Kabanata 1 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

University of Perpetual Help System Laguna

Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
1
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Angpagsulatangbumubuhay at humuhubogsakaganapanngatingpagigingtao

(William Strunk at E.B White, 2011)

Ayon kay Kellogg (Bernales, et al., 2011) angpag-iisip at pagsulat ay

kakambalnangutak, gayundinnaman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung

walang kalidad ng pag-iisip. Sa depinisyong ito ni Kellogg, kalian man ay hindi

mapaghihiwalay ang pag-iisip at pagsusulat sapagkat bago tayo makasulat ng isang

pahayag ay atin muna itong pinag-iisipang mabuti.

Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa sa iba't

ibang layunin. Sinasabing ito ay isang pisikal na aktibiti sapagkat ating ginagamit ang

ating mga kamay sa pagsulat sa papel o sa pagpindot sa keyboard ng kompyuter. Ang

mata ay ginagamit din upang imonitor ang anyong writing output kahit ito pa ay hand

written lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o printout na (Bernales, et al.,

2011). Samantala, sinasabing ang pagsulat ay isa ring mental na aktibiti dahil ito ay

isang pagsasanay ng pagsasatitik ng mga ideya ayonsa isang tiyak na metodo.

Ito ay hindi lamang mabagal at eksaktong proseso, kundi ito ay isang

pamamaraan na nag-iiba-iba alin sunod sa sumulat. May tatlong bahag danang

prosesong pagsulat: Gawain bago sumulat o Pre-writing,

nakapaloodditoangpangangalap o pag-iimbakngideya, pag-iisip at ditto

pinapalnoangsusulatin, talakayan o brainstorming na maaaring isahan o maramihan.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
2
Pagsulat ng burador (Draft o writing stage), ito ay ang aktwal at malayang paggawa ng

draft o burador.

Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang

kanyang ideya, paniniwala o nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang

nauunawaan ng kanyang kausap.

Ayon kay Demosthenes (Bernales et al., 2011) ang pagsasalita sa harap ng

publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao. Ang paglinang sa

kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi

lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay. Sa depinisyong ito ni

Demosthenes pinapakitang lubhang mahalaga ang pagsasalita sa madla sapagkat

magdudulot ito ng positibong pagbabago sa iyong buhay.

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partsipant

nito kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong

proseso ng komunikasyon. Tatlo pangangailangan sa mabisang pagsasalita: Kaalaman,

kinakailangan may sapat na kaalaman hinggil sa iba't ibang bagay o sa tinatalakay na

paksa. Dapat ay may katotohanan at wasto ang sinasabi. Ang mga impormasyon at

datos na binaggit ay may nakahandang patunay sa mga pinagkunan na hindi haka-haka

lamang. Kasanayan, dapat ay wasto ang binigkas sa mga salitang sasabihin at may

mayaman na talasalitaan upang mabigyan ng angkop na kahulugan ang mga termino

na kanyang gagamitin sa kanyang pagpapahayag o paglalahad. At panghuli ay ang

tiwala sa sarili, dapat ay huwag mabalisa o mag-alala at isipin na ang mga tagapakinig

ay handa at may pananabik sa iyong ibibigay na impormasyon.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
3
Balangkas Operasyonal

Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng kakayahan ng mga mag-

aaral sa pasalita at pasulat na paraan ng pagbibigay ng opinyon.

Ang malayang baryabol ay ang kasarian at ang istrand. Samantala, ang di-

malayang baryabol ay ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pasulat at

pasalitang paraan.

Modelong Konseptual

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Pasulat

Antas ng kakay
pasulat na pa
Propayl

Kasarian

Strand
Pasalita

Antas ng kakayahan sa
pasalita na paraan

Figure1. Antas ng Kakayahan sa Pasulat at Pasalitang Paraan ng Pagpapahayag

ng Opinyon ng mga Mag-aaral sa Grade 11 ng UPHSL


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
4
Balangkas Teoritikal o Konseptual

Ikinonsider ang ilang theorya upang magsilbing batayan ng pag-aaral.

Sa Communication Accomodation Theory, na ipinahayag ni Holmes Giles

(2009) ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt

nang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba. Nagaganap kung saan mayroong

matinding pangangailangan para sa social approval. Nagaganap ito kung

nagkakasundo ang mga nag-uusap o kung ang nagsasalita ay may nais hinging pabor

sa kinakausap.

Ayon kay Holmes maraming kaparaanan para maakomodeyt ang pagsasalita ng iba:

paggaya sa bilis ng pagsasalita, sa haba o igsi ng pagbigkas, sa dalas ng paghinto, sa

paggamit ng mga rejister ng kausap, at sa intonasyon. Maaaring gamitin ito ng grupo

ng mga kabataan upang ihaylayt ang kanilang identidad.

Labis ang pagpapahalaga ng nagsasalita sa kanyang grupong kinabibilangan.

Tinataya sa teoryang ito na ang mahusay na diskurso ay laging bumabatay sa

kinalalagyang sitwasyon ng mga taong sangkot sa isang usapan. Pokus ng teoryang ito

sa kasangkapan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon. Kinapapalooban

ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita gayon din ang estrakturang

panggramatika ng isang ispiker. Lumalaganap ang teoryang ito dahil sa unti-unting

pag-usbong ng mga ibat-ibang speech community na nagtataglay ng maraming

baryasyon sa wika.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
5
Sa Teoryang Sosyo Kognitib, sa pananaw ni Ronel Ragmat (2014) ito ay isang

paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat na may isang biswal na pakikipag-

ugnayan. Anuman ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang

pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Ito din ay binubuo ng ibat ibang

dimensyon tulad ng: a) Oral na Dimensyon- Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa

ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig narin siya sa iyo.

Samakatuwid, maaaring ang pagsulat ay isang pakikipag-usap ng mga mambabasa. b)

Biswal na Dimensyon- ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o

mga linggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga

nakalimbag na simbulo.

Sa dimensyong ito kailangang maisaalang-alang kung gayon ang mga kaugnay

na tuntunin sa pagsulat, upang ang mga simbulong nakalimbag, na siyang pinaka-

midyum ng pagsulat, ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat. Ang

mga biswal na imahe ay mga istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing

susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa ating isinusulat.

Paglalahad ng suliranin

Sa kabuuan, ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang

antas ng kakayahan sa pasulat at pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon ng

mga mag-aaral sa Grade 11 ng UPHSL.

Inasahan na masasagot ang mga sumusunod na katanungan sa ikalilinaw ng

kasalukuyang pag-aaral.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
6
1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente ng mga mag-aaral sa Grade

11 ayon sa:

1.1 Kasarian

1.2 Strand

2. Ano ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng

opinyon sa pasulat na paraan?

3. Ano ang antas kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng

opinyon sa pasalitang paraan?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasulat na paraan kung papangkatin sila

batay sa kanilang propayl?

5. May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasalitang paraan batay sa kanilang propayl?

6. May makabuluhan bang kaugnayan ang antas ng kakayahan sa pasulat na paraan at

antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng

opinyon?

Paglalahad ng Hipotesis

Ang mga sumusunod na paghayag ay ang hipotesis hinggil sa isinagawang

pag-aaral:
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
7
Ho 1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral

sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasulat na paraan batay sa kanilang

propayl.

