Professional Documents
Culture Documents
Trahedya
Trahedya
Tagapagsalaysay: Si Sophia ay ang nag-iisang anak nina Rose at Ramon. Ngunit musmos
palamang si Sophia namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso kaya ang tumatayong ina at
ama niya ay ang kanyang ama na si Ramon. Ngunit galit si Sophia sa kanyang ama dahil hindi
nito binibigay ang lahat nang kanyang gusto.
Sophia: Nakakainis na ang buhay na ganito. Dalawa na lang kami ng papa ko lagi pa siyang
wala sa bahay! Lagi na lang trabaho inaatupag niya pero di naman niya binibigay lahat ng mga
gusto ko!! galit na galit talaga ako sa kanya!
(Kakatok ang ama ni Sophia sa kanyang kwarto)
Sophia: Dumating na pala siya lagi nalang hating gabi siya umuuwi…hindi naman niya
nabibigay ang mga gusto ko bahala siya diyan!!! Hindi ba niya alam may pasok ba bukas
nakakainis!!
Tagapagsalayasay: Laging pinupuntahan ni Ramon ang kwarto ni Sophia upang makasiguradong
ayos lang si Sophia kahit pagod siya sa kanyang trabaho hindi niya nakakalimutang bisitahin ang
anak ngunit lagi ding hindi binubuksan ni Sophia ang ama
Tgapagsalaysay: Kada umaga lagging nakikita ni Sophia na may isinusulat ang kanyang ama sa
kwaderno
Sa isipan ni sophia: ano ba ;yan nagsusulat na naman siya sa kanyang kwaderno ano yan diary
isip bata!!....At ano naman to noodles nanam para sa umaga wala ba siyang alam na lutuin isip
bata na nga bobo pa!!!
Sophia: Wala na bang ibang pagkain?
Ramon: Pasensiya na anak yan lang eh…. pagtiisan mo nalang
Sophia: Sa paaralan na lang ako kakain
:Nakakaasar, wala na nga akong matinong ama, wala pa kong matinong pagkain.
Tagapagsalay say: Kina-umagahan humingi ng pangbiling laptop si Sophia sa kanyang ama.
Sophia: Papa, pwede mo ba ko ibili ng laptop? Kailangan ko na kasi ng computer eh para sa
mga proyekto ko sa school. Ang hirap ng nag rerent pa ko sa labas .
Ama: Patawad anak, wala pang pera si papa eh
Sophia: Eh inaabot kayo ng hating gabi sa trabaho tapos walang pera?! Sino niloko
niyo?! siguro nambababae ka lang eh! Madalas ka ng wala dito sa bahay
tapos di mo pa ko mapagbigyan! Walang kwentang ama!
(Tumakbo palabas si Sophia habang umiiyak)
:Nakakainis! Bat ba ko nagkaroon ng magulang na di kayang ibigay ang gusto ko?! Bat
sa dinami dami ng magiging ama ko yun pang walang silbi Galit ba sakin ang
Dyos?! Bat di na lang ako pinanganak na mayaman katulad ng mga kaklase ko?!
Pakiramdam ko ako na ang pinaka malas na tao sa buong mundo. Nagiisa lang ako.
Ayoko ng ganito. Ayoko ng buhay ko.
Tagapagsalaysay: Halos dalawang hindi pinapansin ni Sophia anng kanyang ama kahit sa pag-
aalmusal hindi siya sumasabay dito pero napapansin niyang nagsusulat parin ito sa kanyang
diary. May nakilala naman na lalaki si Sophia na si Max niligawan siya nito at sinagot din naman
niya ito sapagkat nabibigay nito ang mga luho niya.
Sophia: Andrei ipakilala kita sa papa ko
Andrei: Sige ba!
(Pagdating sa bahay)
Sophia:Papa kasintahan ko pala, si Max
Andrei: Magandang gabi po
: Hindi yata ako tanggap ng papa mo Sophia?!!
Sophia: Hayaan mo siya! Wag mo siyang intindihin!”
: Tara date tayo!!
Andrei: Nakokonsensya ako Sophia
Sophia: Bakit naman?!
Andrei: Ang papa mo, narinig ko siyang umiiyak
Sophi : Wala akong paki sa kanya
Andrei: Sophia wag ganyan ang trato mo sa iyong ama. Mamaya magsisi ka pag nawala siya
sayo
Tagapagsalay say : December na. Malapit na ang Christmas Party nila Sophia kaya nagpabili
siya ng damit sa kanyang ama at dahil may pera ang kanyang ama pinangako nitong bibilhin nito
ang gusto niyang damit dahil sa kasiyahan ni Sophia niyakap nito ang ama at hinalikan.
