Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


Taong Panuruan 2018-2019
Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________
Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa:________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at isulat ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.
a. Ibalon b. Iliad at Odyssey c. Gilgamesh d. Beowulf
______2. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa.
a. mitolohiya b. epiko c. alamat d. korido
______3. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay kilos o galaw, ang
pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong - kulay d. kuwento ng kababalaghan
______4. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa na noong unang panahon ay sinasamba, dinarakila
at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
a. dagli b. epiko c. alamat d. mitolohiya
______5. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari. Kabayanihan ng pangunahing tauhan ang karaniwang paksa dito.
a. mito b. epiko c. alamat d. mitolohiya
______6. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay at gawain sa bukid.
a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dalit
______7. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kuwento

______8. Mga kuwentong madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli b. nobela c. pabula d. parabula
______9. Isang tula ng panananglaw na madaling makilala ayon sa paksa gaya ng kalungkutan,
kamatayan at iba pa.
a. soneto b. elehiya c. dalit d. awit

______10. Isang bungang – isip / katha na nasa anyong prosa. Kadalasang halos pang – aklat ang haba
na ang banghay ay inilalahad sa kabanata.
a. maikling kuwento b. dula c. nobela d. sanaysay

Para sa aytem bilang 11 -12

PANUTO: Piliin ang angkop na pang – ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap.

______11. Siya ay kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar __________ karapatdapat


lamang siya na mahalal bilang susunod na punong baranggay.

a. tiyak b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon

______12. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kanyang
ari-arian _________ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.

a. kaya’t b. dahil sa c.saka d.upang

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

Para sa aytem bilang na 13 – 14

1.) Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng


palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit
ng bawat latay ng latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Inisip niya ang
dahilan ng kanyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa
kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na
loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng kanyang katawan ay ang matinding
kirot na nalalasap sa bawat paghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

______13. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod – sunod?

a. pangungusap 1 c.pangungusap 3
b. pangungusap 2 d.pangungusap 4

______14. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?

a. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.


b. Lantad at matindi ang parusang ipapataw sa mga nagkasala.
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
d. Katanggap – tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.

______15. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag –
ibig kung walang tiwala.”

a. Walang pag – ibig kung walang tiwala.


b. Titibay ang pag – ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag – ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag – ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.

______16. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?

a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.


b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

______17. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga – Egypt ang buhay kaysa
kamatayan?

a. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.


b. Nagpapatayo sila ng piramide para sa mga namatay na paraon.
c. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa kagandahan ng buhay.
d. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang nang walang hanggang kaligayahan.

______18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid
at Psyche?

a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.


b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na
asawa.

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

Para sa aytem bilang 19 – 20

Panuto: Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap.

______19. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga
tao sa kagandahan ni Psyche.

a. aksyon b. karanasan c.pangyayari d.proseso

______20. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrocia kay Psyche.

a. aksyon b. karanasan c.pangyayari d.proseso

______21. “Hindi natatalo ng sinuman ang taong iyan.” Anong konstruksiyong gramatikal ang gamit sa
pangungusap upang maipahayag ang emosyon?

a. pariralang nominal c.negatibong ekspresyon


b. tanong retorikal d.ekspresyong degri ng kasukdulan

______22. Mababasa sa kasaysayan na ang _______ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh.
Anong pananda ang angkop sa patlang?

a. una b. saka c.bilang karagdagan d.pagkatapos

______23. Aling pangyayari o bahagi sa nobelang “Dekada 70” ang hindi angkop na ilapat ang teoryang
humanismo?

a. Ang kaniyang buhay ay umikot lang sa pagiging asawa at ina.


b. Pagnanais ng pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
c. Pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawahan.
d. Pakikialam ng mamamayan sa katiwaliang naganap sa pamahalaan.

Para sa aytem bilang 24 – 25

”Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya – hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan, natatakot akong mamatay. Ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.”

______24. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?

a.nagsisisi b. nahihiya c.nalulungkot d.natatakot

______25. Base sa pahayag na iyong binasa, anong klase ng kamatayan ang dapat ikarangal ng isang
tao?
a.namatay sa sakit c.namatay sa aksidente
b.namatay sa labanan d.namatay sa lungkot

Para sa aytem bilang 26 - 27

PANUTO: Piliin ang tamang panghalip panao na angkop sa pangungusap.

______26. Ang pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilatropo. Maliban sa
paaralan at palaruan. ________ rin ang nagpatayo n gating simbahan. Kaya naman ang
parangal na Pilantropo ng Taon ay karapat – dapat lamang para sa kaniya.
a. ito c.ikaw

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

b. kami d.siya
______27. Labis ang ________ pagdurusa at paghihinagpis dahil sa paniniwala siyang isinilang sa
daidig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay.
a. kaniya b. sila c.kami d.tayo

______28. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame “ ay isang paring nag – aalaga
sa kubang si Quasimodo. Paano siya pinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical c.tauhang bilog
b. hindi stereotypical d.tauhang lapad

______29. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t hindi sila makagalaw. Paano binigyang kahulugan
ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?
a. Nagtataglay ng talinghaga. c. Maraming taglay na kahulugan.
b. Taglay ang literal na kahulugan. d. Lahat ng nabanggit.
______30. “Ang pangit na iyan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
a. Malupit ang amo sa kanyang alipin.
b. Mausisa ang amo sa kanyang alipin.
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
d. Mapanglait ang amo sa kanyang alipin dahil sa kanyang anyo.

