Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Masaya

by Mark

"The best kind of love is the one that awakens the soul, plants fire in our
hearts and makes us reach for more."
-The Notebook

"Once you've find your soulmate, you'll never be able to love again"

My story began in November 2004. I was still in Junior Year High School at
that time. I was in love with this girl since we were in Grade 4 and I continued to
secretly love her. I was set to leave for the States before Christmas and I know
that when I come back everything will never be the same. Two weeks before the
flight there I met him. "Him" that I did'nt know what part will he play in my life.

Hindi ako magaling sa description kaya't kayo nalang ang bahalang mag-
imagine. My name is Mark. 5"8 in height, maputi ako, normal built ang katawan,
hindi masyadong payat,hindi masyadong mataba.Singkit po ang aking mata,may
lahi po kasi kaming Chinese. Madalas akong napagkakamalang Hapon, Chinese or
Korean ng mga tao na hindi ako kilala.Kaya din ako napagkakamalan na ganun is
because I also know the languages.Habulin ng girls at boys...(ehem).Hindi naman
po sa pagmamayabang bata palang ako nakitaan na ako ng potential para mag
artista.

Pumasok ako ng maaga that day.Naisipan ko lang-ako kasi ung tipo ng tao
na just go with the flow, ung unang maisip yun agad ang gagawin.Pagdating ko sa
lobby ng school may nakita akong bago sa aking paningin. May tatlong Koreano
na naka-upo sa bench sa lobby. Isang super tanda na, naisip ko ay tatay nila at
ung dalawa medyo pang highschool pa ang dating. At first, I did not pay much
attention on them kasi wala lang. Hindi ako ganun ka-interested sa kanila at
maraming tumatakbong bagay sa isip ko. Well, maimpluwensyang tao kasi ako sa
aking paaralan. I was raised to be independent and extreme. Lumaki ako ng
inaasahan ko lang ang aking sarili at konting tulong lang ang nanaggagaling from
my family and friends.

After ng flag ceremony I saw the Vice Principal walking towards the lobby
para kausapin yung tatlong kimchi na naghihintay. To my suprise dun pala mag-
aaral ung dalawa. Bagsak daw kasi dun sa school na pinaggalingan nila at
binigyan na ng chance para lumipat ng maayos. Hindi naman sa tambakan kami
ng mga bagsak,mabait lang talaga ang admin namin. Sabi nga "Help others by
giving them a chance to helpthemselves". Kaya ayun yung isa sa 2nd year
pumasok at ung isa naging classmate ko, third year na rin pala.

His name is John. He's very good looking.Ka-height ko sya,maputi din, pure
Korean-parang yung nakikita mo na artista sa mga Koreanovela na palabas sa
TV.He's perfect in every way possible sa physical aspect. Ang favorite ko sa kanya
is ung nose and eyes nya, napaka perfect. Pagpasok na pagpasok nya sa class
nasa kanya na lahat ng attention. Hinabilin sya sa akin dahil hindi daw marunong
mag Tagalog. English only lang daw. Since ako lang ang consistent sa English sa
section namin kaya ayun. Pero wala talaga akong paki-alam sa kanya nung una
dahil marami akong iniisip sa acads at sa pag-alis ko papuntang States. In short
hindi ko din sya na-asikaso. Hangang napabayaan ko na sya totally at sa
nabarkada na sya dun sa isang group sa class.Though he attempted to show me
some friendly gestures hindi ko talaga sya magustuhan. Feeling ko mayabang sya
at super hangin ng dating nya.

Dumating ang December then I went to my three week vacation sa States. I


know that when I come back everything will change. December 23 na nun bumili
ako ng gift para dun sa girl na mahal ko tapos nag-ka chat kami at sabi nya may
BF na daw sya at 1 day lang sya niligawan. Gumuho ang mundo ko nung time na
yun.(Ayaw ko na mag focus masyado sa part na ito basta un na un).

