Ang Ibong Adarna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don


Diego at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna
na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang
ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay
dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang
mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa
sakit ng hari. Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa
pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa
haharapin nilang mga pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na
mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng
Adarna at maiputan sila nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng
Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan. Binigyan din
ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at
mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng
bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang
malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya
Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.
Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at
Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y
kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang
maligaya sa kahariang nakamit niya.
Good evening to each and everyone of you gathered here tonight.

I want to take a moment to thank all of you for the support and goodwill you have
shown to me. This past year for me was indelible and will always be treasured. The
experience i had was surely substantial and amusing. I will forever be thankful to
the people, specially to the teachers and my parents that helped me and joined me
in this sublime journey and part of my life. I hope that whoever will be the newly
crowned individual will also savor the opportunity that was given to him. And
again I thank you for the goodwill and support that you’ve shown me.

You might also like