Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang mga tauhan sa “Dekada 70” ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon.

Si Amanda na
isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan, mataas ang pride at
ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng

kanyang mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani
na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan ng
pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang
mapagmahal na bunsong anak.

Ang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan
ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang
landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa
isang pamilya masasabing “WALANG IWANAN”

Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa
mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa
pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang
karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung
sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak
sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang
makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga
kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit
na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang
isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga
taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad
ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili.

Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan.
Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang
mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga
manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at
nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating
pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin.
Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng
katiyakan.

Balangkas

I Tagpuan:

# Sa highway

# Sa isang bahay sa Maynila

# Sa kulungan

II Banghay:

# Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na ginagawa ng
mga sundalo.
# May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa
panahon ng Martial Law.

# Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng Martial Law
o batas military.

III Tauhan:

# Amanda – mapagmahal na ina. Gustong magkaroon ng sibi at sariling karera.

# Julian – boses ng tahanan. Mataas ang pride, ayaw pagtrabahuhin si Amanda. Di kayang mapigil ang
desisyon ng mga anak.

# Jules – may paninindigan. Buo ang loob at tunay na makabayan.

# Isagani – halimbawa ng isang mapusok na kabataan.

# Emmanuel – kabataan na lumalaban sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsulat.

# Jason – namatay dahil ng mga kalaban ni Jules. Dahil si Jules ay kasapi sa mga kalaban ng pamahalaan.

# Bingo – mapagmahal na bunsong anak at laging karamay ni Amanda.

IV Tema:

# Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa
mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa
pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang
karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung
sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

V Istilo:

# Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-nilalang


tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang mga naging epekto
nito sa kanila.
Suring Basa:NINGNING AT LIWANAG

1: Pagkilala Sa May Akda

Sagot:

Emilio Jacinto- ang sumulat ng sanaysay na pinamagatang “Ningning at Liwanag.

2. Uri ng Panitikan

Pagtukoy sa mga anyo ng panitikan sinulat sa himig o damdaming taglay nito.

Sagot:

Sanaysay- ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang nag lalaman ng personal na opinyon
nang may akda.

3.Layunin ng Akda

Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit/sinulat/layunin ba nitong magpakilos o


manghikayat,magprotesta at iba pa.

Sagot:

Layunin nitong mag bigay aliw sa mga mambabasa.

4.Tema ng Paksa ng Akda

Ito ba ay makabuluhan,napapanahon,makatotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sinseridad ng


mambabasa.

Sagot:

Ayon sa akda, ito ay makatotohanan at mag papasaya sa mga mambabasa.

5.Mga Tauhan/Karakter sa Akda

Ang mga karakter ba ay anyo ng mga taong likhang lipunang ginagalawan,mga taong di pa nililikha
sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nabubuhay o namamatay.

Sagot:

Mga tao at Anak ng Bayan.

6.Tagpuan/Panahon

Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan,kapaligiran at panahong saklaw ng


isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa
kapwa at lipunan.

Sagot:

Sa ating sariling Bayan.


7. Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari

Isa bang gasgas na pangyayari ang nilalahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o
luma na bang pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Dating binuo ang balangkas ng
may akda?

May kaisahan ba ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari
simula sa simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

Sagot:

Punong puno ng magagandang aral ang akda na dapat tumugon sa mga mambabasa.

8.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral ,tinatanggap


at pinatutunayan ang mga tiyak na sitwasyon o karanasan . Maaari ring ang mga kaisipang ito ay saling
atin,pabulaanan,mabago o palitan. Ito ang mga makatotohanang unibersal likas sa tao at lipunan, mga
batas ng kalikasan , sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay , mahalagang masuri sa
akda ang mga kaisipang ginagamit na batayan sa paglahad ng pangyayari.

Sagot:

Nais ng may akda na imulat tayo sa katotohanan at hindi sa kasinungalingan.

9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Epektibo ba ang paraan ng mga gamit ng mga salita . Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa sa pagkabuo ng akda.Maylaya ba ang istilo ng pagkasulat sa nilalaman ng akda ? Ito ba ay
may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda.

Sagot:

Kapani-paniwala ang mga nabanggit sa akda.

10.Buod

Hindi kailangang isulat ng mahaba ang istorya ng akda ang pagbanggit ng mahalagang detalye ang
bigyang tuon.

Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang
buong katunayan ng mga bagay-bagay.Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian:
Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at
ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw;
marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang
isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y
mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng
kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa
ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na
nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito
na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay
nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na
pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang
mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng
kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinuduLugan
at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit
sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man
ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran. Ang kaLiLuhan at ang
katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL
ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at
maLiwanag na napatatanaw sa paningin. MapaLad ang araw ng Liwanag! Ay! Ang anak ng Bayan, ang
kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang
mga kaapihan?

You might also like