January, A New Year

Well nakabalik na ako sa Pinas from my US vacation.As expected everything


has changed. Pakiramdaman at kutuban nalang ang naabutan ko. Pagbalik ko sa
school una kong napansin si John. Kinausap ko sya and to my surprise marunong
pala sya mag Tagalog. Feeling ko niloko nya ako dati nung sinabi nya na he can't
speak Filipino. Yun pala when my classmates told me everything that happened
when I was gone, marunong pala ang kumag na mag Tagalog since he was
already living in the country for the past four years. Asar na asar ako sa kanya
and as far as I can recall that was our first quarrel. Yes, hindi ko sya pinansin nun
for one week dahil sa sobrang asar ko sa kanya.

After that week, humupa na rin ang galit ko sa kanya dahil hindi ko talaga
sya ma-tiis. After that incident we became friends. Closer and closer everyday.
Dumating ung araw na halos lagi nalang kami ung mag-kasama buong araw sa
school at sabay gawin ang mga bagay-bagay kagaya ng assignments, kumain at
kung ano-ano pa. Napachismis din kami nun na kami among my fellow students at
sa mga faculty.

Prom,Valentines Day 2005

Prom day naming nung Feb 14, 2006. Valentines day. Days before the Prom
nag-away kami kasi nagpapalakad sya dun sa Senior na girl na gusto nyang
ligawan at nagpapatulong sya sa akin. Gusto nya kasi na gumawa ako ng milagro
para maisayaw nya ung girl sa prom. I immediately said "Shiro". Nakipag argue
sya kasi bakit daw ung iba na humingi ng favor sa akin na gawan ko ng paraan
yung date nila at ung kanya daw ayaw ko. Syempre at that time parang
nararamdaman ko medyo nafafall na ako sa kanya. And nasasaktan ako. Syempre
hindi ko sinabi sa kanya na ganun ang situation ko. Gumawa nalang ako ng
paraan para magdahilan. Hangang sa dumating na yung prom night. At hindi
talaga kami nag uusap. Nilapitan nya ako sa lobby pero ako na ang umiwas ng
hotel and ako na rin ang umiwas. Umakyat ako sa room kasi naka-check in ako
nun pero kahit saan ako mag punta nasusundan nya ako. Finally na-corner ako ng
kumag sa elevator. Para kaming bata nun na nag lalaro ng hide and seek.

J: Ano ba, I've already said sorry a lot of times already. Ganyan ka ba talaga?
M: What do you want me to do?
J: Forgive me.
M: Matagal ka nang forgiven.
J: Eh bakit hindi parin natin ibalik ung dating tayo. Ung close tao.
M: Aba Malay ko sa'yo.

Biglang bumukas ung pinto ng elevator and yung mga admin pala sasakay
dun sa lift. Buti nalang medyo decent ung nakita nilang scene hindi ung sweet or
yung brutal na nagpapatayan kami. I stepped out pero naiwan sya sa loob ng
elevator. Wala syang nagawa kasi naunahan ko sya at nagsara agad ung pinto.
Nagkita nalang kami nung nasa table na kami. Nakipag palit ako sa isa sa table ng
best friend ko. Ayun ok na. Nung sayawan na, he then tried to initiate a
conversation but umalis na ako. I can still remember na may State of Emergency
nung prom namin na yun. Naging OK din kami a few weeks later. Lagi naman
kaming ganun away bati. Pero walang napagod sa amin sa ganung set-up parang
mga bata lang talaga na naglalaro. But we make sure that we learn from our
mistakes.

Pareho kaming nag grow sa relationship naming as friends. Dumating na


nga dun sa point na inappropriate na ung acts na ginawa naming para sa
magkaibigan.Sa umaga bago mag start ang class after the flag ceremony
magpapalit kami ng cellphone. Ewan ko kung bakit ganun pero payag naman kami
pareho. Kakain kami sa isang cone ng ice cream sa isang plato sharing the same
spoon and fork sa foodcourt ng mall. We don't care. Walang malisya sa amin yun.
Alam ko na ung love na nararamdaman ko para sa kanya is walang puwang sa
friendship namin. Kaya naman ako pilit ko itong si-nupress at tinago para sa hindi
masira ang friendship namin.

