Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILI 102 BALANGKAS NG KUWALITATIBONG PANANALIKSIK (Ballena Matrix)

Pangalan ng Grupo/Apelyido ng mga Miyembro: ___________________________________________________________ Petsa ng Pagpapasa:______________


Kurso/Taon/Seksyon: __________________________________________________________________
Paksa ng Pananaliksik: _____________________________________________________________________________________________________________________________
Pangunahing Suliranin/ Layunin: ____________________________________________________________________________________________________________
Pamagat ng Pananaliksik: ___________________________________________________________________________________________________________________
Mga Tiyak na Suliranin Pakinabang sa Pag- Teoryang Metodolohiya
aaral Pansuporta
1. Uri ng Pananaliksik:

Mga Kalahok sa Pag-aaral:

2.
Paraan ng Pangangalap ng Datos:

3.
Pagsusuri ng Datos:

Paalala: Ang talahanayan sa itaas ay dapat punan ng mga parirala, sugnay, o mga salita na naka-bulleted form, maliban sa unang hanay (Espesipikong Tanong) na dapat nakasulat sa mga
Pangungusap.
Lagda sa ibabaw ng apelyido (mga Mananaliksik): _______,_________,________
Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales
Mga Paalala mula kay Ms. Gonzales:
Ang balangkas na ito ay magbibigay sa inyo ng gabay sa mga pagdaraanan ninyo sa inyong pananaliksik. Kailangang malinaw na sa inyo
ang mga konseptong ilalagay sa talahanayan upang magkaroon ng malinaw na direksiyon ang inyong pananaliksik. Kung magulo ito ay
tiyak na magulo rin ang inyong magiging papel. Good luck. Ayusin ang pagsagot. BAWAL ANG ANUMANG URI NG PAGBUBURA.
Ang Rebisyon nito kapag natsekan ko na ay ipi-print ninyo sa long bond paper.

1. Punan ang mga kailangang sagutan sa balangkas ng pananaliksik.


2. Ang PAKSA NG PANANALIKSIK ay ang maikling pangalan o pangkalahatang tawag sa inyong paksa. Hindi pa ito ang pamagat ng
pananaliksik. Halimbawa: BASURA; KAWALAN NG TRABAHO
3. Ang Pangunahing Suliranin ay ang Pangunahing Tanong na nais ninyong masagot sa iyong pananaliksik. Halimbawa: Ano-ano ang
mga dahilan ng kawalan ng trabaho ng mga kabataan edad 17-20 sa Dasmarinas Cavite? Ang Pangunahing Layunin ay ang
sentence form ng Pangunahing Suliranin. Halimbawa: Malaman ang mga dahilan ng kawalan ng trabaho ng mga kabataan…..
4. Ang Pamagat ng Pananaliksik ay ang espesipiko at pinal na pamagat ng inyong papel. Nilalaman nito ang malinaw na baryabol
(mga kasama sa pag-aaral) ng inyong pananaliksik. Halimbawa: Epekto ng Pagpapalit ng Katawagan sa kursong Sex Education;
Ebolusyon ng Fashion mula Dekada 60 hanggang Dekada 90 (Konsultahin ang propesor hinggil sa pagtanggap sa mga malikhaing
pamagat. Pinapayagan ito ni Ms. Gonzales. Halimbawa: Nangangamote na ba si Juan: Kamote bilang Pangunahing Pagkain sa
Pilipinas) Huwag nang gumamit ng mga salitang: Isang pag-aaral… Isang masusing pag-aaral… dahil LAHAT ng pananaliksik ay
“pag-aaral.”

Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales
5. Sa mga Tiyak na Suliranin: Isa-isahin ang mga tanong na nais masagot sa inyong pananaliksik. Ginawa na natin ito sa Form 1,
(iyong may dahilan, epekto, solusyon) kung aprubado ko na, isulat na lang. Kung wala pa, isiping mabuti kung ano ang hinahanap
sa inyong pananaliksik.
6. Sa pakinabang sa pag-aaral, ano ang magiging ambag ng inyong pananaliksik kapag natapos na ito? Huwag ilagay: Makadagdag
sa kaalaman….dahil lahat ng pananaliksik ay dapat makadagdag sa kaalaman. Ilagay ang kongkretong ambag ng papel ninyo sa
komunidad o sa kung sino man (indibidwal o grupo) na maaaring makinabang sa inyong pananaliksik.
7. Teoryang pansuporta. Ilagay dito ang mga konseptong inyong napag-aralan na maaaring gamiting pampatibay sa inyong
pananaliksik. Halimbawa: Paksa ay tungkol sa bandalismo = teoryang sikolohikal (psychology) (ayon sa mga teoya ng sikolohiya,
bakit nagagawa ng tao ang bandalismo?) Magsaliksik na sa bahay upang may maisulat dito bukas.
8. Metodolohiya: Uri ng pananaliksik – Tinalakay natin ito ng Prelim, alin sa mga ito ang iyong pananaliksik na gagawin?
Mga Kalahok sa Pag-aaral – Sino ang inyong sampol (bahagi ng populasyon) na bibigyan ng sarbey/ sino ang mga
respondents/ interviewee? Depende ito sa gagawing pananaliksik.
Paraan ng Pangangalap ng Datos- Ipaliwanag ang mga gagawin ninyo sa pangangalap ng datos. (Maaaring
interbyu, focus group discussion, document analysis)
Pagsusuri ng Datos: Ipaliwanag kung paano susuriin (analyze) ang inyong makukuhang mga datos pagkatapos ng
sarbey, interbyu, atbp, ano na ang gagawin ninyo sa datos?

Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales

You might also like