Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Annalee Teanila 10 – Bonifacio

Suliranin sa “Basura”
Panimula: Aminado ang Department of Environment and
Natural Resources (DENR) na humaharap ang
Magbanggit ng mga Pilipinas ngayon sa problema sa mga basura.
datos tungkol sa likas na Ayon sa datos ng ahensiya, sa isang araw
lamang nasa 2,000 trak na may capacity load
yaman na napili. na 20 tonelada ang nahahakot sa buong bansa.
Ang 450 dito, nahahakot sa Metro Manila. Sa
tantiya nila, humigit kumulang 40,000 tonelada
ng basura ang nakokolekta sa bansa sa isang
buong araw lamang. "Sa 42,000 barangays sa
buong bansa, 70 percent ay wala pang material
recovery facility. Kaya ang nangyayari, sa mga
ilog at daluyan ng tubig itinatapon ang basura,"
hinaing ni Eligio Ildefonso, director ng DENR
Solid Waste Management unit.
Halos karamihan sa satin ay nagtatapon ng basura sa
kung saan-saan isang halimbawa na nito ang mga
balat ng kendi na ating kinakain maaring maliit ito sa
inyong paningin ngunit problema pa rin. Basura na
napupunta sa mga ilog na nagiging dahilan ng
pagkamatay ng maliliit na isda dahil sa dumi na dala.
KAHALAGAHAN Isa rin ito sa mga sanhi ng pagbaha tuwing tag-
ulan,dahil nga sa pagtatapon ng mga basura sa mga
kalsada at hindi maayos na pagkakaimbak nito sa
isang lugar bumabara ito sa mga daluyan ng tubig o
mga kanal na nagdudulot nga matinding pagbaha. Na
nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng iba’t-ibang
sakit ng mga tao sa komunidad. Mahalagang
masulosyunan ang suliranin ukol dito upang di na
lumaganap ang anu mang masamang dulot ng
basura. At para sa panghuli,ang dapat nating taglayin sa
ating mga sarili. Ang pagiging disiplinado at responsable
dahil kailangang gawin natin ang tamang pagtatapon ng
basura sa basurahan upang maging isang magandang
halimbawa sa ating mga kababayan. Lagi nating tandaan
na,”Ang basurang itinapon mo kung saan-saan ay
babalik sa iyo”.
Suportahan ng mga Sa gitna ng nakababahalang problema ng basura sa
datos ang bansa, nagpaalala ang Department of Environment
and Natural Resources na dapat manggaling
kahalagahan mismo sa mga tao ang solusyon dito. Ayon sa
ahensiya, dapat simulan sa mga bahay at barangay
ang wastong pangangasiwa ng basura. Isang
halimbawa rito ang Barangay Potrero sa Malabon,
na pinarangalan ng Best Solid Waste Management
Program award ng Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA). Sa mga bahay
pa lang ng mga residente ng barangay, naka-
segregate o hiwalay na ang mga basurang
nabubulok at hindi nabubulok.
Tuwing umaga, kinokolekta ang basura para
dalhin sa waste recovery facility ng barangay.
Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga
pinagbalatan na gulay at prutas ay ginagawang
compost at ibinabaon sa lupa para maging
fertilizer o pataba.
Ginagawa namang mga coin purse o pitaka ng
mga residente ang mga residual waste o iyong
mga plastic sachet na nilalagyan ng mga produkto
gaya ng kape at shampoo.