Ho 2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral

sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasalitang paraan batay sa kanilang

propayl.

H1 3. May makabuluhang kaugnayan ang antas ng kakayahan sa pasulat na paraan at

antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng

opinyon.

Hinuha ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay humantong sa mga sumusunod na hinuha:

1. May mga mag-aaral na hindi organisa ang kani-kanilang mga ideya sa pagsulat.

2. Mayroong mga mag-aaral na hindi handang magpahayag ng kanilang opinyon sa

pasalitang paraan.

3. May mga mag-aaral na takot magpahayag ng kanilang opinyon sa harap ng

tagapakinig o madla.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral

sa Grade 11 ng UPHSL sa pasulat at pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
8
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng teksto upang magkaroon ng kasagutan

ang suliranin sa pag-aaral na ito. Limitado lamang ang mga naging kalahok sa pag-

aaral na ito tanging mga mag-aaral sa Grade 11 ng UPHSL lamang.

Ang ginawang pag-aaral ay hindi naglayong sagutin ang lahat ng mga

katanungan o kakulangan sa paksang tinatalakay kundi maaaring magtulay pa sa

maraming kaalaman patungkol sa paksa kung kaya hinihikayat ng mga mananaliksik

ang anumang pagtatangkang ipagpatuloy ang kaugnay na pag-aaral na ito sa

hinaharap.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral sa Grade 11- Mauunawaan at mababatid ng mga mag-aaral kung alin ang

mas epektibong gamitin sa pagbibigay ng opinyon. Makatutulong ang pag-aaral na ito

dahil sila ay madalas na magbigay ng opinyon.

Mga Guro sa Grade 11 - Ang pag-aaral ay makatutulong sa mga guro upang

malaman ang antas ng kakayahan ng isang mag-aaral at upang malaman din ang dapat

pang linangin sa pagbibigay ng opinyon sa pasulat at pasalitang pamamaraan.

Magulang ng Grade 11- Sa bahay o tahanan unang natututo ang mga bata.

Magkakaroon ng oras na magbigay at magpalitan ng opinyon ang mga magulang at

kanilang anak hinggil sa paksa.

Departamento ng Senior High School - Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

mabibigyan ng pansin ang mga namamahala sa paaralan ang bawat pangunahing

pangangailangan ng mga mag-aaral upang mas lalo pang mapalawak at mapaintig ang
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
9
kakayahan ng mga mag-aaral ukol sa pagpapahayag ng opinyon sa pasulat at

pasalitang paraan.

Sa mga susunod na mananaliksik - Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang mga

susunod na mananaliksik ay magkakaroon ng batayan at matutulungang mapadali ang

kanilang pag-aaral.

Sa mananaliksik at mambabasa – mabibigyang karagdagang impormasyon o

kaalaman at siyang magiging batayan.

Katuturan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan sa

pamamaraan ayon sa gamit nito sa mga pahayag na kanilang kinabibilangan,

samantalang ang iba naman ay binibigyang kahulugan sa taglay nitong teknikal na

gamit ng pagtetermino.

Antas – ang ibig sabihin nito ay lebel o pagsukat. (Brainly.ph, 2016)

Kakayahan – ang kakayahan ay ang kalidad ng pagiging kayang gumawa, mag-isip,

magdisenyo, atbp., o estado ng pagpapakita ng mga bagay na kayang gawin ng isang

tao. (Imaherico, 2011)

Pasulat – ang pagsulat ay isang proseso ng pagtala ng karakter sa isang midyum na

may layuning makabuo ng mga salita. (My School Works, 2010)

Pasalita – pagbabahagi ng kaisipan o mensahe sa pamamagitan ng berbal na paraan

gamit ang wikang may wastong tunog, tamang gramatika upang malinaw na

maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.(Bernales, et a., 2011)


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
10
Pagpapahayag – ito ay ang paghahatid ng mga saloobin o ng mga bagay na naiisip.

(Prezi.com 2016)

Opinyon – ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng

tao. (Blogspot.com, 2015)

Antas ng kakayahan – ito ay ang lebel ng abilidad gumawa, magsulat, magdisensyo

at iba pa. (Imaherico, 2011)

Kakayahan sa Pasulat – Mas nakatuon ang atensyon ng magsusulat sa kanyang

kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw ang mensahe dahil maaaring

maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito. (Diskurso, 2015)

Kakayahan sa Pasalita – isang intension o konsyus na paggamit ng anumang

simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,

ideya damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba (Development

Language Skills, 2011)


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
11
KABANATA 2

PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahd ng mga pagsusuri ng literatura at pag-aaral na

nagsisilbing basehan at pagmumulan ng mga datos sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Dito din maipapakita ang sintesis ng nasuring mga kaugnay na literatura at mga

puwang na nagtatalakay sa kasalukuyan pag-aaral.

Estado ng Sining

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman at

maunawaan ang kahahalagahan ng antas ng kakayahan sa pagsulat at pasalitang

paraan ng pagpapahayag ng opinyon.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Yen Beho (2015) makakatulong sa mag aaral pati na rin sa guro

ng/sa Filipino ang sining ng komunikasyon at ng malikhaing pagsulat tungkol sa

kaalamang nagmula sa mga aklat o artikulong nababasa. Sa pamamagitan ng

makukulay, maanyo at pati na rin ang mga pandama (naamoy, nalalasahan, naririnig-

pananalita) naipapahayag ang mga kaisipan o opinyon tungkol sa isang bagay, tao,

hayop, lugar maging ang mga pangyayari. Layunin nito makapagpabatid sa isip ng

tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan na ang katangi-

katanging kaibahan nito sa iba ay maihatid ng lubos ang nilalaman. Sa pamamagitan

ng paningin at pandama nagagawa nitong maipakita sa mga mambabasa/tagapakinig


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
12
ang daigdig. Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat maibilang.

Nagbibigay lamang ng mga konkretong impormasyon ukol sa isang bagay sa

pamamagitan ng pisikal na anyo nito. Sa payak na paraan itinatala ang mga bagay o

ang mga partikular na detalye na ginagamitan lamang ng mga tiyak at mga salitang

paglalarawan ang mga salitang pandama ang ginagamit sa masining na paglalarawan,

bukod dito may iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, tulad ng

patambis at tayutay. Mga katotohanan din ang nga detalyeng inihahayag dito, sapagkat

ang mga ito ay nakulayan na ng imahinasyon, pananaw at opinyon ng

tagapagsalaysay.

