Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ng formay ang istruktura ng musika.

Ito ay tumutukoy sa kayarian ng isang komposisyon batay sa kaayusan at


pagkabuo ng mga musical phrase. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga musical phrasena may kani-kaniyang
natatanging daloy ng himig. Mayroon din itong pagdalang o pagbilis ng tunog ayon sa takbo na kailangan sa kabuuan
ng awit o tugtugin. Ang mga melodic phraseo rhythmic phraseay maaaring magkatulad, di-magkatulad, o
magkahawig. Sa pag-awit, mas mainam na may himig na tinutugtog o inaawit bilang paghahanda upang maibigay
ang tamang tono. Tinatawag itong introduction. Ang huling bahagi naman ng awit ay tinatawag na coda. Ang
antecedent phraseat consequent phraseay dalawang parirala na bumubuo sa isang musical idea. Kadalasan ang
antecedent phraseay may papataas na himig at ang consequent phrasenaman ay may papababang himig. Bibigyang-
kahulugan sa yunit na ito ang isa pang elemento ng musika na tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ito ay tinatawag
na timbre. Ito’y maaaring mabigat o magaan,mataas, matinis, malambing, maindayog, mataginting, makalansing,
bahaw, o sintunado na maririnig sa pag-awit at sa pagtugtog. Karaniwang nahahati sa apat na uri ang tinig ng mga
mang-aawit. Sopranoat altoang tinig ng mga babae, tenorat bassnaman ang tinig ng mga lalaki. Kung may
pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong nagsasalita ay mayroon ding pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong umaawit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First
Edition, 2015.
DEPED COPY67 Katulad din ito ng mga instrumento. Ang mga instrumento ay binubuo ng mga pangkat
na:string/chordophone, woodwind at brass/aerophone, percussion/idiophone at membranophone. Sa huling
bahagi ng yunit ay mararanasan natin ang pag-awit nang may kaukulang lakas o hina. Higit na kaakit-akit ang
pagkanta o pagtugtog nang may damdamin na naipakita sa paggamit ng dynamics. Ang dynamicsay tumutukoy sa
lakas o hina ng pag-awit o pagtugtog. Ito ay agad naipadarama sa pagbabago ng boses sa pag-awit. Higit na
gumaganda ang isang awit o tugtugin kapag naipahayag nang maayos ang isinasaaad nito sa pamamagitan ng
wastong paglakas at paghina ng pag-awit o pagtugtog sa mga bahagi ng komposisyon na kakikitaan ng antas. Ang
pagsunod sa mga sagisagdynamicsay nagbibigay ng kakaibang sigla at kahulugan sa isang awit o tugtugin. All rights
reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or
mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
TEKSTURA AT ARMONYA • Ang Tekstura at Armonya sa musika. Sa yunit na ito ay ating makilala ang iba pang
elemento ng Musika na nakadaragdag sa kagandahan at kabuan nito ang Tekstura at Armonya. • Ang Tekstura ay
nauukol sa kapal o nipis ng musika. Ito ay nagagampanan ng mga notang nakabalot sa melodiya sa Akordeng •
pansaliw o sa ibat-ibang nota na gumagalaw kasabay ng melodiya. • Ang Armonya ay kinakatawan ng mga akordang
sumasaliw sa Melodiya. Ito ay may tanging tunog na kapag isinabay sa melodiya aynabubuo ang nota upang maging
maganda sa pakikinig at angmelodiya ay lalong nagigiging kawili-wili kung may pansaliw. Ang pansaliw ay maaring
kapwa tinig din o instrumentong musikal A. Ang ibat-ibang Uri ng Tekstura. 1. Monoponya – (mono ang ibig sabihin
ay isa) ang teksturang monoponya ay tumutukoy sa iisang linya ng melodiya at walang ibang tunog na sumasabay
dito. Maaaring sabihin na ito ay inaawit ng Unison o iisang melodiya na inaawit ng higit sa iisang tono. 2. Homoponya
– ay may iisang melodiya na sinasaliwan ng akorde o mga magkasabay na tunog. Kadalasan ang melodiya ay nasa
mataas na boses at ang mga akorde ang nasa mababang antas 3. Ang Poliponya - ay binubuo ng dalawa o higit pang
mga himig na may sariling kayarian at kaayusan ang bawat isa. Isang halimbawa ng awit na poliponya ay ang awit
na paikot o round. • Halimbawa ng poliponya o awiting round • Ang isang melodiya ay kulang ang sigla kung nag-
iisa. Upang gumanda, sinasamahan ito ng ibang nota bilang saliw, nang sa ganoon ang tunog ng melodiya ay maging
buo at nakaaaaliw. Ito ay tinatawag na Armonya. B. Tatlong bahaging Round o Paikot • Ang round o paikot ay isang
awit na ginagawa ng ibat-ibang tinig subalit hindi sabay sabay ang kani-kanilang pagsisimula. • Ang tatlong bahaging
round ay isang awiting inaawit sa tatlong tinig na nagsisimula sa ibatibang sukat o bahagi. • Iisang uri ng Armonya
nila kung kaya’t laging kawili- wili ang kanilang tunog, subalit nagsisimula sa ibat-ibang bahagi • Ang tatlong bahaging
round o paikot ay kinakailanga bumuo ng tatlong pangkat. • Magsisimula ng umawit ang unang pangkat. Pagdating
sa ikalawang sukat magisisimula naman ang pangalawang pangkat, kapag nasa ikatlong sukat na ang unang pangkat
at nasa ikalawang sukat na ang ikalawang pangkat magsisimula naman ang pangatlong pangkat.

You might also like