Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatoon sa paglalahad sa antas ng kalinisan sa

paghahanda ng pagkaing street food particular sa Siyudad ng Tagbilaran sa taong

2019-2020.

Sumasaklaw rin ito sa layuning malaman ang mga kasanayan hinggil sa

paghahanda ng street food. Kabilang na dito ang mga kagamitan lugar o pwesto

kung saan sila nagtitinda pati na rin ang kanilang personal na kalinisan.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa lahat ng mga nagtitinda ng street food

sa Siyudad ng Tagbilaran. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin o alamin

ang antas ng kalinisan sa paghahanda ng pagkaing kalye o street foods. Sa huli,

bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang baguhin o

mas siguraduhin ang kalinisan sa paghahanda ng pagkain.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwantitatibong pananaliksik na kung

saan nag lalakip ito ng mga datos na may mga numero. Ispisipiko, ginagamit nito

ang diskriptubong paglalarawan na kung saan ito ang pinaka angkop na disento

ng pananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng

pananaliksik ay upang ilarawan ang mga datos at mga katangian tungkol sa kung

ano ang pinag-aaralan . pinakamainanm na gamitin ito para sap ag-aaral ng

katotohanan at pagkakasangkot nito sa pakolekta ng datos sa pamamagitan ng

pagsagot sa mga kwestyoner, mga obserbasyon at mga panayam upang


maisagawa ang mga layunin ng pag-aaral (shuttleworth, 2008). Ang disenyong

paglalarawan o deskriptibo ay ang makakalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananaliksik.

Respondente

Ang respondent ng pag-aaral na ito ay ang mga nagtitinda at mamimili ng

“street foods” sa siyudad ng Tagbilaran. Ginagamit ng mga mananaliksik ang

simple Random Sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay Malaya mula

sa kinabibilangan nitong grupo.ang mga mananaliksik ay pumili ng 50 na

respondente. Ang mga napiling respondente ay hiningan ng pabor ng mga

mananaliksik na sumagot sa sarbey kwestyuner ng nasabing pag-aaral.

Lugar

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa siyudad ng Tagbilaran. Ang lugar na

ito ay isang pangalawang uring bayan sa lalawigan ng Bohol. Ito ang punong

lungsod at kompenenteng lungsod sa pulo ng Bohol. Matatagpuan ito mga 630

kilometro timog-silangan ng Maynila at 72 kilometro timog ng lungsod ng Cebu.

Nasa timog-kanlurang bahagi ng Bohol ang Tagbilaran at may kabuuang lawak ng

lupain na 32.7 km, kabilang ang 13 km na baybayin. Ayon sa huling senso noong

2007, ito ay may populasyon na 92, 297. Ang siyudad na ito ay may mga nagtitinda

ng “street foods” na kung saan ito ang “target place” sap ag-aaral na ito.
Instrumento

Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o “survey questioner”

bilang pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na magagamit sap ag-

aaral. Ang talatanungan ay mahahati sa dalawang pangkat: ang profyl ng mga

respondente at ang sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang sarbey ay

nagbibigay ng iba’t ibang saloobin ng nagtitinda at mamimili ng “street foods”

hinggil sa wastong paghawak at paghahanda ng pagkain.

You might also like