Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-MIMAROPA
Sangay ng Lungsod ng Calapan
Paaralang Pampurok ng Kanlurang Calapan
Paaralang Elementarya ng Masipit
Lungsod ng Calapan

FILIPINO 6
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan__________________________________ Marka_________
Baitang at Seksyon_____________________________ Petsa__________

Pangalan at Lagda ng Magulang: ________________________________________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Itiman ang bilog ng wastong sagot.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang ang
bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ang ulo upang sipsipin ng uwak ang tubig . Hirap na hirap abutin ng uwak ang
kaunting tubig sa malalim na sisidlan . Kahit anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya at luminga- linga at tumingin siya sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang problemang
kinakaharap natin. Tama siya ! sa isang iglap ay naisip niya ang tanging ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at tumuka
siya ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik- balik siya sa paglagay ng mumunting bato hanggang umabot
ang tubig sa makitid na bunganga ng pitsel . Nakainom ang uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap
lamang.
1. Ano ang naging suliranin ni uwak?
A. Uhaw na uhaw siya
B. Makipot ang bunganga ng pitsel kaya di niya maipasok ang tuka upang sipsipin ng tubig.
C. Mahirap pabalik balik kumuha ng maliliit na bato
D. Hindi natugunan ang kaniyang pagkauhaw
2. Paano nalutas ng uwak ang kaniyang suliranin.
A. Itinumba niya ang pitsel sa pamamagitan ng kaniyang tuka upang makainon ng tubig.
B. Tumuka siya ng mumunting bato at inihulog sa pitsel hanggang umabot ang tubig sa makitid na bunganga
C. Pinilit niya ipinasok ang kaniyang ulo sa bunganga ng pitsel
D. Inantay niyang may tao magpuno ng tubig sa pitsel.
3. Paano mo lulutasin ang suliranin kung ikaw si uwak upang ipakita ang pagiging mapamaraan?
A. Gagawin din ang ginawa ni uwak upang matugunan ang pagkauhaw
B. Iwanan na lang ang pitsel at maghanap na ng ibang maiinuman
C. Patumbahin ang pitsel upang makainom.
D. Magtawag ng mga kasama upang tulungan ka.
4. Ano ang maaring mangyayari kung sakali hindi nakainom si uwak sa oras ng kaniyang pagkauhaw?
A.mamatay si uwak B. magwawala si uwak C. manghihina si uwak D. magkakasakit si uwak
5. Ano ang aral na nais iparating ng pabula?
A. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin
B. Ang mahirap ay di dapat gawin
C. Huwag pilitin lutasin ang problema
D. Maging maluwag ang buhay kung di intindihin ang paglutas ng suliranin.
6. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong binasa?
A. uwak B. pitsel C. bato D. tubig
7. Alin ang angkop na pamagat sa kwentong iyong binasa?
A. Ang Paglipad Ng Uwak B. Ang Uwak At Ang Pitsel C. Ang Uhaw Na Uwak D. Ang Tubig At Ang Uwak
8. Hindi nagpakita ng pagod si Uwak na kumuha ng maliliit na bato upang tumaas ang tubig ng pitsel at siya ay
makainom ng tubig. Anong katangian ang ipinakita ni Uwak.
A. masipag B. matalino C. mapamaraan D. matiyaga

