Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I.LAYUNIN

*Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang gawain

II.PAKSA
Pagsunod sa Panuto
CODE : F3PN-IVf-1.4
Kagamitan: Video clip, , PowerPoint presentation, TV, Laptop, tsart
https://youtu.be/q2_07lyNv7E
Sanggunian: LM and TG - Filipino 4
CG IV p.24
Integrasyon
EsP EPP Arts Math

III.PAMAMARAAN
I..Panimulang Gawain
a.Pagsasanay (555 approach)
1.Ang mga mag-aaral ay sama-samang naglilinis ng silid -aralan. Ano ang kasarian
ng pangngalang mag-aaral?
a. Pambabae b. Panlalaki c. Di-tiyak d. Walang kasarian
2. Alin sa sumusunod na mga salita ang pangngalang pantangi?
b. a. tatay b. kuya c. ate d. G. Santos
3. Ano ang tawag natin sa mga panngalan na walang buhay?
a.walang kasarian b. panlalaki
c. pambabae d. di-tiyak
4. Ang salitang madre, tindera, nanay at kusinera ay mga pangngalan na
_______.
a.walang kasarian b. panlalaki c. pambabae d. di-tiyak
5.. Alin ang pangngalan na panlalaki?
a. pulis b. bumbero c. guro d.sastre
b.Balik-aral
Kumuha ng isang papel sa kahon . Basahin at sagutan ng tamang panghalip panao
upang mabuo ang pangungusap..

1. Wala naman akong ginagawa kaya tutulong na lang _____ sa paggawa ng


iyong proyekto.
2. Nakikita mo ba ang babae na kausap ni Tito Arnold? _______ang may-ari
ng tindahan.
3. Dumating na ang sina tatay at nanay. pagkain. Makakasama na _____ sa
inyo para maglaro.
4. ’’_____ ang ang napiling umawit sa Linggo ng Wika.” ang sabi ni Marta.
5. 4.”Cassie _____ na ang maghugas ng pinggan”, sabi ni Marga kay Romina.
c.Pagganyak
Umupo ng maayos. Ilagay ang mga kamay sa ibabaw ng desk at making na
mabuti sa ating aralin..
2.Gawin Natin
a.Pagbasa sa Tula

Araw-araw, ating naririnig,


Mga panuto, direksyon sa paligid;
“Pumila nang maayos!”
“Makinig sa guro!”
“Magsalita nang malinaw!”
“Linisin ang paligid!”
Mga ginagawa sa bahay man o paaralan,
Magiging maayos, kung panuto’y pakikinggan at susundin.

b.Pagtalakay sa tula
 Ano ang naririnig natin araw-araw?
 Ano-ano ang mga panutong naririnig ninyo?
 Bakit dapat sundin ang mga panuto?
 Ilan ang panutong ibinigay sa tula?
 Paano masusunod nang tama at maayos ang panuto?
 Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa mga panuto?

3.Pakikinig /Panonood sa video clip tungkol sa pagsunod sa mga hakbang sa


paglalaba

* Tungkol saan ang video clip?


*Ano-ano ang mga panutong nabanggit sa video clip?
*Tiyak ba ang ibinigay na panuto? Bakit?
* Ilan ang ibinigay na panuto sa video clip?
*Kailan ginagamit ang panuto?
*Base sa video clip, ano ang panuto?

3.Gawin Mo
Isagawa ang panutong sasabihin ko.
*Isulat sa drill board ang sagot at itaas ito kapag nagbigay ako ng hudyat.
.*Gumuhit ng isang malaking bilog at gumuhit ng maliit na bilog sa kaliwa ng
malaking bilog.
*.Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng dalawang bituin sa loob nito.
*4.Ikaw ba ay lalaki o babae? Kung ikaw ay lalaki, gumuhit ka ng bola at kung
ikaw ay babae gumuhit ka ng manika.
4.Gawin Ninyo:
Pangkatang Gawain

Pangkat 1 Paggawa Bangkang Papel

Panuto: Tupiing pakalahati ang buong papel at ang magkabilang dulo patungo sa
gitna. Tupiin paibabaw ang nasa dulo ng tatsulok at tupiin pahugis diamante.
Tupiin hanggang maging hugis tatsulok. Hilahin pagilid ang magkabilang dulo
hanggang mabuo ang isang bangkang papel.
*Pangkat 2
Panuto:
Isulat ang pangalan ng inyong mga guro. Ikahon ang pangalan ng iyong guro sa
MAPEH. Bilugan ang pngalan ng iyong guro sa AP. Lagyan ng puso ang pangalan
ng iyong guro sa Filipino.

*Pangkat 3 Kulayan mo Ako


Mga Panuto:
Kulayan ng dilaw ang araw. Ang mga dahon ay kulayan ng berde.
Bilugan ang dalawang bata. At kulayan ng itim ang aso at pusa.

Pangkat 4
Mga Panuto:
*Gumuhit ng masustansyang gulay at prutas..Dalawang gulay na kulay
berdeTatlong prutas na kulay dilaw.Sa itaas ng inyong iginuhit, lagyan ito ng
pamagat.
Pangkat Lima
Panuto:
Isulat ang bilang isa hanggang limampu. Bilugan ang mga bilang na may
dalawa.Bilangin at isulat sa kahon.
5.Paglalahat
Kailan ginagamit ang panuto?
Ginagamit ang panuto sa tuwing magbibigay ng kautusan.
Bakit kailangang sundin ibinibigay na panuto? Ito ay nakatutulong upang maging
maayos, mabilis at wasto ang pagsunod sa panuto.
6.Pagpapahalaga
Inuutusan ng kanyang nanay si Rico na bumili ng panrekado sa ilulutong ulam.
Hindi pa natatapos ang sinasabi ng nanay niya ay kumaripas na ito ng takbo. Ano
kaya ang maaaring mangyari?
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto.
1. Sa kaliwa ng bahay kubo, gumuhit ng dalawang puno.
2. Gumuhit naman ng isang isang aso sa harap ng bahay.
3. Lagyan ng araw at ulap sa bandang taas ng bahay.
4. Isulat kung ano-ano ang mga pangalan na makikita sa larawan at sa iyong
mga iginuhit.

V. Takdang Aralin

Itala ang mga hakbang sa wastong paggawa ng eroplanong papel

Inihanda ni:

LUCITA O. DELOS ANGELES


MT-2
SANTOLAN ELEMENTARY SCHOOL

You might also like