Ayon kay Alex Andres et al. (2016) isang epektibong paraan ng

pakikipagdayalogo ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking kakayahan na

tumutugon sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao na siya ring bumubuo sa mga

mahalagang kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Salitang Latin na "rhetor" na

nangangahulugang "guro" o "mahusay" na mananalumpati ang pinagmulan ng salitang

"Retorika". Ang pagaaral ng retorika ang siyang naging daan tungo sa mabisang

pagpapahayag maging sa epektibong pagsasalita o pagsulat at siya ring pinagmulan ng

produktibong pagaaral upang makalikom ng mga mahalagang kaisipan sa

pamamagitan ng pagpili ng mga wastong salita/pangungusap na may naangkop na

layunin. Ang pagbibigay daan sa pagbuo ng karanasan sa komunikasyon,

pagpapalawak ng mga opinyon, pagbibigay-ngalan at pagbibigay-kapangyarihan ang

ilan sa mga gampanin ng retorika. Ayon sa tradisyong salit-saling sabi sa sining na ito,

kadalasang inuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at sa madaling salita ay


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
13
kinakailangan maragdagan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi pati rin sa

paggamit ng mga kumpas o galaw para maging kaakit-akit o epektibo sa mga

tagapakinig. Maituturing na hindi sapat na wastong lamang ang mga salitang

nakapaloob sa pangungusap, kailangan masangkapan pa ang mga ito sa pamamagitan

ng maayos at magandang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang dalubhasang

manunulat sapagkat siya ay may sapat na kaalaman sa paggamit ng mga salita. Kaya

hindi nakakapagtaka kung bakit ang mga taong nasa mass media ay mahuhusay

sapagkat sila ay may sapat na kaalaman ukol sa sangkap ng retorika na tumutulong

sakanila upang makuha ang isipan ng kanilang mga mambabasa o tagapakinig sa

pamamagitan lamang ng kanilang mga sinasambit na salita.

Ayon kay Carlo Panghulan et.al (2013) ang makalinang ng isang buo at ganap

na Pilipinong may makabuluhang literasi ang pangkalahatang hangarin ng kurikulum

ng K-12. Kaugnay nito, pakay ng pagtuturo ng Filipino na dalisayin ang kakayahang

kominikatibo, replektibo/mapanuring pag iisip, pagpapahalagang pampanitikan ng

mga mag-aaral sa tulong ng mga babasahin at teknolohiya ng ganon ay magkaroon ng

pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi at walang tigil na pagkatuto ng sa

gayon ay maging kaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa

ikatatagumpay ng mithiin na ito, kinakailangan ng mga guro ng gamit pampagtuturo

bilang kaagapay sa pagtamo ng layunin ng kurikulum na magmumula sa iba't ibang

sektor ng lipunan. Tinitignan din sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang

panlipunan, lokal at global na pamayanan maging ang pangangailangan ng mga mag-

aaral gayon din ang kalikasan. Pinagbasehan din ang mga legal na batas pang-
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
14
edukasyon at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika na tinugon ng ating

pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagwika ng "nasa kabataan ang pag-asa

ng bayan". Pinagbatayan din ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga

teorya/simulain ukol sa pagsusuring panliterasi at mga tulong sa pagtuturo ng wika at

pagtuturo ng mga akdang pampanitikanat iba't ibang uri ng teksto.

Ayon kay Rubin Arrogante (2015) ang paglalahad ang isa sa mga

pinakamalimit na gamitin sa apat na uri ng pagpapahayag at isa rin ito sa mga

pangunahing sining ng komunikasyon na madalas ginagamit ng isang tao sa pang

araw-araw na buhay upang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng

paglalahad naipapahayag niya ang kanyang mga saloobin. Ito rin ang ginagamit upang

isa-isahin ang estraktura ng pilosopiya at maging ang iba't ibang kaisipan. Panunuri,

artikulo, sa diaryo o magasin, komposisyon at programa sa radio o telebisyon ay

madalas ding ginagamit ang paglalahad. Ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na

walang kinikilingan na may sapat na detalye na siyang pampalawig ng kaalaman sa

paksang binibigyang-diin ng lubos upang mas maintindihan nang may interes.

Nalilinaw ang kahulugan ng isang ideya at ang kahalagahan ng isang salita gayundin

mas nakikilatis pa ng lubos ang isang bagay, tao o maging ang pangyayari sa tulong

ng bias na paglalahad. Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapalinaw ng pamamaraan

o proseso ng pag gawa ng isang bagay at ng pagpapatupad ng isang layunin o

simulain. Sa pamamagitan ng paglalahad natutugunan ang mga tanong tungkol sa

isang usapin.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
15
Ayon kay Protacia Reyes (2011), ang bawat indibidwal ay may kakayahang

magpahayag ng sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging ang personalidad o

pagbulalas ng damdamin na syang ginagamit sa mga talakayan, formal o informal man

ito. Sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan, ang wika ay lubos na

nagagamit. Ang mga akdang ito ay nagagamit sa tula, awit, kwento at iba pang

matalinhagang akda na karaniwang mapapansin sa mga gawang masining o estetiko.

Mahalaga ito sa pakikipagugnayang pampanitikan at sa pagpapanatili ng

relasyong panlipunan. Mas binibigyang halaga ang paggamit ng formal na wika, kung

kaya't nagagamit ang wika sa paglalahad ng mga impormasyon, datos at katotohanan

sa mundo.

Ayon kay Donald Murray (2011), ang pagsusulat ay isang pagtuklas sa mga

kahulugan at porma ng isang kasanayan na nagtutuon sa bawat panahon upang

matuklasan ng manunulat ang kanyang isusulat at kung paano maipapahayag ang mga

ito. Ang pagsasalita naman sa harap ng maraming tao ay hindi madali sa karamihan

kadalasan ay nagkakaroon ng kaba sa dibdib at pagkakakapos sa kasananyan, ang

tawag nito sa ingles at stage fright na kadalasang nararanasan ng mga baguhan.

Ayon kay Yra Menna (2012), layunin ng wika na maitala ang mga mensahe o

mabigyang kahulugan ang wikang ginamit at pagsusunod sa pag-eenkoda. Isa din

itong paraan sa pagsasalin ng mga salita na ginagamit sa proseso ng pag-aaral na

nakakaapekto sa pagkatatuto at pagpapahiwatig ng sariling damdamin. Mahalaga ang

pagsulat upang magamit ito sa pang araw araw natin katulad sa edukasyon at iba pa.

Ang pagsusulat din ay mahalaga sa pakikipagugnayan at pakikiisa sa iba't ibang lugar


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
16
at iba't ibang panahon. Ito ay isang aspeto ng ating kultura na nagpapanatili ng

pagkakaisa at pakikiisa sa mga kasanayan ng ibang lahi, paniniwala at kaisipan ng

mga ninuno at pagsusulong ng ating bansa.

Kaugnay Na Pag-Aaral

Ayon kay Edwin Ichiano (2007) ang pakikipagtalastasan ay isang paraan

upang maipahayag ang nais sabihin o saloobin ng bawat tao. Ito rin ay isang bahagi ng

kultura na siyang nagpapaunlad sa wika at nagpapalawak ng kaalaman upang tayo ay

higit na magkaunawaan. Si Ichiano ay nagsagawa ng pag-aaral at pagsusuri tungkol sa

pagsulat ng sulating pormal ng mga mag-aaral. Ang kaniyang konklusyon mula sa

kanyang pagsusuring isinagawa ay may malubhang kamalian sa pagsulat ng sulating

pormal sa Filipino sa kadahilang kulang ang kanilang kaalaman sa nilalaman, organisa

at mekaniks ng pagsulat ng isang sulatin. Sa pagsusuring isinagawang ito ay nakita ni

Ichiano na mayroong mga mag-aaral na may sapat na kaalaman sa paglikha ng sulatin

ngunit di-gaanong malinaw ang kanilang pagpapahayag ng ideya.