II. Panuto: Unawain ang bawat pahayag at itiman ang bilog ng wastong sagot.
9. Isang batalyon ang mga batang pumunta sa gymnasium upang mag-audition at mapabilang sa Teatro Adriatico ng
paaralan. Anong uri ng panggalan ang salitang batalyon?
A. Basal B. Pamilang C. Lansakan D. Tahas
10. Ang pamilya Reyes ay mahilig mag-alaga ng manok, pato, at gansa sa kanilang bakuran, kung kaya maraming
kapitbahay ang natutuwa sa kanila. Alin ang pangkat ng pangngalan kumpleto mula sa pangungusap.
A. mag-anak, manok, kapitbahay, mag-alaga, gansa C. pamilya Reyes, manok, pato, gansa
B. kanila, manok, pato, gansa, kapitbahay D. pamilya Reyes,manok, pato, gansa, bakuran, kapitbahay
11. Si Maria ay kilala sa kanyang kabaitan, katalinuhan at kagandahan, gayundin sa kanyang pagiging mahinhin kung siya
ay bumati sa ibang tao. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangngalan.
A. kabaitan B. katalinuhan C. bumati D. katalinuhan
12. Ang Agosto ay buwan ng taunang pagdiriwang ng Wikang Pambansa ayon sa Komisyon ng Wikang Pambansa. Anong
uri ng pangngalan ang salitang may salungguhit.
A. basal b. Pambalana C. tahas D. Pantangi
13. Hon. Arnan C. Panaligan, Gob. Dolor, Lungsod ng Calapan, Kapitolyo, Araw ng Kalayaan: Ang mga nabanggit ay
halimbawa ng tanging ngalan, anong uri ng pangngalan ito?
A. Di-konkreto B. Pambalana C. Konkreto D. Pantagi
14. Anong uri ng salitang pambalana ang mga sumusunod: kagalakan, tagumpay at pighati.
A. Di-konkreto B. Pambalana C. Konkreto D. Pantagi
15. Ang lupain ng aking mga magulang ay kinailangang ipagbili upang matugunan ang pinansiyal na pangangailan ng
kapatid kong may sakit. Alin sa mga sumusunod ang pangngalan na nasa kayariang maylapi?
A.magulang B. lupain C. sakit D. kapatid
16. Tao ang pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos dahil sa kakayahan nating pumili ng tama mula sa mali. Alin sa mga
sumusunod ang nasa kayariang payak na pangngalan?
A. tao B. uri C. kakayahan D. tama
17. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang nasa kayariang tambalan?
A. tauspuso, balik tanaw, gabi-gabi C. minu-minuto, kaarawan, kapatid
B. taingang kawali, kapitbahay, bahaghari D. MakaDiyos, Makatao, Makabansa
18. Araw-araw akong pinapaalalahanan ni nanay bago pumasok sa paaralan na dapat makinig sa guro at huwag
makipag-away sa kaklase. Anong kayarian ng pangngalan ang may salungguhit?
A. maylapi B. inuulit C. tambalan D. payak
19. Isa sa problemang kinahaharap ng paaralan ang hindi wastong pagtatapon ng basura ng mga mag-aaral, sa iyong
palagay paano ka makatutulong dito? Alin sa mga sumusunod na salita ang pangngalang nasa kayariang payak?
A. paaralan B. basura C. mag-aaral D. basurahan
20. “Bata pa lamang ako ay tinuturuan na ako ni tatay na maghulog ng pera sa alkansiya,ngayon ay malaki-laki na ang
aking ipon. Ganun ka ri na?, __________ na ang ipon mo?” Alin ang angkop na panghalip pananong upang mabuo ang
diwa ng pahayag?
A. ano B. sino C. magkano D. gaano
21. Pagsapit ng ika-7 ng umaga ang ____ mag-aaral ay nahuhuli sa klase dahil sa trapikong hinaharap nila pagpasok sa
loob ng gate ng paaralan . Ano ang angkop na panghalip panaklaw na bubuo sa diwa ng pangungusap.
A. marami B. lahat C. sinoman D. ibang
22. Kung may mga bagay tayong hindi na maibabalik sa mundo isa dito ang oras. ________ay hindi kayang pigilin ang
pagtakbo ng oras kaya marapat nating gamitin ng tama. Ano ang angkop na panghalip panaklaw na bubuo sa diwa ng
pangungusap.
A. anuman B. sinoman C. gaanoman D. saanman
23. “Masigla ang buong klase sa aming talakayan tungkol sa katangian ng tunay na Pilipino ng magtanong ang guro,
sumagot____ at natuwa naman siya sa narinig ______”. Alin ang wastong panghalip panao na bubuo sa pangungusap?
A. akin-siya B. ako-niya C. ko-kanya D. ikaw-siya
24. “Habang naglalaro kami ay nakita namin ang mga ibon sa itaas ng punungkahoy, laking tuwa namin sa aming nakita
dahil ____ ay mga maya.” Ano ang angkop na panghalip na pamatlig sa pangungusap?
A. ito B. diyan C. iyan D. iyon
25. “ ‘Tay gusto ko pa sanang samahan sina lolo at lola dahil wala naman pong pasok bukas,”paalam ni Mariz. “Sige, anak
ihahatid kita at _________na tayo maghahapunan kasama ang iyong mga pinsan,”tugon ng ama. Ano ang angkop na
panghalip na pamatlig sa pangungusap?
A. dito B. diyan C. doon D. ganoon
26. Anong saloobin o damdamin ang ipinahahayag ng pahayag? “ Bakit kaya ako inaway ng kaibigan ko, wala naman
akong natatandaang ginawang masama sa kanya?
A. panghihinayang B.pagkamangha C. pagtataka D. pagkagalit
27. “Ma’am ako po ang nakawala ng susi ng ating silid-aralan , humihingi po ako ng paumanhin sa aking kapabayaan.”
Anong saloobin o damdamin ang ipinahahayag ng pahayag?
A. pagkalimot B. pagpapakumbaba C. pag-aalala D. pag-iingat
28. “Ngayon ko lamang narating ang bahaging ito ng Lungsod ng Calapan. Wow! napakaganda talaga ng lugar na ito!”
A.katapatan B. katalinuhan C.kapayapaan D. kaligayahan
Pag-aralan ang kard katalog. Itiman ang bilog ng wastong sagot ng mga sumusunod na pahayag.
F
398.2 Legends (Alamat)
C891m Cuasay, Pablo M.
Mga 55 Piling Alamat ng Pilipinas
Maynila: National Bookstore, c. 1991
176p; 26cm
ISBN971-08-5100-8

1, Legends 2. Legends – Phil


1 Title
29. Ano ang nilalaman ng aklat batay sa kard katalog?
A. Alamat C. Cuasay, Pablo M.
B. Maynila: National Bookstore D. ISBN
30. Anong uri ng kard catalog ang nasa itaas?
A. Kard ng Pamagat B. Kard ng Paksa C.Kard ng Manunulat D. Kard ng Aklat
31. Saan inilimbag ang aklat ayonsa kard katalog?
A.Makati B. Pasay C.Maynila D. Pasig
32. Kailan nilimbag ang aklat na nakalad sa kard katalog?
A. 1990 B. 1991 C. 1992 D. 1994
Basahin at unawain ang kwento. Itiman ang bilog ng wastong sagot sa mga sumusunod na pahayag.