Play (March-April)

A few weeks later magkakaroon daw ng school presentation para ma-


promote ang school nun dahil in a few months mag-eenrollment nanaman.
Pinasali kaming dalawa nung English teacher ko. Sa audition pagdating naming
naka line kamitapos pumasok sa isansg room. Pagpasok we introduced ourselves
sa mga hired directors at etc. Pinakanta kami at ang kinanta ko ay ang Natioanal
Anthem at Bahay Kubo.Tawa sya ng tawa nun sa akin at ako naman sa sobrang
asar ko binatukan ko sya ng sobrang lakas. Si John ung tipo ng tao na mahaba ang
patience sa akin, ung tipong kahit bugbugin ko sya hindi pa rin sya magagalit sa
akin. Pero hindi ko naman yun inabuse. It was his turn to sing at that time.

P: What are you going to sing?


J: Masaya!
M: May ganung song ba?
J: Oo meron.
M: Since kalian pa?
J: Nung nasa states ka. Listen carefully, this is for you.

At that time wala akong alam about dun sa kanta kaya I was totally hanging
and completely thoughless on how the song would be. He started singing it and as
every words unfold it seems that ninanakawan ako ng hininga.

Ang pag-ibig, ganyan talaga


Ako'y nilamon ng pag-ibig
Ganyan talaga, Masaya.

Tumatak sa isip ko yung mga lines na yun at I didn't know what he means by
what he said na that song is for me. After the audition we talked about it.

M: Weh, para saan ung kantang yun?


J: Hindi ba naka-relate ka. Alam ko kung anong nangyari sa inyo ni Camille.
Bagay sa yo ung kanta. Kasi napaka sobra mo magmahal, wala kang tinitira sa
sarili mo.
M: Weh.Past is past and it should never be discussed.

Simula nung araw na yun, kapag nagkikita kami lagi nyang kinakanta yun sa
akin or kapag may dala syang gitara sa break time yun nalang palagi ang naririnig
ko na kinakanta nya. Till one day I grew tired of it and hindi ko nalang sya
kinausap. Natapos ang play at nagbakasyon almost a month hindi ko sya
kinakausap at pinapansin. Until siguro one day sya na rin ang napagod.

Summer has already begun. As far as I can remember Holy week na nun
2005 ng mag meet kami ulit. Prior na mag meet kami ulit, may text na ng text sa
akin na hindi ko pinapansin. Hindi ako ung tipo ng tao na text ng text or ung
tinatabi na ung phone sa pag tulog. Lumabas ako one night with my friends.
Maundy thurday na yata nun and we all agreed to watch a play entitled "Jesus
Christ Superstar". Nung naka-upo na kami ng mga friends ko bigla ko syang
nakita. Parang nasira na ang araw ko nun kasi the last thing that I wanted to
happen is ung magkita kami.

Nakita ko na nakita na nya kung saan ako naka-pwesto but hindi sya
lumapit. Nakita ko na he's texting over his cellphone sa isip ko baka nag hihintay
ng mga kasama nya manuod ng play. Then after a while before mag start ung play
lumapit na sya, dun sya humito sa tapat ko at parang may tinatawagan. Naka-
silent kasi ang phone ko nun, kinuha ko sya sa bulsa ko kasi I'll text my mom nab
aka umagahin na ako ng uwi. To my surprise tumawag nanaman ung unknown no.
na was texting me for quite sometime na. Sinagot ko sya. To my surprise boses
nya ang narinig ko.

J: Andyan ka lang pala bakit hindi mo sinasagot ung mga text at tawag ko?
M: Hello, Sino po to?
J: Ito naman oh, tumingin ka sa harap mo makikita mo ako.
I dropped the call and walked out of that place. Hinabol nya pala ako at
bago ako makasakay ng jeep papauwi ay naabutan nya ako. Then naganap na
ang pinaka iniiwasan ko na confrontation.

J: Please naman, talk to me.


M: There's nothing to talk about.
J: What do you mean there's nothing to talk about.
J: Stop acting like this. Nahihirapan na ako, What's the problem tell me!

Sumisigaw na sya at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tumigil yata ang


mundo nung time nay un. Lahat naka-focus sa amin. Parang yung usual na scene
sa isang Koreanovela na Kim Sam Soon.

M: Let go of me.
J: Only if you promise to talk to me.
M: Ok.
J: Ok, Let's go to my house, we'll talk about this in there.

Dumating si John at a point in my life that I was so hurt and vulnerable.