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Jayson T. Taeza (2012) na

nakapokus sa pagtukoy ng mga suliranin at epektong kinakaharap ng mga Kalinga sa

pagsasalita sa wikang Filipino. Napag-alamanan sa pag-aaral na ito ang pangunahing

suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa paggsasalita ng wikang Filipino ay ang

pagpapalit ng mga ilan sa tunog at ponema, tono at diin na wala sa kanilang salita at

tanging nagagamit sa wikang Filipino. Ang nakitang epekto ay ang kanilang

pagkawalan ng interes sa kanilang pag-aaral ng asignaturang Filipino dahil sa kanilang


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
17
takot na magkamali at pagtawanan ng iba kung kaya't kanilang napili na tumahimik at

mahiya sa tuwing sila ay magsasalita ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Ang

tanging solusyon na naisip ni Taeza ay mas makabubuti sa mga mag-aaral na

magkaroon ng maagang pag-aaral ng asignaturang Filipino at patuloy na pagbibigay

motibasyon ng mga guro upang hindi tuluyang mawalan ng interes ang mga pag-

aaralan sa Filipino.

Sa isinagawang pag-aaral ni Myla Bruke (2011) ay kaniyang binigyang

pagpapakahulugan ang pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ay isang uri ng pag-aaral

kung paano kilalanin ang mga titik, paano ito sasamahan at kung paano ito iugnay at

pahayag na siya nating binibigkas at naririnig. Ang mga titik o letra ay nakagrupo sa

bokabularyo, pagbaybay, gramatika at iba pang kaurian. Kung kaya't ang mga salita,

kahulugan, ideya at interes ay dapat na maayos na nakasulat o nakapahayag upang ito

ay pakinabangan at mgakaroon ng kabuluhan sa iba.

Ayon naman sa pag-aaral ni Allan Lazaro (2015), lahat ng wika ay sinasalita

bago ito sinulat at binasa. Sa kinalabasan ng kanyang pag-aaral at pagsusuri ay

kaniyang nakita na lubhang mahalaga ang wastong at mabisang pagsasalita dahil sa

patuloy na pagsulong ng kabihasnan ay lalong kinakailangan ang paggamit ng

pagsasalita upang matuto ang mga indibidwal at masanay sa mga gawaing pagsasalita.

Sa pamagitan nito ay nagkakaroon ng oportonidad ang mga tao makipagpalitan ng

mga kuro-kuro, maipahayag ang kanilang mga karanasan at makapagbigay kaalaman o

karunungan. Ito rin ay isang madali at magandang paraan upang makipagtalastasan.

Ayon din kay Lazaro ay makikita sa isang tao ang kaniyang kasanayan sa pagsasalita
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
18
kung ito ay nagpamalas ng matatag na damdamin, malawak na kaisipan, kasanayan sa

wika, retorika at balarila.

Ayon sa pag-aaral ni Armia Leonardo (2014), ang pagkakaroon ng wikang

pambansa ay nagdudulot ng pagkakaisa ng mamamayan at sa pag-unlad ng isang

bansa. Mahalaga ang sariling wika at kinakailangan ito ng isang bansa sapagkat ito

ang gamit sa pakikikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Patuloy na umuunlad at

nagbabago ang Wikang Filipino. Gumagamit din tayo ng iba’t-ibang paraan upang

mapaikli ang pagbigkas kagaya ng akronim o paggamit ng letra na tumatayong kapalit

ng salita at ang paggamit ng arkayk o pagpapalit ng makabagong salita upang mas

madaling gamitin at magandang mapakinggan. Sa panahon ngayon, pinakauso ang

paggamit ng balbal na ginagamit ng mga kabataanat mga bakla. Sa urban, gumagamit

ng bokabularyo ang mga mag-aaral na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay, sa

lipunan at ekonomiya.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Ramon M. Bernardo (2013), Ang pagsulat

na sistema ng araw-araw nating pamumuhay ay nababago dahil sa sumusulong na

teknolohiya. Ang sistema ng pagtatal papel ng anumang bagay na naiisip natin o

ginagawa ay matagal na nating nakagisnan. Isinusulat natin ang nais nating iparating

sa ibang tao o nagtatala tayo sa diary ng naganap sa atin sa buong araw. Maaari ding

sumusulat ka ng tula, kwento o nobelang iyong iniisip. Ang mga estudyante, sinusulat

nila ang kanilang aralin sa kwaderno. Sumusulat ka ng liham para sa mahal mo sa

buhay. Kahit uso na noon ang makinilya marami parin ang sumusulat gamit ang lapis

at ballpen. At dumating ang panahon ng computer na sinasabing kumitil ng industriya


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
19
ng makinilya. Ang mga estudyante ay ditto na gumagawa ng kanilang takdang- aralin.

Dito narin nila binubuo o ginagawa ang kanilang thesis. Idinadaan narin sa computer

ang anumang dukumento na ginagamit sa opisina. Ang mga manunulat at

mamamahayag ay gumagamit na rin ng computer sa pagsusulat. Tila ag konsepto ng

sulat- kamay ay binabago na rin ng computer. Hindi na kailangan ng lapis at ballpen

para sabihing ikaw ay nagsususlat. Ang pagsulat ng kwento at love letter ay ginagawa

na sa keyboard ng computer.

Ayon sa pag-aaral ni Jomar Linga (2014), mahalagang aspeto ng wika ang

pagbasa dahil ito ay pinangungunahan ng pakikinig at sinusundan ng pagsulat. Sa

pagpapaunlad ng salik ng pakikipagtalastasan, may mahalagang katungkulan ang mga

guro upang lubos na mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang aspekto gaya ng

pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Lubos silang nagkakaisa sa paniniwalang mas

magiging mabilis at madali na maunawaan ng mga mag-aaral ang wastong paraan ng

pagbasa. Malaki ang kaugnayan ng pakikinig sa pagsasalita, pagbasa at sa pagsulat. Sa

pagsasalita ay gumagamit ng mga kakayahan sa pagbasa gaya ng pagbibigay

kahulugan sa mga salita, pag-iisip ng maayos at mabisang haka-haka. Sa pakikinig,

natatamo ng isang mag-aaral ang mga kaisipang kanyang nagagamit sa pag-unawa ng

iba’t ibang babasahin. Umaantig sa damdamin ang pagbasa, bumabago ng saloobin,

layunin sa buhay, at nagsisilbing lunas sa mga suliranin at sa kahinaan. Gintong susi

ang pagbasa na nagbubukas ng pintuan ng karunungan at kaalaman.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
20

Sintesis ng Nasuring mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang rebyu ng literatura ay mahalagang bahagi sa proseso ng pananaliksik. Ito

ay ang nakapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at

buong larawan na ang katangi-tanging kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang, ay

lubos na maisasakatuparan. Nagagawa nitong maipakita sa mambabasa/tagapakinig

ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama. Hindi sapat ang maging wasto

lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Sa pasulat o pasalita

man, nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan

ngtalinghaga.

Ang rebyu ng pag-aaral ay naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon

mula sa mga lumang pananaliksik. Ang rebyu ng pag-aaral ay mahalagang bahagi ng

proseso ng pananaliksik, sapagkat ito ay magbibigay ng mga datos at impormasyong

kailangan upang matiyak ang ugnayan ng paksa sa pananaliksik. Ang pagbasa ay

umaantig ng damdamin, bumabago ng saloobin, layunin sa buhay at nagsisilbing lunas

sa mga suliranin at maging sa mga kahinaan. Ang pagbasa ay gintong susi na

magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kaalaman.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
21
Mga Puwang na nagtatalakay sa kasalukuyan Pag – aaral

Mula sa mga naitanong kaugnay na literature at pag – aaral ang mga sumusunod na

puwang ay natukoy;

1. Kahit na mayroon nang naisasagawang pag – aaral sa pagsulat at pagsasalita ito

naman ay hindi tumutukoy at binibigyang – diin ang antas ng kakayahan sa pasulat at

pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon.

