Professional Documents
Culture Documents
Summative Test SA FILIPINO 1st Grading
Summative Test SA FILIPINO 1st Grading
PANGALAN:___________________ PETSA:_________________
PANGKAT AT BAITANG :__________ ISKOR:_________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng pagsusulit. Pillin o ibigay ang
wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Pagbasa
I. Talasalitaan
A. Panuto: Dagdagan ang bawat bilang ng salitang kapangkat o kauri ng salita sa unahan.
Halimbawa: balitaw – tinikling, _____, _____
Maaring sagot: balse, pandanggo
1. galit - poot, _____, _____
2. saya - galak, _____, _____
3. lakad - takbo, _____, _____
4. pinya - mangga, _____, _____
5. aklat - notbuk, _____, _____
6. dyip - kotse, _____, _____
7. lungkot - dusa, _____, _____
8. tuta - kuting, _____, _____
9. sapatos - bota, _____, _____
10. patintero - piko, _____, _____
B. Panuto: Suriin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa gamit nito sa
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Maraming masasarap na pagkaing inihanda sa piging para sa kaniyang kaarawan.
a. piknik
b. handaan
c. hapunan
d. panauhin
2. Talagang masigasig siya sa pag-aaral kaya laging matataas ang grado niya.
a. mabilis
b. masipag
c. matulungin
d. malakas
3. Bahagi ng kalinangan ng mga mamamayan ang mga tradisyon at kaugalian.
a. sining
b. awitin
c. kultura
d. sibilisasyon
4. Ang watawat, sampagita, nara, at barong Tagalog ay mga pambansang simbolo ng ating
bansa.
a. mithiin
b. sagisag
c. kagamitan
d. produkto
5. Isang marangyang karwahe ang hila ng apat na puting kabayo ang sinakyan ng prinsipe.
a. mabango
b. magara
c. marangal
d. mabilis
6. Natatamnan ang kaniyang malawak na lupain ng tubo at palay.
a. maluwang
b. malalim
c. may mga lawa
d. malayo
7. Tanyag sa buong mundo ang flourescent light.
a. mabili
b. nag-iilaw
c. kilala
d. gamit
8. Nilustay ng anak ang perang matagal ng panahong inipon ng mga magulang.
a. itinago
b. inubos
c. tinipon
d. hiniram
9. Nag-alab ang damdamin ng pagmamahal nila sa bayan at sariling kalinangan.
a. nawala
b. nag-init
c. naglaban
d. nakilala
10.Marahang yumukod ang makata bago bumaba sa tanghalan.
a. yumuko upang magbigay-galang
b. tumalikod
c. lumakad
d. ngumiti
II. Pag-unawa
A. Panuto: Basahin ang salaysay. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titikng tamang sagot.
Nag-away minsan ang mga tutubi at mga matsing. Hinamak kasi ng mga mmasing ang mga tutibi.
Painagtawanan nila ang mga tutubi dahil anila’y malaki pa ang mga mata nito kaysa tuhod.
Nagalit tuloy ang mga tutubi, kaya’t hinamon nila ang mga matsing sa isang labanan. Hindi naman
sila inurungan ng mga matsing.
Sa gitna ng parang naglaban ang dalawang pangkat. May dalang mga pamukpok ang mga matsing.
Inutusan ng pinuno ng matsing ang mga kawal matsing:
“Pukpukin ninyo ng inyong pamukpok bawat makitang tutubi!”
Narinig ng pinuno ng mga tutubi ang malakas na utos ng pinunong matsing. Ibinigay niya ang utos
sa mga kawal tutubi:
“Dumapo sa ulo ng mga matsing. Mabilis na lumipad kapag may panganib.”
Nagsimula na ang labanan. Walang ginawa ang mgsa tutubi kundi ang dumapo at lumipad,
dumapo at lumipad sa ulo ng mga matsing. Pukpok dine, pukpok doon naman ang mga matsing sa mga
tutubing nakadapo sa ulo ng kapuwa matsing. Ngunit agad namang naklilipad ang mga tutubi. Kung
tatanawin mula sa malayo ang labanan ng matsing sa matsing.
Madaling natapos ang labanan. Nakabulagta lahat ng mga matsing na pawang hilo at duguan ang
ulo. Samantala, wala ni isang nasugatan sa panig ng mga tutubi.
1. Tungkol saan ang kwento?
a. Mabuting samahan ng mga tutubi at mga matsing
b. Pagmamalabis ng mga matsing
c. Labanan ng mga tutubi at mga matsing
2. Ano-ano katangiang makapaglalarawan sa mga tauhan?
a. Matatalino ang mga tutubi; hang mga matsing.
b. Malalakas ang mga matsing; mabibilis ang mga tutubi.
c. Kapuwa matatalino, malalakas, at mabibilis ang mga matsing at mga pulubi.
3. Ano ang angkop na pamagat para sa kwento?
a. Ang mga Tutubi at ang mga Matsing
b. Hangal na Matsing
c. Ang mga Malalakas at ang mga Mahihina
4. Ano ang pangunahing kaisipan sa kwento?
a. Malakas man magaling, kung di-pag-iisipan ang wastong gamit paraan, ay wala ring halaga.
b. Nasa kaliitan ang tagumpay.
c. Patas lamang laban, malaki man o maliit.
5. Ano sa palagay mo ang nagpalakas ng loob ng mga tutubi na makipaglaban sa mga matsing?
a. Alam nilang malaki man ang mga matsing, mga bobo naman ang mga ito.
b. Alam nilang sila’y nakalilipad.
c. Marunong silang umisip ng paraan.
B. Panuto: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gumamit ng
mga titik a hanggang e.
_____1. Iniutos ng pinunong matsing, “Pukpukin bawat makitang tutubi.”
_____2. Natapos ang labanang nakabuwal lahat ang hilo at duguang matsing.
_____3. Ang mga matsing ay pukpok dito, pukpok doon ang ginawa sa mga ulo ng kapwa
matsing, samantalang ang mga tutubi naman ay lipad-dapo, lipad-dapo sa ulo ng matsing.
_____4. Nagkaroon ng labanan ang mga matsing at mga tutubi.
_____5. Iniutos naman ng pinunong tutubi matapos marinig ang utos sa mga matsing, “Dumapo
sa ulo ng matsing; pag may panganib, lumipad agad.”
IV Pagpapahalagang Pampanitikan
Panuto: Basahin ang mga tugma at sagutin ag mga tanong na kasunod.isulat ang titik ng tamang
sagot.
Ito palang labong
kung bago tutubo;
Langit na mataas
ang tinuturo.
b. labong
tutubo
mataas
itinuturo