BASURA ang pangunahing dahilan kaya


nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang
problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas
subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila
na basura ang dahilan, marami pa rin ang hindi
natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng
basura sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala
pa rin silang kadala-dala at walang malasakit sa
kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa
Suliraning mga ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman
nararanasan sa ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo
ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo,
ngayon babalik din sa’yo.” Ganito ang nararanasan sa
kahabaan ng Roxas Blvd. sa tuwing may
pagsama ng panahon o bagyo. Kapag nagalit
ang alon sa Manila Bay, tatangayin ang mga
basurang lulutang-lutang at ibabalik ito sa
kalsada. Kaya ang mga basurang itinapon ng
mga walang disiplina magdudulot uli ng
panibagong problema. Ang mga basura ring ito
ang hahantong sa mga estero.
Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa
Estero de Magdalena ang Metro Manila
Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong
para alisin ang napakaraming basurang plastic.
Isinagawa ang paglilinis makaraang mag-viral sa
social media ang estero. Dahil sa dami o kapal ng
basura, maari nang maglakad sa ibabaw niyon na
hindi malulubog.
1.Ang SWM Plan ay nagsasaad ng mga programa na naaayon sa
mga isinasaad ng batas.  Isinasaad ng SWM Plan ang: ♦
impormasyon sa dami ng basurang naitatala ♦ uri o
komposisyon ng basura ♦ pinanggagalingan o sources (opisina,
canteen, production area, storage, atbp) ♦ Detalye sa
kasalukuyang programa ng isang lugar/ komunidad o maging ng
opisina ♦ Layunin sa pagpapatupad ng programa sa
pamamahala sa basura ♦ Panahon ng pagsasagawa ng
programa.
2.Ipinatutupad na Programa  Pagbili ng mga produktong
maaaring magamit muli o ma-recycle  Pagbabago sa proseso
at mga materyales na ginagamit sa paggawa ng produkto  Eco-
labeling  Pagkontrol sa pag-gamit maging ang pag-angkat ng
mga produktong mahirap ma-recycle  Pagrekober ng mga
Mga programa mareresiklong gamit sa Recycling
tungkol sa suliranin 3.Ano ang RA 9003?
Ang RA 9003 ay nagsasaad ng mga alintuntunin sa wastong
sa basura pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa
wastong paggamit ng likas-yaman at pagpapatupad ng mga
programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan
upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon.
Layunin din nito na maipaliwanag ang benepisyo ng
pagkakaroon ng pasilidad sa bawat lugar na maaring pag
imbakan ng balik-materyales o lugar para i-proseso ang mga ito.
4. Ano ang kinakailangan sa Resource Recovery at Segregation?
Magkakahiwalay na lalagyan para sa iba’t ibang uri ng basura
compostables, recyclables, special wastes at residuals 
Panatiliin ang naka-schedule na pagkolekta ng mga basura o
materyales  Pagkakaroon ng bukod na pagsasalansan ng mga
materyales  Paglalagay ng Materials Recovery Facility (MRF) 
Alamin ang pagbebentahan o pagdadalhan ng mga balik gamit
o recyclables at ng special waste kung meron man  Pakikipag-
ugnayan sa mga kolektor ng natirang basura

Karaniwan na ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay


pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi sa ating kanayunan. Imbes na
sunugin, ano naman ang maaaring gawin dito ni Juan dela Cruz? Ibaon sa likod ng
bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok
kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak?
Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping
pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng isang bayan sa
lipunang ating ginagalawan. Ano nga ba ang dapat nating gawin? Pwede kayang
hindi nalang tayo makialam? Sa problema natin sa basura, malulunasan kaya ito
ng iilang pinuno ng pamahalaang panlalawigan, pambayan at barangay o mga
lider-simbahan o sibikong grupo?
Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung
maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na
nalilikha natin habang patuloy din sa paglobo ang populasyon sa ating bayan.
Katulad ng ating nabanggit sa pakikipagtalastasan sa ating mga kaibigan sa ating
obserbasyon, “Disiplina sa sarili ang tanging solusyon sa problema sa basura.”
Madami kasing mga taong walang pakundangang nagkakalat at walang disiplinang
nagtatapon ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo sa paligid na
kailangang mapagsabihan at ipaliwanag ang masamang epekto nito sa ating
kapaligiran.
Justine bert Santos
10 – Del Pilar
Suliranin sa “Yamang tubig”
Ang Pilipinas ay isa sa pinaka-maraming
yaman, yamang lupa, yamang dagat at yamang
tao. Ang isang yaman ng bansa dapat ay
pinapahalagaaan at iniingatan dahil hindi na ito
mababawi kapag ito ay tuluyang nawala na,
ngunit ang ibang mga Pilipino ay binabalewala
ang mga yaman na ito, tulad ng yamang dagat
at yamang lupa natin. Ang ating yaman ay
nasisira at nauubos na, kailangan na natin
gumawa ng paraan para ito ay mapangalagaan
bago ito ay tuluyang maubos, masira, at
maaaring hindi na maranasan ng susunod na
henerasyon. Masasabi natin na ang Pilipinas ay
isang magandang bansa dahil sa mga yaman
na ito, kaya wag natin ito sayangin. Boracay.
Napaka-ganda diba? Maaaring maging ganito
lahat ng ating mga yamang tubig kapag tayo ay
naging responsable at marunong mag-alaga ng
mga bagay na meron tayo, dahil ito ay binigay
ng Diyos para alagaan at hindi sirain. Maraming
paraan para mapanatiling malinis ang ating
mga yamang tubig, isa na ang pagtapon ng
basura sa tamang lugar. Isang simpleng paraan
para mapanatili nating malinis ang ating
yamang tubig, ngunit hindi ito magawa ng mga
Pilipino dahil hindi nila alam ang tunay na
halaga ng mga ito. Hindi natin iniisip ang iba
pang henerasyon na darating at hindi na nila
makikita ang kagandahan ng mga yamang
tubig ng Pilipinas dahil ang mga sarili lamang
iniisip ng mga Pilipino.