Hindi ko alam little by little nadedevelop nap ala ako sa kanya. We went to his
house and talked things over. Walang nangyari, in fact all through out wala
nangyari sa amin kahit isang kiss. I respect that. But I am happy with everything
that had happened. Dun ako natulog sa kanila that night. Tabi kami natulog and
pag gising naming medyo magkayakap na kami. Hindi namin binigyan ng malisya
ung nagyaring un kasi hindi nga naman kami malisyoso.Little by little I know that
a day will come that I can't deny my heart's will anymore.

Nung dumating ang May ng year na yun, naging busy na ako kasi
kinakailangan kong mag review for my UPCAT at nawalan na ako ng time sa kanya
at sya rin naman sa akin. Hindi naman ako nagworry kasi alam ko safe sya at may
tiwala ako sa kanya. May 16 nun at nasa province ako kasi fiesta. Iniwan ko ung
phone ko sa car and nung nakita ko may dalawa akong message galing sa kanya.

Message 1:

Hi! Just wanted to let you know that I miss you so much naalala kita.. Ingat ka
dyan.

Message 2:

Never say nalimutan kita kasi para sa akin special ka, never say wala akong
pakielam kasi im wondering kung ok ka and never say hindi kita miss kasi sa mga
oras na to iniisip kita.

Sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko ung mga messages nya baka nag-
dradrama na naman sya.
May isang event nitong year na ito na sobrang hindi ko
makakalimutan.Minsan nag away kami dahil sa hindi lang naming
mapagkasunduan kung anong oras kami uuwi at ang kinalabasan ay total
disaster. As in, pumasok sya sa isang classroom at nagwala dun. Naghagis ng
upuan, nag basag ng salamin at sinira ung pintuan. Hindi ko malimutan yun kasi
na-culture shock ako nung time na un. Hindi ko alam na ganun pala ka-violent ang
mga Koreans.

June(Senior Year)

Dumating na ulit ang pasukan at we all know that our lives are going to be
busy now dahil graduating na kami from highschool at maraming requirements na
kailngan matapos. I was looking for him nung first week ng pasukan. Pina-confirm
ko kung nag enroll sya dahil one week na syang delay sa pagpasok. Akala ko
umuwi lang sya ng Korea at na huli sa pagbalik sa Pinas. As days passed by I grew
more and more worried about him. Hindi ko na maitago ito and I begun
investigating on what happened to him. Hindi ako close sa barkada nya sa school
but may isa sa kanila na nag lakas loob na mag-approach sa akin at ikwento ang
mga pangayayari. Dun nalaman ko na may dalawang major na nangyari.

Lumayas pala siya sa bahay nila dahil nag-away sila ng dad nya. But before
that mas nagulat ako sa nalaman ko. His friend told me that nung May 15, they
went out to have a happy hour at a local night club kasi nga yung isa nilang
kabarkada nakabuntis daw and wanted to drink. Nagkatuksuhan daw dahil
nalaman nila na virgin pa pala si John nung time nay un. Ayun binigyan sya ng
katable at later on that night nag check in sila sa isang motel beside the club. At
first I never wanted to believe everything that I was hearing. Ang hirap
paniwalaan ng mga sinabi nya but he has evidence to prove it. Inaamin ko
nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang nasaktan ako. Nag
echo ung sakit sa lahat ng sulok ng katawan at kaluluwa ko. Bigla kong naisip
yung date ng text nya was May 16 ng umaga. Pilit kinoconnect ng isip ko ang mga
bagay bagay hangga't sa makakaya ko pero wala eh. Sa pagpupumilit kong
magisip feeling ko may nakalagay sa utak ko na "CLOSED" sign.

Kaya pala sila nag-away ng daddy nya isa because nalaman yung kalokohan
na ginagawa nya. Nagsumbong yung katulong nila dahil hindi lang pala once
kundi thrice ung pangyayari and what's worst is nag-uuwi sya sa bahay nila. At
that time kasi umuwi ang parents nya sa Korea for a summer vacation so sila lang
ng katulong ang naiwan sa bahay nila.

