang tumutubo dito
D. Sapagkat iba iba ang uri ng lupa dito
40. Anong suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy ng pahayag: “pag-alat ng lupa, dala ng mataas na konsentrasyon ng asin
na nanggagaling sa ilalim ng lupa o kaya naman naman ay dala ng pag-agos ng tubig”
A. Desertification C. Red Tide
B. Salinization D. Siltation
41. Ano ang isang gawaing pantahanan ang dapat mong iwasan upang di na makaragdag sa polusyon sa tubig.
A. Pagtapon ng basura sa mga sapa, ilog at dagat
B. Paggamit ng mga nakalalasong kemikal
C. Pagbubungkal ng lupa sa tabing ilog
D. Paglalagay ng bakod sa paligid ng ilog
42. Taglay ng Asya ang iba’t-ibang yamang likas na nakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng nasabing kontinente.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting epekto nito sa ekonomiya ng Asya.
A. Umuunlad ang ekonomiya ng Asya
B. Malaki ang kita ng mga bansa sa Asya
C. Maraming nag-iinvest ng mga bansa sa Asya
D. Ang Asya ang tagasuplay sa karatig kontinente ng iba’t-ibang likas na yaman/produkto
43. Isa sa mga pangunahing ugat ng iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya ay ang patuloy na paglaki ng populasyon.
Sa iyong pananaw ang pagpaplano ba ng pamilya ay makakatulong sa paglutas ng suliraning pangkapaligiran?
A. Oo, sapagkat maiiwasan ang mataas na pangangailangan para sa likas na yaman
B. Oo, sapagkat magkakaroon ng maayos na samahan ang bawat pamilya
C. Hindi, sapagkat marami pa ring tiwalang pinuno ng pamahalaan
D. Hindi, sapagkat maraming kalamidad na nakakapinsala sa likas yaman
44. Ang pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal sa mga rehiyon sa Asya ay magiging dahilan upang:
A. maiwasan ang maaaring pagkaubos ng mga yamang likas
B. magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa rehiyon
C. madagdagan ang gastusin ng pamahalaan
D. lumiit ang populasyon
45. Ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolinggwistiko ay ang pagkakaroon nil ang isang wika gay ang mga
Arab at Jew ng kanlurang Asya. Tinatawag din ang mga Arab at Jew na mga taong Semite sapagkat gumagamit sila ng
wikang Semitic na nagmula sa wikang ___________________.
A. Austronesian C. Afro-Asiatic
B. Mon Khmer D. Sino-Tibetan
46. Bilang isang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, tinataglay ng Asya ang iba’t ibang pangkat ng etnolinggwistiko
na naninirahan sa iba’t ibang rehiyon nito. Alin sa mga sumusunod na pangkat etnolinggwistiko ang hindi naninirahan sa
rehiyon ng Hilagang Asya?
A. Malay C. Slav
B. Paleosiberian D. Turkic
47. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng wika sa mga grupong etnolinggwistiko, maliban sa isa.
A. Makatutulong sa kanilang pagkakaisa
B. Hindi sila maintindihan ng ibang grupo
C. Magsisilbing pagkakakilanlan ng mga grupo
D. Magiging batayan sa paghubog ng kanilang kultura
Page 4 of 6
48. Paano nakapagdudulot ng mabuting epekto ng pagkakaroon ng mataas na bahagdan ng marunong bumasa sa isang
bansa?
A. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng antas ng edukasyon
B. Mapapataas ang relihiyon at ispiritwalidad ng mga mamamayan
C. Mababawasan ang kahirapan ng bansa
D. Magkakaroon ng katatagang pulitikal
49. Ayon sa datos noong taong 2008, ang life expectancy ng mga naninirahan sa mga bansang Japan, China at South Korean
ay umaabot ng 75-82. Bakit ang mga bansa sa Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamataas na life expectancy?
A. Dahil sa masaganang behetasyon sa Silangang Asya
B. Sapagkat maliit ang populasyon ng mga tao sa Silangang Asya
C. Dahil sa mayroong progresibong medical at teknolohikal sa Silangang Asya
D. Sapagkat masagana ang kabuhayan ng mga mamamayan ng mga bansa sa Silangang Asya
BANSA POPULASYON BILIS NG PAGLAKI NG EDAD
POPULASYON 0-14 15-64 65+

Sri Lanka 20, 237, 730 0.86 24.9 67 8.1


Laos 6, 320, 429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229, 964, 723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127, 156, 225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1, 198, 003, 272 1.38 29.3 65.2 5.6

50. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon,
sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at Laos. Bakit mahalaga na
mabatid ang bahagdan ng mabilis na paglaki ng populasyon ng isang bansa?
A. upang magamit sa pagpaplano ng pamilya
B. upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao
C. upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon
D. upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran/programa na makapagpapabagal o
makapagpapabilis ng pagdami ng tao

