Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hiwaga ng Pag-ibig

Ni Joebett C. Alibudbud (I-B BS-OA)

Gusto kong iburda at itugma ang damdaming namumutawi dito sa aking puso’t
isipan. At lapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso. Gusto ko din ikulong sa mga
saknong ang mga alaalang ating pinagsaluhan sa bawat paghihirap na ating kinaharap at
bawat sayang ating pinagsamahan. Ngunit Paano? Paano? Mga pangarap na nabuo sa
ating munting pag-iibigan. Mga saya na ni minsa’y hinding hindi makakalimutan.At ang
buhay na naging makulay ng ikaw ay dumating. Buhay na wari mo’y singkulay ng mga
bahaghari. Bahagharing bumabagtas sa ating buong pagkatao gaya ng ating pag-ibig na
makulay.

Mga problemang ating kinaharap at sabay nating nilampasan. At sinabing “kaya natin
‘to basta’t tayo ay magkasama”. Mula sa unang sinag ng araw hanggang sa pagngiti ng
buwan tanging ikaw ang laman ng puso’t isipan. Mga pag-aaway at hindi
pagkakaintindihan ay ating nararanasan. Ngunit kahit magkasamaan man tayo ng loob,
ang ating munting pag-ibig ay unti-unting yumayabong patungo sa pagmamahalang
walang hangganan. Mga pangakong ating pinanghahawakan hanggang sa dulo. At
pagmamahalang hindi magwawakas makarating man tayo sa buhay na walang
hangganan.

Tadhana? Tadhana ang s’yang gumawa ng paraan upang tayo ay pagtagpuin. Basbas
ng Diyos ang nagsilbing paraan upang mabuo ang ating munting pagmamahalan. Kay
sarap balikan ang mga araw na pinapangarap pa lamang kita. Mga ngiti mong nagbibigay
lakas sa aking pang-araw-araw na buhay. Pag-ibig natin ay kailanma’y hindi mawawala,
hindi mauubos at hindi malilimot. Alaala nating ngumingiti at nagsasaya sa araw na
tayo’y magkasama kay sarap balikan. Mga oras na tayo’y nagkukwentuhan, iyakan,
kantahan ng love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan yan ang
mga bagay na kay sarap alalahanin at sariwain. Mga palitan natin ng pick-up lines at
banat nating wagas na syang nagpapakilig sa atin.

Pag-ibig? Pag-ibig kay sarap maramdaman. Ito ang pinakamakapangyarihan na


binigay ng Diyos sa buong sanlibutan. Tibok ng puso, tabig ng dibdib at salitang
namumutawi sa ating mga bibig, ang nagsisilbing sign na tayo ay “INLOVE”. Gaya ng
aking pag-ibig, may mga sari-sarili tayong paraan upang ito ay mapakita. May mga bagay
na sabi nga ng iba “LOVE IS BLIND” ngunit para sa akin ang pagmamahal ay
nararamdaman ng dalawang taong kayang tanggapin kung ano’t sino sila. Wala sa edad,
kasarian o estado ng buhay ang pagmamahalan. Kinakailangan lang natin ipaglaban at
huwag susukuan ang pag-ibig na mabubuo. Pagmamahalang kay sarap ipagmalaki at
isigaw sa buong mundo. Kaya sa pamamagitan ng makatang pamamahagi ko ng aking
pagmamahal “Take a GOAL, Love your LIFE and Look forward to LOVE SOMEONE”.

You might also like