I asked his friend kung nasaan sya dahil gusto ko talaga syang puntahan
para sunduin, kausapin, tanungin, suntukin at higit sa lahat mahalin. Sabi ng
kaibigan nya nasa beach side daw si John at pabalik na. Akala ko na tapos na ang
lahat ngunit hindi pa pala. Sabi nung friend nya umalis daw si John sa kanila na
may dala-dalang almost 20,000 pesos na kinuha nya sa daddy nya para lalo daw
magalit. At ayun sinabi nung friend nya na ubos na daw ang pera. Nagulat ako
dahil knowing him na sobrang tipid nya na tao eh paano nya mauubos that kind of
amount. Si friend frankly told me that John used the money for drugs. His friend
even said that kung ayaw ko maniwala, ipa-drugtest ko daw at tignan naming
kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Wala na, hinang hina na ako nung time na yun. Yung ears ko nagsara na ng
kusa,yung puso ko tumigil na sa pagtibok at yung isip ko ayaw ng magprocess ng
mga information. Umalis na lang ako.Umiyak, yun naman palagi ang panandaliang
solution natin sa mga problema.

The following week pumasok na sya, narinig ko Ok na daw ang lahat sa


kanila at back to normal na daw. Pilit nanaman akong umiwas sa kanya, hindi ko
alam kung bakit pero may nagsasabi sa akin na kailangan kong umiwas. One day,
we again had a confrontation. Pauwi na ako nun nung magkasalubong kami sa
daan and he was looking at me smiling, nung nagkasalubong kami he said Hi and
I snob him and walked right passed him. Hinabol nya ako.

J: I know we have a problem. But please I don't want to explain anything about it.
I don't want talk about it.
M: You don't owe me any explanation. I don't care about any of the things that
you did.
J: Stop being sarcastic.
M: I'm not being sarcastic.
J: Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa akin, alam mo ba yun?
M: Sakit? Alam mo pala yun. Ikaw may idea ka ba kung anong sakit yung
binigay mo sa akin nung ginawa mo yung mga bagay nay un? Hindi ka
man lang nagdalawang isip. Nagpadala ka sa sulsol ng mga kaibigan mo.
J: Kasalanan mo kasi.

(My world stood still when I heard him say that)

Wala ka nung kailangan kita. Asan ka nun? You were busy. Kinalimutan mo ako.You
left me alone. Hindi ka fair. Ikaw na nga lang ung strength ko tapos iniwan mo pa
ako.

Nawindang ako sa mga narinig ko. Bakit biglang sa akin napunta ang blame.
Wala akong kamalay-malay. Anga tagal bago ko na-absorb ung mga sinabi nya.
Umalis sya then tears started to fall. Bigla akong nanghina, hindi ako makahinga
at some point parang naghyhyperventilate ako hangang sa hindi ko namalayan
hinimatay na pala ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Hilong-hilo kasi ako nun. Nagising nalang ako nasa kwarto na nya ako...siya
yung una kong nakita. Magkatabi kami sa kama nya. Umiiyak. He was crying na
para bang patay na ako. He was holding my hands na sobrang higpit. I asked him
what happened and he told me that nung papalayo na sya bigla syang may
narinig na sumigaw na schoolmate namin asking for help dahil may nahimatay
daw. He immediately went back to see what happened then nung nakita nya ako
nagpanic sya ng husto. Hindi na nya ako binalik sa clinic but instead nagbigay sila
ng first aid kit. Binuhat nya ako, tumawag sya ng taxi para magpahatid sa kanila.
His mom attended to my needs. At till sa present situation yun na nga ang
nangyari. 9pm na pala nung nagising ako. Siguro sobrang pagod at stressed sa
nangyari. He apologized sa mga nagawa nya at nasabi nya nung confrontation
namin. Nasabi lang daw nya yun kasi nasaan daw ba kasi ako nung kailangang-
kailangan nya ng kaibigan.

Uuwi na sana ako but he insisted na dun nalang ako matulog. Tumawag
nalang ako sa bahay naming and nagdahilan na may project at practice na
nandun kami sa bahay ng best friend ko. Before we went to sleep ki-niss niya
yung forehead ko, the he said "Miyan Ne" (Sorry in Korean). Sinagot ko naman sya
ng "Guen Chanayo".