2. Wala pang nagsasagawang pag – aaral sa kakayahan sa pasulat at pasalitang paraan

ng pagpapahayag ng opinyon ng mga mag – aaral sa Grade 11 sa UPHSL – Binan.

Sa palagay ng mga nalamang puwang, ang kasalukuyang pag – aaral ay tiyak sa

pagsisiyasat sa pasulat at pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
22
KABANATA 3

PARAAN NG PAG-AARAL

Ang nakasaad sa kabanatang ito ang mga ginamit na pamamaraan sa pag-aaral,

mga respondent at ang paraan ng pagpili, pangangalap ng datos, deskripsyon o

paglalarawan ng instrument at ng istatistikal na teknik na ginamit sa interpretasyon ng

mga nakalap na datos.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong korelasyon na disenyo ng

pananaliksik, ito ay nahahayag bilang isang pahayag na kaugnay sa pag-aaral ng

mananaliksik na hindi saklaw ang baryabol, ito ay nabibilang sa kung paano alamin at

ilarawan ang mga katangian ng napiling interes ng may katotohanan at tama (Navarro

at Santos, 2011)

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptong korelasyong metodolohiya

ng pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive

Correlation Survey Research Design na ginamitan ng teksto (artikulo) upang malikom

ang mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito na

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga respondent.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
23
Pagkukunan ng Datos

Ang pangunahing instrumentong gumamit sa pag-aaral na ito ay ang mga

piling mag-aaral sa grade 11 ng University of Perpetual Help System-Biñan, Laguna

bilang mga respondent at bilang pangsuporta sa mga datos sa pag-aaral na ito.

Gagamit din ang mga mananaliksik ng mga teksto, artikulo at internet.

Populasyon ng Pag-aaral

Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa grade 11 ng UPHSL ay 1935 at 10

bahagdan nito ay 190 na siyang tutugon. Upang makuha ang buong bilang ng mga

tutugon ay kukuha ang mga mananaliksik sa bawat strand ng 10 bahagdan.

Strand Bilang ng mag-aaral Tutugon

STEM 870 87

HUMSS 245 24

ABM 333 33

GAS 52 5

ICT 165 17

HE 190 19

IA 52 5

Kabuuan: 1935 190


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
24
Instrumentasyon at Balidasyon

Nagbigay ng teksto ang mga mananaliksik batay sa hinihinging tugon at

paglilinaw sa mga suliraning inilahad sa unang kabanata. Ang tekstong ibinigay ng

mga mananaliksik ay naglalaman ng napapanahong isyuat ang mga mag-aaral ay

magbibigay ng kanilang opinyon sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang paraan.

Ang tekstong ginamit ay dumaan sa masusing pagsisiyasat ng mga

mananaliksik at ng tagapayo upang masinop na matugunan ang pangangailangang

angkop sa pag-unawa ng mga kalahok.

Ebalwasyon at Pagbibigay Puntos

Antas ng Kakayahan Pasulat at Pasalitang Pagpapahayag ng Opinyon

Itinakdang Puntos Saklaw Deskripsyon

Lubos naMataas ang antas


ng kakayahan sa
4 3.51 – 4.00 pagpapahayag ng opinyon
sa paraan ng pasulat o
pasalita

Mataas ang antas ng


kakayahan sa
3 2.51 – 3.50 pagpapahayag ng opinyon
sa paraan ng pasulat o
pasalita

2 1.51 – 2.50 Mababa ang antas ng


kakayahan sa
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
25
pagpapahayag ng opinyon
sa paraan ng pasulat o
pasalita

Lubos na mababa ang antas


ng kakayahan sa
1 1.00 – 1.50 pagpapahayag ng opinyon
sa paraan ng pasulat o
pasalita

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Upang magkaroon ng katiyakan sa pangangalap ng datos, gumawa ng liham

ang mga mananaliksik para sa Punong Guro ng Senior Highschool sa University of

Perpeual Help System Laguna upang humingi ng pahintulot upang maisagawa ang

pag-aaral at malaman kung sila ay papayag o hindi.

Bago isagawa ang pagkuha ng opinyon ng mga mag-aaral, nagbigay ang mga

mananaliksik ng kaunting impormasyon upang matiyak na mauunawaan ng

respondente ang paksa ng teksto. Matapos malikom ang mga datos ay itatala ito at

ipinatuos para sa istatistik ng mananaliksik.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
26
Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sumusunod na istatistikal na

kagamitan upang masuri ang mga naitalang datos.

1. Frequency and percentage distribution, ang paraang ito ay tutukoy kung ano

ang kaugnay ng isang parte sa kabuuan. Ito ay tutukoy sa demograpikong

propyl ng mga respondente.

2. Gumamit ng Mean para mailahad ang iskor ng artikulong kanilang bibigyang

kasagutan.

3. Gumamit ng t-test upang maikumpara ang mean ng dalawang baryabol para

matukoy ito ay istatistikal na ebidensya na kaugnay sa populasyon ng mean ay

siguradong magkaiba.

4. Gumamit ng Pearson R upang matukoy ang kaugnayan ng dalawang baryabol.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
27
KABANATA 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ipinapakita sa kabanatang ito ang mga natuklasang batay sa nakalap na datos

mula sa mga respondente sa piling mag-aaral ng Grade 11 sa University of Perpetual

Help System Laguna na siyang naging respondente sa isinagawang pag-aaral na Antas

ng Kakayahan sa Pasulat at Pasalitang Paraan ng Pagpapahayag ng Opinyon ng mga

Mag-aaral ng Grade 11 sa UPHSL.

Ang mga sumusunod ay ang mga kasagutan sa mga suliraning nais masagot ng

pag-aaral na ito na hinango mula sa mga datos na nakalap sa mga piling respondente

na sinuri at binigyang interpretasyon ng mga mananaliksik upang higit na maunawaan

ng mga babasa ng sulating pananaliksik na ito.

Propayl

Talahanayan Blg. 1

Ang Propayl ng mga Mag-aaral sa Grade 11 sa University of Perpetual Help

System Laguna

Talahanayan Blg. 1.1 Kasarian ng mga respondente

Kasarian Bilang Bahagdan

Babae 87 47.50

Lalaki 96 52.50

Kabuuan 183 100


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
28

Talahanayan Blg. 1.2 Strand ng mga respondente

Strand Bilang Bahagdan

STEM 79 43.20

HUMMS 25 13.70

GAS 5 2.70

IA 5 2.70

HE 19 10.4

ABM 33 18.0

ICT 17 9.3

Kabuuan 183 100

Ipinakita sa unang talahanayan ang propayl ng mga respondent ayon sa

kanilang kasarian at edad. Sa talahanayan blg. 1.1 ay ipinahayag ang kasarian ng mga

respondente na may kabuuang bilang na isang daan at walompu’t tatlo (183),

nakapagtala ang mga mananaliksik ng walompu’t pito (87) na bilang ng mga babae na

may bahagdan na 47.50 at siyamnapu’t anim na bilang ng mga lalaki na may bahagdan

na 52.50.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
29
Batay naman sa bilang ng bawat strand ng mga respondente ang mga

mananaliksik ay nakakalap ng pitumpu’t siyam na bilang na nagmula sa strand ng

Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) na may bahagdan na

43.20, dalawampu’t lima ang bilang mula sa Humanities and Social Sciences

(HUMMS) na may bahagdan na 13.70, lima ang bilang mula sa General Academic

Strand (GAS) na may bahagdan na 2.70 at gayundin sa Industrial Arts (IA),

labinsiyam na bilang mula sa Home Economics (HE) na may bahagdan na 10.4,

tatlumpu’t tatlo na bilang mula sa Accountancy, Business and Management (ABM) na

may bahagdan na 18, at labinpitong bilang mula sa Information and Communications

Technology

(ICT) na may bahagdan na 9.30.

