Ano Ang Mga Uri at Halimbawa NG Tayutay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang mga uri at halimbawa ng tayutay?

A. Pag-uugnay o paghahambing
1. Simili o Pagtutulad (Simile) – ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang
magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang tila, kagaya,
kasing-, sing-, ga-, katulad, anaki’y, animo, para, parang, para ng, kawangis ng,
gaya ng, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa ng simili: Siya ay katulad ng kanyang amang mapagpatawad.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – ito ay tiyak na paghahambing


ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig ginagamitan ng mga katagang
kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa ng metapora o pagwawangis: Ang mga mata ni Oscar ay bituing


nagniningning sa kalangitan.

3. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)– ito ay nagbabaggit sa isang bahagi o


konsepto ng kaisipan upang tukuyin ang kabuuan. Maaari rin na ang kabuuan ay
katapat ng isang bahagi.

Halimbawa ng pagpapalit-saklaw: Libu-libong tao ang umaasa sayo.

B. Paglalarawan
1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – ito ay lubhang pinapalabis o
pinapakulang ang kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian. Ito rin ay gumagamit ng
eksaherasyon.

Halimbawa ng pagmamalabis: Nagliliyab sa galit si Jose dahil sa napaslang


nitong kalabaw.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) – ito ay ang pakikipag-usap sa isang


karaniwang bagay na para bang ito ay isang buhay na tao na malayo o naroon at
kaharap gayong wala naman.

Halimbawa ng apostrope: Ulan, kami ay lubayan ngayong araw.


3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) – ito ay isang papahayag o
paglalabas ng matinding damdamin.

Halimbawa ng pagdaramdam: Isa kang salot sa ating lipunan!

4. Paradoks o Paradoha (Paradox) – ito ay ang paglalahad ng pagsalungat sa


karaniwan na kalagayan o pangyayari ngunit kung masusing iisipin ay
nagpapahayag ito ng katotohanan.

Halimbawa ng paradoha: Kung sino pa ang matanda ay siya pang parang bata.

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) – ito ay nagtataglay ng mga


salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad o mapansin ang bisa ng
pagpapahayag.

Halimbawa ng pagtatambis: Ang batang malungkot ay sumaya nang makita ang


kanyang magulang.

C. Pagsasalin ng katangian
1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) – ito ay ginagamit upang
bigyang-buhay ang mga bagay sa pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng
kilos.

Halimbawa ng pagsasatao: Lumuluha nanaman ang mga ulap.

D. Pagsasatunog
1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) – ito ang pagpapahiwatig ng
mga kahulugan gamit ang tunog o himig ng mga salita.

Halimbawa ng paghihimig: Dumagundong sa buong gusali ang lakas ng kulog


kagabi.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) – ito ay ang pag-uulit ng mga salita o


parirala upang bigyang-diin ang isang pahayag.

Halimbawa ng pag-uulit: Malaya na ang Pilipinas! Malaya laban sa mga


umaalipusta. Malaya sa mga kadenang gumagapos.

You might also like