Sopjia: Ang tagal naman ni papa baka hindi niya nabili an gang aking gusting damit lagot siya
saakin!!!
: Oh nandiayn na siya…. ano nangyari sayo?! Bat puro sugat ka?! Nasan yung damit ko?
Hindi iyan ang gusto ko ang pangit niyan
: Papa! Nakakaasar ka naman eh! lagi mo na lang ako pinapaasa! Ayoko na!
ayoko ng maging tatay ka! Hindi mo naman ako pinapasaya! Lagi mo pa kong
iniiwan sa bahay! I hate you ! I really hate you! Ayoko ng maging tatay ka!
Wala kang kwentang----“
*slap*
Tagapagsalaysay: Natigilan si Sophia kasi hindi niya inaakala na magagawa iyon ng ama niya.
Tumakbo palabis si Sophia habang umiiyak.
Tumakbo ako palabas habang umiiyak.
*BEEEEEEP*
Tagapagsalaysay: Nakita ni Sophia kung paano siya ilgtas ng kanyang ama dahil sa gulat hindi
siya nakakilos agad.
WAKAS………
“Pamilya Garcia”
Mga Tauhan:
__________________________________
Bakasyon ng 2007, may malagim na nangyari sa 68 Aguirre St. Sunbay Subdivision, Quezon
City. Umiikot ang pangyayari sa pamilya Garcia. Nasa kanila na ang lahat, kayamanan at
kapangyarihan. Mayroon silang tatlong anak, tatlong mga regalo ng Diyos sa mag-asawang
nagpakahirap upang makuha ang lahat nang ito. Ngunit sapat na ba ang lahat ng mayroon sila
upang sila’y lumigaya? Maaring sa mag-asawa, oo, ngunit sa isa sa kanilang mga anak ni
minsa’y hindi nakuha maging masaya, kaya nga bang ipagpalit ang pamilya niya para sa salapi at
yaman? Narito ang isang istorya ng makabuluhang pag-iisip sa mundong ginagalawan nina
Vince, Veronica at Victoria Garcia. Ating silipin, panoorin, at unawain.
EKSENA SA HAPAG-KAINAN…
Rico: Nakahanda na po ang tiket niyo sa makalawa papuntang Bali, sir. Nakuha ko na ito
kaninang umaga.
Antonio: Mabuti naman, Rico. Sige, mag-impake ka na rin bukas at maaga tayo aalis.
Rico: Opo.
Magkakapatid: Coming!
Veronica: Dad, aalis nga po pala ako tomorrow, ha. May lakad kami nila Gia at Sara.
Veronica: No, naman, dad. Siguro, nandito na ako before midnight. (Ngingiti.)
Antonio: Hay nako, Veronica, kada alis mo nalang ay… (Sasabat si Georgia)
Georgia: Antonio, pabayaan mo na si Veronica, maaga naman daw siya uuwi di’ba? Wala pa
namang pasok, e.
Bryan: Alam kong baril, yan! Teka-teka, kaya ko binigay sa’yo yan, para pag may gustong
manakit sa’yo o talagang galit na galit ka na at di mo na mapigilan ang sarili mo, diretsuhin mo
na kaagad. Kaya dapat lagi kang handa.
EKSENA SA SALA…
Antonio: Wala na talaga akong magagawa, Georgia. Napaayos ko na ang testimonya natin.
Nahati-hati ko na ito para sa ating mga anak at kay Rico.
Georgia: Bakit hindi mo naman sa’kin sinabi na ginawa mo nap ala iyan. At si Rico? Ngunit
bakit natin siya pamamanahan? Hindi natin siya kaano-ano!
Antonio: ‘Wag ka namang magsalita ng ganyan, dalawampu’t walong taon ding nanilbihan sa
serbisyo si Rico sa’kin, sa ating lahat. Kaya nararapat lang sa kanya ang ginawa ko.
Victoria: Bakit ganoon nalang kaliit ang porsyento nang sa’kin, dad? (Lalabas.)
Georgia: Victoria, anong ginagawa mo diyan?
Victoria: ‘Wag niyong ibalik at ibahin ang tanong ko. Bakit ganoon lang ang kaya niyong ibigay
at ipamana sa akin?! Anak niyo rin naman ako, diba?! Anak niyo itong babaeng nasa harapan
niyo! Mas malaki pa ang ibinigay niyo sa mahirap at mabahong Rico na ‘yan!
Georgia: Antonio, sa tingin ko’y oras na para malaman niya ang katotohonan tungkol sa
pagkatao niya.
Victoria: Anong katotohonan?! Naguguluhan na ako!
Victoria: Ahhhh! Hindi ko na kaya ito! (Huhugutin bigla ang kanyang baril sa bulsa at babarilin
ang dalawa.)