Isang araw, may langgam na natangay ng agos, humihingi siya ng sakloo. Napadaan ang isang kalapati sa may
ilog ng may napansin siyang langgam na kumakawag-kawag, agad siyang pumitas ng dahon at dinala sa kawawang
langgam. Kumapit ito sa dahon hanggang sa mailipat siya sa ligtas na lugar. “Maraming salamat kaibigan sa pagliligtas
mo sa akin” ani ng langgam. “Ako nga pala si Litong Langgam” pagpapakilala nito. “Walang anuman, ako nga pala si
Kikang Kalapati” sagot naman ng kalapati. Makalipas ng ilang araw habang naghahanap ng makakain si Litong Langgam
ay may napansin siyang isang lalaki na tila may inaasinta. Laking gulat niya ng sinundan niya ito ng tingin at makitang si
Kikang Kalapati ang sinisipat ng mata nito. Dali- dali niyang tinunton ang lugar ng mangangaso at agad na kinagat ng
paulit-ulit ang mga paa nito. Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo. Nagulat si Kikang
Kalapati at agad na lumipad palayo. Nilapitan ni Kikang Kalapati si Litong Langgam at nagpasalamat. Dito nagsimula ang
pagiging mabuting magkaibigan ng dalawa. Naging matalik silang magkaibigan.

33. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


A.Larry Langgam at Kikay Kalapati C. Litong Langgam at Kikang Kalapati
B.Lornang Langgam at Kikong Kalapati D. Lolong Langgam at Kitty Kalapati
34. Paano naging magkaibigan ang langgam at kalapati?
A.Iniligtas ni kalapati si langgam C. May mga bagay na pareho nilang kinagigiliwan
B. Iniligtas nila ang isa’t isa sa panganib D. Iniligtas ni langgam si kalapati
35. Anong kaisipan kaya ang nais na iparating ng kwento?
A. May malalapitan sa oras ng pangangailangan
B.Huwag piliting lutasin ang problema, malulutas din yan!
C.Mag-ingat lagi upang hindi mapahamak.
D.Ang pagtulong ay nagbubunga ng magandang samahan at pagtitiwala.
36. Ano ang posibleng nangyari kung hindi nakita ni langgam ang mangangaso?
A.Malulunod si kalapati C. Mababaril si kalapati
B.Makakatakas si kalapati D. Maliligaw ang mangangaso
37. Kung hindi tinulungan ni kalapati si langgam, ano kaya ang mangyayari kay langgam?
A. Makakain ng isda si langgam C.Mapapadpad sa ibang lugar si langgam
B. Maaanod sa dagat si langgam D. Malulunod si langgam
38. Isang araw, may langgam na natangay ng agos.
A. Nadala B. Kumapit C. Lumangoy D. Nadulas
39. Napadaan ang isang kalapati sa may ilog ng may napansin siyang langgam na kumakawag-kawag.
A.Kakamot-kamot C. Kumakampay-kampay
B.Kumakaway-kaway D. Kinakapos ng hininga
40. Si Kikang Kalapati ang sinisipat ng mata nito.
A. Binabantayan B. Sinisilip C.Nakikita D. Tinitingnan
41. Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo.
A. Napatili B. Napaiirit C.Napasigaw D. Napatulala
42. Sumungaw ang kalapati sa may ilog.
A. Dumako B. Nahulog C.Lumabas D. Sumilip
43. May napansin si Litong Langgam na isang lalaki na tila may inaasinta.
A. Binabantayan B. Kinakalkula ng tingin C.Pinaliligiran D. Tinititigan
44. Umiindayog ang dahon sa ihip ng hangin.
A.Nag-aawitan B. Nagsasayawan C.Naglalaglagan D. Nagliliparan

45-50. Basahin at unawain ang kwento. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang mula 1-6 sa bawat puwang.

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na
bunga. “Swerte ko naman. Hinog na tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo
upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Mumundag siya muli at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin saw akas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. “ Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili.

_______ Nakakita siya ng puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.


_______ Lumundag ang lobo at lumundag nang lumundag ngunit wala siyang nakuha.
_______ Sa isang kagubata ay inabot ng gutom ang lobo.
_______ Hindi maabot ng lobo ang bunga ng ubas.
_______ Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas
_______ Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas.

You might also like