Download as xlsx, pdf, or txt
Download as xlsx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Toribio

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN

Pangalan: __________________________ Taon/Pangkat: _________________ Iskur: _________


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at bilugan ang tamang sagot.
1 . Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit?
a. Oo, upang maging karapat- dapat ako sa anak niyang si Cupid.
b. Oo, upang mapatunayan ko kay Cupid na gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal niya.
c. Hindi dahil iniwan na niya at wala na akong dapat pang patunayan kay Cupid.
d. Hindi dahil sinira ko ang pagtitiwala niya sa akin kaya siya nawala.
Para sa bilang 2-4, kilalanin ang gamit ng pandiwa sa pangungusap.
2. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon
b. karanasan
c. pangyayari
d. proseso
3. Kumukulo ang dugo ni Venus sa tuwing nakikita ang pagmumukha ni Psyche.
a. aksiyon
b. karanasan
c. pangyayari
d. proseso
4. Naglakbay si Bugan patungo sa kaharian ng mga diyos.
a. aksiyon
b. karanasan
c. pangyayari
d. proseso
Para sa bilang 5-6, alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit nito.
5. Sa halip na matuwa sa magandang kapalarang sinapit ng kapatid, pangingimbulo
ang naramdaman ng dalawang nakatatandang kapatid.
a. panlalait
b. pagkainggit
c. pagkadismaya
d. panghihinayang
6. Agad na tumalima si Cupid sa utos ng ina. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. tumanggi
b. nagduda
c. sumunod
d. nagdalawang- isip
7. Paano nakilala ng mga bilanggo ang "katotohanan" sa mga bagay- bagay batay sa sanaysay
na "Alegorya ng Yungib" ni Plato?
a. Nang sila ay pakawalan mula sa pagkakakadena.
b. Nang makalabas sila mula sa yungib at makikita ang mga bagay sa labas.
c. Nang magbalik ang isang bilanggo at kwentuhan sila tungkol sa mga bagay sa labas.
d. Nang mabigyang kahulugan nila ang mga simbolo na nakita mula sa anino.
8. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya't di sila makagalaw.
Paano binigyang-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?
a. nagtataglay ng talinghaga c. taglay ang literal na kahulugan
b. maraming taglay na kahulugan d. lahat ng nabanggit
pagmasid mahirati mahirap intelektuwal
wastong pag- iisip nagliliyab mahumaling pagmasdan

9. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan?
a. pagmasdan at pagmasid c. mahumaling at mahirati
b. intektuwal at wastong pag- iisip d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 10-12, ano ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw?
10. ____________ nakararaming Pilipino, pasado ang grado ng pamumuno ni Pangulong Duterte
mahigit dalawang taon ng kanyang administrasyon.
a. Batay sa b. Sa tingin ng c. Palagay ko d. Sa paniniwala ng
11.____________ Proklamasyon Bilang 1041 s.1997, ang buong buwan ng Agosto
ay idineklara bilang "Buwan ng Wikang Pambansa".
a. Ayon sa b. Batay sa c. Batay kay d. Sang- ayon sa
12. ___________, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman iilan
pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.
a. Ayon sa kanya b. Batay sa kanya c. Batay kay d. Sang- ayon sa kanya
13. "Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin." Ano ang damdaming angkop sa pahayag?
a. nagdaramdam b. naiinis c. galit d. napopoot
14. "Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking ano sa pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong mamalimos."
Ano ang damdaming angkop sa pahayag?
a. nalilito b. nalulungkot c. nag- aalala d. nagsisisi

Para sa bilang 15-16, alin ang tamang isulat na ekspresiyon na nagpapahiwatig ng


pagbabago o pag- iiba ng paksa?
15. Ang pagbili ng kalakal ng isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga kaugnay
na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o import.
____________________masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang maunlad
na bansa.
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa aking paniniwala
16. ____________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog- tulugan.

a. Sa isang banda c. Sa ganang akin


b. Sa aking palagay d. Sa aking paniniwala

Para sa bilang 17-19, piliin ang angkop na pang-ugnay na hinihingi ng panungusap.


