Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

/REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGIONAL TRIAL COURT


FOURTH JUDICIAL REGION
BRANCH 9, BALAYAN, BATANGAS

BEN EGUIA,
Plaintiff,

-versus- CIVIL CASE NO. 5573

VICTOR CHUA as owner of


TRIPLE VICTORY MARKETING
And ISMAEL PADASNA y
BOHOL,
Defendants.
x----------------------------------------x

PANGHUKUMANG SINUMPAANG SALAYSAY


(JUDICIAL AFFIDAVIT)

AKO, BEN M. EGUIA, ganap sa taong gulang, Pilipino, at nakatira sa


Barangay 6, Calaca, Batangas, matapos makapanumpa alinsunod sa ipinag-uutos
ng batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

OFFER OF TESTIMONY: We are respectfully offering the testimony of Ben M.


Eguia, as his direct testimony in this case, to prove all the material
allegations contained in the complaint, to identify documents
relevant to his complaint and to testify on all other matters
relevant thereto.

a. The lawyer who conducted or supervised my examination is Atty. Merlo


Vinia C. Silva-Castro with an office address at Hall of Justice PAO office St.
Paz, Balayan, Batangas;

b. I am answering the questions asked of me, fully conscious that I am under


oath, and that I may face criminal liability for false testimony or perjury;

c. I am executing this judicial affidavit in question and answer form to be


adopted as my direct examination in the above-captioned case, to wit:

TANONG: Ikaw ba ay manunumpang magsasabi ng katotohanan at pawang


katotohanan lamang sa lahat ng aking itatanong sa iyo?

SAGOT: Opo.
1. T Ikaw ba si Ben M. Eguia, na naghain ng habla at ngayon ay
nakabinbin sa Regional Trial Court, Branch 9, Balayan, Batangas at
nakatala bilang Civil Case No. 5573?

2. T Tungkol saan ang habla na hinain ninyo sa Kagalangalang na


Hukuman?

S Naghain po ako ng habla upang papanagutin ang may-ari ng Triple


Victory Marketing na si Victor Chua gayundin ang driver nito na si Ismael
Padasna dahil sa mga pinsala na natamo ko (actual and moral damages)
dulot ng aksidente na nangyari sa akin noong ika-12 ng Enero 2018 ang
oras ay humigit kumulang alas 7:00 ng umaga.

3. T Ano ba ang nangyari noong ika-12 ng Enero 2018 ang oras ay


humigit kumulang alas 7:00 ng umaga?

S Noon pong ika-12 ng Enero 2018 ang oras ay humigit kumulang alas
7:00 ng umaga habang binabaybay ko po ang National Highway ng Brgy.
Salong, Calaca Batangas patungong Balayan, Batangas ay laking gulat ko
na lang po sapagkat biglang mabilis na nag-overtake po at inagaw ang
aking linyang isang Isuzu Dropside Truck na may plaka na WIG 242 at
minamaneho ni Ismael Padasna, drayber ng Triple Victory Marketing at
dahil po dito ay nagtamo ako ng pinsala sa aking katawan na
nangailangan ng agarang gamutan gayundin po ay nagkaroon din ng
pinsala ang aking minamanehong passenger-type jeepney. Bukod pa po
dito ay nagtamo din ako ng mga danyos na maituturing na “moral
damages” sa ilalim ng batas.

4. T Ikaw ba ay may ebidensya na nagtamo ka ng pinsala sa iyong


katawan dulot ng aksidente na naganap noong ika-12 ng Enero ang oras
ay humigit kumulang alas 7:00 ng umaga?

S Opo. Narito po ang Medical Certificate at Medico-Legal Certificate


na inisyu ng Ospital ng Calaca, Batangas.

Witness producing the Medical Certificate and Medico-Legal


Certificate issued by the Ospital ng Calaca, Batangas. May we request that
the same be marked as our Exhibits “A” to “A-1”.

5. T Ikaw ba ay naghain din ng kasong kriminal laban kay Ismael


Padasna?

S Opo at ito po ay kasalukuyang nakabinbin sa Municipal Trial Court


ng Calaca, Batangas.

