Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO

Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang


pangungusap.
Ayon naman kay Noam Chomsky, ang kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na Sistema ng di-
malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit
at makaunawa ng wika.

A. Mga salitang Pangnilalaman:


1. Mga nominal
a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pangyayari, pook at iba pa.
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan.
2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos.
3. Mga panuring
a. Pang-uri – naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
b. Pang-abay – naglalarawan sa pandiwa,pang-uri, at kapwa pang-abay.
B. Mga salitang Pangkayarian:
1. Mga pang-ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
2. Mga Pananda
a. Pantukoy – salitang lagging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri.

Tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:


A. Pasalitang Pagbaybay

Pasulat Pasalita
It /ay-ti/
Pag /pi-ar-dyi/
Pantig
Kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/

Pasulat Pasalita
Bansa /bi-ey-en-es-ey/
Plato /pi-el-ey-ti-o/
Salita
Fajilan /kapital ef-ey-dyiy-ay-el-ey-en/
Jihad /kapital dyiy-ay-eyts-ey-di/

Pasulat Pasalita
MWSS
(Metropolitan Waterworks and /kapital em-kapital dobolyu-kapital es-kapital es/
Sewerage System)
ASEAN
/kapital ey-kapital es-kapital i-kapital ey-kapital en/
(Association of Southeast Asian Nation)
Akronim PAGASA
(Philippine Atmospheric, Geophysical, /kapital pi-kapital ey-kapital dyi-kapital ey-kapital es-
and Astronomical Services kapital ey/
Administration)
HIV
/kapital eyts-kapital ay-kapital vi/
(Human Immunodeficiency Virus)

Pasulat Pasalita
Bb.(Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/
Daglat
Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/
B. Pasulat na Pagbaybay

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika
sa Pilpinas.
Hal.
Palavvun (Ibanag) Bugtong
Jambangan (Tausug) halaman

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang
lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang ito.
Hal.
Selfie
Digital detox
3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko at teknikal, at
mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Hal.
Zeitgeist
Quorum
Cauliflower

Tuntunin hinggil sa:

1. Pagpapalit ng D tungo sa R – ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay


nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y.
Hal.
Malaya rin
Mababaw raw
Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita.
Hal.
Aalis din
Malalim daw
2. May limang tiyak na paggamit ng nang:
a. Bilang kasingkahulugan ng noong (hal. “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas,
kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para (hal. “Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito
makakagat pa.”)
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng (hal. “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay
mula sa Saudi Arabia.”)
d. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano (hal. “Iniabot nang
palihim ni Carl ang liham kay Christine.” “Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”)
e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita (hal. “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng
eroplano.”)
3. Wastong paggamit ng gitling ( - ):
a. Sa inuulit na salita, ganap man o hindi (hal. Araw-araw, gabi-gabi, para-paraan).
b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (hal. Tik-tak, brum-brum)
c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig (hal. Pag-aaral, mag-asawa)
d. Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (hal. Pa-Marikina, maka-Pilipino)
e. Sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay (hal. Mag-
compute, pa-encode)
f. Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba
pang wika sa Pilipinas (hal. Gab-I, mus-ing, lab-ong)
g. Sa bagong tambalang salita (hal. Lipat-bahay, amoy-pawis)
h. Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. Ika-12 ng tanghali, ika-23 ng
Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita na ikinakabit sa alas- (hal. Alas-2 ng
hapon, alas-dos ng hapon)
i. Sa kasunod na “de” (hal. De-lata,de-kolor)
j. Sa kasunod na “di” (hal. Di-mahawakan, di-kalakihan)
k. Sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga
pa (hal. Genoveva Edroza-Matute)

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTISKO
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak na Sitwasyon

Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may
naangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

Ayon kay Dell Hymes, isang lingguwista, ang kanyang modelong SPEAKING:

S – Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?
P – Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
E – Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?
A – Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
K – Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro?
I – Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na
pagsunod sa pamantayang panggramatika?
N – Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon dito ng mga kalahok?
Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi,
kasarian, edad, at iba pang salik?
G – Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o material na ginagamit (hal. Interbyu, panitikan, liham)?

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon.


Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa
pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na
kapaligiran.

Pagkilala sa Mga Varayti ng Wika

Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon – maaaring maging pormal o impormal ang


pananalita depende sa kung sino ang kinakausap.
Ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga
magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang mga biruan at pahiwatigan na hindi nauunawaan ng
hindi kabilang sa kanilang grupo.
Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat – gumagamit ng local na wika at/o
diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita.
Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita
sa harap ng guro, magulang, at iba pang nakatatanda at may awtoridad.

Panlipunang phenomenon – nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal


kung ito ay nailulugar sa loob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao.
KAKAYAHANG PRAGMATIKO
Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos

Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sap ag-aaral sa paggamit ng
wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang. Ibig
sabihin, ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag sa mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin,
natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. May tatlong
sangkap ang speech act: (1) ang sadya o intensiyonal na papel nito o illocutionary force; (2) ang anyong
lingguwistiko o locution; at (3) ang epekto nito sa tagapakinig o perlocution:

Sangkap Kahulugan Halimbawa


Illocutionary force Sadya o intensiyonal na papel Pakiusap, utos, pangako
Locution Anyong lingguwistiko Patanong, pasalaysay
Pagtugon sa hiling, pagbibigay-
Perlocution Epekto sa tagapakinig
atensiyon

Interlanguage pragmatics – ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng
partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng
kanilang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act.

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon


Berbal na komunikasyon – uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o
pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensya at seminar. Pasulat
naman itong napapadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas
na liham, at iba pa.
Di-Berbal na komunikasyon – lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa
mga taong napapaloob sa sariling kultura.
1. Kinesika (Kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon ng
mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics) – tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang oras ay
maaaring pormal gaya ng isinasaad ng relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya
ng mga terminong “ngayon na”, “sa lalong madaling panahon”, at “mamaya na”. ang distansya
naman ay nagbabago rin sa depende sa natamong ugnayan sa kausap.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan.
4. Paralanguage – tumutukoy sa tono ng tindig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
5. Katahimikan o Kawalang-Kibo – lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip
at paghandaan ang sasabihin, o di kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha
ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.

Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
a. Pahaging – isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
b. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang
kinauukulan nito.
2. Mga salitang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan:
a. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na
kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
b. Pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang
mensaheng nakakasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
a. Paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng
mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan,
malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa.
b. Papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang
naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos,
sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.
4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya:
a. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang
tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “Dahan-dahan at
baka makasagasa ka.”
b. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at
kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”

KAKAYAHANG DISKORSAL
Kakayahang Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasama-sama at pag-
uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag.
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at
palitan ng kuro”. Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang tekstuwal at ang kakayahang retorikal.

Kakayahang tekstuwal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t


ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat
na komunikasyon.
Kakayahang retorikal – tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon.
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay ay may 17 uri:

1. Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagkanap at sumasagot sa tanong na kailan


2. Panlunan - nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na
saan.
3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng
pandiwa.
4. Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
5. Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na
hambingan ng pang-uri.
6. Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
7. Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
8. Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
9. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
10. Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
11. Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
12. Panturing - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
13. Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan, binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa,
sapagkat atbp.
14. Kundisyunal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa.
15. Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao, tagatanggap ng kilos.
16. Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
17. Inklitik - binabago ang orihinal na diwa ng isang pangungusap.

You might also like