Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo

sa Pananaliksik
I. Layunin
a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
b. Nakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang teksto
c. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig

II. Paksang-Aralin
A. Tekstong Prosidyural
B. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (F11PS-IIIf-92,
F11PS-IIIf-91)
C. sipi ng Tekstong Prosidyural, larawan, graphic organizers
D. Pagpapahalaga sa Tekstong Prosidyural

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan.
Itanong: Alin kaya sa sumusunod ang kaya mong gawin?
Lahat ba ng nasa larawan ay kaya mong gawin?
Kung hindi ang iyong sagot, sa tingin mo ba hindi mo nga ba talaga ito kayang
gawin?Bakit?

B. Panlinang na Gawain (4As)


1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Basahin ang Alamin Natin.
Itanong: Bilang isang mag-aaral, Paanu nakatulong ba ang web site na Do it Yourself sa ating
pang-araw araw na pamumuhay?

c. Pagtalakay sa Tekstong Prosidyural


I
2. Pagsusuri (Analysis)
a. Mga Gawain
Pagsagot sa mga Tanong.
1. Ano ang inilalahad ng isang tekstong prosidyural?
2. Saan ba nating karaniwang nakikita ang mga ganitong uri ng teksto?
3. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, anu ang mga dapat isaalang alang upang lubos na maunawaan ng mambabasa?

3. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)

Anu ang kaibahan ng tekstong Naratibo sa Tekstong Prosidyural?

4. Paglalapat (Application)
1. Bakit mahalaga ang tekstong prosidyural?

C. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Itanong: Sa paanong paraan nakatutulong ang mahusay na pag-unawa at pagsunod sa mga
tekstong prosidyural sa pang-araw-araw nating pamumuhay?
IV. Ebalwasyon
Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang isulat ang Tama ang mga
pahayag ayon sa binasa at kung hindi naman ay isulat ang Mali.
_______1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang inaasahan.
_______2. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta
nasusundan.
________3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
_______4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol
sa ipapagawa.
________5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong
lamang ng pagbabasa kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay maisagawa ito.

V. Kasunduan
Sa kasalukuyang panahon ay maari na tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan sa
sinuman , saanmang panig ng mundo basta’t may koneksyon sa Internet sa pamamagitan ng
pagbubukas ng account sa mga social networking site. Paano ba ang magbukas ng account sa mga ito?
Turuan nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang technophobic at ang mga
taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya. Dagdagan pa ng tamang mga salita o parirala ang mga
sumusunod upang mabuo ang tekstong prosidyural na gagamitin nilang gabay.

1. “Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa


_______________________________________________________ ( isulat ang napili mong
social networking site)

Magpunta sa _________________________site.

I click ang_________________________

I-type ang iyong _________________________

Pagkatapos ay umisip ng ___________________________at itype sa kinauukulang kahon.

Itype ang inyong kapanganakan.

Ang sumusunod ay ang pagpili ng iyong


_________________________________________________________Sa huli ay
____________________________.

Hayaan,maari ka nang gumamit


ng___________________________________________________.
VI. TAKDANG ARALIN
Sa mga binasa mong teksto sa araling ito ay nakita mo ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng tekstong prosidyural. Kung dati-rati ay ang mga eksperto lamang ang nakagagawa ng ilang
bagay na sa tingin mo ay mahirap gawin, ngayon ay may kakayahan na ang bawat isa na gawin
ang ilang mga bagay na may kalakip na prosidyur. Ito man ay ang simpleng pagkukulay ng
sariling buhok na dati ay sa parlor lamang ginagawa o maging ang masalimoot na pagbuo ng
isang web site.

Ang mga bagay na ito at marami pang iba ay maaari na nating gawin sa tulong ng mga
prosidyur na nababasa natin. Hindi natin matatawaran ang kahalagahan ng mga tekstong ito sa
pag-unlad ng ibat ibang aspekto ng ating buhay. Ngayon ay suriin ang kahalagahan ng tekstong
prosidyural sa sumusunod na aspekto. Isulat ang kahalagahan sa bawat kahon.

Sarili

Pamilya

Komunidad
Bansa

daigdig

Inihanda ni:

RANDY P. RODELAS
Teacher II

You might also like