Antas ng Kakayahan

Talahanayan Blg. 2 Pasulat

Antas ng kakayahan ng mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa

pasulat na paraan

Batayan Mean Interpretasyon Ranggo

Pagiging 3.36 Mataaas na antas ng kakayahan sa


malikhain at pagpapahayag ng opinyon 1
orihinal

Kaugnayan sa 2.93 Mataaas na antas ng kakayahan sa 3


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
30
tema pagpapahayag ng opinyon

Pagamit ng 3.13 Mataaas na antas ng kakayahan sa


angkop at pagpapahayag ng opinyon
2
wastong mga
salita

Kalidad ng 2.78 Mataaas na antas ng kakayahan sa


natapos na pagpapahayag ng opinyon 4
gawain

3.06 May mataas na antas ng kakayahan sa pasulat


Kabuuan
na paraan ng pagpapahayag ng opinyon.

Sa ikalawang talahayan ipinapakita ang Antas ng kakayahan ng mga piling

mag-aaral sa Grade 11 sa pasulat na paraan ng pagpapahayag ng opinyon.Ang antas

ng kakayahan ng mga piling mag-aaral sa Grade 11 ay sinukat batay sa pagbibigay ng

artikulo matapos nilang mabasa ang artikulo sa pasulat na paraan ay binigyang

interpretasyon ang mga iskor na kanilang nakuha.Sa kabuuang bilang na isangdaan

walumpu’t tatlong respondent na may kabuuang 3.06 na mean,sa unang batayan ay

mayroong 3.36 at naitang may antas na “Mataas”, sa ikalawang batayan ay mayroong

2.93 na mean at naitalang may antas na “Mataas”, sa ikatlong batayan ay mayroong

3.13 na mean at naitalang may antas na “Mataas”, at sa ika-apat na batayan ay

mayroong 2.78 na mean at naitalang may antas na “Mataas”.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
31
Ang unang batayan ay naitala sa unang ranggo, ang ikalawang batayan ay nasa

ikatlong ranggo, Samantala ang ikatlong batayan ay naitala bilang ikalawang ranggo at

ang panghuling batayan naman ay naitala bilang huling ranggo.

Ayon kay Yen Beho (2015) makakatulong sa mag aaral pati na rin sa guro

ng/sa Filipino ang sining ng komunikasyon at ng malikhaing pagsulat tungkol sa

kaalamang nagmula sa mga aklat o artikulong nababasa.

Talahanayan Blg. 3 Pasalita

Antas ng kakayahan ng mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa

pasulat na paraan

Batayan Mean Interpretasyon Ranggo

Kaugnayan sa 3.07 Mataaas na antas ng kakayahan sa


2
tema pagpapahayag ng opinyon

Paggamit ng 3.71 Mataaas na antas ng kakayahan sa


angkop at pagpapahayag ng opinyon
1
wastong mga
salita

Kalinawan at 2.80 Mataaas na antas ng kakayahan sa


kalakasan ng pagpapahayag ng opinyon 3

pagsasaslita

Tuloy-tuloy ang 2.63 Mataaas na antas ng kakayahan sa


4
pagpapahayag pagpapahayag ng opinyon
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
32
ng opinyon

3.05 May mataas na antas ng kakayahan sa


Kabuuan pasalitang paraan ng pagpapahayag ng
opinyon

Sa ikatlong talahayan ipinapakita ang Antas ng kakayahan ng mga piling mag-

aaral sa Grade 11 sa pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon.Ang antas ng

kakayahan ng mga piling mag-aaral sa Grade 11 ay sinukat batay sa pagbibigay ng

artikulo matapos nilang mabasa ang artikulo sa pasalitang paraan ay binigyang

interpretasyon ang mga iskor na kanilang nakuha.Sa kabuuang bilang na isangdaan

walumpu’t tatlong respondent na may kabuuang 3.05 na mean,sa unang batayan ay

mayroong 3.07 at naitalang may antas na “Mataas”, sa ikalawang batayan ay

mayroong 3.71 na mean at naitalang may antas na “Mataas”, sa ikatlong batayan ay

mayroong 2.80 na mean at naitalang may antas na “Mataas”, at sa ika-apat na batayan

ay mayroong 2.63 na mean at naitalang may antas na “Mataas”.

Ang unang batayan ay naitala bilang pangalawang ranggo, ang ikalawang

batayan ay naitala sa unang ranggo, Samantala ang ikatlong batayan ay naitala bilang

ikatlong ranggo at ang panghuling batayan naman ay naitala bilang huling ranggo.

Ayon kay Protacia Reyes (2011), ang bawat indibidwal ay may kakayahang

magpahayag ng sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging ang personalidad o

pagbulalas ng damdamin na syang ginagamit sa mga talakayan, formal o informal man

ito.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
33
Pagkakaiba

Talahanayan Blg. 4

Pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa

pagpapahayag ng opinyon sa pasulat na paraan kung papangkatin sila batay sa

kanilang propayl.

Kabuuan sa Pasulat Mean Signipikasyon Interpretasyon

Kasarian Pagitan ng Grupo 2.91 .322


Walang pagkakaiba
Loob ng Grupo 2.96

Strand Pagitan ng Grupo 3.21 .370


Walang pagkakaiba
Loob ng Grupo 2.95

Sa ikaapat na talahanayan ay ipinapakita ang pagkakaiba sa antas ng

kakayahan sa pasulat paraan ng pagpapahayag ng opinyon kung papangkatin ang mga

respondente batay sa kanilang propayl. Sa pasulat na paraan batay sa kasarian may

weighted mean na 2.91 sa pagitan ng grupo at 2.96 sa loob ng grupo na may kabuuang

.32 na signipikans. Samantala, batay naman sa strand sa pasulat na paraan ay

mayroong weighted mean na 3.21 sa pagitan ng grupo at 2.95 sa loob ng grupo na may

kabuuang .370 na signipikans.

Sa pasulat na paraan ay napag-alamanan na ito ay walang makabuluhang

pagkakaiba ang pagpapahayag ng opinyon batay sa kasarian ng mga respondente.

