Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAMANTAYAN SA INTERPRETATIBONG PAGBASA(Pagbibigay interpretasyon sa wastong pagbasa ng Talumpati, Monologo, Deklamasyon, Isahan

at Sabayang Pagbasa ng Tula)

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Baitang ng Mag-aaral Isang kalahok mula sa bawat baitang 7,8,9,10


Bilang ng Kalahok Apat (4)
Oras na Inilaan Dalawampung minuto (20) kasama na ang paghahanda at pagtatanghal
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Interpretasyon 40%
Pagpapalutang ng Ideya (20%)
Pagbibigay-diin sa damdamin (20%)
Hikayat 20%
Dating sa Madla (5%)
Pagbibigay buhay sa tauhan (5%)
Tindig (5%)
BATAYAN NG KAPASYAHAN Kumpas/ Kilos (5%)
Bigkas 20%
Matatas at maliwanag (10%)
May pagbubukod-bukod ng mga salita (5%)
May wastong diin at intonasyon (5%)
Tindig 10%
Lakas (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin 10%
KABUUAN 100%
PATNUBAY NG KALAHOK:
a. Ang piyesa na manggagaling sa tagapag-organisa ay ibibigay sa takdang araw ng paligsahan;
b. Isang piyesa lamang ang gagamitin para sa pagbibigay interpretasyon;
c. Bibigyan ng 10 minuto ang bawat kalahok upang pag-aralan ang piyesang bibigyan ng interpretasyon;
d. Malaya ang mga kalahok na baguhin ang pagkakasunod-sunod ng piyesa;
e. Habang nagtatanghal ang unang kalahok, pag-aralan naman ang susunod na kalahok ang piyesa na tatagal din ng sampung minute, susundin ang
paraang ito hanggang sa pinakahuling kalahok;
f. Lahat ng kalahok ay mamamalagi sa isang malaking silid na hindi maririnig ang pagtatanghal ng iba pang kalahok; samantalang ang kasunod na
kalahok ay mamamalagi naman sa isa pang silid upang pag-aralan ang piyesang babasahin.
PAMANTAYAN SA DAGLIANG TALUMPATI

BUWAN NG WIKA 2019


Tema: “WIKANG KATUTUBO: Tungo sa isang Bansang Filipino”

Paligsahan DAGLIANG TALUMPATI


Baitang ng Mag-aaral Baitang 11 at 12
Bilang ng Kalahok Isa
Oras na Inilaan Anim (6) na minuto kasama ang paghahanda at pagtatalumpati
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Interpretasyon 35%
Kaugnayan sa paksa (20%)
Pagbibigay-diin sa damdamin (15%)
Hikayat 25%
Kilos, Galaw, Kumpas, (10%)
Dating sa Madla(5%)
BATAYAN NG KAPASYAHAN Kakanyahang pantanghalan (5%)
Ekspresyon ng mukha (5%)
Tinig 20%
Kaangkupan ng diwa at damdamin (10%)
Taginting (5%)
Lakas (5%)
Bigkas 20%
Matatas at Maliwanag (10%)
Wastong pagbubukod ng salita (5%)
Diin/Indayog (5%)
KABUUAN 100%
PATNUBAY SA KALAHOK:
a. Ang piyesa na manggagaling sa tagapag-organisa ay ibibigay sa takdang-oras;
b. Siya ay bibigyan lamang ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksang napili habang nagtatalumpati ang sinusundang kalahok;
c. Ang bawat kalahok ay bibigyan ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksa at dalawa hanggang tatlong minuto naman sa pagtatalumpati;
d. May kabawasan puntos sa kabuuang iskor na labis o kulang sa itinakdang oras ng pagtatalumpati
1-30 segundo 5 puntos
PAMANTAYAN SA KATUTUBONG SAYAW

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino”

Paligsahan Katutubong Sayaw


Bilang ng Kalahok Anim na kalahok
PAMANTAYAN BAHAGDAN
PROPS 15%
KASUOTAN 20%
BATAYAN NG KAPASYAHAN
PAGKAKASABAY-SABAY 25%
MASINING NA PAG-INDAYOG 30%
KAALIWAN 10%
KABUUAN 100%
Patnubay ng Kalahok:
a. Ibibigay ang nakaatas na sayaw sa bawat baitang tatlong lingo bago ang kompetisyon.
b. Ito ay bukas sa lahat ng lebel mula Grade 7 hanggang Grade 12
c. Dapat hindi lalampas sa 4 na minute ang inihandang sayaw
d. Ang ipapakitang sayaw ay dapat maipakita ang kultura ng mga Pilipino
Grade 7- Cariñosa
Grade 8- Sakuting
Grade 9- Pangdanggo sa Ilaw
Grade 10- Pangalay
Grade 11 at 12- Singkil
PAMANTAYAN SA PISTA SA NAYON

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Paligsahan PISTA SA NAYON


Mga Kalahok Lahat ng Seksyon
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Uri ng Pagkaing inihanda 50%
BATAYAN NG KAPASYAHAN Interpretasyon sa pista 20%
Pagkamalikhain 30%
KABUUAN 100%
PATNUBAY NG KALAHOK:
a. Ito ay bukas sa lahat ng seksyon sa bawat lebel;
b. Dapat ang ihahandang pagkain ay pagkaing-Pinoy;
c. C. Ang may pinakamagandang display ay ang tatanghaling panalo.
PAMANTAYAN SA BALAGTASAN