Hindi ako nakatulog nung gabi na yun kasi alam ko that I can no longer deny
that I love him. Natutulog na sya at palihim akong nagnanakaw ng mga sulyap sa
kanyang mukha. Pilit kong ni-rationalize ang mga nararamdaman ko para sa
kanya at sinabi ko rin sa aking sarili na hindi nya pwedeng malaman na mahal ko
sya. Straight sya at friendship lang ang maibibigay nya sa akin. We're best of
friends sabi nga nila. I have concluded that night that I'll just keep my feelings to
myself nalang. I don't want to risk destroying our friendship dahil lang sa isang
pagmamahal na nararamdaman ko. Pinagpasa-Diyos ko na lang ang lahat.

Everything went back to normal after that incident. As usual nagging busy
kami sa aming mga buhay. Time went by so fast na hindi naming namalayan na
malapit na pala kami mag-graduate. Naging close na sya sa family ko at ako
naman sa family nya. Pumpunta sya sa bahay kapag weekend para mag-aral kami
sa mga Entrace Test nya. Minsan naman ako ang pumupunta sa kanila. Konti
nalang ang mga naging away namin. Mga simpleng bagay na hindi ko alam kung
bakit naming pinag-aawayan. Kagaya ng kung sasama ba sya sa inuman ng
barkada, yung paglabas nya sa gabi, kung contact lens ba or eye glasses ang
gagamitin nya, kung bakit gabi na ako kung umuwi minsan, kung anong
ipapagupit nya at kung ano-ano pa. Even when nung nagka-GF na sya walang
nagbago sa amin. Mas worried pa nga yata sya sa akin kaysa sa GF nya. Buti at
hindi nagseselos sa akin ung GF nya dahil ang alam nung Gf nya na bestfriend
kami. Pero walang nagtatagal na relationship sa kanya-matagal na yung 2
months.

In silence I loved him. Every night tumatawag sya at exactly 9pm. Walang
mintis yun kahit nasaan sya-sa baguio man,sa Korea,kung kahit nasaan din ako.
Minsan nakakatulog na kami ng magkausap sa phone. Hindi ko makakalimutan
ung mga sweet moments naming dalawa. Kapag kumakain kami sa kahit saan
man siguro 70% of the time sa iisang plato at spoon and fork lang ang gagamitin
namin. Kapag kumakain kami ng ice cream sa cone iisa rin lang, hati kami sa lahat
ng bagay, sa sandwich man o sa isang stick ng barbeque. Everyday bago mag
start ng classes we trade our cellphones, natatawa ako dun kasi ewan ko kung
bakit gusto na ung cp nya ay nasa akin at ung cp ko nasa kanya. We even have a
t-shirt na pareho naming suot kapag may lakad kaming dalawa.

Marami pang nangyari samin nung last year naming sa HS. Kung
ikwekwento ko pa, marahil ay nobela na ang kakalabasan nito.Ayun dumating ang
Graduation. Naging maayos naman ang lahat at summer na naman. His parents
hired me to be their English instructor. Nung summer na yun halos dun na ako
nakatira sa kanila. Hindi naman nagtataka ang mga tao sa bahay namin dahil
alam naman nila ang situation ko. Tanggap naman at walang tutol. Sa lahat ng
lakad ng family nila kasama ako kahit hindi sya kasama ako ang laging kasama.
Naging masaya ang summer na yun para sa lahat. Kahit sa bahay nila nag-aaway
kami. Tagalog nga lang, para hindi maintindihan ng mga kamag-anak niya.

April 18,2006

Naka-schedule sya na umuwi ng Korea kinabukasan. Nung umaga


sinamahan ko siya mamili ng mga pasalubong na iuuwi nya sa Korea. Naaasar ako
kasi may katext sya the whole day. Tinananong ko sya kung sino sabi nya bago
dawn yang nililigawan.Ako naman parang nasaktan ng wala syang kamalay-malay.
Nung gabi na after naming mag-dinner sa kanila nung naligo sya nagpa-alam na
ako sa parents nya na mauuna na ako dahil gumagabi na. Hindi ako nagpaalam sa
kanya at umalis na lang ako. Alam ko 21 days kaming hindi magkikita at parang
hindi ko kaya tiisin yun pero sabi ko din sa sarili ko mabuti na yun-I can take time
off para mag self-preservation na. Nagulat ako kasi nung nakasakay na ako ng
jeep biglang may lalaking biglang sumakay sa jeep;yung tipong tumalon na lang
bigla. Siya pala. Sinabi pala nung kapatid nya na umalis na ako at nagpaalam na
lang sa parents nila. Nung malaman nya bigla syang lumabas ng CR at hinabol
ako.