Ang kahalagahan ng yamang tubig


ay dito tayo nakakakuha ng makakain
natin at dito pa tayo mag kakaroon ng
hanap buhay katulad nalamang ng
pangingisda,at yung mga
magagandang talon,magagandang
mga dagat kaya maraming
dumadayong turista sa ating bansa at
dahil doon ay maipag mamalaki natin
sa mga turista kung gaano kaganda
ang yamang tubig ng Pilipinas.
Sabi nga ng iba tubig ay buhay,
totoo nga naman ito, sapagkat
halos lahat ng maybuhay sa ating
mundo ay kinakailangan ng tubig
para mamuhay. Dahil din dito ay
nagkakaroon ng hanap buhay ang
ilan sa ating mga kababayan na
malapit sakaragatan at iba pang
anyong tubig na malinis. Ngunit
habang umuunlad ang atingbansa
ay tila unti unting namamatay ang
ilan sa mga anyong tubig dito sa
pilipinas.

Ang water pollution ay isang malaking


problema lalo na sa ating bansa na may
mayaman na pangingisda, Ito ay isa sa
mga pinakamalaking suliranin sa ating
yamang tubig kasunod ng mga dynamite
fishing, fish kill at iba pa. Dahil sa mga
problemang ito di natin na
papahalagahan an ating yamang tubig sa
kanyang pinaka-kapasidad. Ang water
pollution ay nag reresulta sa pag baba ng
ekonomiya dahil kapag polluted ang ating
tubig hindi tayo makakapang huli ng isda
dahil ang mga isdang nakaranas ng water
pollution ay delikado nang kainin at hindi
na pwedeng ibenta, kaya ibig sabihin
mabagal ang pag andar ng ating
ekonomiya dahil ang supply ng ating
supply ay bumababa na nag reresulta sa
pag taas ng presyo ng isda. Mahirap
solusyonan ang water pollution dahil
kadalasan pag na pollute ang isang tubig,
damay damay na lahat ng tubig na nasa
paligid nito.
Ang pamahalaan ay
nagpasabatas ng mga
programa upang
mapangalagaan at
masulusyunan ang mga
suliranin tungkol sa likas na
yamang tubig.
Tulad na lamang ng mga Batas
Pangkalikasan na naglalayon
ng seguridad ng kapaligiran at
maproteksyunan ang
kalusugan:
P.D. 704 - preservation of
optimum productivity of
fishery resources through
conservation and protection.
P.D. 1219 - Providing for the
protection of coral ecosystem.
P.D. 1067 - Water Code of the
Philippines.
Ang mga sumusunod na
programa ay naisapabatas
hindi lamang para
mapanatiling malinis ang
katubigan ngunit isinasaalang
alang din ang mga nabubuhay
rito at ang mga makikinabang
sa likas na yaman na ito.

tubig na maari nating pagkunan ay unti-unting


nauubos. Kahit alam nating mahalaga ang tubig sa ating lipunan, binabaliwala natin
ang katotohanang ito'y nauubos na. Maraming mga grupo ng tao ang gumagawa ng mga
paraan para alagaan at maayos na gamitin ang mga natitirang lugar na maari nating
pagkunan ng tubig. Bilyon-bilyon ang bilang ng mga tao na naninirahan sa mundo at
bawat isa ay kailangang mayroong pagkukunan ng tubig. Kaya ang tanong, mayroon ba
talagang solusyon para sa unti-unting nauubos na tubig na mayroon tayo? Siyempre
meron. Ang simpleng paraan para pagkasiyahin ang natitirang tubig natin para sa
ngayon at sa mga susunld na henerasyon ay ang huwag pagaaksaya nito at ang
paggamit nito kapag kinakailangan lamang. Kailangan rin nating huwag mag tapon ng
ating mga basura at dumi sa mga pinagkukunan ng tubig para mabawasan ang water
pollusyon. Ang mga maruruming tubig ay kinakailangan pa linisin sa mga water
treatment facilities na kinakailangan ng matagal na panahon para maging malinis muli
ang tubig. Sa paggawa ng mga simpleng bagay kagaya ng mga binanggit, magagawa
nating mas magandang mundo ito hindi lamang para sa atin, kundi para rin sa mga
hayop at halaman.

You might also like