SA KWARTO NI VINCE…
Vince: Putok iyon ng baril ah! Ano kayang nangyayari sa baba! (Tatawagan si Rico) Tito Rico,
may narinig po akong putok ng baril sa baba, malakas! Puntahan niyo po kami dito!
Vince: ‘Wag kang lalapit sa’kin, ate! Lumayo ka! Ma, Pa!
Victoria: Maniwala ka sabi e, ayaw mong maniwala, sige, magsama-sama kayo! (Babarilin din,
mabibigla.) Ano ‘tong nagawa ko! (Iiyak ng iiyak).
SA LABAS NG BAHAY…
Veronica: Wow, grabe ang saya ng gabing ‘to. (Makikita si Rico, tumatakbo.) Tito Rico?! Anong
ginagawa niyo dito? Gabi na po ah!
Rico: Tumawag sa’kin si Vince, may putok daw ng baril siyang narinig.
Veronica: Po?! (Tatawag ng pulis sa cellphone.) Halika na, bilisan na natin, baka kung ano na
pong nangyayari sa bahay
(Papasok ang dalawa sa loob ng bahay, maabutan na nakahandusay ang dalawang matanda at si
Vince.)
Veronica: Pano mong nasasabing hindi mo sinasadya, tatlo silang binaril mo, sabay-sabay pa,
ate! Ano bang nangyari.
(Hahagulgol si Victoria.)
Victoria: Panong nangyari ‘yon?
Veronica: Sanggol ka pa lang nang iwan ka ni Tito Rico kay mommy at daddy dahil hindi niya
kayang tustusan ang pangangailangan mo noon simula nang mamatay ang tunay mong ina. Pinili
nalang niya na Makita kang inaalagaan nang ibang tao kaysa sa pag-aalagang hindi niya kahit
minsan magagawa. Lumapit siya kay daddy, ibinigay ka at nagpasyang magtrabaho upang
masubaybayan ka hanggang sa paglaki mo, ate. At dahil dun, napagpasyahan na rin ni daddy na
pamanahan siya ng mas malaki upang pag nabuhay na kayo ng sa inyong sariling paa, may
pangtustos na siya para sa’yo.
Victoria: Alam mo itong lahat, Veronica? Niloko mo ako, niyo akong lahat all these years?
Veronica: Pinakiusapan ako ni daddy na ‘wag na muna sabihin sa’yo dahil sila ni mommy ang
gagawa noon. Ngunit wala na sila, ate. Kinuha mo na sila! Wala kang itinira sa’kin! Pati kapatid
ko, pinatay mo! Anong klase kang tao, ate?! Anong klase?!
Veronica: Wala kang kwenta! Lahat ibinigay sa’yo! Binihisan ka nila daddy, pinakaain,
inalagaan, bingyan ng sapat na karangyaan, ngunit ito ang igaganti mo sa’kanila?!
(Nakaposas na si Victoria.)
Veronica: Kahit isang milyong beses ka pang humingi ng tawad, hindi na kita kaya pang
patawarin sa nagawa mo. Kalimutan mo na ring magkapatid tayo. Dahil wala akong kapatid na
kriminal, walang-wala. Sige po, dalhin niyo na siya.
Inday Lucy: ‘Wag kang mag-alala, ma’am Veronica, nandito pa rin ako, hindi kita iiwanan.
Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Alam mo namang ganyan din ang
nangyari sa’kin ng masawi sa aksidente si Grace, ang aking anak. Magpakatatag ka, andito lang
ako, hindi kita iiwan.
“Disgrasya sa Dagat”
Ang trahedya ay kusang dumarating ng hindi nagpapa-aalam. Kaya ang mahalaga ay dapat
maging handa tayo palagi.
Isang magandang pamamasyal noon ang naranasan ng pamilya ni Mang Jun. Selebrasyon kasi ng
kapistahan sa kanilang lungsod. Magtatanghali ng matapos ang kanilang pamamasyal. Masaya
sila noon dahil minsan lamang sila makapunta ng bayan. Marami silang mga nabili. Mga damit,
pagkain at mga laruan.
Kaya matapos ang masayang pamamasyal ay napasyahan na nilang umuwi. Halos maubos na rin
kasi ang pera nila sa pamimili.
Kinasuhan ng gobyerno ang kapitan ng bangka dahil sa pagkakarga ng higit na pasahero at ang
lasing na lalaki dahil sa pagmamaneho nito ng lasing.
Tumayo namang saksi si mang Jun sa mga pangyayari. Nais kasi niya na mabigyan ng hustisya
ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.
Malungkot na malungkot si Mang Jun dahil sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang pamilya.