Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga miyembro, taga-suporta ng LGBT community, rumampa sa 2018 Pride March

ABS-CBN News
Posted at Jun 30 2018 10:15 PM
Ngayong Sabado ang huling araw ng Gay Pride month kaya naman dumagsa sa lungsod ng
Marikina ang iba't ibang samahan para makilahok sa Metro Manila Gay Pride March and
Festival.

Masaya at makulay ang araw na ito para sa mga gaya nina Vincent Fortez at Lorenzo Jacinto
para ipagdiwang ang kanilang pamumuhay.

Anila, unti-unti ay namumulat na ang maraming Pilipino sa pagtanggap sa kanila bilang


miyembro ng lesbians, gays, transgender, and bisexuals (LGBT) community.

"Noong una takot pa ko lumantad pero ngayon masaya na ako dahil may ganito nang mga event
na tanggap na kami," ani Jacinto.

"Nakakatuwa na may mga ganito na paraan para i-celebrate ang LGBT communites," ayon
naman kay Fortez.

Pero sa labas ng Marikina Sports Complex, mayroon pa ding ibang grupo ang tumutuligsa at
hindi kumikilala sa mga gaya nina Fortez at Jacinto, at itinuturing na kasalanan ang pagiging
miyembro ng LGBT community.

 61 pct of Pinoys against legalizing same-sex marriage: SWS

Kaugnay nito, naglabas ang Social Weather Station (SWS) ng survey na 61 porsiyento ng mga
Pinoy ay hindi sang-ayon sa same sex marriage at 22 porsiyento lamang ang sumusuporta dito.

 ‘Repent to God’: Hecklers crash Pride March in Marikina

Sa unang quarter ng 2018 isinagawa ang naturang survey ng SWS.

Malayo pa man na mangyari ang same sex marriage sa bansa, masaya pa rin si Apu Aduman
Aghama dahil sa pagsisikap umano ng mga mambabatas ay naiusad ang mga panukalang batas
na magbibigay ng proyeksiyon sa mga miyembro ng LGBT community.

"Kahit paano 'yung anti-discriminatio ay ipinapanaukala sa Kongreso at sana pumasa ito," ani
Aghama

Hiling lang ng marami sa kanila, sana ay respetuhin at unawain ng mga kapwa-Pinoy ang
kanilang nais tahaking pamumuhay.

--Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News


Mga Katanongan:

A.) Ano ang isyung itinalakay sa artikulo? Ipaliwanag.

- Aang isyung itinalakay sa artikulo ay tungkol sa kalayaan ng LGBT , na kadalasang tinatawag ng mga
tao na“salot sa lipunan” “walang kwenta” “mahahalay na tao” kahit hindi naman totoo, dahil kung
tutuusin kung sino pa ang tinatawag na “salot at walang modo” sila pa yung mga “madiskarte at
talentado”. Ang LGBT ay inisyal na tumutukoy sa mga taong Lesbiyan, Gay, Bisexual at mga
Transgender. Kadalasan sa mga LGBT ay nauuwi sa Same Sex Marriage o mga magkaparehong kasarian
na ikakasal pero ang iba ay hanggang live-in lang, isa din ito sa pinag iinitan ng mga tao ngayon.

B.) Bakit ito itinuturing na isyu?

- Para sakin itinuturing ito na isyu dahil sa diskriminasyon o kaya ay ang hindi pagtanggap ng mga tao sa
kanila na ang gusto lang naman nila ay ang pagiging malaya, malaya sa mga pang-didikta, pangkukutya,
panghuhusga o kung ano pang masasakit na salita at gawa. Ikalawa ay ang pag respeto, pagrespeto sa
kung anong kasarian ang meron sila. Para sakin, ang babaw isipin na nang dahil lang hindi nila tanggap
ang kasariang meron sila ay magbibitiw agad ng masasakit na salita at gagawa pa ng masama. Kaya
naging isyu ito, dahil sa mga mapanghusgang tao at dahil hindi sila tanggap ng karamihan.

C.)Paano ito naapektuhan ang ating lipunan (tao)?

- Naapektuhan ang ating lipunan sa pamamagitan ng gulong naidulot sa diskriminasyon. Nang dahil sa
pangkukutya, pang-iinsulto ng ibang tao ay nag dudulot ng gulo sa ating lipunan minsan nga ang iba ay
nag rarally pa. Naaapektuhan din ang mga tao, lalo na ang mismong taong kinukutya, inaabuso,
diniskrimina walang iba kundi ang mga LGBT. Naaapektuhan sila sa pamamagitan ng sakit na naidulot ng
diskriminasyon, mga walang tigil na panghuhusga ng mga tao. Para sakin, ang mga taong LGBT ang mas
naaapektuhan sa nangyayari. Yung iba, ay naghihirap dahil sa depresyon na kanilang nadadama dulot ng
masasakit na salita at sa gawa. May iba namang magpapakamatay ng dahil sa depresyong dulot ng
diskriminasyon.

IPINASA KAY: Ginang Melanie R. Figueroa


IPINASA NI: Fionah Krystal Marie E. Cabtalan
BAITANG/SEKSYON: 10 – Makabansa

You might also like