Walang pagkakaiba sa paraan ng pasulat batay sa kasarian sapagkat ito ay mas mataas
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
34
sa signipikans lebel na 0.05. Gayundin, ang kinalabasan batay sa strand ng mga

respondente na ito ay walang makabuluhang pagkakaiba sa kanilang antas ng

kakayahan sa pagpapahayag ng opinyon dahil ito rin ay mataas sa signipikasyong

lebel.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Ramon M. Bernardo (2013), Ang pagsulat

na sistema ng araw-araw nating pamumuhay ay nababago dahil sa sumusulong na

teknolohiya. Ang sistema ng pagtatal papel ng anumang bagay na naiisip natin o

ginagawa ay matagal na nating nakagisnan. Isinusulat natin ang nais nating iparating

sa ibang tao o nagtatala tayo sa diary ng naganap sa atin sa buong araw.

Talahanayan Blg. 5

Pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa

pagpapahayag ng opinyon sa pasalita na paraan kung papangkatin sila batay sa

kanilang propayl

Kabuuan sa Pasalita Mean Signipikasyon Interpretasyon

Kasaria Pagitan ng
.004 .975
Grupo Walang pagkakaiba
4.469
Loob ng Grupo

Strand Pagitan ng Grupo 10.445 .026


May pagkakaiba
Loob ng Grupo 4.240
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
35
Sa talahanayan bilang 5 ay ipinapakita ang pagkakaiba ng pasalitang paraan ng

pagpapahayag ng opinyon kung sila ay papangkatin batay sa kanilang propayl. Sa

paraang pasalita batay sa kasarian ng respondente ay may weighted mean na .04 sa

pagitan ng grupo at 4.47 sa loob ng grupo na may kabuuang bilang na 0.98 na

signipikans. Samantala, batay naman sa strand ng respondent ay may weighted mean

na 10.45 sa pagitan ng grupo at 4.24 sa labas ng grupo na may kabuuang bilang na .03

na signipikans.

Sa pasulat na paraan ay napag-alamanan na ito ay walang pagkakaiba kung sila

ay papangkatin batay sa kasarian dahil ito ay higit na mataas sa lebel ng signipikans.

Samantala, batay sa strand ng reposndente sa pasalitang paraan ay nakitang mayroong

makabuluhang pagkakaiba sa kanilang antas ng pagpapahayag ng opinyon dahil ito ay

mas mababa sa lebel ng signipikans. Nagkaroon ng pagkakaiba sa strand na nagmula

sa ABM at HUMMS.

Ayon naman sa pag-aaral ni Allan Lazaro (2015), lahat ng wika ay sinasalita

bago ito sinulat at binasa. Sa kinalabasan ng kanyang pag-aaral at pagsusuri ay

kaniyang nakita na lubhang mahalaga ang wastong at mabisang pagsasalita dahil sa

patuloy na pagsulong ng kabihasnan ay lalong kinakailangan ang paggamit ng

pagsasalita upang matuto ang mga indibidwal at masanay sa mga gawaing pagsasalita.

Sa pamagitan nito ay nagkakaroon ng oportonidad ang mga tao makipagpalitan ng

mga kuro-kuro, maipahayag ang kanilang mga karanasan at makapagbigay kaalaman o

karunungan.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
36
Kaugnayan

Talahanayan Blg. 6

Kaugnayan sa antas ng kakayahan sa pasulat na paraan at antas ng kakayahan

sa pasalitang paraan ng mga magaaral sa pagpapahayag ng opinyon

Indikator Pearson r p value Interpretasyon

Kakayahan sa pasulat na Significant/May

paraan at kakayahan sa .174* .019 makabuluhang

pasalitang paraan kaugnayan

*. Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).

Sa ika-anim na talahanayan ay ipinakita na may kaugnayan ang antas ng

kakayahan sa pasulat na paraan at antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng

pagpapahayag ng opinyon na may .174 na Pearson R at P Value na .019. Ang antas ng

kakayahan sa pasulat at pasalitang paraan ay napag-alamanang may makabuluhang

kaugnayan sa pagpapahayag ng opinyon ng mga piling mag-aaral ng Grade 11 sa

UPHSL. Ito ay nagkaroon ng makabuluhang kaugnayan sapagkat ito ay mas mababa

sa lebel ng signipikans na 0.05. Kapag mataas ang antas ng kakayahan sa pasulat ay

tumataas din ang antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng pagpapahayag ng

opinyon.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
37
Ayon kay Alex Andres et al. (2016) isang epektibong paraan ng

pakikipagdayalogo ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking kakayahan na

tumutugon sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao na siya ring bumubuo sa mga

mahalagang kasanayan sa larangan ng komunikasyon. Ang pagaaral ng retorika ang

siyang naging daan tungo sa mabisang pagpapahayag maging sa epektibong

pagsasalita o pagsulat at siya ring pinagmulan ng produktibong pag-aaral upang

makalikom ng mga mahalagang kaisipan sa pamamagitan ng pagpili ng mga wastong

salita/pangungusap na may naangkop na layunin. Ang pagbibigay daan sa pagbuo ng

karanasan sa komunikasyon, pagpapalawak ng mga opinyon, pagbibigay-ngalan at

pagbibigay-kapangyarihan ang ilan sa mga gampanin ng retorika.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
38
KABANATA 5

PAGBUBUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad sa kabanatang ito ang paglalagom, mga natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon kaugnay sa pagsusuri ng antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

pasulat at pasalitang paraan ng pagpapahayag ng kanilang opinyon.

Lagom ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri na naglayong malaman ang antas ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa pasalita at pasulat na paraan ng pagbibigay ng

opinyon. Ang pag-aaral na ito ay may layuning sagutin ang mga sumusunod na mga

katanungan: 1.) Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente ng mga mag-

aaral sa Grade 11 ayon sa: (a) Kasarian (b) Strand 2.) Ano ang antas ng kakayahan ng

mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasulat na paraan? 3.)

Ano ang antas kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon

sa pasalitang paraan? 4.) May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kakayahan

ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon sa pasulat na paraan kung

papangkatin sila batay sa kanilang propayl? 5.) May makabuluhan bang pagkakaiba

ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pagpapahayag ng opinyon

sa pasalitang paraan batay sa kanilang propayl? 6.) May makabuluhan bang

kaugnayan ang antas ng kakayahan sa pasulat na paraan at antas ng kakayahan sa

pasalitang paraan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng opinyon? Ang pag-aaral ay

isnagawa sa University of Perpetual Help System Laguna. Ang ginamit na


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
39
respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga Grade 11 (ikalabing-isang taon ng mataas

na paaralan). Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa grade 11 ng UPHSL ay 1935

at 10 bahagdan nito ay 190 na siyang tutugon. Upang makuha ang buong bilang ng

mga tutugon ay kukuha ang mga mananaliksik sa bawat strand ng 10 bahagdan.

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng teksto batay sa hinihinging tugon at

paglilinaw sa mga suliraning inilahad sa unang kabanata. Ang tekstong ito ay

naglalaman ng napapanahong isyuat ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang

opinyon sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang paraan. Ang tekstong gagamitin ay

dadaan sa masusing pagsisiyasat ng mga mananaliksik at ng tagapayo upang masinop

na matugunan ang pangangailangang angkop sa pag-unawa ng mga kalahok.

Ang ginawang pag-aaral ay magreresulta ng hindi naglayong sagutin ang lahat

ng mga katanungan o kakulangan sa paksang tinatalakay kundi maaaring magtulay pa

sa maraming kaalaman patungkol sa paksa kung kaya hinihikayat ng mga

mananaliksik ang anumang pagtatangkang ipagpatuloy ang kaugnay na pag-aaral na

ito sa hinaharap.

