Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LYCA MAE Y.

POGOY
GRADE XII- STEM NEURON
JULY 22, 2019

Book Review Tungkol Sa Pagsisiyasat Sa Elektripikasyon Sa Kanayunan

Mula sa artikulong isinulat ni Allan Joseph F. Mesina ay aking napagtanto ang kahalagahan
ng enerhiya na siyang pangunahing ginagamit upang mapaandar ang mga makinarya at mga
kagamitang pinapatakbo ng kuryente. Maging sa araw-araw na pamumuhay ng tao ay kailangan
ang elektrisidad upang mas mapadali ang paghahanapbuhay. Sa pananaliksik ni Mesina ay
binigyang diin niya ang kahalagahan ng elektrisidad. Inilahadng mananaliksik ang importansya ng
elektripikasyon sa kanayunan at ang mga paraan at repormang isinabatas ng gobyerno upang ito
ay matugunan. Layunin ng panananaliksik ni Mesina na mabigyang pansin at matugunan ang
kakulangan sa elektrisidad ng mga nayon lalo na sa mga liblib na lugar kaya't ipinamahagi niya
ang mga kalamangan ng mga programa ng gobyerno ngunit hindi rin siya nagpakita ng pagkampi
sa gobyerno at nagbigay ng mga kabawasan at isyu na kinakaharap ng mga programang ito
gayundin ang mga maaaring solusyon sa mga problemang ito. Ayon sa pananaliksik ni Mesina
tungkol sa elektripikasyon sa kanayunan, maramingmagagawa ang enerhiya upang umunlad ang
mga rural na lugar.

Isa sa mga reporma ng gobyerno ay ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA na
nakatuon sa pagbibigay ng malaking bahagi sa mgapribadong sektor upangmagpalaganap ng
kuryente sa kanayunan. Ang repormang ito ay isinabatas noong 2001. Ang sektor ng elektrisidad
ay pinangungunahan na ng mga pribadong sektor mula sa mga pampublikong sektor noon. Lahat
ng mga lupain, kasangkapan at mga planta Ang sektor ng elektrisidad ay pinangungunahan na ng
mga pribadong sektor mula samgapampublikong sektor noon. Lahat ng mga lupain, kasangkapan
at mga planta ng National PowerCorporation o NAPOCOR ay naisapribado pati na rin ang
Independent Power Purchase Agreements. Itinatayang malaki rin ang pag-asa ng gobyerno na
maiapalaganap ang kuryente sa mga nayon dahil sa EPIRA ngunit maraming balakidang hinarap
nito. Isa sa mga isyung kinakaharap ng pagpapalaganap ng elektrisidad sa kanayunan ay ang
patuloy na panghihimasok ng gobyerno sa pagpapalakad ng industriya ng elektrisidad. Kahit pa
naisapribado na ang ang sektor ng elektrisidad ay patuloy pa rin ang pagkontrol ng mga opisyal
sa gobyerno. Patuloy na ginagamit ng mga opisyal na ito ang sektor ng elektrisidad sa pansariling
interes. Ang kamahaan ng presyo ay isa rin sa mga naging isyu sa pagpapalaganap ng kuryente.
Ang presyo ng Solar Home Systems o SHS na siyang binigyang diin sa pagbenta ng
gobyerno ay hindi kayang abutin ng mga mahihirap sa kanayunan. Hindi rin epektibo magpalagay
ng iisang SHS lamang sa isang bahay sapagkat ang kaya lamang nitong bigyan ng enerhiya ay isang
bombilya ngilaw.Sa kabila ng mga isyung inilahad ay mayroong mga alternatibong paraan ang
gobyerno, ito ay ang paggamit ng renewable energy. Ang pagpapakabit ng kuryentesa mga liblib
na lugar aykaakibat ng mahal na presyo, kaya't iminungkahi ng gobyerno ang paggamit ng micro
hydro at small wind turbine na kumukuha ng enerhiya sa tubig at hangin na malayang makukuha
sa mga isla at kabundukan.
Sa mga inilahad na impormasyon ng mananaliksik ukol sa paksang Elektripikasyon sa
Kanayunan ay mas mabubuksan ang isipan nga mga mamamayan sa mga maaaring gawin upang
magkaroon ng mas epektibong pagkuha ng enerhiya lalo na sa mga liblib na lugar. Naibahagi ng
mananaliksik ng maayos ang kanyang siyasat at mas napapalawakang impormasyong alam ng
mamamayan tungkol sa elektrisidad. Ayon nga sa abstract ng artikulo ay mahalagang sangkap sa
pag-unlad ng kanayunan ang elektripikasyon sapagkat ito ay nagsisilbi upang magkaroon tayo ng
malinis na tubig, sanitasyon, pa-ilaw, maktutulong sa pagpapatakbo ng mga makinarya at
nagpapaunlad sa komunikasyon ng mga mamamayan.

You might also like