Para sa aytem bilang 31 – 32


“May Isang Pangarap”
ni Teodoro Gener

May isang pangarap akong ninanais,


Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait
Panaho’y nagdaan at sa aking hinahangad,
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit…..umalpas

______31. Anong positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?


a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok.
b. Pagiging determinado sa pag – abot ng pangarap.
c. Paggawa nang ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit.

______32. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig sa tula?


a. Mapagbiro ang tadhana.
b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol.
c. Ang sumusuko sa buhay ay laging talo.
d. Kung may nais marating magsumikap.

Para sa aytem bilang 33 - 35


PANUTO: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nakapahilis sa pangungusap.

______33. Lubhang nalibang si Matilde sa pakikipagsayaw kaya’t mag – iikaapat na ng madaling araw
nang sila’y nauwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.
a. maliit na Bangka c.pampasaherong dyip
b. lumang kotse d.kalesa

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

______34. Mas mabuting maging mahirap sa alipin ng dukhang Panginoon.


a. amo c.Diyos
b. Bathala d.siga
______35. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan.
a. kakinisan c.kagandahan
b. kayamanan d.pinag – aralan
______36. Isa itong kaugalian ng mga kapatid nating Muslim, ginagawa nila ito upang tupdin ang turo ng
Quran na nagsasaad ng ganito “ Kayo na naniniwala! Ang pag – aayuno ay iniuutos sa inyo at
inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.”
a. pag – islam c.peggang
b. pembuka d.puasa
______37. Ang _________ ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na naganap. Nagsisilbing
patnubay at lumilinang sa mabuting asal ang aral na mapupulot natin.
a. mitolohiya c.alamat
b. parabola d.dalit
______38. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi. Ang emosyong nangingibabaw sa
pahayag ay _________.
a. natatakot b. nag-aalangan c.nag – aalala d.nahihiya

Para sa aytem bilang 39 – 40


PANUTO: Ibigay ang katangian ng mga tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

______39. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng
buhay ko. Ayaw ko pong mag – isa balang araw kapag nawala ka.”
a. mapagkumbaba b. maawain c.matatakutin d.mapag – alala
______40. “Walang ibang babae akong minahal.”
a. magalang b. matapat c.mabait d.maunawain

Para sa aytem bilang 41 – 43


1.) Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang
siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na naidudulot ng
salapi. 2.) May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan. 3.) Ipinaghihinagpis niya ang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa
paningin niya ay napakapangit.

______41. Kung ikaw si Matilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga pangarap sa
buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin
ng masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makukuntento na sa kung ano ang kayang ibigay
sa akin ng aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming
buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay
upang lalo siyang magsumikap.

_______42. Batay sa paglalarawang ginawa kay Matilde na iyong nabasa, anong klase ng babae o
pag-uugali mayroon siya?
a. matapang c.mata pobre
b. ambisyosa d.mayabang

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

______43. Aling pangungusap sa teksto ang naglalarawan ng kalagayan sa buhay ni Matilde?


a. unang pangungusap c.pangatlong pangungusap
b. pangalawang pangungusap d.wala sa nabanggit

Para sa aytem bilang 44 – 45


PANUTO: Piliin ang angkop na panandang pandiskurso sa pangungusap.

______44. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak, kaya’t nagawa
niya itong itakwil. Palibhasa’y ama ________ napatawad niya rin ito.
a. sa wakas c.sa dakong huli
b. pagkaraa’y d.pagdating ng panahon
______45. ___________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog – tulugan.
a. sa madaling sabi c.bunga nito
b. huwag lang d.bukod sa

Para sa aytem bilang 46 – 50


PAGSULAT: Sumulat ng isang suring basa batay sa isang mitolohiya nabasa mo. (Mediterranean)

PAMANTAYAN:

Pagsusuring pangnilalaman – 2 puntos


Pagsusuring pangkaisipan – 3 puntos
Kabuuan - 5 puntos

Inihanda Nina:
ELOISA P. ELLO
CHRISTINE HYDEE D. CUNANAN
MARLON L. MUYOT
Mga Guro sa Filipino 10 – Cabiao NHS, CD-IV

Sinuri Nina:
RUBY C. MEJIA – Ulong Guro VI, Cabiao NHS
JOSELITO S. MALAMANIG - Ulong Guro III, Exequiel R. Lina NHS

Konsultant:
REYNALDO S. REYES
Tagamasid Pansangay sa Filipino

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

SUSI NG MGA SAGOT


UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
Taong Panuruan 2018-2019

1. C 31. D
2. B 32.A
3. C 33.D
4. D 34.A
5. B 35.C
6. D 36.D
7. C 37.B
8. D 38.B
9. A 39.A
10. C 40.B
11. D 41.C
12. A 42.B
13. A 43.C
14. B 44.C
15. C 45.A
16. C
17. C
18. B
19. C
20. B
21. C
22. A
23. A
24. A
25. B
26. D
27. A
28. C
29. A
30. D

Inihanda Nina:
ELOISA P. ELLO
CHRISTINE HYDEE D. CUNANAN
MARLON L. MUYOT
Mga Guro sa Filipino 10 – Cabiao NHS, CD-IV

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph

You might also like