III. DIFFICULT
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa espasyo bago ang bilang.

51. Ang paghahating panrehiyon ay binuo ng tao batay sa pagkakapareho ng katangiang heograpikal, pisikal, historical at
kultural. Sa inyong palagay bakit mahalagang tignan ang iba’t-ibang salik sa paghahati-hati ng kontinente tungo sa mga
rehiyon.
A. Mahalaga sapagkat ang paghahati sa mga teritoryotungo sa mga kontinente at ng mga kontinente tungo sa mga
rehiyon ay depende sa sariling pananaw ng geographer.
B. Mahalaga sapagkat malaki ang papel na ginampanan ng pisikal na heograpiya sa mga pananamit, tirahan, pagkain at
sistema ng transportasyon
C. Hindi mahalaga sapagkat pisikal lamang na katangian ang isinasaalang-alang sa paghahati ng mga rehiyon
D. Hindi mahalaga sapagkat ang pagkakahawig lamang ng lahi ang isinasaalang sa pagkakahati ng mga rehiyon
52. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga
sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan
lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning
ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap
na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa
kalakalan
53. Sa kasalukuyan, makikita ang iba’t ibang larawan ng pandaigdigang kalakalan sa Asya. Hawak ng mga bansang Arabo
gaya ng Kuwait ang malaking reserba ng langis, kontrolado naman ng Thailand at Vietnam ang pagluluwas ng bigas, ang
Tsaa sa Sri lanka at goma sa Malaysia. Ipinahihiwatig lamang nito na __________.
A. Magiging malakas ang turismo sa Asya.
B. Ang kaayusang pulitikal ay tatatag sa Asya.
C. Maraming manggagawa ang kailangan sa Asya.
D. Ang Asya ay nagiging pandaigdigang kapangyarihan sa ekonomiya.
54. Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura, ideolohiya at paniniwala ng mga Asyano ay nagawa pa din nilang magtulungan. Ito
ay dahil sa likas nilang kabutihan at masidhing paghahangad ng kalayaan, pagkapantay-pantay at katarungan. Paano
nila ito pinatunayan?
A. Sariling produkto lamang nila ang kanilang tinangkilik
B. Sama-sama nilang binawian ang mga bansang nagpahirap sa kanila.
C. Isinara nila ang Asya sa pakikipagkalakalan sa iba pang bahagi ng mundo.
D. Bumuo sila ng mga organisasyon na naglalayong paunlarin ang ekonomiya.

Page 5 of 6
55. Ang mga sumusunod ay HINDI bunga ng migrasyon sa kasalukuyang panahon na nagpaunlad ng kabuhayan ng mga tao
sa mga bansang Asyano, MALIBAN sa:
A. Nagdulot ito ng kakapusan ng mga taong nagbibigay serbisyo sa lipunan at estado sa isang bansa.
B. Nakapag-angkat ito ng kaisipang maaring gamitin ng isang indibidwal mula sa pinanggalingang lugar.
C. Nakapag-angkat ito ng mga lahing may sapat na kakayahan upang magbigay serbisyo sa isang lugar.
D. Nagdulot ito ng malaking bilang ng taong lumilipat mula sa isang bansa tungo sa isa pang bansa.

56. Hangganan ng Asya sa hilagang bahagi nito ang Arctic Ocean, sa silangang gawi ng Asya ang Pacific Ocean, sa timog na
bahagi naman ang Indian Ocean. Pagsunud-sunurin ang mga hangganan ng Asya batay sa laki ng mga ito, simula sa
pinakamalaki papaliit.
A. Pacific, Indian, Arctic
B. Atlantic, Pacific, Arctic
C. Indian, Atlantic, Arctic
D. Pacific, Arctic, Indian

57. Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance
o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran?
A. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning kapaligiran at ekolohikal.
B. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at pagpapalaganap ng wastong paggamit ng likas na yaman.
C. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyakna makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang
kalidad ng kapaligirang pandaigdig
D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon

The public as well as the Bruhat Bangalore Mahanagara Palike (BBMP) is causing direct contamination of
groundwater and the municipal waste disposal and management is not organised in the city, CGWB scientist
Dr. M. A. Farooqui said while delivering a lecture on 'Ground water management in Bangalore Metropolitan
region' at the Geological Society of India on May 25."BBMP is supposed to collect solid waste from houses in
small bins and then transfer it to community bins. The waste is subsequently to be carried to the disposal site.
Random dumping all around the metropolis is rampant, causing environmental pollution of land, water, and air
from garbage dumps that are set afire,” he added.

58. Sa bahaging ito ng artikulo, ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning
pangkapaligiran sa Bangalore, India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos
na pamamaraan ang mga dahilan nito. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa kapaligiran ng Bangalore, India ng
walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan?
A. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog
B. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong material
C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa
D. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irigasyon

59. Sa kabila ng pagkakaiba-iba nating mga Asyano, paano ka magiging instrumento ng kapayapaan at pagkakaisa?
A. pag-aaralan ko ang lahat ng kultura, wika, at tradisyon ng mga kapwa ko Asyano
B. papasyal ako sa mga ibang bansa sa Asya upang maunawaan ko ang pamumuhay nila
C. makikipagtulungan ako sa proyekto ng pamahalaan na nagsusulong sa pagtutulungan ng mga Asyano
D. Makikipagkaibigan ako sa mga Asyanong umaangkin ng teritoryo ng ating bansa para maiwasan ang gulo

BANSA POPULASYON BILIS NG PAGLAKI NG EDAD


POPULASYON 0-14 15-64 65+

Sri Lanka 20, 237, 730 0.86 24.9 67 8.1


Laos 6, 320, 429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229, 964, 723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127, 156, 225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1, 198, 003, 272 1.38 29.3 65.2 5.6

60. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod?
A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
B. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka at Laos
C. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
D. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan

Page 6 of 6

You might also like