Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KRISTINE JOYCE T.

VALDEZ

ABM-12 ST. MICHAEL

WIKANG FILIPINO: ALAM MO PA BA?

Annyonghaseo! Ola! Konnichiwa! Hindi ba’t napaka gandang pakinggan, wikang hindi
nakasanayan, kinikilala at tinitingala, pilit inaalam mamilipit man ang dila, dahil sa impluwensya
ng iniidong artista tatalikuran na ang sariling wika na humubog at nagbigay alam sa kanila. Meron
lang akong isang tanong, ang wikang Filipino ba alam mo pa?

Isang pagbati ng magandang araw sa lahat ng mga manonood.

Napakasarap nga sa damdaming matutunan ang salita ng iba’t ibang bansa, para bang
napaka galing mong nilalang kung ikaw ay marunong bumigkas ng wika ng iba, ngunit bakit ang
sarili mong wika ay unti unti mo ng nililimot dahil sa impluwensya ng iba. Marahil ay kailangan
mo ng gumising kapatid, imulat mo ang iyong mga mata upang makita mo ang katotohanang kahit
ilang beses mong aralin, bigkasin, alamin at isaulo ang iba’t ibang wika ng mundo ikaw parin ay
isang Pilipino, ang dugong nananalaytay sayo ay dugo ng isang Pilipino, palitan mo man ang kulay
ng mata at mga balat mo,Pilipino ang lahi mo. Hindi mo kailangang maging bihasa sap ag bigkas
ng ingles para sumikat ka, Pilipino ka kapatid hindi Kano, Koreano o Chino, kundi ay isang
Pilipino.

Kinikilala mo ang mundo, ngunit nilalagpasan mo ang bansang kumupkop sayo.


Alalahanin mo kung bakit ikaw ay nagkaroon ng kaalaman sa pagsulat, pagbabasa at pakikipag
talastasan ay dahil sa wikang Filipino, wikang sarili mo. Alamin mo muna ang wika mo bago mo
aralin ang wika ng ibang tao. Dahil ang wikang ito ang bumubuo sa buong pagkatao mo. Taas noo
mong bigkasin ang mga katagang “Pilipino ako, Filipino ang wika ko.”

You might also like