Professional Documents
Culture Documents
Pagsunod Sunod Sa Pangyayari Grade 2
Pagsunod Sunod Sa Pangyayari Grade 2
Pagsunod Sunod Sa Pangyayari Grade 2
PAGBASA
2
WORKSHEET
PAGSUSUNOD-‐SUNOD
NG
MGA
PANGYAYARI
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Sa isang kagubatan ay may isang leon na ubod ng yabang. Parati niyang ipinagmamalaki na
matapang daw siya at hindi umuurong sa anumang laban.
Isang araw, habang naglalakad sa gubat si Leon. Nakita niya ang isang maliit na daga na
nakaipit sa isang malaking kahoy. Tinulungan niya ito upang makaalis sa pagkakaipit sa kahoy.
“Salamat, butihing Leon! Maraming salamat sa pagtulong mo. Asahan mo na kapag dumating ang
panahon ay ikaw naman ang tutulungan ko,” ang sabi ng daga. “Hahaha! Ikaw? Paano mo ako
matutulungan sa liit mong iyan?” ang natatawang sagot ng leon. Malungkot na umalis ang daga dahil sa
sinabi ng leon.
Isang araw, habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso. Pinilit ng leon
na makatakas ngunit lalo lamang humigpit ang bitag na nakapulupot sa kanyang katawan. Habang ito ay
nagpupumiglas, napadaan ang daga. Mabilis na kinagat ng daga ang mga tali sa bitag upang makalaya
ang leon.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang pakakasunod sunod nito sa kuwento. Isulat ang bilang 1-4 sa
patlang.
_____________ Kinagat ng daga ang tali sa bitag upang makatakas ang leon.