J: So, it's just like that, I'm leaving tomorrow tapos your like that. Aalis ng
walang paalam.
M: Ayaw ko maiyak eh.
J: I'll just be gone for three weeks. I'll be back in no time. I gave you naman my
contact numbers in Korea,right? Baba na tayo.Let's talk.

Nagbayad siya sa jeep kahit isang kanto pa lang ung natatakbo ng jeep.
Naglalakad na kami pabalik ng bahay nila then he started talking.

J: What's the problem? (May katext na naman sya). Kanina ka pa ganyan ah.
May ginawa nanaman ba ako?
M: Opseo. (None). (Marunong din kasi ako mag Korean kaya kapag nag- uusap
kami minsan Korean ang sinasagot ko sa kanya.)
J: Jeongmal? (Really?)
M: Ne. (Yes!)
J: I don't believe you, I know you. What's the problem tell me?

Hindi na ako kumibo after nun. Hanggang sa nakarating na kami sa gate nila
sabi nya akyat nalang daw muna kami sa kwarto nya. Pagdating namin dun
kinuha nya ung gitara niya tapos he started singing "Masaya". Nabored na ako
after an hour or so. Sabi ko sa kanya uwi na ako then he agreed at ihahatid nya
daw ako sa sakayan. Paglabas namin hindi nya ako pinasakay agad sa jeep.We
said our goodbyes and take cares kasi nga aalis sya pero parang lutang ako nung
time na un. Asar na asar sya at biglang uminit ang ulo.
J: Kanina ka pa ah. Nananadya ka ba? Badtrip ka.
M: Malay ko sayo. Tahimik na nga lang ako eh.
J: Anong malay ko sayu? Tae ka.
M: Ay bahala ka uuwi nalang ako.
J: Sige umuwi ka, hindi kita hahabulin.

I started walking at nag-abang na ako ng jeep pero hinabol na naman nya


pala ako.

J: Ano ba kasing problema mo?


(At this point nagsisigawan na kami.)
M: Tae ka! Gusto mo malaman?
J: Sige. Ako nanaman yan noh.
M : OO,ikaw wala ng iba.
J: Ano nanaman ba ang ginawa ko?
M: WALA!
J: Eh bakit ka nagkakaganyan. Wala naman pala. Umayos ka ah.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napasigaw nalang ako.

"Ikaw,Ikaw kasi,bakit ka ganyan,Mahal Kita!,I Love you!,Sarang Hae Yo!"

Tumigil ang mundo namin. Hindi ko alam kung anong susunod na


mangyayari. Bigla nalang may lumipad na kamao at nasapak ako. Shit! Fuck hindi
ako makapaniwala. First time ko masapak nung time nay un. Ganun pala ang
feeling-super sakit. At ang hindi ko matangap sa kanya pa nang galing. Nung
sumunod na sinabi nya ay super pinagisipan ko.

"Eh putang-ina mo pala, ang tagal na kitang nasasaktan hindi ka man lang
nagsasabi!".

I can't believe what I heard. Parang hindi yun yung inaasahan ko na marinig.
Umalis na ako after nun at hindi nya ako hinabol.

Umalis na sya kinabukasan at 21 days nga kaming nagkalayo. He tried


calling me sa bahay and sa cellphone ko pero hindi ko sinagot. Kahit kapag
nandun ako sa kanila his family even tried to give me the phone pero tumanggi
ako. Ayaw ko sya kausapin kasi may mga bagay na mas maganda kung sa
personal pinag-uusapan. Basta ang pinapasabi nalang nya is ung araw ng return
flight nya dapat daw andun ako sa kanila. Bumalik na sya galing Korea and nung
gabi pumunta ako sa kanila.