Mga Natuklasan:

Ang kapansin-pansing natuklasan sa pag-aaral ay nakatala sa ibaba:

1. Natuklasan na mas malaki ang bilang ng lalaki na tumugon na may

siyamnapu’t anim at 52.50 na bahagdan kumpara sa bilang ng babae na

walumpu’t pito at 47.50 na bahagdan. Sa ginagawang sarbey ng mga

mananaliksik, natuklasan ang mga propayl ng mag-aaral batay sa strand ay


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
40
nakapagtala ng may pinakamalaking bilang ng tumugon ay ang STEM strand

na may pitumpu’t siyam na bilang na may 43.20 na bahagdan, sinundan ng

ABM, HUMSS, HE, ICT at ang pinakamababang tumugon ay nagmula sa

GAS at IA strand.

2. Sa ginawang pag-aaral nalaman ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral sa

Grade 11 ay may mataas na antas ng kakayahan sa pasulat na paraan ng

pagpapahayag ng opinion at ang (Batayan Blg. 1) Pagiging malikhain at

orihinal ang nakakuha ng unang ranggo na mayroong 3.36 na mean na

sinundan ng (Batayan Blg. 3) Paggamit ng angkop at wastong salita bilang

pangalawang ranggo na may 3.13 na mean, napabilang naman sa ikatlong

ranggo ang (Batayan Blg. 2) Kaugnayan sa tema na mayroong 2.93 na mean at

ang pinakahuling ranggo ay ang (Batayan Blg.4) kalidad ng natapos na gawain

na may 2.78 na mean.

3. Sa ginawang pag-aaral nalaman ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral sa

Grade 11 ay may mataas na antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng

pagpapahayag ng opinion at ang (Batayan Blg. 2) Paggamit ng angkop at

wastong mga salita ng unang ranggo na mayroong 3.71 na mean na sinundan

ng (Batayan Blg. 1) Kaugnayan ng tema bilang pangalawang ranggo na may

3.07 na mean, napabilang naman sa ikatlong ranggo ang (Batayan Blg. 3)

Kalinawan at kalakasan ng pagsasalita na mayroong 2.80 na mean at ang

pinakahuling ranggo ay ang (Batayan Blg.4) Tuloy-tuloy ang pagpapahayag ng

opinyon na may 2.63 na mean.


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
41
4. Sa pasulat na paraan ng pagpapahayag ng opinyon napag-alaman ng mga

mananaliksik na walang pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral

sa Grade 11 kung papangkatin sila batay sa propayl. Sa kasarian na may

signipikans na .322 at sa strand na may signipikans na .370

5. Natuklasan ng mga mananaliksik na walang pagkakaiba ang antas ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa pasalitang paraan ng

pagpapahayag ng opinyon batay sa propayl na maroong .975 na signipikans at

may makabuluhang pagkakaiba naman batay sa strand na mayroong 0.26 na

lebel ng signiikasyon.

6. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang kakayahan sa pasulat na paraan at

pasalitang paraan ay mayroong Pearson r na .174 at p value na .019

Konklusyon ng Pag-aaral

Sa tulong ng mga natuklasan sa ginawang pag-aaral, ang mga sumusunod na

konklusyon ay nabuo:

1. Batay sa nakalap na datos ng mga natukoy ng mga mananaliksik na mas

malaki ang bilang ng mga lalaking tumugon kaysa sa babae. Sapagkat mas

malaki ang bilang ng mga lalaki sa Grade 11. Napag-alamanan ding mas

maraming tumugon na respondente sa STEM dahil ang strand na nabanggit ay

siyang may pinamalaking nilang ng populasyon sa Grade 11.

2. Batay sa natuklasan may mataas na antas ang mga respondente ng Grade 11 sa

pasulat at pasalitang paraan sa pagpapahayag ng opinyon. Nangangahulugan


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
42
ito na sila ay gumanap na may kahusayan sa larangan ng pagbasa na may pag-

unawa upang maihayag ang kanilang mga opinyon patitik o sa gamit ng tinig

na pamamaraan.

3. Batay sa natuklasan walang pagkakaiba sa antas ng kakayahan sa pasulat na

paraan ng pagpapahayag ng opinyon batay sa propayl sapagkat ang kasarian at

strand ay mayroong mataas na lebel ng signipikans. Ang mga respondente ay

kapwa may kahusayan sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon sa pasulat

na pamamaraan ano man ang kanilang demograpikong propayl.

4. Mula sa nakalap na datos, natukoy na walang makabuluhang pagkakaiba ang

antas ng kakayahan sa pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinion ng mga

mag-aaral sa Grade 11 batay sa kanilang kasarian sapagkat mataas ang lebel ng

signipikans, ngunit may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan sa

pasalitang paraan ng pagpapahayag ng opinyon ng mga mag-aaral sa Grade 11

batay sa kanilang strand sapagkat lumabas na mayroong mababa na lebel ng

signipikans.

5. Natukoy ng mga mananaliksik batay sa natuklasan na may makabuluhang

kaugnayan ang antas ng kakayahan sa pasulat at pasalitang paraan ng

pagpapahayag ng opinyon ng mga mag-aaral sa Grade 11 sapagkat mayroon

itong mas mababa na signipikans kung ikukumpara sa correlation level na

0.05.
University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
43
Rekomendasyon

1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa guro na ipagpatuloy pa ang pagtutok

sa antas ng kakayahan sa pasulat na paraan ng pagpapahayag ng opinyon ng

mga mag-aaral ng Grade 11. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang

gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa pasulat tulad ng pagpapagawa ng

ilang sanaysay, pagbubuo ng pangungusap at pagsusulat ng kanilang opinyon

hingil sa iba’t ibang paksain.

2. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa guro na ipagpatuloy pa ang pagtutok

sa antas ng kakayahan sa pasalita na paraan ng pagpapahayag ng opinyon ng

mga mag-aaral ng Grade 11. Sa pamamagitan ng pagbuo ng ilang aktibidad na

hahasa sa kanilang kakayahan sa pagsasalita, halimbawa nito ay pagdedebate,

talumpati at iba pang bagay na may kaugnayan sa pagbibigay ng kanilang mga

opinyon.

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa tagapamuno sa paaralan na pagtuonan

pa ng pansin ang antas ng kakayahan sa pagpapahayag sa pagpapahayag ng

opinyon s pasulat na paraan ng mag-aaral upang matukoy kung ang mag-aaral

ay may sapat na kakayahan. Sa pamamagitan ng pagmomonitor ukol sa

pagsulat gamit ang ilang gawaing pampapel na tutulong sa paghubog ng

kanilang mga kakayahan sa paraan ng pasulat na pagpapahayag ng opinyon.

4. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa tagapamuno sa paaralan na pagtuonan

pa ng pansin ang antas ng kakayahan sa pagpapahayag sa pagpapahayag ng

opinyon sa pasalita na paraan ng mag-aaral upang matukoy kung ang mag-


University of Perpetual Help System Laguna
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

College of Education
44
aaral ay may sapat na kakayahan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

patimpalak na tutulong sap ag-unlad ng kanilang kakayahan sa pasalitang

paraan tulad ng taunang pagpapatula sa harap ng mga tao.

5. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-

aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos o

impormasyong maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa

paraan ng pagpapahayag ng opinyon ng mga mag-aaral.

You might also like