Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HALIMBAWA NG MGA SITWASYONG NAGPAPAKITA NG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

1. PAGGAWA O PAGSULAT NG LIHAM- maraming klase ng liham; mga liham pagkaibigan,


liham pangangalakal, liham aplikasyon sa trabaho, liham patnugot at iba pa. Isa ito sa mga
sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Halimbawa nalang ay may gusto kang
maiparating ngunit hindi mo ito masabi ng personal kaya maaari kang gumawa ng liham tulad
ng ikaw ay nag-aaply ng trabaho, ikaw ay may sakit at hindi ka makakapasok sa paaralan,
maaari kang gumawa ng liham patnugot at ibigay ito sa iyong guro. Sa paggawa ng liham ay
kailangan natin ang wika upang tayo'y maintindihan ng taong papadalhan natin nito.

2. PAGSULAT NG MGA PANITIKAN- isa rin ito sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan. Sa paggawa ng mga panitikan, halimbawa mga nobela, kwento, tula at iba pa
ay kailangan ang wika dahil hindi ito maiintindihan ng mga taong babasa nito. Isa pa ay hindi rin
makakagawa ng mga ganitong klase ng panitikan kung wala ang wika. Mahalaga ito sa lipunan
dahil marami itong naitutulong lalo na sa mga estudyanteng mahilig magbasa ng mga ganitong
klase ng babasahin.

3. PAGSULAT AT PAG-ULAT NG BALITA- ang pagsulat ng balita ay isa rin sa mga sitwasyong
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan lalo na sa mga oras na ito'y i-ulat at ibahagi na sa mga
tao. Sa panahon natin ngayon ay marami ng mga importanteng ganap na kailangang malaman
ng mga tao sa isang lipunan, kaya naman ay para sa kaalaman ng lahat ay kailangan itong
ibalita at ipahayag. Hindi ito makokompleto kung wala ang wika kaya talagang ito'y mahalaga
lalo na para sa mga newscaster o sa mga gumagawa ng balita para sa bayan.

4. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG TAO SA ARAW-ARAW- araw-araw ay hindi natin


maiwasang makipag-ugnayan sa ibang tao, nakasanayan na nating makipag-usap at
makihalubilo sa iba, lalo na sa ating mga kaibigan. Halimbawa nalang sa isang grupo ng
magkakaibigan ay walang pagkakaisa at pagkakaunawaang mangyayari kung wala ang wika,
lalo na kung wala ito sa isang lipunan.

5. PAGPAPAHAYAG NG SARILING KAISIPAN AT DAMDAMIN- bawat isa sa atin ay may


kanya-kanyang isip at damdamin, mahalaga ang pagpapahayag nito para sa kaalaman ng iba
tungkol sa iyong saloobin. Halimbawa nalang ay kapag ika'y may hinanakit sa iyong kapwa tao
dahil mayroon siyang ginawang hindi tama, paano mo sasabihin ang iyong damdamin kung wala
ang wika? Paano niya rin malalaman ang ginawa niyang mali? Kaya mahalaga ang talaga ang
wika sa isang lipunan upang magkaintindihan ang bawat isa.

PINAGKUHANAN:
blogspot.com
Ipinaskil ni: APRIL JOYCE A. AWA

Ipinasa ni: MAY L. CASTARDO 11- CSS 1

You might also like