May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang
katiwala ang kaniyang ari-arian 17.(a. kaya’t b. saka c. sumunod na araw d. sa dakung huli )
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 18. (a. Unang b. Pagkatapos c. Sunod d.Sa wakas)
tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. 19. (a. Saka b. Pati c. isa pa d. gayun din)
pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
20. Ano kaya ang posibleng nangyari kung kaagad na ipinagtapat ni Mathilde sa kaibigan ang
pagkawala ng kwintas?
a. Tiyak na magagalit ito sa kanya.
b. Magdaramdam ito at di na siya muling pagkakatiwalaan.
c. Posibleng hindi na lumaki ng ganoon ang problema nilang mag- asawa.
d. Maaawa ito sa kanya at hindi na lamang siya pagbabayarin.
21. Alin sa mga katangian ni Mathilde ang hindi nasasalamin sa kwento batay sa kultura ng France.
a. Pagyakap sa estilo at sopistikasyon
b. Pagmamalaki sa pampublikong lugar na sila'y mala- maharlika.
c. Pagiging maringal sa pananamit
d. Pagiging marangya sa pagkain.
22. Masama bang maghangad ng kasiyahan sa isang iglap lamang? Bakit?
a. Oo sapagkat maaaring magdulot ito ng kapahamakan at kasawian sa bandang huli.
b. Oo sapagkat nagpapakita lamang ito ng pagiging makasarili at makasanlibutan natin.
c. Hindi sapagkat lahat tayo ay may karapatang maghangad ng maganda para sa ating mga sarili.
d. Hindi sapagkat bahagi na ng buhay natin ang paghahangad ng mga bagay na ikasisiya natin.
23. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makitang umiiyak ang asawa.
Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap?
a. nagtataka b. naguguluhan c. nalilito d. nag- aalangan
24. Ang nais niya'y pangimbuluhan siya ng lahat ng kababaihan dahil sa kanyang tagalay na
kagandahan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. kainisan b. sambahin c. kainggitan d. kasuklaman
25. ______ isa sa mga magaganda't mapanghalinang babe na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
a. Ika'y b. Siya'y c. Ako'y d. Kami'y
26. Malimit na sa pagmamasid _____ sa babaeng utusan na gumaganap ng ilang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihnayang at napuputos ng lumbay ang
kanyang puso. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
a. nila b. nito d. sila d. niya
27. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame“ ay isang paring nag-alaga sa
kubang si Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical c. tauhang bilog
b. hindi stereotypical d. tauhang lapad

“Walang ibang babae akong minahal.”


Halaw sa Nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame"
28. Ano ang katangian ng tauhan ang masasalamin batay sa dayalogo?
a. maasahan c. matapat
b. mapagmahal d. pihikan

29. Aling pangyayari o bahagi sa nobela ang hindi angkop na ilapat ang teoryang humanismo?
a. Ang kaniyang buhay ay umikot lang sa pagiging asawa at ina.
b. Ang pagnanais ng pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
c. Ang pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawahan.
d. Ang pakikialam ng mamamayan sa katiwaliang naganap sa pamahalaan.

Para sa bilang 30-31, ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan at piliin ang
tamang pagkakaayos.

30. 1. galit 2. muhi 3. poot 4. ngitngit

a. 1, 2, 3, 4
b. 1, 4, 3, 2
c. 1, 3, 4, 2
d. 4, 3, 2, 1

31. 1. hapis 2. lungkot 3. pighati 4. lumbay


a. 1, 2, 3, 4
b. 1, 4, 3, 2
c. 2, 4, 1, 3
d. 4, 3, 2, 1

Para sa bilang 32-34, piliin ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.
a. saka b. kung c. bukod sa d. dahil
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan
ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas Militar.
(32)______ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa
dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome
ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (33)______ kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat
ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (34)______ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang
panganay na si Jules, saka naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang
rock n roll si Jason.

35. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga-Egypt ang buhay kaysa kamatayan?
a. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.
b. Nagpapatayo sila ng mga piramide para sa mga namatay na paraon.
c. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa kagandahan ng buhay.
d. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang nang walang hanggang kaligayahan.

Para sa bilang 36-38, suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag.
Suriin at piliin ang damdaming nangingibabaw sa bawat pangungusap.
36. "Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin."
a. nagdaramdam b. naiinis c. galit d. napopoot
37. "Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking ano sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal
ng lupa; nahihiya naman akong mamalimos."
a. nalilito b. nalulungkot c. nag- aalala d. nagsisisi
38. "Mabuti pa kaya'y huwag na akong dumalo sa sayawan. Wala man lamang akong maisusuot kahit isang
hiyas. Magmumukha akong kaawa- awa."
a. nayayamot b. nag- aalala c. nababahala d. nagdaramdam
Para sa bilang 39-40, lapatan ng angkop na mga hudyat sa tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
39. ______________ mahirap ay sinisikap nating pagaanin ang buhay.
a. Sa tingin ko b. Bagaman c. Sa aking palagay d. Ngunit
40. _________________ ang mga Pilipino ay may matibay na pananampalataya sa Diyos.
a. Sa tingin ko b. Bagaman c. Sa aking palagay d. Ngunit

Inihanda ni:
JILL B. LUBGUBAN ELSIE V. MALAGUM
JETTY S. DENOY RODEL A. de DIOS
BABY JOY T. TOMARONG GENALYN G. OCTAVIANO
HAYDEE T. BAGONDOL
JEVIC S. CRUZ

You might also like