Nung una walang kibuan but later and later we started talking and it seems
like nothing happened. Namiss nya daw ako then he gave me his pasalubong. He
bought me a book in Korean tapos may message sya na sinulat sa book. Sabi nya
sa akin nung bago ako umuwi, "Don't worry, nothing will change. Friend pa rin
tayo and thanks for loving me all this time kahit na nasasaktan ka na pala."
Medyo gumaan ang loob ko pero nalungkot ako kasi alam ko from what he
told me, walang love na nag hihintay para sa akin. Only friendship. Tanggap ko.
Masakit sa una pero ganun talaga. Be contented sa anong meron lang. Lumipas
ang mga araw, nagkalayo na ang mga loob namin. Naging busy ako sa college at
siya rin. He followed me kung saan ako nag-enroll at pati program ko ginaya nya
rin. Kaso hindi effective eh. Nagkalayo pa rin kami. Namiss ko ung closeness
namin, tumigil na din ung pagtawag nya ng 9pm at lahat. Nabalitaan ko nalang
one day na may GF na daw sya na Korean. Nakita ko sila one day,nung nakita nya
ako bigla nyang kinalas ung pagkakahawak nila ng gf nya. Ayun nagkalayo na nga
ang loob naming ng unti-unti hanggang sa nawala na after 1 year. Puro balita-
balita na lang. Hindi ko rin siubukan na itext or tawagan sya dahil ayaw ko na
umeksena sa buhay nya.

Masakit hanggang ngayon 2009 na. Sariwa parin sa akin ang lahat ng aming
alaala. I have always believed na sya na ang soulmate ko. Pero sabi ko sa sarili ko,
paano ko naman mapapatunayan ung claim ko na soulmate ko sya. Until the
answer came one day.

Nasa isang mall ako naglalakad-lakad may kicacanvass yata ako na


cellphone nun nang biglang mag play sa ipod ko ung "Masaya" song. Bigla ko
siyang naalala. Sabi ko kapag nakita ko siya before matapos ung kanta it means
soulmate nga kami. Icompute man natin yung probability na matupad yung
hinihiling ko,it's a miracle talaga kung mangyari yun. Kasi yung time and place
dapat nabago matapos yung kanta. Shit! It's very impossible. I continued
browsing sa mga cellphone shop then naisip ko malapit na matapos ung kanta.
Nawala na lahat ng hopes ko dahil napaka imposible nga naman nung hinihingi
ko.

Nung last line na nung song..."Ang pag-ibig, ganyan talaga. Masaya".Exactly


nung sinambit ung word na masaya,nandun sya-he's walking towards me.
Nakangiti. May isang luha na pumatak sa aking kaliwang mata at pinahid ko ito
agad para hindi nya makita. We said our hi's and nagmerienda kami. Konting
kwentuhan. I asked him kung anong ginagawa nya sa mall at sabi nya namimili
sya ng gamit kasi he's going back to Korea for his military service. Nalungkot ako.
Hangang sa nagkapaalaman na kami at sabi ko sa kanya nung huli,"I love you.
Ingat ka dun."

When I got home,dun ko pa lang na-absorb lahat ng nagyari.Sabi ko sa sarili


ko, soulmate nga talaga kami. Hindi naman kasi siguro ako paglalaruan ng
pagkakataon. Chances are fate. We don't know what they hold for us. Basta tayo
we just always go with the flow.

It's been 3 years na. Siya pa rin ang mahal ko. Walang nagbago. Wala na
kaming communication but still my heart can't stop beating his name. I tried to
enter into several relationships already but walang nagwowork. Siya pa rin ung
hinahanap ko. Sabi ng isang prof ko,kapag nakita mo na yung soulmate mo, hindi
ka na maaring magmahal ulit kasi daw kapag umalis yung soulmate mo dala nya
yung kalahati ng ikaw.Kalahati ng puso mo,ng pagkatao mo at ng kaluluwa mo.
Hindi ka na buo. Marahil soulmate ko nga talaga sya. Kung hindi man ako
makapagmahal ulit,masaya na ako kasi naranasan ko na ung ultimate love ko.Sa
buhay natin mayroon lamang tayong one big true ultimate love.Magmahal ka man
ng iba sya pa rin ang hahanap-hanapin at babalikan ng puso mo at the end of the
day.

I hope you enjoyed reading my story.I know it's long but hey, thanks so
much for reading.

You might also like