6. T Sinasabi mo na nagtamo ka ng mga danyos na maituturing na


“actual damages” sa ilalim ng batas. Maaari ko bang malaman kung
magkano ang lahat ng “actual damages” na natamo mo?
S Opo. Ang actual damages na natamo ko po dulot ng pagpapagamot,
pagpapa-ospital at gastusin sa mga gamot ay umabot po ng halagang Php
42, 885.42 samantalang ang pagpapagawa po sa mga pinsala na natamo
ng aking minamanehong passenger-type jeepney ay aabot ng humigit
kumulang Php 450,000.00.

7. T Ano ang katunayan mo na ikaw ay nagtamo ng mga danyos na


maituturing na “actual damages” sa ilalim ng batas?

S Narito po ang Statement of Account at resibo na inisyu sa akin ng


Ospital ng Calaca, Batangas.

Witness producing the Statement of Account and Official Receipts


issued by Ospital ng Calaca. May we request that the same be marked as
our Exhibits “B” to “B-1”.

8. T Ikaw ba ang nagmamay-ari ng minamaneho mong passenger-type


jeepney? May katibayan ka ba na ikaw ang may-ari ng nasabing jeepney?

S Opo. Narito po ang Deed of Absolute Sale na katunayan na


ipinagbenta sa akin ni Arturo Boa ang passenger-type jeepney sa
halagang Php 240,000.00.

Witness producing the Deed of Absolute Sale signed and entered


into by Arturo Boa and Ben Eguia. May we request that the same be
marked as our Exhibit “C”.

9. T May katibayan ka ba na ang pagpapagawa sa mga pinsala na natamo


ng iyong minamanehong passenger-type jeepney ay aabot ng humigit
kumulang Php 450,000.00?

S Opo. Narito po ang Estimate of Repairs na inisyu ng mekaniko na si


Ian Mendoza.

Witness producing the Estimate of Repairs issued and signed by Ian


Mendoza of Brgy. Pantay, Calaca, Batangas. May we request that the
same be marked as our Exhibit “D”.

10. T Matapos ang insidente noong ika-12 ng Enero 2018, sinubukan niyo
bang kausapin ang may-ari ng Triple Victory Marketing na si Victor Chua
ukol dito?

S Opo. Nakipag-ugnayan po kami sa Triple Victory Marketing sa


pamamagitan ng sekretarya nito na si Jennifer Alejo y Linggoten upang
papanagutin ang nasabing kumpanya sa mga “actual damages” na
natamo ko dahil sa kabayaan nila at ng kanilang drayber na si Ismael
Padasna subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa din po silang sagot
sa akin.
11. T Ano ang kahilingan mo sa Kagalang-galang na Hukuman?
S Hinihiling ko sa Kagalang-galang na Hukuman na papanagutin ang
may-ari ng Triple Victory Marketing na si Victor Chua at ang drayber nito
na si Ismael Padasna sa mga danyos na naidulot sa akin ng kapabayaan
nila na maituturing na actual damages at may kabuuang halaga na Php
492,885.42 at moral damages na nagkakahalaga na Php 50,000.00.

KATUNAYAN NG LAHAT ng ito ay lumagda ako ngayong ika-14 ng


Hunyo, 2019 dito sa Balayan, Batangas.

BEN M. EGUIA
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 14th day of June, 2019 at


Balayan, Batangas.

MERLO VINIA C. SILVA-CASTRO


Public Attorney II
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE/DOJ
Pursuant to RA 9406

SWORN ATTESTATION

I, MERLO VINIA C. SILVA-CASTRO, of legal age, married, resident of


Barangay Bolbok, Lipa City, Batangas, under oath, in accordance with law, depose
and state that:

1. I have caused to be recorded the questions I asked and the corresponding


answers that the witness gave; and

2. I have not or any other person then present or assisting him, coached the
witness regarding the latter’s answers.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand 14th day of June,


2018 at Balayan, Batangas.

MERLO VINIA C. SILVA-CASTRO


Public Attorney II

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 14th day of June 2019 at


Balayan, Batangas.
MYRAFLOR L. CHAVEZ
Public Attorney I
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE/DOJ

CC:
Victor Chua
Triple Victory Marketing
Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan

Ismael B. Padasna
B31 Exodus Floodway
Santa, Ana, Taytay Rizal

EXPLANATION

Copy of this Judicial Affidavit was served by registered mail to the other
party for lack of manpower to effect personal service of the same.

MERLO VINIA C. SILVA-CASTRO

You might also like