Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Suliranin na Kinakaharap ng Pilipinas sa Larangan ng Medisina

Ang Pilipinas ay may sapat na bilang ng mga manggagamot at nars taun-taon. May
130,000 na manggagamot at 500,000 rehistradong nars ang mayroon ngayon sa ating bansa.
Sa pagsulong ng teknolohiya, mas marami ang naiimbentong kagamitan na makakatulong sa
pagpapagamot sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.

Ayon kay DOH Secretary Ona, 70% ng mga propesyonal sa larangan ng medisina ang
nagtatrabaho sa mga pribadong sektor at 30% na lamang ng mga manggagamot ang
nagtatrabaho sa pamahalaan. Isinaad ng WHO na sa paglipas ng ilang dekada, tumataas ang
bilang ng mga propesyonal sa kalusugan ang naghahanap ng mataas at mahusay na
pagpapasahod sa trabaho. Ito ang dahilan ng paglipat ng mga propesyonal sa ibang bansa.
Bilang resulta, hindi sapat ang mga doktor, dentista at iba pang mga propesyonal sa kalusugan
na tutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino (Santos, 2014)

Sa kabila ng malaking bilang ng manggagamot na nanggagaling sa ating bansa, malayo


pa rin ang Pilipinas sa minimithing “ratio” dahil hindi sapat ang mga oportunidad sa trabaho
kahit sa mga ospital ng gobyerno. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa mga
propesyonal sa kalusugan ay nagsasanay sa ibang bansa o kahit na isinasaalang-alang ang
pagpapalit ng mga karera (Cabato, 2016). Dagdag dito, karamihan sa mga ospital sa Pilipinas
ay hindi naabutan ng teknolohiyang pangmedikal, kadalasan sila ay nagkukulang sa mga
pasilidad at mga kagamitan na nagreresulta sa kakulangan sa pagtugon ng pangangailangan
ng ating mga kababayan.

Sa henerasyon ngayon, maraming kabataan at matatanda ang nagkakasakit at hindi sila


agad-agad na nabibigyan ng pansin ng mga ospital dahil sa kakulangan sa pasilidad, kagamitan
at mga tauhan. Ayon kay Kristine Belonio (2017), ang sistema ng pangangalagang
pangkalusugan ng Pilipinas ay isang kumbinasyon ng mga pampubliko at pribadong sistema.
Ngunit sa mga tuntunin ng mapagkukunan tulad ng tao, pananalapi at teknolohikal na aspeto,
ang pribadong sektor ay mas malaki at malawak. Kaya’t masasabi nating mas maraming
benepisyo ang mga taong mayayaman dahil sa nakakapagamot sila sa ospital na kayang
magbigay ng kanilang pangangailangan.

Hindi lamang nagkukulang ang Pilipinas ng mga propesyonal sa larangan ng medisina


kundi pati na rin sa aspeto ng teknolohiya. Ayon kay Bianca Banova (2019), ang teknolohiya ay
nakakapagligtas ng mas maraming tao at patuloy na pinapaganda ang ating pamumuhay. Ito ay
ginagamit upang mas mapaganda ang mga gamot o makahanap ng lunas sa mga sakit,
mapaunlad ang mga kaalaman at makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga tao. Malayo
na ang narating ng teknolohiya sa larangan ng medisina na nakapagbibigay ng kaginhawaan sa
mga pasyente at mga mahal nito sa buhay. Bukod pa rito, ito ay nakakatulong sa mga
propesyonal na mangangalaga ng kalusugan na mas maayos na magampanan ang kanilang
tungkulin at mas madaling matugunan ang pangangailangan ng bawat pasyente. Mayroon din
tayong tinatawag na “Health Information Technology” kung saan nakalagay sa kompyuter lahat
ng mga impormasyon at datos na konektado sa pasyente na maaaring mabuksan at mabasa ng
bawat doktor o mga taong nagtatrabaho sa ospital. Ang “Health Information Technology” ay
ginagamit upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo at mabigyan ng sapat na lunas
ang bawat pasyente. Ang paggamit nito ay nakakatulong para mas mapabilis ang paghahanap
ng datos, mas maging ligtas ang mga pasyente at mabawasan ang mga medikal na
pagkakamali. Gayunpaman, ang mga teknolohiyang ito ay hindi nakakaabot sa mga
pamayanan sa probinsya. Higit sa 1,000 mga ospital ang nagsara sa nakaraang dekada dahil
sa kakulangan ng mga doktor at mga wastong kagamitan. Karamihan sa mga ito ay nanggaling
din sa mga rural na bahagi ng bansa. Maraming mga isla sa Pilipinas ang hindi pa rin kayang
tugunan ng pamahalaan ang pangangailangang-pangkalusugan ng mga mamamayan dahil sa
kanilang populasyon, lokasyon at kakulangan ng mga gamot. (“Difficulties of accessing care in
the Philippines”, n.d.).

Batay sa mga nakalap na impormasyon at datos, masasabi nating marami pa talagang


dapat bigyang-pansin ang gobyerno pagdating sa larangang medisina. Sinasabi ng ilan na tila
napagiiwanan na ang Pilipinas sa larangan ng medisina dahil sa kakulangan ng mga bagong
kagamitan, teknolohiya at mga propesyonal. Kaya’t nararapat na pahalagahan ang pag-unlad
ng makabagong teknolohiya at mga magiging doktor dahil “Health is Wealth”, ito ay nagsisilbing
kayamanan ng bawat tao sa henerasyon na ito.

Ang lahat ng mga suliraning ito sa ay nagdudulot ng masamang epekto sa kasalukuyang


kalagayan ng Pilipinas. Maaaring iangkop ng gobyerno ang mga sistema galling sa mga
bansang mayroong magagandang progreso sa larangan ng medisina tulad na lamang ng mga
bansang Canada, Japan, South Korea at Luxembourg upang maisaayos ang sistema sa
Pilipinas. Pinapahalagahan ng mga bansang ito ang kalusugan ng kanilang mga mamamayan,
binibigyan nila ng libreng pangunahing pangangailang pangkalusugan ang kanilang mga
mamamayan at mga emplayado na nag-aambag sa kanilang "social security system." Bilang
resulta, mas napapangalagaan ng mga mamamayan ang kanilang kalusugan dahil sa
sistemang pinapalaganap sa mga bansang ito.

You might also like