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Paligsahan Balagtasan
Baitang ng Mag-aaral Ang mga kalahok ay binubuo ng tatlong mag-aaral(2 mambabalagtas at isang
lakandiwa/lakambini) mula sa bawat baitang 7-10.
Bilang ng Kalahok Tatlo (3)
Oras na Inilaan Isang (1) oras sa Pagsulat ng Balagtasan at Dalawang (20) hanggang tatlong (30) minuto na
pagtatanghal.
Pamantayan Bahagdan
Piyesa 50%
Paglinang sa Paksa/ Kahusayan ng katwiran (30%)
Pagtatagpo ng Katwiran (20%)
BATAYAN NG KAPASYAHAN Pagbikas 50%
Linaw sa pagbikas (15%)
Pagsaulado ng Piyesa (15%)
Tindig sa Entablado (15%)
Kasuotan (5%)
KABUUAN 100%
PATNUBAY SA KALAHOK
1. Ang pangkat ay siyang inaasahang sumulat ng kanilang piyesa na tatalakay sa sumusunod na paksa:
a. Sino ang dapat magturo ng halagahan (values) sa mga bata, ang pamilya o ang paaralan?
b. Ano ang higit na dapat ituro sa mga bata, ang katutubong sayaw o modernong sayaw?
c. Dapat ba o hindi dapat pabayaan ang mga batang gumamit ng internet?
2. Bawat piyesa ay inaasahang sumusunod sa ganitong daloy:
a. Pagsisimula ng lakandiwa/lakambini
b. Unang tindig ng mambabalagtas 1
c. Unang tindig ng mambabalagtas 2
d. Ikalawang tindig ng mambabalagtas 1
e. Ikalawang tindig ng mambabalagtas 2
f. Ikatlong tindig ng mambabalagtas 1
g. Ikatlong tindig ng mambabalagtas 2
h. Paglalagom ng mambabalagtas 1
i. Paglalagom ng mambabalagtas 2
j. Pagtatapos ng lakandiwa/lakambini
3. Maaaring lumihis nang kaunti sa daloy na ito sa pamamagitan ng maiikling pagsingit ng lakandiwa/lakambini at iba pang kaugnay na
sangkap, subalit inaasahang susudin ang nabanggit na daloy.
4. Ang piyesa ay susulatin ayon sa mga kumbensyon ng tradisyonal na tula na (may sukat at tugma).
5. May kabawasang 5 puntos sa kabuuang iskor kapag ang mga salita ay di magkakatugma.
6. May kabawasang 5 puntos sa kabuuang iskor kapag may taludtod o mga taludtod na labis o kulang sa sukat.
7. Ang mga hurado ang pipili ng paksang pagtatalunan na ibibigay lamang sa araw ng patimpalak.
8. Ang bawat pangkat ay magsusumite ng 3 kopya para sa mga hurado.
9. Bawat pangkat ay mayroong 20-30 minuto para sa pagtatanghal.
10. May kabawasan ng puntos sa kabuuang iskor na labis o kulang sa itinakdang oras ng balagtasan:
1-30 segundo - 5 puntoa
31-60 segundo - 1 puntos
61 segundo-pataas - 2 puntos
11. Itataas ang banderang berde bilang hudyat ng pasisimula, banderang dilaw bilang hudyat sa nalalabing tatlumpong Segundo at banderang
pula na tapos na ang itinakdamg oras.
12. Walang anumang props o kagamitan, musika at instrument na dadalhin at gagamitin; at
13. Ang kasuotan ng mga kalahok ay Filipiniana Attire.
PAMANTAYAN SA LAKAN AT LAKAMBINI

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino”
Baitang ng Mag-aaral Isang pares mula sa bawat baitang 7,8,9,10
Bilang ng Kalahok Isang Pares ( Babae at Lalaki)
PAMANTAYAN BAHAGDAN
PISIKAL NA KAGANDAHAN/KAKISIGAN 25%
BATAYAN NG KAPASYAHAN KASUOTANG PILIPINO 25%
PAGPAPAMALAS NG GALING 25%
TALINO SA PAGSAGOT AT PAKIKIPAGTALASTASAN 25%
KABUUAN 100%
PATNUBAY SA KALAHOK
1. Ang Lakan at Lakambini ay bukas sa lahat ng seksyon sa bawat lebel;
2. Walang anumang halaga na babayaran sa Tagapangsiwa upang makasali sa kumpetisyon. Inaasahan ang suporta ng mga magulang para sa ilang
pangangailangan ng kanilang mga kinatawan.
3. Magkakaroon ng 3rd runner up, 2nd runner up, 1st runner up at ang tatanghaling munting Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika.
4. Ang mga kalahok ay magsusuot o magbibihis ng mga Kasoutan ng Kulturang Filipino sa ika-30 ng Agosto.
5. Ang desisyon ng inampalan ay huli at pinal.
PAMANTAYAN SA Poster Making Contest

Buwan ng Wika 2019


Tema: “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino”
Baitang ng Mag-aaral Isang kalahok mula sa bawat baitang 7,8,9,10
Bilang ng Kalahok Isa
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Kaangkupan sa Tema 40%
BATAYAN NG KAPASYAHAN Hikayat sa Paningin 30%
Orihinal 30%
KABUUAN 100%
PATNUBAY SA KALAHOK
1. Ito ay bukas sa lahat ng seksyon sa bawat lebel;
2. Sa petsa ng aktibidad, ang mga kalahok ay inaasahang magdala ng kanilang sariling materyales gaya nang mga sumusunod:
a. Illustration board
b. Lapis, bolpen, at ruler
c. Krayola o mga gamit na pangkulay

You might also like